My Husband is a Mafia Boss

By Yanalovesyouu

210M 4.3M 4.6M

Si Girl - may pagka-childish, slowpoke, exaggerated mag-isip, accident prone, sweet, mabait, super friendly... More

MHIAMB Prologue
Chapter 1 - Aemie
Chapter 2 - Differences
Chapter 3 - Barbie
Chapter 4 - His Eyes
Chapter 5 - Zeke
Chapter 6 - Meet her family
Chapter 7 - The Meeting
Chapter 8 - We're Married
Chapter 9 - First Day (Part 1)
Chapter 10 - First Day (Part 2)
Chapter 11 - First Day (Part 3)
Chapter 12 - Perfect Wife (Part 1)
Chapter 13 - Perfect Wife (Part 2)
Chapter 14 - Endearment
Chapter 15 - Hell Week
Chapter 16 - His Side
Chapter 17 - Honeymoon
Chapter 18 - Away
Chapter 19 - Mafia World (Part 1)
Chapter 20 - Mafia World (Part 2)
Chapter 21 - Business World (Part 1)
Chapter 22 - Business World (Part 2)
Chapter 23 - First Monthsary (Part 1)
Chapter 24 - First Monthsary (Part 2)
Chapter 25 - First Monthsary (Part 3)
Chapter 26 - Her other side
Chapter 27 - Inlove?
Chapter 28 - Threats
Chapter 29 - When she cries
Chapter 30 - Yaji
Chapter 31 - Mafia Boss (Part 1)
Chapter 32 - Mafia Boss (Part 2)
Chapter 33 - Confession
pampam na mensahe ni pamangks
Chapter 34 - The Queen
Chapter 35 - Death and New Beginning
Chapter 36 - Milka Shinize Boulstridge (Shin)
Chapter 37 - Missing ( Part 1)
Chapter 38 - Missing ( Part 2 )
Chapter 39 - The Boss
Chapter 40 - Nightmare ( Part 1 )
A MUST Read (For Aemie and Zeke's Annivesary)
Chapter 41 - Nightmare ( Part 2 )
Chapter 42 - Date ( Part 1 )
Chapter 43 - Date ( Part 2 )
Chapter 44 - Date ( Part 3 )
Chapter 45 - The Plan
Chapter 46 - The Heiress
Chapter 47 - Suspicions
Chapter 48 - Assassin
Chapter 49 - Launching ( Part 1 )
Chapter 50 - Launching ( Part 2 )
Chapter 51 - Fall of the Queen
Chapter 52 - Heartbreaks
Chapter 53 - Devour by grief
Chapter 54 - The past three days
Chapter 55 - Yaji and Swansea
Chapter 56 - Mr. and Mrs. Roswell
Chapter 57 - Premonition
Chapter 59 - Mafia War ( Part 2 )
Chapter 60 - Ferrer-Roswell Nuptial
Epilogue
New Story Alert: MHIAMB S2.5: Undisclosed Period
New Story Alert: Lerwick

Chapter 58 - Mafia War ( Part 1 )

2.4M 58.2K 56.4K
By Yanalovesyouu

Chapter 58 (MHIAMB : Mafia War – Part 1 )

 

Kaizer's PoV

 

“Kaya mo bang tumakbo sa lagay mong yan?” Tumigil ako sa pag-nguya ng ubas na kinakain ko. Ampotek minamaliit ba ako nitong kapatid ko na ‘to? “Oo naman sis. Ano naman akala mo sa’ken? Sa gwapo kong ‘to? Sanay na sanay na akong habulin ng chiks.” Natatawa-tawang sabi ko.

“Awts!” Daing ko nung batukan nya ako. “Nakakatawa ka pa, tuluyan ko kayang baliin yang paa mo.” Ang hard talaga nitong ate ko sakin. Minsan tuloy naiisip ko kung kapatid nya ba talaga ko.

Lalo na pag tumitingin ako sa harap ng salamin. Napapa-iling na lang ako. Alam kong maganda ang kapatid kong si Meisha. Kaso nagdududa ako minsan. Walang katulad talaga ang ka-gwapuhan ko. Panong nagkaroon ako ng kapatid? Pfft. “Relax sis. Mas maganda ka kung kalmado ka lang”

 

Tinaasan nya lang ako ng kilay. “Psh” Ang sungit talaga ng mga babae.

 

"Ilang araw na din naming hinahanap si Ms. Aemie, dahil hindi namin alam kung anong nangyari." Natigilan ako sa pangungulit sa kapatid ko nung nagsalita si Cassandra. Nakatingin sya ng diretso kay boss

 

"DAMN!"

 

"Boss kalma! Nararamdaman ko namang ligtas si Aemie." Yan ang tinitibok ng poging instinct ko eh bakit ba. As usual, nakatanggap ako ng matatalim na tingin mula kay boss.

