The Mysterious Nerd

By arcelibrylee

20.9K 711 116

Kate is very mysterious there are things will happen in her life. Many people in her past will return. Secret... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
SIGNS
The Son of Gregory
TRES
SAVE ME
BABY
TENSIONS
WEIRD CRAVINGS
Who's Pregnant?
PERFORMANCE
SELFISHNESS
Who is Orcus?
OMG !!
BIRTHDAY

UNEXPECTED

1K 40 1
By arcelibrylee

Nagising ako sa sinag ng araw na tunatama sa aking mata, nanlalabo ang aking mga mata ng aking imulat.
Bumungad sa akin ang nag aagaw na kulay pula at itim na kulay sa kwarto.

Hindi ko alam kung nasaan ako at kung kaninong kwarto itong tinulugan ko.

Napaka laki ng kama na hinihigaan ko, dahan dahan akong bumangon napahawak ako sa aking sintido, nakaramdam ako ng sakit sa parteng iyon.

Unti unti bumalik ang mga nangyari kahapon. Narape na ba ako ng tuluyan maisip ko pa lang yun nagiigting na ang galit sa loob ko nagbabadyang tumulo na naman ang luha ko sa tuwing maaalala ko ang kababuyan na na nangyari sa akin kahapon.

Nagiiyak ako, napatingin naman ako sa may pinto may pumasok doon at niluwa nito si Yohann. Nagtataka akong tumingin sa kaniya.

Lumapit siya sa akin "Ayos naba ang iyong pakiramdam?" Ramdam ko dumapo ang kaniyang mga daliri sa buhok ko. Unti unti niya ito hinimas himas.

"Why I'm here?"

"I bring you here in my house you lost consciousness" kung paano niya ako tingnan ay nakakatunaw dahil naiilang ako sa paraan ng pag tingin niya sa akin.

Nakikita ko ang pag aalala sa mga mata niya. "Kate, I'm sorry hindi ako nakadating nang mas maaga....." ngayon ko lang siya nakitang ganito kaemosyonal "....sana nailigtas kita ng mas maaga pa para sana hindi nangyari 'yon sayo". nag aalalang sabi nito. Nakita ko sa mga mata niya ang lungkot at pangamba.

Nag tataka akong tumingin sa kaniya. Bakit Yohann? Bakit kailangan mo ito gawin. Huwag ka naman ganiyan paano kita makakalimutan. Gusto ko sabihin ang mga salitang 'yan pero walang lumabas sa labi ko.

Impit akong umiyak sa kaniyang balikat hanggang ngayon natatakot pa rin ako sa nangyari.

Hanggang sa maramdaman ko na magaan na ang pakiramdam ko.

Umalis ako sa pagkakayakap sa kaniya. Nag kasalubong ang tingin namin sa isa't isa pawang nagtatanong kung ano ang problema.

"Yohann salamat sa pagtulong mo" nahihiya kong saad sa kaniya, hinawakan lang nito ang pisngi ko pababa sa baba ko at iniangat iyon nang dahan dahan nagtama ang aming tingin.

"You should start taking care of yourself, Kate. And you are welcomed" niyakap akong muli. Nagtataka 'man ako sa mga ikinikilos niya ay hinayaan ko na lang.

Masyado ako nasaktan para paniwalaan ang mga nakikita ko sayo ngayon.

Hinding hindi mawawala yung katotohanan na ako lang ang nagmahal sa atin dalawa at masakit pa din yun hanggang ngayon sa puso ko. Paano ba kita makakalimutan kung nagkakaganto ka sa akin.

-

Hinatid ako ni Yohann sa bahay. Tahimik lang kami sa byahe hanggang sa makarating na kami sa bahay nagpasalamat ako dito at pumasok na sa loob.

Napag alaman ko na nalaman na pala nila mama ang nangyari sa akin. Sinalubong ako ng mga ito na puno nang pagaalala sa mukha.

Nag kwento ako sa kanila kung ano ang nangyari. Sinabi pala ni Yohann sa mga ito ang nangyari hanggang sa matapos ang paguusap namin tumaas na ako para makapagpahinga dahil sa pagod, ayoko maalala ang nga pangyayari na naganap sa school.

xxxx

Kinaumagahan, nagising ako sa ingay ng alarm clock ko. Nag ayos na ako ng sarili para pumasok.

Nadatnan ko sa labas si Marco, nakasandal ang binata sa kaniyang kotse.

"Hey!. I heard what happened yesterday are you okay?". ngumiti ako ng pilit at tumango bilang sagot.

Napansin ni Marco ang mga pasa sa bandang braso ko.

"Fuck I'll kill those fucking bastard!". Kitang kita ko kung paano nag labasan ang mga ugat sa kaniyang leeg. Ngayon ko lang siya nakitang magalit ng ganito dahil sa pagkakakilala ko sa kaniya ay napaka kalmado niyang tao.

