BOOK I: Touch Her and You'll...

By ayemsiryus

207K 6K 364

UNDER FINAL MAJOR REVISION Kasabay ng pagtatagpo nila ay ang simula ng kanilang pakikipaglaban. Sa una, magka... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Author's Note

Chapter 46

2.1K 64 1
By ayemsiryus

Chapter 46 - Her I Love You

Reeam (Nique)

"Hindi ka pa ba kikilos?" napalingon ako nang marinig ko ang boses na 'yon. "Aalis na tayo para sa opening ng annual competition,"

Inialis ko ang tingin sa kaniya. "Kailangan pa ba ako doon?"

"Bilang young master ng organisasyon... oo naman,"

"Yeah, right," walang magawang sambit ko saka nagtungo sa walk-in closet.

Kinuha ko ang isang long sleeves polo na kulay itim. Ipinares ko sa suot kong itim na fitted slacks, at black leather shoes. Naka-tuck in at nakatupi hanggang sa siko ang polo, nakabukas ang unang dalawang butones. Ginawa kong messy bun ang ayos ng buhok ko't nagsuot rin ako ng nerdy glasses. Gusto ko lang mapansin ng lahat ang mga mata ko sa pamamagitan nito.

Paglabas ko, sumalubong sa akin ang magandang ngiti ni Marrette. Pinasadahan pa ako nito ng namamanghang tingin. Kaya wala sa sariling tiningnan ko rin ang kabuuan niya, casual ang suot niya, hindi katulad sa akin na pormal. Checkered ang suot niyang polo na nakabukas lahat ng butones kaya kita ang suot niyang black v-neck shirt sa loob, naka-black jeans at puting rubber shoes rin siya. Nailang ako nang tumigil siya sa mukha ko at parang bigla siyang natulala dahil ang tindi ng intensidad ng tingin niya.

"Bakit ang ganda mo?" nadinig kong sambit niya kaya napaiwas ako ng tingin.

"Marrette,"

"Shut up, sasabihin ko kung anong gusto kong sabihin," natatawang sagot niya. "Napakaganda mo, kahit isa kang delikadong tao," napatingin ako sa kaniya at walang pinagbago sa postura niya, nakangiti parin at nakatingin ng diretso sa akin. "Nakakatakot ka pero... nakakaakit rin. 'Yang walang emosyon mong mukha, ang mga mata mong pinanindigan ang kulay nito dahil sa pagiging patay kung tumingin at ang mabigat na aura na nararamdaman ng lahat mula sa'yo... 'yan ang mga bagay na bumubuo sa'yo,"

"Marrette... bakit ako?" bigla nalang lumabas sa bibig ko ang tanong na 'yan pero hindi ko pinagsisisihan.

Saglit siyang natigilan bago mahinang tumawa. "Reeam, hindi ko alam," umiiling na sagot niya habang unti-unting sumisilay ang lungkot sa mga mata at hindi ako handa para doon kaya bigla akong napaiwas ng tingin bago maglakad papunta sa pintuan.

"Kailangan na nating umalis," at mabigat ang loob na tuluyan akong lumabas ng kwarto.

"Akala ko hindi ka na sasama," bungad sa akin ni Leeam. Gaya ko ay nakasuot din 'to ng pormal na polong itim at slacks, naka-braid naman ang kaniyang buhok.

"Pwede ba namang hindi? Alam ko namang kailangan ako doon,"

"Kung hindi ko pa sinabi 'yan, hindi mo naman malalaman," tatawa-tawang sabat ni Marrette na nakababa na pala. Iniwasan ko nalang na dumapo sa kaniya ang paningin ko.

"Tara na nga, naghihintay na sina Mom and Dad," pag-anyaya ni Leeam kaya lumabas na kami ng bahay at sumakay sa van.

"Ang tagal niyo naman," sambit ni Dad na nakapormal ring kasuotan.

"Itong anak niyo po kasi, hindi pa nakabihis noong umakyat ako," si Marrette na pinatutungkulan ako.

"Bakit naman, Reeam Dominique?" sambit ni Mom na napakasopistikadang tingnan sa simple pero eleganteng itim na dress na kaniyang suot.

"Wala, Mom. Hindi ko lang namalayan ang oras," sagot ko at hindi naman na ako nilaglag pa ni Marrette.

Tulala ako hanggang sa makarating kami sa venue ng annual competition. Isang pribadong arena na pagmamay-ari ng organisasyon. Hugis tatsulok ito na sumisimbolo sa tatlong dibisyon: ang puti, itim at abo.

