AILWAG Book 3: Change Of Fate...

By marielicious

49.8M 934K 306K

Theirs is a story that started all wrong. In fact, it's started with an accidental kiss with a gangster. Afte... More

AIWG Book 3: Change Of Fate [Completed]
[1] The New Start
[2] Who's This?
[3] Knockout
[4] Do It With Me
[5] Just Go Straight
[6] Liblib Na Lugar
[7] Sweet Dreams
[8] Buhay Probinsya
[9] Right Time
[10] Breakfast With His Family
[11] Dance Practice
[12] Campaign
[13] Just Chilling
[14] Open Space Party
[15] Motel
[16] TVC Shooting
[17] Favoritism
[18] Roommates
[19] Are You Jealous?
[20] Sorry Na
[21] Sudden Thought
[22] Surprise
[23] Starstruck
[24] Start Of Something New
[25] Again
[26] Anger
[27] New Life With A New Love
[28] Here Goes Miss Pugnacious
[29] A Night With Her
[30] Tattoo
[31] Regrets And Forgiveness
[32] Goodbye
[33] The Man In A Black Suit
[34] Mr. Professional
[35] Mr. Adviser
[36] Go Out With Me
[37] What's Wrong?
[38.1] Deep Sshh
[38.2] Deep Sshh
[39] Jealousy
[40] Secret Admirer
[41] Late
[42] Serious Talk
[43.1] Knowing Him Better
[43.2] Knowing Him Better
[44.1] Team Building
[44.2] Team Building
[44.3] Team Building
[46] Instant Reunion
[47] Mysterious Sender
[48] That's All
[49] Really Numb
[50] Marry Me
[51] Blunt
[52] Confused
[53] The Secretary
[54] Endearment
[55] Annoyed
[56] Shots Of Margarita
[57] Drunk
[58] You're Fired
[59] The Ring
[60] 60 Seconds
[61] Paths Cross
[62] Tension
[63] To Go Or Not To Go?
[64] The Moment
[65] Back Hug
[66] Giving Up
[67] Christmas Eve
[68] Disappointment
[69] Shattered
[70] Memories
[71.1] It's Back
[71.2] It's Back
[72] The Pledge
[73] Stunned
[74] Best Wishes
[75] Stop
[76] Separate Lives
[77] Past Or Present?
[78] Cold Feet
[79] Farewell
[80] Fade
Epilogue
Frequently Asked Questions [Updated]
Special Chapter #1
Special Chapter #2
Special Chapter #3
Special Chapter #4
Special Chapter #5

[45] Frappe And Roses

428K 8.4K 2.6K
By marielicious

[45] FRAPPE AND ROSES

 

GAIL'S POV

Monday na. Back to work. Kung wala ako sa mood kahapon sa team building, pwes ngayon naman ay napakalight ng mood ko. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil na rin sa party kagabi. After Fifth and I shared a wonderful dance, everything about me turned light. It felt like I was back in my highschool years and I loved the feeling honestly.

Kasalakuyan akong nakasakay sa taxi. Monday na Monday, pero traffic. Rush hour kasi, half-day lang kami ngayon since masyado nga kaming napagod kahapon.

Habang nakatanaw ako sa bintana, automatikong napangiti nalang ako. Geez, everytime I remember what happened last night, I can't help but to smile. I could hardly sleep whenever I remembered the way he looks at me. After so many years, ngayon ko nalang ulit ito naramdaman.

Inspired? Well, yeah. I like him... Admittedly, I like Travis Choi V. He's desirable. No girl could resist such charm kahit na bipolar siya. Siya yung tipo ng tao na ite-treasure mo.

Pagdating ko sa tower building, dumiretso na agad ako sa workplace ko. As usual, endless 'good morning' exchange na naman from the other employees. Unlike before, I think they're becoming comfortable with me already. Hopefully sooner, maging friends na kaming lahat.

"Good morning, Miss Beautiful Gail!!"

Napaatras ako nung sabay-sabay akong binati ng mga ka-team ko. Yung iba, naka-wide open pa ang mga braso. Ngumiti lang ako habang takang-taka. Bakit ang hyper yata ng Finance team ko?

"Ano'ng meron?" Nakangiting tanong ko.

"Good morning lang," sagot nila at tumawa. Napailing nalang ako at medyo natawa na rin. Wow, lahat yata kami ay good mood today.

Dumiretso na ako sa desk ko, samantalang ang iba naman ay nagpakabusy na sa sarili nilang desk. We have to be productive today. We left a lot of works last week. Back to reality na kami.

Bago pa man ilapag ang bag ko sa desk, napansin ko na agad ang isang SB Frappe sa ibabaw ng desk ko. My feet froze in surprise when I saw a bouquet of white roses placed over my swivel chair. Who on earth would give me these?

"Guys..." Nilingon ko sila at nang makuha ko ang attention ng lahat ay tinuro ko yung Frappe at pati na rin yung roses. "Alam niyo ba kung kanino galing ito?"

