Garnet Academy: School of Eli...

By justcallmecai

28.3M 1M 785K

(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the s... More

Garnet Academy
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Last Chapter (Part 1)
Last Chapter (Part 2)
Epilogue
Book Announcement
Special Chapter
Bonus

Chapter 12

406K 19K 7.8K
By justcallmecai

Chapter 12

Priority

Nang marinig ko ang boses ni Kuya ay tila biglang lumakas ang aking loob kahit na namimilipit na ako sa sakit.

Pinipilit kong makatayo. Kanina ay wala na akong balak pa dahil alam kong hindi naman ako makakalaban, wala na ring saysay ang pagiwas ko. Pero ngayong pwede ko nang maipakita ang kakayahan ko... Lalaban na ako.

My head is spinning a bit but I still managed to stand up. Naririnig ko ang paghiyaw at ang pag-cheer ng iba kay Stephanie.

I positioned my self as I tightly closed my fists.

I'll give you a clean fight, Stephanie.

"Matibay ka," ani Steph sa mapait na tono.

Nanatiling tikom ang bibig ko at nagfocus na lang sa laban. I'm determined to win this fight.

I was hurt, but it does not mean that I'll give up already. Sometimes, hurt serves as a motivation.

Nakangiti si Stephanie habang panay ang ikot namin sa ring at humahanap ng bwelo.

"Akala mo ba kaya mo ako? You're a pathetic trash! You don't deserve to be here in this school!" asik niya.

"Let's just finish this quiz, Stephanie. Pagod na ako." I told her.

Mabilis ang naging kilos niya. Agad nakapunta si Stephanie sa harapan ko. She tried to punch me but I am able to block it using my left hand. Doon din ako nagkaroon ng pagkakataon upang magpakawala ng isang suntok gamit naman ang kanang kamay ko. Natamaan ko ang gilid ng kanyang labi at mabilis iyong dumugo.

"Ouch! You bitch!" daing niya at umamba ng suntok na muli kong nailagan.

Sobrang agresibo ng kanyang mga kilos.

Nang makakita ako ng tiyempo ay doon ko nagawang sipain siya sa kanyang kaliwang binti dahilan nang pagkabagsak niya. Everyone is screaming. Nakarinig pa nga ako ng iilang mura para sa akin.

Biglang pumito ang aming Prof, hudyat na tapos na ang laban.

Bakit kanina no'ng bumagsak ako ay hindi pa rin itinitigil? Ganoon ba talaga pag hindi Flamma? Pag hindi mataas ang ranggo? Okay lang na masaktan?

Pagod na ako at ramdam na ramdam ang sakit ng katawan. But I can't help not to think ill about the reality... If you have the power and money, everyone seems to be in your side. If not, then all you have is yourself.

How fuck up is that, huh?

Stephanie is now crying like a baby. Hawak niya ang kanyang hita at panay ang iyak. I felt sorry, but I gave her a clean fight.

What she did to me is far worst!

Bumaba na ako ng ring at agad lumapit kay Kuya. My head is spinning like crazy.

"Kuya," tawag ko.

He looks so devasted. Tumakbo siya papalapit sa akin.

"I'll bring you to the school hospital, okay? I'm so sorry." ani Kuya.

Ngumiti lamang ako at tumango.

I understand why Kuya doesn't want me to fight in the first place. Pero no'ng makita niya akong nasaktan na, I know he wants me to fight back and defend myself.

Alam kong ayaw niya akong nasasaktan. Parehong pareho sila ni Daddy.

Bago pa man ako makahakbang palayo ay nakita kong dumating si Kairon at nagmamadaling umakyat sa ring. Bawat hakbang niya ay tila inaapakan ang aking puso.

He immediately carried Stephanie out of the ring. He's like her very own superhero.

My heart suddenly hurts so bad. Real bad. At hindi ko alam kung bakit.

