BOOK I: Touch Her and You'll...

Von ayemsiryus

206K 6K 364

UNDER FINAL MAJOR REVISION Kasabay ng pagtatagpo nila ay ang simula ng kanilang pakikipaglaban. Sa una, magka... Mehr

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Author's Note

Chapter 42

1.9K 67 4
Von ayemsiryus

Chapter 42 – The Five Hearts

Third Person

"HINTAYIN MO KAMI!" 'yon ang huling narinig ni Nique bago siya sumakay ng sasakyan at walang lingon itong pinaharurot palayo.

Mabilis ang kaniyang pagmamaneho pero malinis at maingat. Sa isipan tumatakbo ang direksyon papunta sa lugar na tinumbok ng tracing device ni Marrette.

Flashback.

"Matagal pa ba 'yan, Marrette?" tanong niya sa kaibigan. Ilang minuto na rin ang nakalipas nang simulan nitong i-trace ang cellphone number na ginamit ni Ciel pantawag sa kaniya.

"Malapit na, kaunti na lang," sagot naman nito at wala na nga siyang nagawa kung hindi ang maghintay na lang.

"Babygirl, calm down," pag-alo naman sa kaniya ni Leeam na tinanguan niya lang.

Ilang sandali pa'y napabalikwas sila nang sumigaw si Marrette. "ITO NA!"

Agad tiningnan ni Nique ang nasa screen ng laptop ni Marrette, kinabisado niya ang direksyon papunta dito mula sa bahay ng kaniyang kakambal kung saan sila naroroon. Nagtaka man sa tinumbok na lugar, wala na siyang pakialam at agad nang kumilos para umalis.

"Sandali, huwag kang magpadalos-dalos," pagpigil sa kaniya ni Marrette. "Hindi mo ba napapansin ang lugar kung nasaan siya? Wala ka bang naiisip na kung ano?" may pag-aalinlangan sa boses nito at napapikit siya dahil doon.

"Tama siya, babygirl. Nasa harap ng isang dagat ang kinalulugaran ng cellphone number na 'to. Masyadong kahina-hinala," sabat ni Leeam.

"Ilahad niyo ang gusto niyong sabihin," malamig na sagot ni Nique, kahit pa mayroon na siyang sariling hinala at konklusyon sa isip, gusto pa rin niyang marinig ang sasabihin ng dalawa.

Nagkatinginan ang dalawa at sa huli, si Marrette ang nagsalita. "Harap ng dagat, ibig sabihin open space. Walang mapagkukublihan si Criza dito. Lalo pa't isang pribadong lupa ang lugar na 'to, at wala akong makuhang impormasyon sa kung sinuman ang nagmamay-ari nito," tumigil siya saglit. "Balik tayo sa senaryo, kung ako ay isang bihag at nagkaroon ako ng pagkakataon na makagamit ng cellphone at makahingi ng tulong, hindi ba dapat mag-iingat ako't hangga't maaari... magtatago ako dahil hindi ako pwedeng mahuli na gumagamit ng cellphone?"

"Paano kung patibong lang 'to, babygirl?" pagtatapos ni Leeam.

Napapikit si Nique dahil kung ano ang nasa isip niya, 'yon din ang inilahad ng dalawa. "Hindi natin malalaman kung hindi tayo pupunta sa lugar na 'yon," itinuro pa niya ang pinto. "Kaya patibong o hindi, wala na akong pakialam... ayaw kong pakawalan ang pagkakataon na 'to," pinal na desisyon niya't ipinagpatuloy ang pag-alis.

"Pero kahit gumawa man lang muna tayo ng plano!" natatarantang sambit ni Marrette pero sininghalan niya lang ang kaibigan at tuluyan nang lumabas ng pinto.

Isang kahangalan ang paghintayin pa si Ciel, tama na ang dalawang linggo. Sa isip ni Nique.

End of flashback.

Ilang beses na siyang huminga ng malalim habang nagmamaneho. Mayroong tumutubong pag-aalinlangan sa dibdib niya pero lamang ang kagustuhang makita't mailigtas na ang kasintahan.

"Pero paano kung mabigo nanaman ako?" mahinang tanong niya sa sarili. Kasabay nito ay ang pagbagal ng kaniyang pagmamaneho dahil bigla siyang pinanghinaan ng loob.

