Megumi Entirely

Galing kay UnderdogHero

3.7K 36 9

Isang comedy-romance story na naka-sentro sa mga pinaggagagawa ko, si Main Character, upang makuha at mailigt... Higit pa

Prologue ~
Chapter 1: Nice Guys Finish Last
Chapter 2: Pastel de Ángel
Chapter 3: The Trigger
Chapter 4: Stepping Stones
Chapter 5: Isang Malaking Sorry
Chapter 6: The Tipping Point
Chapter 7: Sobre't Ballpen
Chapter 8: Crossroads
Chapter 9: Wear and Tear
Chapter 10: Once Upon An Apartment
Chapter 12: Imagine
Chapter 13: Present Tense
Chapter 14: Entirely

Chapter 11: Sphallolalia

151 1 0
Galing kay UnderdogHero

"...loyalty is the best policy when the feeling is mutual, kaya sa mga may crush o ano pa diyan, iba muna pagtuunan n'yo ng pansin! 'Wag maging obsessed! Bato-bato sa langit, tamaan 'wag--"

 Pinatay ko na yung radyo. Almost literally pa yung pagpatay ko. Tinamaan ako eh. And besides, siya kaya batuhin ko ng bato, kung makapagpatama naman kasi halatang generalized yung topic eh. Medyo sakto din pala sa thinking hours ko habang nasa banyo ako. Yes, meron akong radyo sa banyo. 'Wag kayo mainggit. Siguro naman kasi lahat ng teens ngayon mahilig makinig ng music at mag-emo paminsan-minsan sa banyo diba? Tears enhancer yung shower, dagdag emo effect, feeling mo nasa music video ka-- okay, quotaTime to get to the story.

 Halfway through the year na sumabog and puso ko't tinapunan ako ng mahigit kumulang sandamamak na heartbreaks galing sa isang babaeng labindalawang taon ko na hindi nakikilala ay nagkaroon ako ng realization. Ayoko na. Tama kasi yung tao sa radyo, masarap, masaya at sweet ang maging loyal ka only if pareho kayong nakakaramdam nito. Eh kasi, with all due respect sa mga asa at paasa diyan eh uso ang magmukhang tanga sa kakaasa at pagpapaasa. Sa mga paasa, parang naghayag ka ng hopia sunod babawiin mo rin kahit busog ka pa. Sa case na yun, busog ka pa sa pag-ibig. On the other hand, sa mga patuloy namang umaasa ay para kang sina Buzz Lightyear at yung kasama pa niya dun sa Toy Story 3. Hindi mo matanggap na wala nang chance pero aja ka pa rin ng aja. Mukhang unrequited love ang peg niya eh. 

 So with those realizations, gumawa ako ng paraan para talagang matanggal sa sistema ko si Gumi. Pero 'di ko akalaing mahirap pala yun. Mahirap palang mag-move on 'pag umasa ka. Mahirap palang magmove-on kahit hindi naging kayo. Grabe 'tong love na 'to, tinalo pa ang hirap na mangopya 'pag finals. Tinalo din ang hirap na makakuha ng Legendary Pokemon ng hindi gumagamit ng master ball. At higit sa lahat, tinalo pa nito ang hirap na mag-convict ng isang emo at paawang Chief Justice. Sorry Corona fans, I just had to say. Pero ang point dito ay hindi ang hirap  at ang end point ngunit ang maikli ngunit matinding proseso na dinaanan ko para ma-filter ang puso ko sa pagiging love drunk na sponsored ng isa kong kaibigan na nag-iisang kakilala ko na magaling mag-break up ng tao (kasama siya dun). Basically matino siyang tao pero talagang magaling lang tala siyang mag-wrong timing ng mga bagay. Kasama na sa mga sikat na famous words niya ay:

- "I love you... And I just can't get enough" ang tinext niya habang nasa banyo ang babaeng nililigawan niya.

- "I Just Don't Love You No More!" ang kinanta niya sa karaoke sa gabi na dapat ay sasagutin na siya and lastly

- "Baby, baby, baby oooooooh..." Siguro 'di na kailangan ng explanation yan. Uso ang major turn-off sa ganyan. 

Resulta ng lahat ng mga pinagsasabi't pinaggagawa niyang yan? Guilty! Sorry that came out wrong, nakakadala pala 'tong mga trial na 'to sa TV. Anyway, ang totoong nangyari sa kanya ay nakatikim siya ng not one, not two but three special orders ng sampal! Kahit simple lang ang mga sinabi niya diba eh medyo nag-360 degrees ang ulo niya diba? Yan ay dahil sa tinatawag nilang timing na pareho kaming wala ng kaibigan kong si OsloThe difference between us? Ako, naghihingalo na, habang siya, patuloy paring nagkakalat ng bad timing niya. And iyun ang ipinamukha niya sa akin.

"Ayaw mo na? Putong tipaklong naman dre!" (For the record, hindi putong tipaklong ang sinabi niya. Hint nga pala, malakas siya mag-mura.)

"Eh kasi--"

"Hari ng Tondo! Walang rason rason! Pagkatapos mong puntahan sa airport, bigla ka nalang mang-iindian! Pusang inalog dre! PBB Teens!? Eh 'di parang yung sinabi mong destiny na nagkita kami mong yan eh itatapon mo nalang? Ganon?"

