THE JILTED BRIDE (ALEX AND BR...

By Gretisbored

2.9M 39.7K 2.2K

https://shopee.ph/gretisbored ********** THE MOTHER STORY OF THE THORPE SERIES ********** "The heart wants wh... More

PROLOGUE
Chapter One - Cold Stare
Chapter Two - Cold Treatment
Chapter Three - Mall
Chapter Four - Dinner
Chapter Five - Soja Bar
Chapter Six - Grapevine
Chapter Seven - Birthday Party
Chapter Eight - Ikaw
Chapter Ten - Spark
Chapter Eleven - Stealth Looks
Chapter Twelve - Hug
Chapter Thirteen - Protest
Chapter Fourteen - Baked Salmon
Chapter Fifteen - Kislap
Chapter Sixteen - Pictures
Chapter Seventeen - In his arms
Chapter Eighteen - Message
Chapter Nineteen - Songs
Chapter Twenty - Babe
Chapter Twenty-One - Suite
Chapter Twenty Two - Stare
Chapter Twenty Three - Quote
Chapter Twenty Four - Jealous
Chapter Twenty-Five - Mixed Up
Chapter Twenty-Six - Shameless
Chapter Twenty Seven - Unexpected
Chapter Twenty Eight - Emergency
Chapter Twenty-Nine - Bombshell
Chapter Thirty - One
Chapter Thirty-One - Wedding
Chapter Thirty-Two - Nomikai
Chapter Thirty-Three - Chicken Adobo
Chapter Thirty-Four - Phone Call
Chapter Thirty-Five - Asahi Super Dry
Chapter Thirty-Six - Slip of the tongue
Chapter Thirty-Seven - Midnight Guest
Chapter Thirty-Eight - Takoyaki
Chapter Thirty-Nine - Friendly Match
Chapter Forty - Karaoke
Chapter Forty-One - Red Box
Chapter Forty-Two - Rendezvous
Chapter Forty-Three - Facebook Status
Chapter Forty-Four - Fiery Encounter
Chapter Forty-Five - Radish
Chapter Forty-Six - Secrets Revealed
Chapter Forty-Seven - Confession
Chapter Forty-Eight - Unknown Number
Chapter Forty-Nine - Konin Todoke Juri Shomeisho
Chapter Fifty - Concession
Chapter Fifty-One - Card
Chapter Fifty-Two - Email
Chapter Fifty-Three - Two Thousand Pesos
Chapter Fifty-Four - Double Happiness
Chapter Fifty-Five - The Wait is Over!
Chapter Fifty-Six - Pleasant Surprise
Chapter Fifty-Seven - York's Dark Chocolates
Chapter Fifty-Eight - Meltdown
Author's Note
A Sneak Peek ... (Dad and Aunt Laura's Story)
NEED HELP!
Forever and Always (Elise and Jin's Story)

Chapter Nine - Mark Dale

45.3K 689 19
By Gretisbored

A/N: This book is available for purchase on LAZADA and SHOPEE. Makapal ito, nasa 334 pages at 5 X 8 ang size ng libro.  Just check my store named: Gretisbored.

For those who prefer e-Book, available ito sa Smashwords at Google Play.

***************************

Inimbitahan ako ni Rhea na sumama sa kanya sa party ng isang kaibigan. Dahil Sabado naman at wala naman kaming gimik ng mga kaibigan ko, sumama ako sa kanya. Wedding anniversary pala yon ng dating IET. Kasabayang pumasok ni Rhea. Pero di naman daw yon nagtagal sa program. Umalis din pagkatapos ng dalawang taon at nagtayo ng sarili nitong English school sa Okayama City.

Hindi ko inasahan na magkikita-kita kami dun ng iba pang guro. Halos mga naka-assign sa junior high school ang pumunta. Pwera na lang kay Brian. Siyempre pa, nandoon ang tsismosong si Gary. Nang makita ko ito'y parang nanggigil kaagad ako. Gusto kong batukan ang makintab niyang ulo. Pero hindi lang ako nagpahalata. Nang binati niya ako, sumagot din ako ng malabnaw na "hello".