Hindi, hindi na ako mabibigo! Sa isip niya. Pumikit siya't muling huminga ng malalim na para bang humuhugot ng lakas.

"Hindi matatapos ang gabing 'to hangga't hindi tayo magkasama, Ciel," determinadong sambit niya at ibinalik sa dating bilis ang pagmamaneho.

Nang makarating sa lugar ay agad siyang bumaba ng sasakyan. Katahimikan ang sumalubong sa kaniya, taliwas sa inaasahan niyang magulo at bantay-sarado na paligid. Kung tutuusin, tila walang namamalaging tao sa lugar na kinaroroonan niya.

Hindi nalalayo ang estilo ng lugar na 'to sa kaniyang rest house. Nasa bungad siya ngayon ng isang pathway na tila hinihintay ang pagdaan niya. Pumikit siya't pinakiramdaman ang paligid, kung mayroon bang nagkukubling mga tao sa mapupunong bahagi ng lugar... pero wala, wala siyang maramdaman.

"CIEL!" buong lakas na sigaw niya na bumulabog sa katahimikan ng lugar.

Nagsimula siyang maglakad ng alerto at may hawak na baril. Nakatutok ito sa baba habang dahan-dahang humahakbang at palinga-linga sa paligid. Nang medyo naging kampante, binilisan niya kaunti ang pagkilos. Hanggang sa maitapak na niya ang kaniyang paa sa buhangin. Senyales na halos nasa harap na siya ng dagat.

Napasinghap siya nang pag-angat niya ng tingin, mayroong nakatayong babae sa harap ng dagat. Nakatalikod ito at sumasayaw kasabay ng hangin ang matingkad nitong buhok na kulay itim dahilan para biglang magdilim ang kaniyang paningin at mabibigat ang hakbang na tinungo ang kinaroroonan ng babae.

Kasabay ng malalim na paghinga ang pagtutok niya ng baril sa babae. Naglaan siya ng halos dalawang metro sa pagitan nilang dalawa. Nagharap na ang unang dalawang puso.

"Nasaan si Ciel?" tiim bagang na tanong niya. "Sana sa pagkakataong 'to, sagutin mo na ako!"

"Huwag kang magmadali na makaharap siya, Reeam," humarap ang babae sa kaniya at naglabas din ng baril na isinalubong sa nguso ng hawak niyang armas. "Dahil ayaw mo naman sigurong harapin na ang nakaraan?"

Hindi alam ni Nique pero bigla siyang nanlamig sa sinabi ng kaharap patungkol sa nakaraan. "A-anong nakaraan ang sinasabi mo?"

"Hanggang ngayon ba'y tatakas ka pa rin?" humakbang ang babae palapit, dahilan para mapaatras naman si Nique. "Hindi mo na matatakasan ang nakaraan, Reeam!" biglang naramdaman ni Nique ang galit mula sa kausap. "Tama na ang laro, harapin mo ang ginawa mo noong nakaraang taon!"

"Talagang tama na ang laro, Laquian! P-paano mo nagawa 'to?" hindi makapaniwalang usal ni Nique habang mas humihigpit ang hawak sa baril. "I-ikaw si Phoebe? Hindi ko alam kung bakit nagulat pa rin ako sa presensya mo dito pero... ikaw talaga si Phoebe, Laquian?" hindi niya alam kung bakit ganoon pa rin ang pagkagimbal na naramdaman niya kahit pa alam na niya ang posibilidad na 'to.

Oo, si Laquian ang pangalawang tao na pinaghihinalaan nila ni Marrette.

"Bakit nga ba nagulat ka pa?" nakangising sagot ni Laquian. "Ramdam ko na pinaghihinalaan niyo na ako ng kaibigan mo. Nakumpirma ko 'yon nong huling pag-uusap natin," ang tinutukoy nito ay ang pagbisita niya sa mansyon ng mga Velmon. "Alam kong marami kang tanong pero wala na tayong oras para diyan, Reeam," mapang-asar na sabi pa nito.

Nananatiling gulat na nakatingin si Nique sa babaeng nasa harap niya. "Paano mo nagawa ang lahat ng 'to? Bakit? Bakit mo ako kinakalaban? Bakit ang sariling kakambal mo pa?!" natigilan siya saglit nang humakbang pa papalapit ang kausap. "LINAWIN MO LAHAT, LAQUIAN!"