Umiinit ang sulok ng mata ko dahil alam kong maaari kong makita si Ciel ngayon. Matapos ang naging pag-uusap namin na halos isang linggo na ang nakakalipas, wala na akong naging balita sa kaniya. Ngayon ko nalang rin ulit siya masisilayan.

"Umalis ka na. Magkita tayo sa annual competition,"

Nanikip ang dibdib ko nang umalingawngaw sa isip ko ang mga salitang 'yan. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili dahil tuluyan na kaming nakapasok sa loob ng arena. Agad bumungad sa amin ang bilog na elevated platform sa gitna kung saan magaganap ang laban. Pati na rin ang mata ng lahat na pinapanood kaming maglakad papunta sa upuan namin sa kanang parte ng tatsulok na arena mula pagpasok. Pataas ang mga upuan dito na ookupahan ng mga taong parte ng organisasyon. Sa katapat naming parte, doon ang para sa White Division at ang nasa itaas ng pintong pinasukan namin ang para sa Gray Division. Parallel sa pwesto ng pinto ang isang maliit na booth pero kasintaas ito ng mga upuan. Doon nakapwesto ang speaker para sa annual competition. Sa ibaba namin ay may mga upuan pa, katapat ito ng elevated platform, doon maaaring umupo ang pamilya ng taong lalaban na parte ng Black Division. Ganoon din ang sa ibaba ng White Division sa tapat namin.

"The most awaited event of the year... the annual competition has come. I want to officially open this by calling the presence of our Young Master," napapikit ako nang sabihin 'yan ng speaker. Pinilit kong patigasin ang ekspresyon ng mukha ko dahil alam kong matutuon sa akin ang atensyon ng lahat, at nang kumalma rin ng bahagya ang puso ko doon na ako tumayo mula sa kinauupuan ko. "There she is," sambit ng speaker. "And I would also like to see the Reaper of White Division's 1st family," napamura ako sa isipan ko dahil kilala ko kung sino ang tinutukoy ng speaker. "Thank you, Lour Vlic," sinabi 'yan ng speaker nang tumayo si Ciel gaya ko. At halos mabasag ang sistema ko nang magtagpo ang mga mata namin.

Nakasuot siya ng puting blouse at pinatungan niya 'to ng white women's coat na nakapares sa puting slacks. Ang buhok niya ay nakaladlad gaya noong gabi ng taunang selebrasyon. At walang ipinagbago ang maamong mukha niya na dinaig pa ang anghel. Ang mga mata niyang napakainosente dahilan para tumindi ang pagnanais kong protektahan siya mula sa lahat.

Ang babaeng pinakamamahal ko... ang kasintahan ko at ang-. "Their fight will be the main event of annual competition," -ang taong kalaban ko. Huminga ako ng malalim nang makita kong naglalakad na siya pababa sa elevated platform kaya sumunod na rin ako papunta doon. Mas tumindi ang pangungulilang nararamdaman ko nang magkaharap kami. Wala nang isang metro ang layo namin sa isa't isa, pero hindi ko pa rin siya magawang hawakan man lang. "The annual competition...," napalunok ako nang i-angat niya ang kamao niya sa harap ko. "...has now officially started," sambit ng speaker nang idikit ko ang nakakuyom kong kamao sa kaniya. 'Yon ang nagsisilbing signal na simula na ang annual competition... isang fist bump sa pagitan ng Rank 1 Reapers.

Nang tumalikod siya't magsimula nang maglakad, natulala ako sa kaninang kinatatayuan niya sa harap ko. Ganito rin ang nangyari non sa annual celebration. Pero pinilit ko ang sarili na ibalik ang tigas ng ekspresyon ko't nagsimula na ring maglakad pabalik sa upuan ko. Wala akong balak na hintayin pa ang pagsaklolo sa akin ni Marrette.

"Each day, only one fight will be conducted. This competition will last for 10 days, since there are 10 pairs of Reapers in the organization," ani ng speaker. "Today, we will witness the fight between the Reapers of Black and White Division's 10th family,"

Halos hindi ko napagtuunan ng pansin ang laban dahil wala akong ibang ginawa kung hindi ang titigan si Ciel. Hindi ko alam kung masisiyahan ba ako dahil nasisilayan ko ang maamong mukha niya o malulungkot dahil walang oras na ibinalik niya ang tingin ko. Tutok ang atensyon niya sa nagaganap na laban.