Natahimik na lang ako prenteng sumakay kami sa kotse niya. Nakarating kami sa school ng walang imikan na naganap sa pagitan namin.

Ayaw ko magkwento, ayoko na maalala pa ang mga nangyari pakiramdam ko ay masyado akong binaboy.

Pinagtitinginan kami at parang may pinagkakaguluhan sila sa open space dito sa school. Narinig ko ang bulung bulungan.

Narinig mo na ba na muntik na magahasa yung nerd sa senior high?

Oo narinig ko pero ayun ang mga tatlong kumag pinagbabayaran na nila ang ginawa nila ginalit nila ang hari alam mo naman kung paano magalit SIYA

Sinong siya ang pinaguusapaan ng mga ito saka hari. Ngayon ko lang narinig 'yon.

Narinig ko lang sa usapan nang dalawang lalaki na napagalaman ko na isa sa mga gangster dito.

Hoy girl grabe ang nangyari doon sa tatlong gangster grabe napaka brutal nang gumawa nun sa kanila.

Dapat lang 'yon sa kanila mga rapist sila saka paano kung tayo naman ang galawin nang nga yun.

Ay grabe kakaawa.

Ibat ibang bulungan ang narinig ko pumunta kami ni Marco kung saan may pinagkakaguluhan ang lahat nag bigay sila nang way sa amin.

Napapitlag na lang ako sa nakita ko, yung tatlong lalaki na muntik na gumahasa sa akin. Ngayon nakahandusay at wala nang ulo, nakita ko ang ulo nila na nakasabit sa taas ng flagpole. Nanlaki ang mata ko sa aking nakita. Ano nangyari nagtatanong ang aking isipan

Ramdam ko ang panginginig ng buong kalamnan ko grabe ang ginawa sa kanila parang pinahirapan muna bago putulan sila ng ulo dahil kita ko sa mga katawan nila na madaming hiwa at may tarak ng kutsilyong may tatak na bungo na nakatarak sa kanilang puso.

Nanginig ako at parang gusto ko nang masuka sa nakita ko sariwa pa ang dugo na pawang ngayong umaga lang ginawa ang krimen na ito dahil naliligo ang katawan nila sa sarili nilang dugo.

"Kate, let's go you don't have to witness this kind of cruelty" naramdaman ko ang paghila niya sa akin papalayo sa lugar na iyon.

Hindi pa din ako makapaniwala sa aking nakita napaka brutal nang may gawa noon. Nakasalubong ko naman si Claire, bakas na bakas sa kaniyang mukha ang pag aalala.

"Kate, ayos ka lang ba?" sabi pa nito sa akin. Balisa na talaga, niyakap ko na lang siya at doon ko nilabas ang lahat ng pinaghalo halong emosyon ko. Hanggang sa kusa na lang tumigil ang pag patak ng luha ko.

xxxx

Claire

Masyado emosyonal si Kate nitong mga nakaraang araw. Dalawang buwan na rin simula nang mangyari 'yon, hindi na ulit sila nagparamdam alam ko may dahilan.

Nagsimula na sila kumilos sa pag kakatanda ko ang bungong 'yon ay palatandaan na andito lang sila sa paligid, nagmamasid.

Maling mali ang binangga nilang grupo at bagay lang sa mga lalaking 'yon ang nangyari sa kanila.

Ginalit nila ang HARI na ngayon lang ulit nagparamdam. Matinding takot ang naramdaman ng lahat at isa na ako sa mga iyon dahil alam nila na nasa paligid lang ang matinding trahedya na dadating sa kanila sa oras na masaktan ang prinsesa nito.

Hindi lingid sa kaalaman ko kung anong klaseng tao ang nasa likod ng mga pang yayaring ito.

Kailangan ko mas protektahan ang taong matagal ko ng iniingatan simula pag kabata ko pa lang. Matagal ng nakaatang sa akin ang kaligtasan niya. Being her protector I'm willing to give my life to her because I'am her protector, I'll protect her even it caused my life.

Dalawang buwan na nanahimik ang buhay namin. We used to be with Raiden though we're still doubting his presence.

Andito ako ngayon sa bandang likuran nang school. Nakatanaw sa malayo ng may nahagip ang aking mata

I saw Raiden talking with someone on his phone. Lumapit ako dito pero hindi ko narinig ang pinaguusapan nila.

I call him "Raiden" I see his body stiffened. Lumingon siya sa akin "what are you doing here and who are you talking to on the phone?".

"That's my mom, nangangamusta" sabi pa nito sa akin.

"Ay akala ko girlfriend mo" nakanguso kong sabi dito. Self ang plastic mo!.

"Hahaha ikaw talaga. I don't have a girlfriend but I have this special girl who alreadr owned my heart" kitang kita ko ang lungkot sa kaniyang mata.