"Wala akong dapat linawin sa'yo,"

"MAYROON! IPALIWANAG MO LAHAT!" mariing utos ni Nique.

"Sagutin mo ang sarili mong mga tanong, Reeam. Wala akong responsibilidad na ipaliwanag sa'yo ang lahat," malamig na tugon naman ni Laquian.

Saglit na napamaang si Nique bago muling magsalita. "Sabagay, wala nang saysay kung tatanungin pa kita dahil nagawa mo na lahat. Ang gusto ko nalang mangyari ngayon... ang maibalik sa akin si Ciel," naging matalim ang tingin niya sa kausap. "Ilabas mo na siya,"

"Malapit nang matapos ang laro natin, Reeam. Handa ka na ba?" walang emosyong sagot ni Laquian.

"Ikaw, handa ka na bang matalo?" pagbabalik tanong niya dito.

"Handa ako... ikaw ang hindi handa sa susunod na larong haharapin mo," doon sumilay ang isa nanamang ngisi. "Nakaraan na ang magiging kalaro mo, handa ka na ba?" tila nanunuyang tanong nito.

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Bakit hindi mo hayaang ang kasintahan mo ang magpaliwanag sa'yo?"

"Anong... si Ciel? Nasaan si Ciel?!"

"Nasa tabi mo," malamig na sagot ni Laquian at bago pa man makakilos si Nique, mayroon nang nakatutok na baril sa kaniyang sintido.

"Long time no see, Nique," mga salitang nanggaling sa pangatlong puso na lalong nagpahirap sa kaniyang kumilos.

Tila napako sa kaniyang kinatatayuan si Nique at hindi man lang magawang lumingon. Ang malamig na nguso ng baril na nararamdaman niya sa kaniyang sintido at ang mapanggiit na presensya ng taong nasa kaniyang gilid ang dahilan kung bakit tila nahihirapan siyang gumawa ng kilos.

Nagsimulang lumakas ang kabog ng kaniyang dibdib nang maalala niya ang salitang 'nakaraan', naghatid 'yon ng takot sa kaniyang sistema dahilan para magsimulang manginig ang kaniyang kamay na may hawak sa baril na nakatutok kay Laquian.

"Bago magsimula ang laro natin, gusto kong maglahad ng isang kwento," kasabay ng pag-ihip ng malamig na hangin, ang pagsayaw ng mga salitang 'yan mula sa taong nasa gilid ni Nique.

"C-Ciel...," nanghihinang sambit niya sa pangalan ng kaniyang kasintahan.

"Ako nga, Nique,"

Nangingilid ang mga luhang tumugon siya sa kausap. "A-anong ibig sabihin nito?"

"'Kill me... and then leave me', natatandaan mo pa ba ang mga salitang 'yan?"

Biglang nanghina ang kaniyang braso at muntik maibaba ang baril na nakatutok kay Laquian ngunit pinilit niyang huwag magbaba ng depensa. Napapikit siya't hinayaang maglandas sa magkabilang pisngi ang kaniyang mga luha.

Nasa harap ko na ang multo ng nakaraan. Sa isip niya habang patuloy na lumuluha.

"Nang sinabi mo ang mga salitang 'yan, nagkaroon na agad ako ng konklusyon sa isip ko," malamig na sambit ni Ciel. "Hindi ako tanga, Nique pero pinili kong magtanga-tangahan dahil pinaniwala ko ang sarili ko na i-imposible ang konklusyon kong 'yon," naimulat ni Nique ang kaniyang mga mata nang marinig ang pagkabasag ng boses ng dalaga.

Pinilit niya ang sarili na magsalita. "I-I'm sorry,"

"MANAHIMIK KA!" napapitlag si Nique sa biglang pagsigaw ni Ciel. Hindi niya matingnan ang dalaga dahil sa diin ng pagkakatutok ng hawak nitong baril sa kaniyang sintido kaya wala siyang magawa kung hindi ang lumuha habang diretsong nakatitig sa mga mata ni Laquian. "ANONG KLASENG TAO KA?! WALA KA BANG KONSENSYA?! BAKIT MO PINATAY ANG MOMMY KO?!"