Mas lalo akong nakaramdam ng hilo hanggang sa puro itim na lang ang nakita ko.

-

Nang imulat ko ang aking mga mata ay isang hindi pamilyar na lugar ang aking nakita. Everything is white. Mula sa dingding, pader, at pati sa kamang hinihigaan ko ngayon.

"Lil sis, you're awake." ani Kuya.

Agad akong tumingin sa aking gilid at nakita ko siya roon.

"Nasaan ako, Kuya?" I asked.

Ang sakit sa aking ulo ay hindi pa rin nawawala.

"You're in the hospital. Okay ka lang ba? Anong nararamdaman mo?"

Sinubukan kong bumangon at inalalayan naman ako ni Kuya.

"Okay naman, Kuya. Medyo masakit lang ang ulo ko. Ano bang nangyari?"

Kuya took a deep breath. "Nahimatay ka na lang bigla. I'm so worried, Paige."

Hinawakan ko ang braso ni Kuya. "'Wag ka nang mag-alala. Okay naman na ako, Kuya."

Hindi ko masyadong maalala ang lahat. Basta ang huli kong natatandaan ay nakita ko si Kairon na buhat buhat si Stephanie paalis sa ring.

"Kuya... W-wala bang dumalaw sa akin?" tanong ko.

I don't know why I am hoping. Damn it!

"Wala," agad na sagot ni Kuya.

Kumurot ang puso ko roon.

"Kami lang ni Mac ang narito kanina pa." dagdag pa ni Kuya Beau.

Kumunot ang aking noo. Ano raw? Si Kuya Mac?

Paglingon ko sa kabilang gilid ng aking kama ay nagulat ako nang makita si Kuya Mac na nagbabasa ng libro.

Nanlaki ang aking mga mata. What the hell?! Bakit siya nandito?

"Ku-Kuya... Bakit nandito si Kuya Mac? A-alam niya?" sabi ko tapos ay tinuro-turo ko pa si Kuya Mac.

Sinara ni Kuya Mac ang kanyang libro tapos ay natatawa akong tinignan.

"Matagal na." sagot naman ni Kuya Beau.

"Kahit hindi halata, malapit kami niyang Kuyang mong abno." natatawang sabi ni Kuya Mac.

Ngayon ko lang siya narinig na magsalita! Tahimik lang kasi siya lagi, eh. Tuwing dinner ng mga Flamma, wala naman din siyang kinakausap. Kahit si Kuya at hindi niya kinakausap!

"Mapagkakatiwalaan si Mac." ani Kuya. "Sobrang helpful ng pagiging tahimik niya at kawalan ng paki sa mundo."

Natawa naman ako kay Kuya Beau. I'm happy that aside from my own Kuya, may isa pa akong Kuya na pwedeng pagkatiwalaan dito sa school.

Kuya Mac looks like a foreigner. Ang alam ko ay half american siya. He's tall and wears glasses all the time. Malabo siguro ang mga mata niya. At kung mahilig siyang magbasa ng libro ay walang duda na magkakasundo kaming dalawa.

Biglang may dumating na doktor upang suriin ako. Ilang saglit lamang nagtagal iyon. Ang sabi ay makakauwi naman na ako bukas. Manatili raw muna ako ngayong gabi.

"Bibili muna kami ng pagkain, ha. Saglit lang." paalam sa akin ni Kuya Beau.

Tumango ako dahil ayaw ko ng pagkain dito sa ospital. Wala kasing lasa.

"And Kuya, please don't tell Daddy about what happened... You know Dad." sabi ko.

Kumunot ang noo ni Kuya. "You really don't want to tell Dad?"

"Yes, Kuya. Mag-aalala lang iyon. Simpleng mga pasa at sugat lang naman ang nakuha ko. At saka quiz lang 'yun. It's nothing serious." saad ko pa.

Tumango si Kuya Beau tapos ay lumabas na siya kasama si Kuya Mac.

