Just the Girl

Von AyoshiFyumi

22.8K 868 200

Ipinangako ni Red na hinding-hindi siya magkakagusto sa isang babae na katulad ni Miah Serano. Mistulang lang... Mehr

BUOD
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
Author's Face Reveal
KABANATA 41
KABANATA 42
Author's Note
KABANATA 43

KABANATA 20

312 24 1
Von AyoshiFyumi


Sa mga hindi pa po nakakasali sa Ayoshi Fyumi Stories na GROUP sa FB, join na po kayo para updated lagi kayo sa mga bagay-bagay. Lol. Please do comments and votes! :D While waiting for the next update you can read my other stories po dito sa Wattpad. Thank you so much!


KABANATA 20


Araw ng Linggo. Gaya nang ipinangako ni Red kay Miah na tutulungan niya itong ayusin ang masukal na garden sa bahay nina Miah. Simula nang umalis ang Kuya Marco ni Miah at ang bihirang pag-uwi ni Mikay mula sa pag-aaral nito sa Maynila, nahirapan nang akuin mag-isa ni Miah na linisin ang buong bahay nila. Lalo pa't antique iyon. Mahirap linisin lalo na ang kanilang sahig. Kaylangan pa lagyan ng floorwax at gagamitan ng bunot para kumintab.

Kahapon naman ay nakapaglinis na si Miah ng buong bahay. Nawala na ang mga agiw sa bawat kwarto. Nakapaglaba na rin siya at napalitan na rin niya ang maalikabok na kurtina.

Gumaan sa paningin ni Miah na malinis tingnan ang bahay. Kaya naman hindi sila nagkita ni Red kahapon ng maghapon dahil ito'y nag-duty sa coffee shop na pinagtatrabahuhan nito. Whole day duty daw.

Ngayong umaga naman ay tapos na niyang paliguan ang kanyang alagang halimaw na si Barky. Saka naman dumating si Red at may dalang kawit na pangtabas sa mga damo at almusal. Tamang-tama, kape pa lang ang laman sa tiyan ni Miah ngayong umaga.

"Nice timing." Ika niya.

"Alam ko kasing tamad kang kumain ng almusal." Pinarada ni Red ang bike nito sa tabi ng hagdan nila. "Let's eat first."

Nagtungo sila sa kusina at inilabas na ni Red ang dalang almusal. Agad naamoy ni Miah ang sinangag na kanin.

"Luto ni Ma'am?" ika ni Miah sa ina ni Red.

"Yep. Omelet at tocino." Nagsimula na silang kumain. "'Nga pala, sabi ni Mama sa bahay ka daw mag dinner tonight."

Ngumiti ng malawak si Miah. "Sige."

Nang matapos silang kumain ay niligpit muna ni Miah ang kanilang pinagkainan at si Red naman ay nagtungo na sa garden para mag-umpisa nang magtabas.

"Kaylangan ko nang magtabas ng maaga. Mahirap kapag naabutan ng tirik na araw."

"I'll help you para matapos tayo agad." Suhestiyon ni Miah.

Tumawa si Red. "Okay. 'Wag ka lang masyadong magbibilad. Alam kong hindi ka nangingitim pero ayaw kong mamula ang balat mo dahil sa init."

Natigilan si Miah sa sinabi ni Red. Parang may naramdaman siyang kung ano sa tiyan niya. At tama din ang sinabi nito. Hindi siya nangingitim kapag naarawan siya. Namumula lang nang husto ang kanyang balat. Parehas sila ng kapatid niyang si Mikay at ganoon din si Kuya Marco niya. Napapangiti lang si Miah dahil hindi naman niya iyon nababanggit kay Red pero alam nito na ganoon siya. Ano pa kayang alam ni Red tungkol sa kanya?

Marami na ang natabas na damo si Red nang sumunod si Miah sa garden. Naramdaman naman ni Red ang prisensya niya.

"Second year na tayo after three months. Ano'ng balak mo sa sem-break?" open na topic ni Red.

Kunwaring napaisip si Miah pero may naisip na naman siyang plano. Kinuha ni Red ang juice na dala niya kanina.

"Hm, gusto ko sanang mag part time sa coffee shop na pinagtatrabahuhan mo sa sem-break."