Biglang tumigil sa pagtibok ang puso ni Nique habang nanlalalaki ang mga mata. "C-Ciel, h-hindi ang Mommy mo ang—," natigilan siya't napakagat-labi dahil hindi niya alam ang kaniyang gagamiting salita. "H-Hindi ang Mommy mo ang nagawan ko ng kasalanan. Si C-Crizana Marione Varga ang target ko ng araw na 'yon, h-hindi ang Mommy mo," biglang nanginig ang tuhod ni Nique nang tumawa si Ciel na wala man lang bahid ng kung anong saya nang matapos siyang magsalita.

"Oo nga pala. Si Crizana Marione Varga, ang Tita ko, nga pala ang inakala mong napatay mo noong araw na 'yon," nanunuyang sambit nito.

"A-anong inakala? A-anong ibig mong sabihin?" puno ng takot na sagot ni Nique.

"Ang Mommy ko ang napatay mo noong araw na 'yon, Nique," tuluyang nanghina si Nique at napaluhod sa buhanginan. "Si Crizanta Marie Velmon ang pinatay mo para maging ganap kang Reaper," dagdag ni Ciel sa malamig na boses.

Hindi... hindi 'to totoo. Nahihintakutang turan ni Nique sa kaniyang isip habang tuloy-tuloy ang pag-agos ng kaniyang mga luha. Nakaluhod at nakababa na ang depensa habang mayroong dalawang baril na nakatutok sa kaniya, mula sa kambal na Velmon.

"I'm sorry. Patawarin niyo ako... hindi ko sinasadya, hindi ko alam. Patawad, h-hindi ko ginusto 'yon. Patawarin niyo ako, I'm sorry... I'm really sorry," paulit-ulit niyang sambit habang umiiyak na nakaluhod sa harap ng kambal na Velmon.

Ang kambal na Velmon ay nananatiling matigas ang emosyon na nakatingin sa taong pumatay sa kanilang ina. Parehong mahigpit ang hawak sa baril na nakatutok kay Nique. Ngunit sa puso ni Ciel, mayroong sumisilip na kapatawaran para sa taong kaniyang minamahal. Pero sadyang mas matimbang ang galit kaya natabunan non ang kaniyang nararamdaman para sa taong nakaluhod sa harap niya.

"Handa ka na bang tanggapin ang hiniling mo sa akin?" malamig na sambit niya habang madiin ang pagkakatitig kay Nique na nananatiling nakayuko at hindi sinasalubong ang kaniyang tingin. "Handa na akong ibigay ang iyong kamatayan... kapalit ng buhay ni Mommy na kinuha mo," wala siyang narinig na sagot mula kay Nique na hindi humuhupa ang pag-iyak.

I'm sorry. Mahal kita pero mas mahal ko ang Mommy ko. Sa isip ni Ciel at dahan-dahan nang dinidiinan ang daliri sa gatilyo.

Pero bago pa man niya tuluyang makalabit ang gatilyo, may naramdaman silang humahangos papunta sa kanilang direksyon at bago pa man siya makalingon—. "Subukan mong ituloy ang binabalak mo... ako ang makakalaban mo, Criza," —mayroon na ring nakatutok na baril sa kaniya, handang gamitin maprotektahan lang ang kaibigan.

Bagamat natigilan, mabilis nakabawi si Ciel. "Marrette, ikaw pala,"

Oo, ang bagong dating ay walang iba kung hindi si Marrette Gonzales. Ang pang-apat na puso't matalik na kaibigan ni Nique. Ang pusong matagal nang nagmamahal sa kaniya.

"Kailangan mong maging mabilis para masaktan kaming dalawa dahil isang segundo lang na mahuli ka... patay ang kaibigan mo," sabat ni Laquian nang hindi inaalis ang tutok ng baril kay Nique pero nanghahamon ang tingin kay Marrette.

"Nakalimutan mo na yatang nasa panig ako ni Reeam," ngunit lubos na natigilan si Laquian nang umalingawngaw ang boses na 'yon, kasabay ang pagtutok din ng nagmamay-ari nito ng baril sa kaniya. "Laquian... bakit?" at sa loob-loob niya'y labis siyang nanghina nang makapa ang sakit sa isang salitang 'yon.