"Hey Brad, Hiromi," bati ni Rhea sa mag-asawa sabay halik sa pisngi ng bawat isa. Inabot nito sa misis ni Brad ang regalo namin.

"Hey, Rei. How are things? Looking good, huh?" ganting bati naman ni Brad.

"I'm doing good, thank you. By the way, this is my new friend, Alex. She's from the Philippines. Alex, this is my good friend Brad. The original hunk of IET," at napahagikhik pa si Rhea. Napangiti lang ako. Inabot ko ang kamay ni Brad. Nagkumustahan kami. Pagkatapos, pinakilala ako ni Rhea sa asawa nitong si Hiromi. Hindi kagaya ni Maiko, magiliw akong binati at pinakiharapan ng babae. Maganda rin ito. Hindi kataka-taka na ang isang tulad ni Brad na kamukha ng kapangalan niyang si Brad Pitt ay magkagusto sa kanya.

Nang magkita-kita ang dating magkakasama ay napuno ng harutan at biruan ang bahay ni Brad. Niloloko nila si Rhea. Kailan daw ba sila iimbitahin nito sa kasal? Ang tagal na raw nilang naghihintay.

"Well, you would wait for another century before it happens," nakatawang sagot nito.

"Why? What happen to you and what's-his-name?" panunukso ng isang black American din, na ang ibig sabihin ay ang ex ni Rhea.

Kunwari'y bumusangot ang mukha ng kaibigan ko. "Well, you know. Like you, he went astray."

Ang pagkakaalam ko, nag-asawa na ang naturang guy base sa kuwento ni Rhea. Nakakita ng isang doktorang Haponesa at hayun pagkatapos ng tatlong buwang pagde-date ay nagpakasal na. Noong time daw na nakikipagmabutihan yong guy na yon sa Haponesa ay sila pa ni Rhea.

Bilib nga ako dito sa babaeng to at nagagawa pang makisakay sa biruan tungkol sa ex nito na kung tutuusin sobrang masakit ng ginawa ng lalaki sa kanya. Pero sabi nga niya, past is past.

Ako kasi, ang tagal kong iniyakan ang nangyari sa amin ni Anton. Siguro naman may rason ako kasi hindi lang sakit na dulot ng naudlot na pag-ibig ang binigay nun sa akin kundi katakot-takot na kahihiyan din. Pati Papa ko ay nadamay.

Mayamaya pa, nang maging seryoso na ang usapan, napunta kay Mark Dale ang tema. Kumusta na daw ang feeling-hari ng Muromachi? Bumanat na dito si Gary. Nagkuwento kung gaano ka epal si Mark. Hindi ko sukat akalain na masyado itong galit sa supervisor namin dahil palagi naman silang magkakasama sa tuwing may hiring. At pag tinitingnan ko sila, akala mo'y magbest friend kung magbiruan.

"Well, you should know that Mark is only following orders. Let's give the guy the benefit of the doubt," saway naman ni Rhea.

"I don't think so, Rei. I think he wants to show everyone how important he is to the program. Look, at the stuff he's doing. Are they necessary? No! They're just a bunch of crap!" Namumula na pati bumbunan ni Gary sa kakadiskusyon.

"Well, I agree with you on that. How I wish he'll lessen the meetings and stuff but --" si Rhea ulit. Nabitin ang sasabihin nito dahil pinutol ni Gary.

"No. He should scrap that bullshit! Including that goddamn training program! It's a waste of time. Why don't they just allow the new teachers to go straight to their schools?"

Sinang-ayunan ng iba pang bisita ang sinabi ni Gary. Pati si Brad ay agree sa sinabi niya. Naawa tuloy ako kay Mark kahit na minsan ay naaasar din ako sa kanya dahil parang feeling ko nagpapaimportante. Lagi kasing nagpapatawag ng meeting. Wala naman kaming masyadong ginagawa sa meeting kundi mag-usap-usap lang ng problema sa school.

Ganunpaman, pakiramdam ko hindi dapat ginaganun si Mark o kahit sino man lalo pa't wala ito para ipagtanggol ang sarili.