Nang sabihin iyon ni Miah ay biglang nasamid si Red sa iniinom niyang juice.

Kumunot ang noo ni Miah. Hindi ba siya pwede d'on? "Bakit? Gusto ko naman kahit papaano na may extra income!"

"Wala naman akong sinasabi. And uh... maganda nga iyon." Nang sabihin iyon ni Red ay umiwas ito ng tingin sa kanya. Bakit parang ayaw nitong magtrabaho din siya doon? Hindi naman ito ang magha-hire sa kanya. At tsaka pwede naman siya personally ang mag apply doon kahit na hindi na niya ipapasa kay Red ang resume niya sa may-ari ng coffee shop. "So... Kaylan mo balak mag apply?"

"May vacant ba?" tanong niya.

Matagal bago sumagot si Red. "Y-yes."

"Maybe after ng last day natin this sem."

"Okay. I'll talk to the owner for your application."

"Oh? You'll help me?" malawak ang ngiti ni Miah.

"Of course."


MATAAS na ang araw at tagaktak na ng pawis si Red. Humihinto lang si Red kapag kaylangan pero napapansin ni Miah na parang sanay na sanay na si Red sa ginagawa nito. Sa totoo lang, sa maikling panahon pa lang na nakikilala ni Miah si Red ay madami na siyang nalaman dito. Maraming alam na gawin si Red. Masipag din ito sa pag-aaral at maraming alam gawin sa buhay. Natutuwa siya para kay Ma'am Cornejo dahil napalaki nito si Red nang maayos.

"Miah," tawag ni Red sa kanya kaya naman medyo nabigla siya.

"Oh?"

"I'll remove my shirt. Puno na ng pawis. Baka mabato mo na naman ako. Lalo pa't may mga bato dito. Inform lang kita." Sabay halakhak ni Red.

"Gago ka. Bahala ka sa buhay mo." Sabi ni Miah at tumalikod siya. Kunwari abala sa pagkakalaykay ng mga tinabas ni Red."

Pero nang lumingon siya kay Red ay wala na nga itong t-shirt. Gaya nang una niya itong nakitang naka topless ay napatulala na naman siya.

Bakit ba ang ganda ng katawan ng Kokey na 'to?!

Bakit nga ba? Nag wo-work-out ba ito? Nag-gi-gym? Nag e-exercise? Nagjo-jogging sa madaling araw? Nagpu-push-up bago matulog o pagkagising sa umaga?

Hindi na yata kaya ni Miah na titigan nang matagal ang katawan ni Red. Perpekto na para sa edad nito. How come na may abs na ito at nakakaakit na bicep? Kaya naman nagpahinga muna si Miah sa hagdan at hiyaan niya ang kanyang mata na magsawang titigan ang nakakaakit na katawan ni Red.

He's really handsome... bakit ngayon ko lang na-appreciate? Hindi na tuloy ako magtataka sa mga high school sa Enverga. Hindi na rin ako magtataka sa madalas na may naririnig akong kababaihan na nagwagwapuhan kay Red. Pero tama iyan... sa harap ko lang dapat ikaw ganyan ang hitsura. Hindi sa iba... sa akin lang dapat.

Napangiti si Miah sa kanyang isipin. Pero halos mapatalon siya sa gulat nang punahin siya ni Red.

"Kulay tsokolate na ako dito at hindi ako magtataka kung matunaw man ako dito. Hindi sa araw kundi sa mga titig mo."

Walang mahagip na bagay si Miah pero gusto niya itong mabato. Ang yabang!

"Hoy! Kapal mo!" pakiramdam ni Miah ay pulang-pula siya. Ganoon na ba katagal siyang nakatitig kay Red? Dyusko.

Huminto muna si Red sa pagtatabas at mala Adonis na naglakad palapit sa kanya. Pakiramdam ni Miah ay mahihimatay siya sa liwanag na dulot ni Red. Umiwas na lang siya ng tingin at nilinis ang lalamunan.

Tumabi ito sa kanya para para magpahinga. Rinig na rinig niya ang hingal ni Red sa tabi niya habang tinatanggal ang gwantes na gamit nito sa kamay.

"Paabot naman ng juice." Ika ni Red. Nasa kaliwang tabi ni Miah ang juice habang si Red ay nasa kanan niya.

"Oh," abot niya kay Red pero hindi niya ito tinitingnan.