"L-Leeam," dumating na rin ang panglimang puso. "I'm sorry,"

Natigilan si Leeam bago malungkot na ngumiti. "Ngayon naiintindihan ko na kung para saan ang paghingi mo ng tawad,"

"REEAM! TUMAYO KA DIYAN!" sigaw ni Marrette sa kaibigan pero hindi man lang 'to gumalaw. Doon na nagsimula ang laban sa pagitan nilang lima.

Ang laban sa pagitan ng limang puso.

Napakabilis ng pangyayari, sa isang iglap naging matunog ang pagsalpak ng mukha ni Nique sa buhanginan nang sipain siya sa batok ni Ciel. Kasabay non ang pagsipa naman ni Marrette sa sikmura ni Ciel at ang pagdisarma niya dito. Itinapon niya ang baril nito sa malayo at agad nilapitan si Nique.

Agad humarap si Laquian kay Leeam at ibinangga ang kaliwang bisig niya sa kanang pulso ni Leeam upang mabitiwan nito ang baril. Kasabay non ang pagsipa ni Leeam sa kamay ni Laquian dahilan para mabitiwan din nito ang hawak na baril. Nagulat man, agad nakabawi si Laquian pero hindi niya inaasahan ang paglusot ng kaliwang paa ni Leeam sa pagitan ng kaniyang mga binti, ikinawit nito ang paa sa likod ng kaniyang kanang tuhod. At nang hilahin ni Leeam ang kaniyang paa, kasabay non ang pagluhod ng dalaga sa kaniyang harap. Pero hindi niya inaasahang gagawin din ito ni Laquian sa kaniya, gamit naman ang kanang braso dahilan para bumagsak ang kaniyang likod sa buhanginan nang mawalan siya ng balanse.

"Ayos ka lang ba? Tumayo ka!" natatarantang sambit ni Marrette sa kaibigan pero nakalusot ang paa ni Ciel at ang tinamaan nito ay ang mukha ni Nique, dahilan para patihaya siyang bumagsak sa buhanginan. Agad hinawakan ni Marrette ang paa ni Ciel at tumayo kaya nawalan rin ng balanse ang dalaga't bumagsak rin. Muli niyang inalalayan sa pagtayo si Nique. "Umalis ka na rito! Kami nang bahala ni Leeam dito!" sambit niya habang itinutulak si Nique pero hindi nagpapatinag ang dalaga.

"Hindi ako aalis! M-Marrette, huwag mong sasaktan si Ciel—!" hindi natapos ni Nique ang sasabihin nang saluhin ni Marrette ang suntok na pinakawalan ni Ciel. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamao ng dalaga at walang anu-ano'y sinuntok ito sa kanang tagiliran dahilan para mapadaing ang dalaga pero hindi nito masyadong ininda ang tirang 'yon. Agad itong bumawi ng suntok kay Marrette gamit ang isa pang kamay na nasalo naman ni Nique. "Ciel, tama na! Pag-usapan natin 'to ng maayos!" ngunit wala ring nagawa ang pagsusumamo niya nang magpakawala ng sipa si Ciel na kumonekta sa kaniyang sikmura dahilan para tumalsik siya palayo.

"LETSE NAMAN, REEAM! LUMABAN KA!" utos ni Marrette sa kaibigan na may halo nang pakiusap bago makipagpalitan ng suntok at sipa kay Ciel.

Agad nakagulong pakaliwa si Leeam nang puntiryahin ni Laquian ang kaniyang mukha, mabilis siyang tumayo na sinabayan ng dalaga. Nang makita ang sitwasyon ng kaniyang kakambal na tumatayo mula sa pagkakatalsik sa sipa ni Ciel, agad siyang kumilos para puntahan ito pero nakaharang na si Laquian.

"Ako ang harapin mo, Leeam,"

"Laquian, ayaw kitang saktan... ayaw kong makipaglaban sa'yo," mahinahong sambit ni Leeam dahilan para mainis si Laquian dala ng guilt dahil sa kabila ng mga ginawa niya, ganito pa rin ang ipinapakita sa kaniya ni Leeam.

"Pwes ako, gusto ko," madiin na sambit nito at walang anu-ano'y inundayan siya ng sunod-sunod na suntok na dinedepensahan niya lang. "LUMABAN KA!" sigaw ni Laquian nang mapagtantong hindi lumalaban si Leeam at dinedepensahan lang ang sarili.