“Nakapag-eavesdrop ako sa kanila” Woooo! Saved by the beautiful gelpren of Bouldado. None other than Caileigh Ferrer.

“I’m not sure if I’m tama but I heard na they'll send Aemie-girl to one of our mansions.”

 

"Great! At least may idea na tayo. Ilan ba mansion ng mga Ferrer? Ako na hahanap" Sagot ni Lerwick. Yabang nitong pilantod na to. Kala mo kayang maglakad. Pfft.

Inaabangan ko kung ilan ang isasagot nya. "Around 50 I guess?"

 

Pfftt. "Sige Lerwick umpisahan mo na mag-hukay ng libingan." Ang dami nun wengya! Aanhin naman nila ang ganoon ka-daming mansion.

 

"G*go!"

 

"Labyu too! Ipaghuhukay na din ba kita para til death to us part?"

 

"Whoa! Wag ganyan pre! Wag mo masyado pahalata pagnanasa mo sa'kin."

 

"Tss. Tumigil na nga kayong dalawa" Singit ni Lee. "Baby lee. Come to papa Seb. Pfft" Nakarinig kaming lahat ng nag-kasa ng baril kaya hugong na lang ng aircon at pagpatak ng tubig sa CR ang tanging ingay na maririnig mo dito sa loob ng kwarto ni Boul.

"So--kailangan nating magkaroon ng list ng mga mansion ng Ferrer" Umpisa ni Milka. Nakakatuwa din tong kapatid ni Boul. Mas may pakinabang pa sa kuya nya.

"I guess I can mange that. Kakausapin ko na lang siguro si Master." Suhestiyon ng kapatid ko.

"Agree. Bakit hindi natin kausapin si Master at ipaliwanag ang lahat."

"Wrong move."

 

Tumingin kaming lahat kay boss. "He won't believe you." Tumahimik ulit kami at nagsimulang mag-isip.

Tama naman si Mr. Roswell. Lalo lang makakagulo sa sitwasyon pag nalaman ni Mr. Ferrer ang nangyari.

Aemie's PoV

Hayy! Last option ko ang naiisip ko. Ayoko sanang sirain 'tong bahay pero kailangan ko na makalabas!

Hindi pwedeng hindi ko makita ang surprise ni mommy kay daddy.

Umakyat ako hanggang third floor nitong pink na bahay at naghanap ng pinakamababang lugar.

Hehehe. Ayaaan! Hindi masyado mataas dito. "Problema ko naman kung paano iaakyat ang dining table dito. Huhuhu."

-

"Konti na lang Aemie. Kaya mo yan!" Cheer ko sa sarili ko. Tumutulo na ang pawis ko pero malapit na ako sa third floor. Hehehe. Ngayon ko napatunayan na ang lakas ko pala. Ang bigat nitong dining table ha. Isang oras ko na yata tong hinihila unti-unti pataas eh.

"Perfect! Hehehe" Sinubukan kong umakyat sa ibabaw ng table para sukatin kung gaano pa kataas ang kulang para maabot ko ang kisame.

Itinaas ko ang dalawang kamay ko kaso--"Mataas pa! Huhuhu" Inisa-isa ko ang mga kwarto para maghanap ng pwede pang ipatong sa dining table. "Hihihi. Mukhang pwede na to." Hinila ko ang isang office table at iniakyat sa ibabaw ng dining table. Malapad din ang office table pero sakto lang sa dining table.

"Huwaaaa! Pagod na ko!!" Nahilata muna ako sa sahig habang pinupunasan ang pawis ko.

Nung medyo mawala ang pagod ko ay sinubukan ko na ulit akyatin. "Omg! Konti nalang!" Abot na ng mga kamay ko ang kisame, kaya kinikilig ko. Kaso kulang pa din. Hayy! Kung malakas lang ako pati kama at sofa hihilahin ko kaso ang bigat eh.

"Ayan!! Kyaaaaa~ Ang galing mo talaga Aemie!"

Ang problema ko naman ngayon ay kung paano ko sisirain ang kisame. Huhuhu.

Alyana's PoV

 

"Sure. So when is that?---Ahh that's a good news for the Yaji and Swanseas--- We'd love to work with you too---Alright."

Violet. I said at the back of my mind. Pero hindi ako gumagalaw. Ilang araw na din akong gising.

-Flashback-

 

"Mommy? Alam mo bang pumirma ako ng annulment papers kanina." Iminulat ko ang mga mata ko. Aemie's crying. She's not even aware that I'm awake.

 

'What the heck happened?' tanong ko sarili. Ilang oras o araw ba akong nakahiga dito? "Alam ko namang jokijoki lang yong annulment pero nalulungkot pa din ako. Huhuhu." Sinubukan kong sulyapan ang mga galos ko sa braso nang hindi nakakahalata si baby Ae. Halos pagaling na ang mga sugat ko.