As their reply, they shook their heads in chorus and went back on their business. Napalabi tuloy ako. Impossible! Mukhang fresh pa nga ang frappe, ang ibig sabihin lang nun ay kakalagay lang nito dito. Malamang, nakita rin nila kung sino ang naglagay nito kung kanina pa sila nandito sa workplace.

Huminga nalang ako ng malalim at pumunta na sa upuan ko. Kinuha ko muna yung roses at umupo muna, bago ko yun tinitigan. Naghanap ako ng card sa bouquet, nagbabakasakali kung may nakaattach na pangalan ng sender, pero wala. I ended up playing the petals anyway. For sure, ang nagpadala ng frappe sa akin last time ay iisa lang sa nagpadala nito ngayon... The question is 'Who would that be?'.

"Good morning, Gail."

I snapped back from my reverie when I heard that familiar voice upfront me. I raised up my head only to see Kurt smilling warmly down at me. Oh, that's what we get from a tiresome team building... a bright mood it is.

"Good morning. Napadalaw ka sa department namin?" Tanong ko at nilapag yung bouquet sa desk. Napatingin naman siya dun saglit at inabot sa akin ang isang file.

"You know what to do. Pakicheck yung price ng products sa iba't-ibang company. Make sure we'll have a fair competitive yet affordable price, 'kay?"

Tumango ako at nilapag din yung file sa desk. Napansin ko na napatingin siya dun sa frappe. He took it and handed it to me which made me wonder.

"Bakit?" I asked.

He timidly smiled and placed it on the desk right infront of me. "It's melting. Why don't you drink it now? Sayang."

Kahit nagtataka ay sinisimsim ko na yung frappe, habang nakatayo siya sa harapan ng desk ko. Okaaaaay. He gave me what must to give. Isn't he gonna leave yet?

"Is there anything else I can do for you, Kurt?" Nakakaconscious at nakakailang ang presence niya eh. It's like he has something else to say.

Napalunok ako nung ipatong niya ang dalawang kamay niya sa desk. He leaned forward, I moved back a little. Ano bang gagawin niya?

"I would like to invite you."

I cleared my throat, distracting what's between us. Naiilang ako sa titig niya. Invite? Pwede naman niya akong iinvite pero 'wag yung ganitong ka-close. Duh?

"S-saan?"

He smiled and leaned more. Parang ayaw niyang iparinig sa iba ang pinag-uusapan namin. Saan niya ba ako iimbitahin?

"Tomorrow is-"

Phone rings.

Inatras ko ang swivel chair ko at nginitian siya, signalling him to excuse myself. Tumalikod ako sa direksyon niya at napahawak sa dibdib ko, sabay hingang malalim. Hoo! Gail, relax. Pa'no ba naman ako kakalma kung ganun siya kalapit sa akin kanina? Sheesh!  Kahit sinong babae, maiilang!

Anyway, I tapped on my phone's screen without even looking who the caller is. Basta, nilagay ko nalang sa tenga ko at tumingin sa floor to ceiling window.

"Hello, good morning."

["Crystal..."]

Natigilan ako. Boses pa lang niya, naramdaman ko na agad ang mga butterflies sa sikmura ko. Si Fifth lang ang nakakapagbigay sa akin ng ganung pakiramdam matapos ang ilang taon.

"O..oh, Fifth? Bakit ka napatawag?"

Napakagat-labi ako nung marinig ko ang paghikab niya sa kabilang linya. Mukhang natulog na naman yata. Parang kanina lang, siya pa ang nanggising sa akin ah?

["Nothing. Nawawala kasi yung asukal. Nasaan ba yun? Hindi ako makapagkape eh."]

Napasapo nalang ako sa noo. Yun lang? "Sira, bumili ka nalang. Naubusan na yata tayo ng asukal."

["Sige. See you later."]

"Bye."

["You take care."]

Dial tone. Napahigpit ang hawak ko sa phone. Oh geez, 26 na ako pero bakit parang bumalik yata ako sa pagiging 16?

Huminga muna ako ng malalim bago ko hinarap ulit si Kurt. He's still standing infront of me with that straight face of his. He seemed bored waiting for me.

"Sorry, si Fifth kasi tumawag. Where were we?" Nag-aalangang kong tanong.

He shook his head slowly and smiled sadly, perhaps? "Nothing. It's not that important. I'll just get back to work. See you around," he turned to face the door and was about to leave when something strike me.

"Kurt!"

Napatigil siya sa paglabas at nilingon ako. At mukhang hindi lang siya ang lumingon dahil pati buong department ko ay napatingin sa akin. How can I ask this then? Bahala na.

"Ikaw ba... ang... uhmm..." Napahawak ako sa buhok ko at tumingin nalang sa white roses at frappe sa desk ko. I hope he gets what I'm asking.

As his reply, he just gave me a half-shrug and then left. I took in a deep breath and buried my face on both of my palms. Why did I even ask that? Totally embarrassing. Sige, asa pa, Gail. Manghula ka nalang kung sino ang nagbibigay ng mga ito. Argh!

***

Frustrated na naman ako ngayong araw. Ayos na eh. Maganda na yung mood ko, pero dahil sa mysterious sender na ito, nafrustrate na naman ako. Kung nung una ay frappe lang, ngayon naman ay nadagdagan pa ng roses. Sino naman ang magbibigay sa akin ng ganito?!