Hindi ko rin maisip kung paano nangyaring napakatigas niya tingnan ngayon. Pakiramdam ko, bumaliktad ang mundo. Nakuha niya ang pag-uugali ko't ako naman ay naging mahina. Ibang-iba ang Ciel na nakikita ko ngayon, kung ikukumpara sa unang beses ko siyang makita na binubuyo ni Francis.

Napahinga ako ng malalim nang kainin ang sistema ko ng lungkot dahil nangibabaw sa isipan ko ang isang ideya. Maaaring hindi na niya ako kailangan... hindi na niya kailangan ng taong poprotekta sa kaniya. Sa nakikita ko ngayon, kayang-kaya na niya ang sarili niya. Sa aming dalawa, siya na 'yong dapat katakutan. Tang ina, ano bang nangyayari sa akin? Lugmok na lugmok ako.

Pero siguro nga, sadyang mahal ko lang siya kaya ako nagkakaganito ngayon.

"Hindi porket ganito na ang sitwasyon ngayon, ibig sabihin non na hindi na kita kailangan,"

Napangiti ako ng mapait nang umalingawngaw sa isip ko 'yan.

Sana nga, Ciel.

Wala sa sariling tumayo ako mula sa kinauupuan ko at nagsimulang maglakad paalis. Alam kong nasa akin na naman ang mata ng lahat at marahil nagtataka sila kung anong ginagawa ko pero wala akong pakialam. Ayaw ko na dito. Dahil ang makita siyang parang hindi apektado sa nangyayari sa pagitan namin... nagdudulot ng matinding sakit sa aking damdamin.

Bago pa ako mawala sa katinuan at hayaan ang sarili kong patayin ng hindi magagandang emosyon, aalis na ako. Hindi ko na kaya. Alam kong nagbabadya na ang mga luha ko. Alam kong iiyak na naman ako hanggang sa wala na akong luhang mailabas.

Nang makalabas, doon ko naalalang wala nga pala akong dalang sasakyan kaya pigil ang luha na naglakad ako malapit sa highway para makasakay ng taxi. Pero nabigla ako nang may humila sa kamay ko dahilan para mawalan ako ng balanse at napaibabawan ko ang taong 'yon.

"Anong ginagawa mo?! Magpapakamatay ka ba?!" singhal niya sa akin pero natigilan siya nang mapagtanto niya ang pwesto namin. Ako man ay natigilan rin kaya hindi agad ako nakakilos para tumayo.

"Ah... a-ano," hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"L-letse! Umalis ka nga sa ibabaw ko!" singhal na naman niya kaya agad na akong tumayo. Inilahad ko ang kamay ko sa kaniya pero hindi niya 'to tinanggap at umiwas lang ng tingin pagkatayo niya. Ganoon nalang rin ang ginawa ko dahil ayaw kong matawa sa pamumula ng mukha niya.

"S-sorry," hinging paumanhin ko.

"A-ano ba kasing pumasok diyan sa kukote mo't naisipan mong magpakamatay?!"

Gulat akong napatingin sa kaniya. "H-hindi, ah! P-pumunta ako dito para makasakay ng taxi dahil wala naman akong dalang sasakyan,"

Napatingin siya sa akin. "G-ganoon ba?"

"O-oo,"

"Letse, nakakahiya," narinig kong bulong niya. "Oh, ayon! Taxi!" biglang kabig niya at pinara ang dumaang sasakyan. Nang tumigil 'to sa harap namin, agad niyang binuksan ang pinto ng backseat at tinulak ako papasok. "Sakay!" kamot-ulo tuloy akong umayos ng upo sa loob lalo pa nang sumunod siya papasok.

"B-bakit nandito ka?"

"Syempre, sasamahan kita! Saan ba ang punta mo?"

"S-sa bahay lang," mahinang sagot ko at sinabi na niya sa driver ng taxi ang address ng bahay.

Tahimik lang kami buong byahe. Hindi ko naman kasi alam ang sasabihin ko't kapani-panibago naman na hindi siya maingay ngayon. Nakatuon lang ang paningin sa labas ng bintana, seryosong tinitingnan kung ano man ang nadadaanan namin. Kaya ganoon nalang rin ang ginawa ko.

Naiisip ko, paano ako makakapaglabas ng emosyon kung nandito siya? Gusto ko sanang mapag-isa pero alam kong hindi niya pahihintulutan ang bagay na 'yon.

Nang makarating sa bahay ay dire-diretso akong pumasok sa kwarto ko pero hanggang doon ay sinundan pa rin niya ako.

"Bakit ka umalis kanina?" tanong niya.