Hindi ako nakatiis sa pakikinig kay Gary na nagraratatat laban kay Mark. Kaya sumingit na ako sa usapan.

"If you're that mad about Mark, why don't you tell him in his face instead of talking about him behind his back?"

Napatingin sila lahat sa akin. Kasi kanina pa ako walang kibo tapos ganun kaagad ang banat ko. Dahil sa pagkabigla, hindi agad nakasagot si Gary.

"You're only saying that because you're new. You don't know him at all, Alex."

Parang galit na galit si Gary nang sinasabi yon sa akin. Parang nagpipigil lang.

"I am not saying that I know him pretty well. And I am not here to defend him. I am just saying that it's unfair to talk bad about the person just because he's not around to defend himself. That's all," buong tapang kong sagot. Nakita ko ang pagkuyom ng kanyang mga palad.

"Hey, it's getting hot in here," awat sa amin ni Brad. Tinapik niya sa balikat si Gary. Ako namay'y niyaya ni Rhea na pumunta sa kitchen para tulungan si Hiromi.

Pero bago kami nakalayo ni Rhea ay narinig ko itong nagsabi ng "bitch" kung kaya nagpanting ang tenga ko. Binalikan ko siya.

"Come again, Gary? You're calling me a bitch?" galit kong sita sa kanya.

"Hey, Alex." Si Rhea. At hinila na ang kamay ko.

Tiningnan ako nang masama ni Kalbo pero hindi naman sumagot dahil inawat na nila Brad. Nasa ganun kaming eksena nang dumating si Brian. Mag-isa lang ito.

"What's happening here?" tanong nito.

Nagpalipat-lipat ng tingin sa aming dalawa ng kaibigan niya. Napakunut-noo ito. Siguro dahil nakita kami ni Gary na namumula pareho na parang hinog na kamatis. Halata sa hitsura naming dalawa ang galit sa isa't isa.

Sa halip na sagutin ang kaibigan, tumayo si Gary at lumabas. Sinundan ito ni Brad. Naiwang nagugulumihanan si Brian. Tumingin ito sa akin na parang nagtatanong. Inirapan ko siya. Alam ko namang kakampihan nito ang kaibigan. Kaya di na ako nagbother mag-explain. Tumalikod na rin ako at sumama na kay Rhea. Sinundan naman niya ang kaibigan sa labas.

Parang ayaw ko nang umalis sa kitchen. Naaasar ako sa mga kaibigan ni Rhea. Ang pinakaayaw ko kasi sa lahat ay yong pagtsismisan ang isang tao na walang kalaban-laban tapos kung kaharap naman ito'y tinatrato na parang best friend. Nagpapaalala kasi yon sa akin kay Laurie, ang tinuring kong best friend at kapatid na umagaw sa nobyo ko. Ni minsan ay di ko ito pinagdudahan dahil maganda ang pakikitungo sa akin.

Hinalo ko ang vegetable salad na pinahanda sa akin ni Hiromi. Nilagyan ko pa siya ng konting dressing. Naramdaman kong pumasok uli sa kitchen si Rhea kaya kumuha ako ng kutsara at pinangsandok sa salad na ipapatikim ko sa kanya. Pero naiwan sa ere ang kutsarang may lamang vegetable salad dahil hindi pala si Rhea ang dumating. Si Brian!

"Oh, you're Mark Dale's defender now? Are you here to spy on us?" malamig na bungad nito.

Nagkausap na sila ni Kalbo! Ano pa nga ba ang aasahan ko? Nun lang nagsink in ang sinabi nitong "spy on us". Ibig sabihin, galit din ito kay Mark Dale? Plastic din pala!

"I'm not defending anyone. I just hate talking about people behind their back," sagot ko.

"Really? Or maybe you like him?"

"Who? Mark Dale? You're insane. You and your friend are alike," galit kong sabi sabay lagay ng kutsara sa salad bowl at tumalikod. Pero bago pa ako lumayo, hinablot ako sa braso.

"Hey!" angal ko.