Nang maiwan ako mag-isa ay agad akong pinuno ng maraming katanungan.

Si Kairon... Sana ay dinalaw manlang niya ako kahit saglit lang. O kahit tinanong manlang niya kung okay ako.

Hindi ba siya nag-aalala sa akin? Wala ba siyang pakialam? Wala lang ba talaga ako para sa kanya? Am I just a servant... a toy for him?

I gripped in the white blanket that's covering half of my body.

Sabagay, bakit nga ba niya ako iisipin? It's Stephanie he's worried about!

Sumakit ang aking dibdib at tiyan.

I hate to say this, but how I wish he's worried about me too. How I wish I'm the one he carried away from the ring... but clearly, I wasn't.

Maybe Stephanie is right. That I am nothing to Kairon.

Isang luha ang pumatak sa aking pisngi. Hanggang sa nagsunod-sunod na. Damn it!

Narinig ko ang pag-awang ng pintuan kaya mabilis kong pinalis ang luha sa aking mga mata.

Hindi ako pwedeng makita ni Kuya na umiiyak! Tatangunin lang niya ako kung bakit at malamang ay wala akong maisasagot kung sakali.

Nanlaki ang aking mga mata nang makita si Kairon doon sa pintuan. Lalong nagwala ang kung ano sa aking dibdib.

Totoo ba? Si Kairon ba talaga ang nakikita ko ngayon?

Nakatayo lamang siya sa pinto at mariing nakatingin sa akin. His eyes were bloodshot.

Hindi ko alam kung bakit galit at lungkot ang nakikita ko sa ekspresyon niya ngayon. I-Is he mad at me for hurting Stephanie?

"Ba-bakit ka nandito?" I dared to ask.

Mabilis ang pangyayari.

Kairon suddenly ran to me and he... hugged me... as tight as he possibly could.

Umawang ang labi ko sa gulat! Pakiramdam ko ay nanginginig ang buong katawan ko.

Anong ginagawa niya?! Bakit niya ako yinayakap?

"Anong ginagawa mo?" tanong ko pa.

"I'm sorry. I'm really sorry..." namamaos ang kanyang boses. "I didn't know. I'm sorry."

Naramdaman ko ang agad na panunubig ng aking mga mata.

"A-ano bang sinasabi mo?"

Ang kamay ko ay nanatiling nasa ere. Hindi ko magawang yakapin siya pabalik kahit gustuhin ko man.

I can feel his chin in my shoulder and his warm body against mine.

I don't know why I suddenly found comfort.

"I'm sorry. Hindi ko alam na ikaw ang kalaban ni Stephanie. Wala akong alam." aniya. "Kung alam kong ikaw 'yon, I wouldn't think twice. It's you whom I'll carry away from that ring."

Ang kaninang namumuong luha ay tumulo na ngayon. Damn it! Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Hindi dapat ganito!

"A-ako?" hindi makapaniwalang tanong ko. Nanginginig pati ang aking boses. "Bakit ako?"

"Priorities." mabilis na sagot ni Kairon.

Mas humigpit ang kanyang yakap sa akin at mas lalong hindi ko mapigilan ang pag-iyak.

"You are my priority, Paige Manuel." he said. "I'll hurt anyone who dares hurt you. Trust me, I fucking will, baby."

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
456 78 35
Sabi nila, kapag daw nasa fifteen below ang edad mo ay crush lang ang lahat, paghanga lang kumbaga. Pero kay Reia bakit parang hindi? She fell in lov...
16K 725 15
Vanessa, a senior-high student, loses her cherished notebook, only to find it in the hands of Mark Tristan Santiago, a popular varsity player. Intrig...
14.6K 1.2K 89
❒Book 1 - Completed ┈┈┈┈┈ ❍Synopsis Naomi Sage is a quiet lady. At school, she is a simple, modest girl. She is intelligent and has been mistaken for...