Idagdag pa ang sudden change of mood ni Kurt kanina. Kung gaano ka-light ang mood niya kanina, ganun naman ka-dark ang aura niya ngayon. Katulad kaninang coffee break, narinig ko sa ilan sa mga taga-Marketing na trumiple raw ang sungit ng team leader nila. Bakit kaya?

"Gail, sabay ka na sa amin pababa?" Tanong sa akin ng teammate ko.

Umiling ako. "Dadaan pa ako ng washroom. Ingat nalang kayo sa pag-uwi."

"Sige. Ikaw rin."

Dumiretso ako sa washroom at pumasok sa isa sa mga cubicles. While I'm doing my thing, I heard a group of girls talking outside. Mukhang mga nakatapat sa salamin.

"Ba't ganun si Mr. Lee? Napakasungit niya."

"Kaya nga eh. Kailan kaya siya babait sa atin? Buti pa yung ibang team leaders, mababait."

"Bakit? Ang leader naman natin ang pinakagwapo. Yun nga lang, dominante!"

"Uy, 'wag kang maingay. Baka may makarinig."

Imbes na lalabas na ako, naisipan ko tuloy na mag-stay pa sa loob ng cubicle. Si Kurt ang pinag-uusapan nila. Okay, I'm a little bit curious.

"Napastrikto. Perfectionist pa... Crush ko sana kaso... Never mind."

"Mukhang type niya si Miss Gail."

"Anong mukha nga? Type niya talaga si Miss Gail. Bukod sa maganda yun, ex niya kaya yun."

Nanlaki ang mga mata ko, at napatakip nalang ako sa bibig ko nung marinig ko ang pangalan ko. Fudge! Ba't napunta sa akin ang topic?

"Ex? 'Di nga? Ex-girlfriend?"

"Silly, hindi no'. Ex-fiancee'... Sa tagal ko ba naman sa kumpanya ng mga Rivera, alam ko na ang tungkol dyan."

"Kaya pala ang bait lang ni Mr. Lee kay Ms. Gail kasi may nakaraan sila."

"Baka nga sila na ulit eh. 'Di natin alam."

"Baka naman hindi. Diba may Sir Travis na si Ms. Gail?"

"I don't know. Naku, tara na nga. Magpa-Padis pa tayo."

Matagal-tagal bago ako lumabas ng cubicle. Nawindang ako sa pinag-usapan nila. Si Kurt, mabait sa akin? Wow. That's something. Mabait siya? Eh winalk-out-an niya nga ako kanina. Saan niya ba kasi ako iimbitahin? Haayy...

Pag-uwi ko sa penthouse, nagdinner kami saglit ni Fifth. Nag-usap ng kaunti at inasar pa ako sa bouquet na pinagmamalaki ko sa kanya. Pilit ko siyang pinapaamin tungkol dun pero ang tanging sagot lang niya ay... 'Okay, okay! It was me. You're welcome. Ang kulit mo, Crystal.' Siya nga ang nagpadala. LOL. Pagkatapos nun ay dumiretso na sa sari-sarili naming kwarto. May gagawin kasi siyang trabaho, samantalang ako naman ay magsisearch ng mga prices ng ibang products. I was in the middle of searching online when Kurt's straight face crossed my mind for the nth time. Kurt's been bugging my head since this afternoon. Para akong nakokonsensya for some reason. Ugh!

"Saan ba kasi niya ako iimbitahin??" I groaned frustratingly. I slumped on my bed and scrolled on my phone 'till my eyes landed on my mobile calendar. October na.

Ano bang meron sa October?

October 19 bukas.

Napabangon ako bigla. October 19 bukas!! Geez. Birthday ni Kurt!!

So... Was he trying to invite me earlier or what?

Phone beeps. One message from Kurt. Napalunok ako ng sunod-sunod. Birthday nga pala niya, pero bakit niya pa ako iimbitahin? Does he have to?

--

Gail, the day after tomorrow is Kyra's death anniversary. You promised me you'll come with me.

--

Nanghina ako sa nabasa ko. Hindi ko makakalimutan ang death anniversary ni Kyra... Pero nagawa kong kalimutan ang birthday ni Kurt. Narealize ko tuloy na hindi na siya importante sa akin ngayon and that's a good sign.

--

A/N: Sorry kung ganito lang. Masama pakiramdam ko eh. Dedicated ito sa mga pips na nagpunta sa first ever meet-up kahapon sa MOA (May 4, 2014). One of the best! :) Bukas ulit!

PS: Hi kay Christine Faith Java!! :)

Continue Reading

You'll Also Like

741K 26.4K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
428 76 11
Chryzantha Faye Vontemar, a senior high school student under HUMSS track, a ray of hope and perseverance for every student. Ilang beses man siyang na...
1.4K 163 19
A collection of english poems from the heart. Feel free to leave your comments! Started: February 7, 2023 Ended: Rank #2 as of Feb. 13, 2023 Rank #7...