"Hindi naman sa--"

"Mag-sphallolalia ka nalang sa kung sino-sino diyan kung mas pinapakinggan mo pa yung radyong yan kesa sa akin. Alalahanin mo na 'tis better to have loved than never at all. Mag-aral kang tumalon sa bangin Koko. Oras na para mag-take ng leap."

 The Leap.  Nagustuhan ko ang tunog na yun, pero may ikinagulo ang isip ko. Saang lupalop ng mundo nakuha ni Oslo ang salitang sphallolalia?

"Wait lang, nagegets ko yung sinasabi mo eh. Naiintindihan ko. Pero ano yung sphallolalia na yan?Nakapaghanda ka ah, nagbasa ng dictionary oh!"

"Ulupong! (Hindi ulupong yung sinabi niya) Sphallolalia, my friend, is a flirtatious talk!"

"Eh, ano naman ang kinalaman ng--"

"Aikido! (Hindi aikido yan) Suko na ako sa'yo! Dami mong tanong dre! Sige, gusto mong makalimutan si Gumi, fine."

And just like that, bigla akong pinaalis ni Oslo. Hindi galit. Kalmang-kalma nga eh. Hindi rin umulan ng mura. 'Wag n'yo na tanong kung ano yung mga mura, pati kasi ako 'di ko na maintindihan eh. May German kasi eh at Bulgarian. May sinabi siya sa akin before umalis ako though. Something about, daan ako sa bahay n'ya bukas? Being a good friend at medyo desperado pa rin sa sagot. Iyon ang ginawa ko at quite frankly ay 'di na ako nagulat sa ginawa niya. Sphallolalia talaga ang peg niya and I had a problem with that kasi hindi lang hot yung babaeng hinarap (not actually hot, isinama niya lang pero kilala ko 'tong taong 'to. Buwis buhay 'to magplano) niya sa akin. Extra crispy paSizzlingNagbabaga. Lahat na at talagang ipinamukha niya sa akin na makakalimutan ko na may Gumi akong ikinaloloyalan kahit hindi kami sa humigit kumulang anim na buwan sa hapong iyon.

"Uhh. Bakit mo ako pinapunta dito?"

"Pakipot ka pa, nakita mo na. Eto naman ang gusto mo diba? Makakalimutan mo na si Gumi? At mapapalitan mo na siya ng isang hot girl at magiging related tayo kahit medyo malayo!"

"Sabi ko gusto ko makalimutan si Gumi hindi gawing bugaw ang kaibigan ko. Wait a minute, related?

"In my defense, matagal na akong bugaw sa kung sino-sino, sadyang ako lang talaga ang hindi makakuha ng babae. At, dude bigyan mo yung babae ng tsansa, kausapin mo lang, 'pag ayaw mo, fine. Also, pinsan ko siya dre!"

"All right already. Sheesh."

"Nice! Sige na, alis na ako. Bye! Kitakits sa loob ng tatlong oras! Merong you-know-what sa loob ng oven if you know what I mean."

"Dre, 'wag kang ganyan! Also, no 'pag nakita--"

And then a thought came to me. At iyung thought pa na yon ang nagbigay daan para makapasok ako sa loob ng bahay ni Oslo. Yung naisip kong thoughtThe Leap. Tama kasi si Oslo eh, kailangan ko nang tumalon. Kailangan ko nang simulan na hindi isipin lahat ng gagawin ko at just do itNike na kung nike. Kaya yun, pumasok ako sa loob at ipinasok ko sa coconut ko na para ito sa ikabubuti ng lahat.

"Uhh, hello."

"Oslo? Tagal mo naman, tapos na yung movie-- Koko! Anong ginagawa mo dito?"

"Lea? Akala ko ba pumunta kang US kasama si Gumi and stuff."

"Well, tungkol dun..."

"Kasama mo ba si Gumi?"

"Chill bebe. Nasa US pa rin siya, may scholarship siya remember. Eh ikaw 'bat napadpad ka dito?"

"Sphallolalia. At hindi ko na gustong pag-usapan iyan. To think, sinabi ko pa doon kay Oslo that you're hot." (Handa na akong masampal.)

"Awww. Ganoon na ba ako kapayat?"

"Yeap... Well, alis na ako. Sabihin mo nalang kay Oslo, thanks but no thanks. Also, pakisabi sa kanya, shingkumanata (hindi yun yung sinabi ko)."

"Oh sige... Nga pala, Koko? Hindi mo ba itatanong kung nasa maayos na kondisyon si Gumi, kasi medyo kausap ko yun halos every Saturday."

"Hindi na. Nakapag-desisyon na ako and besides'tis better to have loved than never at all."

After ko sabihin yon, lumabas na ako ng bahay ni Oslo at umuwi. I've decided at nanatili pa rin akong love drunk. May mga tamang punto yung narinig ko sa radyo. May mga tamang punto din ang narinig ko kay Oslo. Pero sa lahat ng sinabi nila, isa lang ang talagang naintindihan ko. Nasa akin ang desisyon, nandyan lang sila para tulungan ako or sa kaso ni Oslo, pahirapan ako pero sa dulo ng lahat nakagawa ako ng conclusyon. Loyalty above all else. And it paid off kasi bago ako natulog may nag-pop sa chatbox ko at lahat ay bumalik sa akin. No to sphallolalia for me. Sadyang totoong pag-ibig at pag-move on lang dapat. 'Wag na gumamit pa ng ibang tao.

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

21.1M 517K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
181K 8.1K 45
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...