"I have nothing against Mark Dale. And I also don't like people talking bad about other people behind their back but you shouldn't have embarrassed Gary. You could have said it in a nice way like what Rhea did. But you always like to seek attention, right?"

"I am not seeking any attention from anyone!

"Really? You're not? And what do you call that little outburst out there a while ago?"

"Let me go! You're hurting me," angal ko habang pilit na inaalis ang kamay niya sa braso ko. Naiiyak na ako sa sakit. Mababa pa naman ang tolerance ko sa physical pain. Nang mangiyak-ngiyak na ako, saka lang ako binitawan.

"You're a brute," galit kong sabi sa kanya. Hinimas-himas ko pa ang braso. Lumabas na ako ng kusina.

"Hey, sweetie. What's wrong?" nababahalang tanong ni Rhea nang makita ako na parang mangiyak-ngiyak. Nang lumingon ito at makitang nakabuntot lang sa akin si Brian, hinampas nito ang lalaki. "What did you do to her?"

Nagkibit-balikat lang ang damuho. "Nothing. She's just a crybaby."

Hinampas uli ito ni Rhea. Sinalag lang ito ni Brian at nagharutan na sila. Bakit ganun? Kung sa ibang tao, sobra itong maginoo at mabait? Ba't ganun? Naiiyak na naman ako. Ako ba ang may deperensya?

"You can stay here with your friends. I'm going home," at pagkasabi nun ay nagsuot na ako ng sapatos at lumabas. Hinabol ako ni Rhea. Kabuntot na si Brad at Hiromi. Yumuko ako sa mag-asawa. Humingi ng dispensa.

"No, please don't go. It's not your fault. Come here, sweetie," at inakbayan ako ni Hiromi. "Don't go, please. I still want to know you more."

Hindi ko natiis ang paglalambing ni Hiromi. Tsaka nahiya ako na gumawa ako ng eksena sa wedding anniversary pa nila. Kung kaya't naisipan kong bumalik alang-alang lang sa mag-asawa. Dahil alam nila pareho na tensyonado ang sitwasyon, hindi na umalis sa tabi ko sina Rhea at Hiromi. At hindi na rin napag-usapan pa si Mark.

Napansin ko ring, napapasulyap paminsan-minsan sa akin si Brian. Parang nagi-guilty. Siguro napagsabihan ito ni Brad.

Habang kumakain kami, narinig ko ang pagvibrate ng aking cellphone kung kaya sinilip ko ito. Meron akong text message. Tinapunan ko nang masamang tingin ang sender. Nakita ko itong napangiti pero pinigilan. At kunwari tumingin sa ibang direksyon.

Anang mensahe, "I'm sorry if I've hurt you..." Inirapan ko siya. Kunwari ka pa. Nagso-sorry ka lang naman dahil pinagsabihan ka ni Brad. Nakakaasar ka!

Hindi ko sinagot ang message niya. Nagsend ulit. This time, peace sign na lang ang laman ng text. Sinimangutan ko siya. He just rolled his eyes na parang nagsasabing, bahala ka sa pag-iinarte mo.Talagang bahala ako!

**********

A/N:  Pasensya na po kung hindi na ito kompleto rito. Mga mahigit apat na taon ding complete ito rito and can be read by readers for free. Allow me now to publish it online at pagkakitaan ko naman.  :) The complete copy is on Goodnovel.com.  Salamat po sa pang-unawa.

Soon this will also be a part of my PATREON page. Pasensya na po, ha? Marami pa naman akong free stories dito. :)

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 70.8K 34
(Trope Series # 1) Cerise's younger sister is getting married and she's expected to attend. The logical thing to do was to attend (duh, it's her sis...
139K 3.4K 43
San Vicente #01 Mikaela Ybrahim Mikaela is young, wild and free but deep inside she is nothing but a lonely soul. She was leading a senseless path pe...
25.7M 471K 39
[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] She's the bride who arrived at the right time but in the wrong place. #TheBachelorsB...
1.6M 78.4K 18
(Yours Series # 3) Kelsey Fuentes thought that after her failed experience in marriage, she would never dare try again. She was contented with her wo...