"Hmm a special girl, can you please tell what is her name" tumingin siya sa akin ng daretso, mapait siyang ngumiti sa akin.

"I'm sorry but I choose not to tell you, don't mind me".

Nacurious ako kung sino ang babaeng gusto niya at sino yung kausap niya talaga sa kaniyang cellphone hmm.

-

Pagkapasok na pagkapasok namin sa room nakita ko na agad ang itsura ni Prince ang sama nang tingin nito sa amin na parang ano mang oras ay papatay nang tao.

Hindi ko na lang siya pinag tuunan ng pansin. Simula ng may mangyari sa amin dal'wa ay halos dumikit na ito sa akin palagi.

Pero dalawang linggo na niya ako hindi pinapansin masyado, nakakapag taka lang dahil noong nga nakaraan ay halos nakadikit siya sa akin.

Napansin ko na panay ang paggamit niya sa cellphone niya sisilipin ko na sana pero itinago na niya bigla.

Nag tataka akong tumingin sa kaniya, Ano ba talaga nangyayari sa isang ito?. Ganiyan-ganiyan siya sa akin noong mga panahon na niloko niya ako.

Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib sa aking naisip.

Aminado akong mahal ko pa siya at napakatanga ko na lang dahil pumayag ako na may mangyari sa amin dalawa kahit na hindi dapat.

xxxx

Kate

Tahimik lang ako sa upuan ko wala ako magawa makapag bukas na lang nang facebook. Maigi pa tahimik nila eh. Nakita ko na may lima akong friend request.

Yohan Lee sent you a request

Xyrus Cane sent you a request

Raiden Soriano sent you a request

Joe Marco sent you a request

Inaccept ko sila Xyrus except kay Yohann nagdadalawang isip pa kasi ako.

From Yohan:
Bakit hindi mo inaaccept friend request ko?

Me
Wala lang

From Yohan
Tsk! Accept mo asap!

ME
What if ayoko?!

From Yohan
Just do what I say!

ME
Tsk! Bossy mo talaga!

From Yohan
Whatever just accept it

So ayun inaccept ko nga dahil na rin nakatanggap ako ng death glared galing sa kaniya. Lintek na lalaking ito! Bayagan kita dyan mamaya e!.

Scroll Like Scroll Like Scroll Like

Malma ganito na ba talaga ang buhay single puro scroll like na lang ginagawa.

Tumunog notification ko nakita ko na naka angry reaction si Yohann sa picture namin ni Enzo na magkaakbay yun ata yung kuha nung naggala kami kasama sila kuya.

From Yohan
Who is that fucking man on that goddamn picture!

Me
Who cares?!

From Yohan
Just answer my question woman!

Me
Hoy! Lalaki kung umasta ka parang boyfriend pa kita! Ano naman kung nakaakbay siya sa akin! Tsk!
seen....

Abat nanseen lang nabigla na lang din ako nang bigla tumayo si Yohann sa upuan lahat kami napatitig sa kaniya tumingin siya nang pagkatalim talim sa akin at saka naglakad papaalis.

Ang weird niya ngayon ha? Nagkibit balikat na lang ako.

-

Naglalakad ako sa hallway nang madulas ako! Omyyy here I come! Akala ko lalagapak na ako sa simento pero may nakasalo sa akin. Binuksan ko ang aking mga mata para makita kung sino ang sumalo sa akin bumilis ang tibok nang puso ko napagtanto ko na si Yohann lang naman ang sumalo sa akin at ang lapit ng mukha niya sa mukha ko namula naman ako at dali daling umayus nang tayo.

"Salamat" sabi ko dito at kumaripas nang takbo.

Yung puso ko! Anak ng, ang bilis....

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Yohann naman eh lalo ako nahuhulog sayo na hindi dapat mangyari.

xxxx

Claire

Nag punta ako ng mall para mamili sana ng groceries. Nasa supermarket ako nag titingin ng pwede ko magamit at neccesary.

Napadaan ako sa mga sanitary pads naalala ko na halos hindi ko pa nagagamit yung stock ko sa bahay at dalawang buwan na nag daan nung huli ako dinatnan.

Nanghihina akong napahawak sa aking tiyan.

Nag mamadali ako pumunta ng counter para mag bayad.

Nag daretso na ako sa pharmacy para makabili ng pregnancy test.

Pag kauwe ko sa bahay ay nag daretso na agad ako sa banyo para malaman ko na agad kung tama ba ang hinala ko.

Nakapikit akong nag try ng dalawang PT para sigurado ng matapos ay unti unti ko binuksan ang mata ko.

Two red lines

Positive buntis ako nanghihina ang mga tuhod ko.

Halo halong emosyon ang nararamdaman ko. Takot para sa mga magulang ko, kaba dahil paano ko sasabihin ito sa kanila at lungkot dahil alam ko na hindi kami matatanggap ng ama niya.

Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kaniya na buntis ako o hindi. Natatakot ako sa mangyayari at kung ano sasabihin niya sa akin.

Ang bata ko pa para mabuntis, at may misyon pa ako sa buhay paano ko maisasakatuparan ang mga ito kung buntis ako.

Parehas kami mapapahamak ng batang nasa sinapupunan ko.

Nakatulugan ko na ang pag iisip kung ano ang dapat ko gawin masyado okupado ang aking isipan.

-

Kinabukasan balak ko na sana sabihin kay Prince ang sitwasyon ko. Nakita ko ang kotse ni Prince papaalis ng school saan naman kaya punta niya.

Sinundan ko kung saan papunta si Prince lagi na lang kasi nito hawak ang cp niya.

Sakay ako ng taxi habanh sinusundan siya dahil pag ginamit ko ang kotse ko mapapansin niya na nasa likod niya lang ako. Nakita kong tumigil ito sa tapat nang isang building.

Condominium ito ahh may condo pala siya? Bakit hindi ko alam

Sinundan ko siya hanggang sa sumakay siya sa elevator inintay ko kung saan siya bumaba at nakita ko naman nasa 10th floor ito.

Dali dali akong sumakay sa isang elevator at agad agad na lumabas sa 10th floor mabuti naabutan ko siya tumapat ito sa isang pinto.

May nagbukas non nakita ko lumabas si....

Si Maggie? ano ginagawa niya dito nasa US dapat ang isang ito.

Nakita ko na naghalikan sila at mukhang nageenjoy ang loko!

Fuck bakit ba nakalimutan ko ang babaeng ito. Ang sakit na makita yung boyfriend mo na nakikipaghalikan sa taong dahilan kung bakit kami nasira noon.

Ano ito deja vu?

Lumapit ako sa mga ito at napansin naman nila ako na nakatingin sa kanila tila gulat na gulat ang mga ito nang makita ako pero ngumisi lang ako sa kanila.

Ngayon mo dapat ipakita tapang mo Claire, isa kang Villafuente walang mahina sa pamilyang ito!.

"Kayo na ulit? Congrats ha! Hindi man lang ako ininform kagaling mo din Prince e no?" Nakataas lang ang kilay ko sa kanilang dalawa

"Hon! Bakit ba andito ang babaeng iyan!" Galit na sabi ni Maggie sa akin.

Galit na galit usto manakit mukha naman pusit!

"Don't mind her hon! She's nothing" sabi pa ng walanghiya kong boyfriend.

Sinampal ko ito nang pagkalakas lakas as in lagitik bes. Kakagigil ang pag mumukha napaka kapal! Hormones ko na naman ang umiral.

"Walang hiya kang babae ka. Sino ka para sampalin ang fiance ko!." sigaw sa akin ni Maggie bago ako sinampal.

Sinampal ko siya pabalik, wait. Hindi lang basta sampal magasawang sampal ang pinadapo ko sa pisngi niya nanlilisik ang mga mata ko na tumingin sa kaniya.

"Shut up woman, You!" Ibinaling ko ang tingin ko kay Prince walang emosyon ang makikita sa mukha niya. "I didn't know you love animals that much love, look at her" tinignan ko mula paa hanggang ulo si Maggie.

"I guess you really like dogs" matamis akong tumingin kay Prince. Unti unti ako lumapit sa kaniya.

Umuwang ang mukha ko papunta sa tenga niya at bumulong "wala ka ng karapatan sa AMIN" makahulugang wika ko dito.

I turned my back on them and I flipped my hair.

I felt my tears streaming down my cheeks. The events I witnessed earlier were very painful. I felt pity for my child promise baby mama will love you more than myself so that you will never look for the love of a father.

Napadaan ako sa isang kwarto bukas ito at nagpapatugtog letse!.

(Insert song PINAPALAYA NA KITA by: Still One)

Mula ngayon malaya kana
Magagaw mo na ang lahat nang gusto mo
Kahit masaktan man ang puso ko
Tama na. Huwag na ako habulin pa
Dahil pagod na ako masaktan sayo
Tapusin na natin ito..

Malaya kana

Letcheng kanta yan hanggang sa makalagpas ako sa room na iyon tuloy tuloy ang agos nang luha ko Nanlalabo ang aking paningin dahil sa pag iyak.

Natumba ako sa sobrang pagod nakaramdam na lang ako ng sakit. Masakit ang tiyan ko nakita ko ang pag daloy ng dugo sa aking hita.

Huwag naman po please help me and my baby please. Hanggang sa huli kong nakita may lalaking papalapit sa akin at 'yon nga nawalan na ako nang malay.

Continue Reading

You'll Also Like

10K 117 20
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...
83.7K 3.9K 2
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...
1M 82K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...