"Ano 'yan? Bakit ayaw mong tumingin sa akin?" sabi ni Red.

"Eh, sa ayaw ko bakit ba?" irita niyang sagot.

"'Sus. Sige na. Pagsawaan mo na ang katawan ko libre naman."

Humarap siya kay Red dahil sagad na ata ang pang-aasar nito sa kanya.

"Alam mo ang asbag mo talaga!" pilit niyang hinahampas ang pawisang si Red ngunit naagapan nito ang kamay niya habang natatawa.

Ngunit maya-maya ay parehas silang natigilan. Kapwa sila nakatitig sa isa't isa. Ngayon lang din ni Miah natitigan ang kabuoan ng mukha ni Red. Gwapo talaga ito. At habang tumatagal ay mas gumagwapo ito sa paningin niya. Nararamdaman niyang parang lumuluwag ang hawak ni Red sa braso niya pero hindi niya inalis ang paningin sa mukha ni Red. Ngayon niya na-appreciate ang perpektong ilong ni Red. Ang labi nitong nakakaakit din. Wala man lang pores si Red. Ang kinis din ng mukha nito.

Hindi alam ni Miah pero ramdam niya ang malakas na pintig ng puso niya. Ganoon din ba si Red?

Gaya niya, hindi rin nito inaalis ang titig ni Red sa kanya. Ngunit naramdaman na lang iya ang mainit na palad ni Red sa pisngi niya. Pansin din niya na palapit nang palapit ang mukha ni Red sa mukha niya.

Is he... is he going to kiss her?

Handa ba siya?

Sobra! She want it. She really feel she want it. Wala namang mali. At tsaka... huli na ba para umiwas siya? O gusto ba niyang umiwas? O iyon ng aba ang gagawin ni Red?

Pero bago man siya makapag-isip pa nang susunod ay naramdaman na niya ang malambot na labi ni Red sa labi niya. Natulala siya. She don't know what to do! And for God's sake it's her first damn kiss! Red is her first kiss!

Hindi niya alam ang gagawin kaya napapikit na lamang siya. But Red seems to know what he is going to do. Pasalamat siya dahil nakaupo silang dalawa. Kung nagkataon na sila'y nakatayo, baka bumagsak si Miah sa lupa.

Ramdam na ramdam ni Miah ang mga hindi maipaliwanag na bagay sa tiyan niya. Hindi rin niya maipaliwanag na ganoon pala katamis ang isang halik. Hindi kalasa ng matatamis na pagkain kundi kakaibang tamis mula sa labi ni Red. Pero nabigla siya nang gumalaw ang labi nito. Bahagyang inilayo ni Red ang labi nito sa labi niya at halos gusto niyang magwala.

"Breathe..." bulong ni Red. Sinunod niya ito dahil nangangapos na nga naman siya nang hininga. Pero nang masiguro ni Red na nakasagap na siya ng sapat na hangin ay muli nitong binalikan ang labi niya. Gaya ng una, hinalikan ulit siya nito ng banayad. Hindi niya alam kung paano siya tutugon pero inibo na lamang niya ang bibig niya at tingnanggap ang bawat galaw ng labi ni Red.

Pero bigla siyang napaisip. Bakit nga ba hindi niya iyon naisip kanina at ibang bagay ang naisip niya? Dapat nga ba maghalikan ang magkaibigan? Ano ba itong ginagawa nila? This isn't right. They are friends! She don't want to ruin their friendship. Lalaki si Red. At alam niyang baka nadala lang ito. Siya mismo ang nasa tamang pag-iisip na ngayon. She must stop him. Now!

Kaya tinulak niya si Red. Nabigla naman si Red nang itulak niya ito.

"L-look... I'm sorry..." agad nitong sabi nang makita ang ekspresyon ng mukha niya.

She's going to cry. Nasasaktan siya. Bakit kaylangan nitong mag-sorry? Parehas silang nagkamali. Hindi dapat nila ginawa iyon in the first place!

Napailing si Miah at napahawak sa noo. She don't know what to do and what to say. Malakas pa din ang pintig ng puso niya at gulong-gulo. Kahit na ilang segundo nang naghiwalay ang labi nila sa isa't isa pero parang ramdam pa rin ni Miah ang labi ni Red sa labi niya.