Napabuntong-hininga ako. "Marrette," pagod na sambit ko sa pangalan niya. Nananatili siyang nakatayo sa may pinto habang ako'y nagpapalit ng damit at nakatalikod sa kaniya.

"Reeam, ano bang nangyayari sa'yo?" seryosong tanong niya dahilan para matigilan ako. "Ano na bang nangyayari sa inyo ni Criza?" sunod na tanong niya. "Nag-aalala na kami sa'yo,"

"Marrette, hindi ko alam," tiim bagang na sagot ko.

"Hindi pwedeng hindi mo alam! Aware ka ba sa mga pagbabago mo?!" pagtataas niya ng boses.

"Marrette, please... huwag ngayon," napapabuntong-hiningang sagot ko at umupo sa kama.

"Reeam, kailan? Kailan mo kami hahayaang ipakita ang pag-aalala namin sa'yo?" napa-angat ako ng tingin dahil nakatayo na siya sa harapan ko. "Bakit ba pinipilit mo pa ring maging malakas kahit alam naman nating lahat na pagod at nanghihina ka na?! Reeam, maawa ka naman sa sarili mo!" napayuko ako at napangiwi nang mamasa na ang mga mata ko. "Walang masama kung ipapakita mong nanghihina ka dahil tao ka, Reeam," biglang naging malumanay ang boses niya. "At hindi masamang maging tao,"

"Anong gagawin ko? Kailangan kong maging malakas para sa amin ni Ciel. K-kailangan kong magmukhang malakas para sa pamilya natin. Ayaw kong maiba ang tingin sa atin ng mga taong parte ng organisasyon," pangangatwiran ko.

"Pero hindi mo kailangang magtago sa amin. Hindi mo kailangang itago ang nararamdaman mo... mula sa amin," muli akong natigilan. "Huwag kang umiwas sa amin, please... huwag mong sarilinin lahat, huwag mong pasanin mag-isa ang lahat. Nandito kami... nandito ako, Reeam," tuluyan nang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan nang yakapin niya ang ulo ko at suklayin ng marahan ang buhok ko. "Dito ka sa akin manghina... ibigay mo sa akin ang kahinaan mo, papalitan ko 'yon ng lakas," napakapit ako sa damit niya sa likod. "Sa akin ka kumuha ng lakas... kahit ngayon lang, Reeam," at tuluyan na akong nanghina sa mga bisig niya.

Hindi kami magkayakap. Nakaupo ako sa gilid ng kama at nakatayo siya sa harap ko. Ang noo ko ay nakasandal sa tyan niya at nakakapit ako sa damit niya. Ang mga kamay niya ay nasa ulo ko, ang isa'y nakapatong sa balikat at ang isa'y sinusuklay ang buhok ko. Hindi masyadong malapit sa isa't isa pero hindi rin malayo, ito ang kailangan ko ngayon.

Wala nang salitang namutawi sa pagitan namin dahil napuno ang kwarto ng mga hikbi't hagulgol ko. Hindi ko akalain na mailalabas ko ang ganito kabigat na emosyon. Hindi ko akalain na mararanasan kong umiyak at maging mahina ng ganito. Sa ilang taon na lumipas na akala ko... manhid akong tao, walang pakialam at walang puso, ni minsan hindi ko naisip na malulugmok ako ng ganito. Hindi ko akalain na napakahina ko pala sa aspetong emosyonal.

Mahina pala ang puso ko.

Nang wala na akong mailabas pang luha pero tuloy-tuloy pa rin ang paghikbi ko, lumuhod sa harap ko si Marrette para magpantay ang paningin naming dalawa. Nagulat ako nang makitang nangingilid ang kaniyang mga luha, lalo pa nang sumilay ang isang mapait na ngiti sa labi niya.

"Sorry for the word pero tang ina, anong ginawa ni Criza sa'yo?" panimula niya. "Nasasaktan rin ako, Reeam... nasasaktan akong nakikita kitang ganito ka-miserable," madiin na sambit niya na tumagos sa puso't isipan ko. "Sana ako nalang ang minahal mo... sana ako nalang," mahinang aniya kasabay ng pagragasa ng luha sa kaliwang pisngi niya.

"Marrette," malungkot na tawag ko sa kaniya.

"Hindi mo kailangang magsalita," iiling-iling na sambit niya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Sa isang iglap, nakalapat na ang kaniyang labi sa noo ko na labis kong ikinabigla. Pakiramdam ko'y nanigas ang buong katawan ko dahilan para hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. "Magpahinga ka na," natauhan nalang ako nang sabihin niya 'yan sa harap ko nang may maliit na ngiti sa labi.