"Kapag sinabi kong ayaw ko, ayaw ko!" madiin ring sagot ni Leeam at hinigpitan ang hawak sa magkabilang pulso ni Laquian nang mahuli niya ang mga 'to. Nakakrus ito ngayon sa kaniyang dibdib habang tinititigan ang mata ng dalaga. "Tama na, pakiusap. Tama na, Laquian," bulong niya.

Nang makabawi ng lakas, agad pumunta si Nique sa pagitan nina Ciel at Marrette upang awatin ang mga 'to. Ngunit bago 'yon, bumaba si Ciel at ipinaikot ang paa sa buhangin dahilan para matisod si Marrette at bumagsak sa kaniyang harapan. Hindi nakaligtas sa paningin ni Marrette ang pagdakot ni Ciel ng buhangin at nang tuluyan 'tong makatayo matapos umikot, agad nitong isinaboy ang buhangin sa mukha ng kaibigan niyang papalapit sa kanilang dalawa.

"AHHHHH!" daing ni Nique.

"REEAM!" sigaw ni Marrette at nagmadaling tumayo pero nahuli pa rin siya dahil walang habas na sinipa ni Ciel sa dibdib ang kaniyang kaibigan na nagwawala at hindi makakita dala ng buhangin na sumaboy sa mukha nito. "CRIZA, TAMA NA!" sigaw niya nang tuluyang bumagsak ang katawan ni Nique sa tubig-dagat. Agad siyang tumakbo papunta sa kaniyang kaibigan at agad 'tong tinulungang makaahon sa tubig. Kahit pa sa parte ng dalampasigan 'to bumagsak, hindi pa rin naging madali para dito ang umahon dahil sa iniinda nito dulot ng buhangin.

Nang makita ni Leeam ang nangyari, binitiwan niya si Laquian at agad pumunta sa kinaroroonan ng dalawa at tinulungan si Marrette na alisin sa tubig si Nique. Napako sa kanilang kinatatayuan ang kambal na Velmon.

"Babygirl!" hangos ni Leeam at tinanggal ang magkabilang kamay ni Nique na ipinantatakip nito sa kaniyang mga mata.

"Ang hapdi! Ang hapdi, Ate!" mangiyak-ngiyak na tugon ni Nique.

"Calm down," pagpapakalma nito sa kaniyang kapatid saka bumaling kay Marrette. "Kailangan nating umalis. Kailangang mahugasan ng malinis na tubig ang mata niya at mapatakan ng eye drops para hindi mag-persist ang irritation," kalmado ngunit maawtoridad na utos nito saka binuhat si Nique.

Ngunit natigilan sila nang lumapit si Ciel at bakas ang pag-aalala nito para sa kasintahan. "T-teka, saan niyo siya dadalhin?"

"Wala ka nang pakialam doon. In the first place, ikaw naman ang may kasalanan nito," madiin na sambit ni Marrette. Tinanguan niya si Leeam kaya nagpatuloy itong maglakad at walang nagawa doon si Ciel. "Sana nag-isip ka muna bago kumilos.... sana hindi mo hinayaang kainin ka ng galit," dagdag pa nito dahilan para mapayuko si Ciel. Binigyan pa ni Marrette ng huling sulyap ang kambal na Velmon saka nagmadaling sumunod sa kambal na Imperio.

Nahulog sa malalim na pag-iisip si Ciel.

Hindi niyo ako naiintindihan, Marrette. Sambit niya sa kaniyang isip bago niya maramdaman ang braso ni Laquian na umakbay sa kaniya at iginiya siya sa kung saan.

ayemsiryus

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

189K 4.4K 30
" Weird Girl with a Weird Name .. " " Vampire yan ! " " Waaaah . Nakakatakot. " Yan ang madalas na naririnig ko pag dumadaan siya, si Creo Summers. P...
12.3K 620 18
"Easy there, pup. You don't want to hurt your mate, do you?" A mysterious girl wearing with a cloak said. LUNA - Untamed Beast Short Story Race of My...
466K 8.8K 29
Si Athena ay isang simpleng babae lang na nangangarap makapasok sa Imperial College of Engineering. Gusto nyang makapasok dahil as crush na crush nya...
240K 1.4K 5
Alarkans mate is a hellcat teacher and she's Brandy Sky De Vries .