"I'll make our lunch." Iyon na lang ang nasabi ni Miah at patakbong pumasok sa loob ng bahay nila.


BAGO magtanghalian ay natapos na ni Red na linisin ang garden nina Miah. Ilang oras na ang nakalipas nang magsalo sa isang matamis na halik ang mga labi nila pero iyon pa rin ang nasa isip ni Red. He don't want to regret it. Ginusto niya iyon. At tsaka, binigyan naman niya ng signal si Miah bago niya gawin iyon. Pwede naman itong tumanggi o sampalin siya. Pero hindi nito ginawa. O baka nabigla lang sa ginawa niya?

Siguro? Dahil bigla siya nitong tinulak kanina. Baka natauhan ito. He feel like a jerk right now. Nabigla nga niya ata si Miah. Dapat pala ay nagpigil siya. Paano kung malaman na ni Miah ang feelings niya para sa kanya? O... ganoon din ba si Miah sa kanya? May nararamdaman din ba ito sa kanya? Pero bigla siyang naguluhan. Ayaw niyang mag assume. Kung oo, eh, bakit siya nito tinulak mula sa malalim na halikan nila kanina? Meaning... naguguluhan pa ito. Baka wala pa.

Chill muna siya. 'Di bale. He can wait. He can fucking wait kahit gaano man katagal.

Hindi niya alam kung kaylan niya naramdaman ito pero pero napamura siya sa isip. Kinakain na niya ngayon ang sinabi niyang hinding-hindi siya magkakagusto sa witch na ito. But what now? He kissed her! Napatawa siya sa isip.

Narealize lang niya nang malaman na nagagalit ito sa mga fangirl daw niya. Na-appreciate pa niya ang pagsama nito sa practice game nila. At higit sa lahat, ang pagiging malapit nito sa mahal niyang ina. Paanong hindi siya maa-attract kay Miah? Para lang itong witch but she has a soft heart. Sobrang inis niya pati kapag marami kalalakihan ang lumilingon dito kaya lagi niya itong sinasamahan.

Pero hindi mawala sa isip niya ang hitsura nito kanina. Parang gusto nitong maiyak. Nakaramdam siya ng guilt. Nasaktan niya ba ito? Mukha ngang masyado siyang mabilis. He want to kiss her more. Ngayon lang ay hindi na siya nakapag pigil. But next time, he'll try his best na magpigil.

Nang tumakbo si Miah sa loob ng bahay ay hindi na niya ito sinundan dahil gusto niya muna itong makapag-isa. Baka nga masampal na siya nito ng tuluyan at palayasin kung sinundan niya ito. Pero curious siya kung ano na ang nangyari kay Miah. Tuluyan na ba itong umiyak?

He needs to apologize more. Pero paano?

Talk. Of course talk. They need to talk.

Kaya naman pumasok na siya sa loob ng bahay.


NANG makapasok si Red sa loob ng bahay ay wala si Miah sa kusina pero nakahanda na ang lunch nila. Adobo iyon. Napangiti siya nang mapagtanto na marunong magluto ng adobo si Miah. It smells good at nakaramdam siya ng gutom agad.

Nagtungo siya sa kwarto ni Miah para katukin ito.

Habang papalabas si Miah sa kwarto nito ay tinitigan niya ito. He can't recognize if she cried or not. Bagong ligo kasi ito. Amoy na amoy niya ang ginamit na shampoo nito. Kahit kaylan naman ay mabango si Miah para sa kanya at kahit ito'y pawisan.

"Let's eat." Ika niya. Ang awkward tuloy ng paligid.

Pinagsandok niya ng kanin si Miah at hinayaan na niya itong kumuha ng sarili nitong ulam. Nag umpisa na silang kumain. Napangiti si Red mula sa isang subo ng pagkain niya. Miah can cook! Ang sarap ng adobo nito.

"This is good!" puri niya.

"Thanks." Matipid na sagot ni Miah at hindi siya tinatapunan ng tingin nito.

Parang kakapangako lang ni Red na hindi na niya gagalitin si Miah. Pero ito na naman ngayon... galit na naman sa kanya. At ayaw niya munang pag-usapan ang nangyari kanina. Baka hindi na ito kumain.