"Ah, o-oo," utal na sagot ko.

Bago pa man ako makahiga, muli siyang nagsalita. "Mahal kita, Reeam,"

Huminga ako ng malalim. "M-mahal din kita, Marrette pero... hindi gaya ng pagmamahal mo sa akin," hindi makatinging sagot ko.

Hindi siya sumagot. Napansin kong naglakad siya papunta sa sulok ng kwarto kung nasaan ang gitara ko. Pinakatitigan niya muna 'to bago dalhin at naramdaman ko nalang ang pag-upo niya sa kabilang gilid ng kama dahilan para magkatalikuran kami. Saka ko narinig ang pagtugtog niya sa gitara at hindi rin nagtagal, nagsimula siyang kumanta.

And I hate to say I love you
When it's so hard for me
And I hate to say I want you
When you make it so clear
You don't want me

Nahigit ko ang paghinga ko nang makilala ko ang kantang inaawit niya.

I'd never ask you cause deep down
I'm certain I know what you'd say
You'd say I'm sorry believe me
I love you but not in that way

Naikuyom ko ang kamao ko sa pagpipigil sa sariling umiyak dahil tugma ang kanta sa isinagot ko sa kaniya kanina nang sabihin niyang mahal niya ako.

Tang ina, Marrette. Please, huwag mo nang pahirapan ang sarili mo.

And I hate to say I need you
I'm so reliant
I'm so dependent
I'm such a fool

Bakit kailangang mangyari sa pagitan namin ang bagay na 'to? Ayaw kong mawala sa akin si Marrette dahil matalik ko siyang kaibigan pero ang nararamdaman niya para sa akin ang nagbibigay dahilan para lumayo kami sa isa't isa. Dahil malinaw pa sa tubig na nasasaktan siya ng sobra dahil sa akin at pinapatay naman ako ng konsensya ko dahil doon.

When you're not there
I find myself singing the blues
Can't bear
Can't face the truth

You will never know that feeling
You will never see through these eyes

Sinisisi ko ang sarili ko dahil hindi ko agad nakita pero bakit mayroong sumisibol na pag-aalinlangan sa dibdib ko? Hindi ko ba talaga agad napansin o hindi ko lang talaga pinansin? Napakadaldal ng mga mata ni Marrette, 'yon ang nagsasalita para sa puso niya. Sadya lang bang may ibang hinahanap ang mga mata ko dahilan para hindi ko mapagtuunan ng pansin ang kulay itim niyang mga mata?

I'd never ask you
'Cause deep down I'm certain I know what you'd say
You'd say I'm sorry
Believe me
I love you
But not in that way

Kung gaano kadaldal ang mga mata niya, ganoon din ka-emosyonal ang boses niya. Dahilan para kilabutan ako dahil hindi man ako ang kumakanta, ramdam na ramdam ko naman ang mensaheng ipinaparating ng kanta. Salamat sa emosyonal na pag-awit ni Marrette. Tumatagos sa puso ko bawat salita dahil may kasama 'yong matinding emosyon mula sa puso niya.

You'd say I'm sorry
Believe me
I love you
But not in that way

Bahagya akong lumingon sa likod ko upang tingnan siya. Matapos niyang kumanta, ilang minuto siyang nanatili doon ng hindi gumagalaw. Hanggang sa ilapag niya ang gitara sa kama at walang salitang tumayo siya't nagtungo sa pinto. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko kaya wala akong ibang nagawa kung hindi ang matulala sa pinto nang tuluyan siyang makalabas.

Napakagat-labi ako dahil nagsimula nang lumabas ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Kinuha ko ang gitara at wala sa sariling niyakap 'to na parang si Marrette ang yakap ko.

Yes, Marrette... I'm sorry. Believe me, I love you... but not in that way.

ayemsiryus

Continue Reading

You'll Also Like

479K 13.9K 56
No description . Basta basa lang 😁😁.
4.1M 114K 85
ARRANGE MARRIAGE TO THE MAFIA BOSS (Unedited) I'm ordinary girl with a simple life but it all change when i realized that I'm Married to the Mafia B...
392K 12.9K 58
Heiress Series #1 Date Started: January 5,2019 Date Finished: May 14,2020 Highest Achieved #21 Fantasy ♥️👏
14.5M 440K 67
Highest Rank Reached in Action Category: Rank #1 Her innocence. Their violence. How come a weak and innocent girl manage to enter the academy. Except...