Tapos na silang kumain at wala na silang naging imikan pa. Tinutulungan niyang magligpit ng pinagkainan si Miah ngunit pinigilan siya nito.

"Ako na."

"No. I'm going to help you."

"Red, please." Saka bumuntong hininga si Miah.

Napa hands-off si Red. "Fine." He don't know what to do now. "I'm already done... sa garden n'yo. May gusto ka pang ipagawa?" tanong niya.

Umiling si Miah. "You can take a bath. May CR d'on sa kwarto ko. Nasa kama ko 'yong damit. Kay Kuya Marco iyon in case wala kang dalang pamalit. Medyo nadumihan ang damit mo kanina." Sabi ni Miah at natuwa siya dahil kahit papaano ay may conversation na silang dalawa. Although, may awkwardness pa rin.

"Thanks. Wala talaga akong dalang damit. Ligo na ako."

Pumasok na si Red sa malinis na kwarto ni Miah. Nasa kama nga ang damit na susuotin niya. Maganda ang loob ng CR ni Miah at malinis. Napapalibutan ng mabangong amoy ng gamit pangligo ni Miah. Maraming mga beauty products ang nasa may lababo at hindi niya maintindihan ang mga iyon. May bath tub din. Nagsimula na siyang mag shower para mabilis siyang matapos.

Towel ni Miah ang ginamit niya na nasa loob mismo ng CR. Mabango iyon at feel na feel niyang gamitin. Bakit ba sa tuwing nasa bahay si ng mga Serano parang feel at home siya? Hindi niya masabi kung bakit.

Pero mukhang kaylangan na niyang umuwi since wala na naman siyang gagawin. Pero they need to talk first. Nakabihis na siya nang matagpuan si Miah sa dining area. Tahimik itong nanonood ng TV. Pero mukha namang wala sa diwa nito ang pinapanood.

Umupo siya sa tabi nito. Magka amoy na sila ni Miah. Of course, he used Miah's liquid soap.

"Hey..." tumikhim siya. "About sa nangyari kanina... I'm sorry if I hurt you." Nakatitig siya kay Miah at tumingin na rin ito sa kanya.

"Don't be. May kasalanan din ako. Dapat pinigilan kita." Nang sabihin iyon ni Miah ay parang may kung anong kumirot sa puso ni Red.

Tumango-tango siya kahit na hindi niya gusto ang sagot nito. He deserves it. Masyado kasi siyang padalos-dalos.

"But we're still friends." Hindi inaalis ni Red ang mga tingin niya kay Miah. Gusto niyang makita ang bawat pagbabago ng ekspresyon nito.

Sa wakas ay lumambot na ang mukha ni Miah. "Of course."

Tumango ulit si Red at ngumiti. Maybe not today. He though.

"Paano iyong inbitasyon ni Mama?" He knows he ruined everything because of that damn kiss.

"I don't know. I don't feel like going to your house tonight. Gusto ko munang mapag-isa, Red."

He respect that. Kaya naman ay tumango-tango ulit siya habang nakahalukipkip.

"Okay then. If you need something just call me, okay?" iyon na lamang ang nasabi ni Red.

"Okay."

"I have to go." Tumayo na si Red. Pero bago siya lumabas ng bahay... "Don't forget to lock the door."

"Okay."

Hindi na nagabala pang sundan siya ni Miah papunta sa labas. Kaya naman mabigat ang mga paa ni Red umuwi ng bahay nila.

At nang gabing iyon, pinagtakpan na lamang niya ang kawalan ni Miah sa bahay nila sa kanyang ina.

"She's with her cousin, 'Ma. Kaya hindi siya makakapunta dito. Thank you daw po at next time daw po." Iyon ang dahilan niya.

Puno ng pagka dismaya ang mukha ng kanyang ina nang gabi iyon. Dahil sa kagaguhan niya ay kaylangan pa niyang pagsinungalingan ang sariling ina.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

9.9M 122K 115
Magaling humalik. Magaling sa kama. Hindi torpe. Gwapo. Lahat ng iyan, wala kay Kendrick. Lahat ng iyan, naging dahilan para iwan...
18.4K 619 70
Published under Psicom's Reedz (4th Issue) Yanhur Bronte went to Palawan so he can make a manuscript novel about the Mystery death of Kairus...
1.3M 18.9K 56
High school friendship.