 

"Gumising ka na kasi mommy." Tumingin sya sa akin.

 

Wala akong plano na magpakita kay baby Ae na gising. Kaso nahuli na nya ko. "Waaa-mm!!"

 

"Don't shout baby Ae. I need your help" Hawak-hawak ko ang bibig nya para di sya makasigaw. She's always the cutest.

 

"Lock the door" bulong ko sa kanya.

 

Nung marinig kong nailock na nya ang pinto ay tumayo na agad ako mula sa pagkakahiga. Sht, it's been days simula ng huli akong gumalaw. Para tuloy mangangalas ang mga buto ko.

 

Ramdam ko ang pagkirot ng binti ko at braso na paniguradong may mga bali. Kailangan ko pa maka-recover. "Nakakatayo ka naman po pala mommy. Bakit nagpatulong ka pa sakin i-lock ang pinto?"

 

Natawa ako ng mahina at saka sya niyakap. I missed her a lot. "May baril ka ba baby Ae?" Kumuha ako ng apple at saka kinagat. "M-meron po. Waaa! Mommy si Zeke may bigay nun--"

 

"Hahaha. That's okay baby. Pwede ko bang mahiram?"

 

"Kukuhanin ko po."

 

"Wait" Pigil ko sa kanya.

 

"Secret lang natin na gising na ako ha? Isu-surprise ko ang daddy mo eh." Nakangiting sabi ko sa kanya.

 

Tumango sya at ngumiti din. "Opo!" Knowing her, masunurin syang bata.

 

-

 

"Bakit may phone pa?" tanong ko pagkabalik nya. Hawak-hawak nya ang isang paper bag at inilapag ang mga laman nun. "Kay Kate po yan mommy. Dinekwat ko po hehe."

 

A gun, and a phone.

 

Now I need to think of plans for my revenge.

 

-End of Flashback-

 

 

"How's the business?" That's Eiji's voice. Anong business ang sinasabi nya?

"They're more than ready to be our alliance. Malaki ang galit nila sa Roswells." I'm more than ready to kill you too, bitch!

Alliance? With whom?

"That's a good news. Oras na para tapusin ang kahibangan ng Roswells." I want to get up and slap Eiji as hard as I could. Minsan na kaming naloko ng mga Swansea and I won't let it happen again. Not even in my next life.

"Should I send men to kill them?"

"As soon as possible, I want them all dead, bago pa man bumalik ang anak ko mula sa bakasyon."

 

"Sure love! Let me handle that" Lalong kumulo ang dugo ko nung narinig ko ang word the 'love'.

 

 

 

Sebastian's PoV

 

"Dahan-dahan lang kasi. Aish!" Pinapagalitan ako ni Shin habang inaalalayan nya akong maglakad. "Kung makapag-madali ka kala mo naman ang lakas-lakas mo." Dugtong pa nya.

"Kailangan baby. Nauubusan tayo ng oras." Sabi ko sabay kindat.

Ang utos ni boss ay magpahinga muna kami at hwag gumawa ng hakbang. Binigyan nya kami ng tatlong araw para maghanda. Ang tanong. Anong mangyayari sa loob ng tatlong araw?

Ang tagal nun ah!

"Isa pa. Kaya mo pa ba?" Tanong ni Shin. "Kahit ilang rounds pa baby" Kinindatan ko ulit sya at napansing--pftt. Namumula. Takte! Ang cute talaga ni Shin.

-

Lumipas ang maghapon na puro pag-e-ehersisyo ginagawa ko.

Nakaharap ako sa salamin at pinagmamasdan ang gwapo kong mukha. Hindi naman ako napuruhan. Konting pilay lang, at mga pasa. Naka-isang linggo na din mula non.

Siguro naman bukas bago matapos ang tatlong araw kayang-kaya ko na makipagsabayan sa kanila.

"Wow pre! Nakaka-tayo ka na!" Puri ko kay Boul pagpasok ko ng kwarto nya. Dito pa din sa ospital.

"Ikaw lang naman ang weak." Ganti nya sabay smirk. Tuluyan ko kaya to?

"Ayan na naman kayong dalawa. Ako kay kumitil sa mga buhay nyo." Isa pa tong si Lee, kanina pa umaga mainit ang ulo. Pfft. "Yo Mei!" Bati ko sa kapatid ni Lamperouge. Cute din to eh. Kaso mas mataray kay Shin. "Problema mo Lerwick?"

"Ganyan talaga yan pag di pa natuturukan ng gamot sis. Hayaan mo na yan si Lerwick." Epal din tong Lampe na 'to eh. Aish! Bakit ba ang susungit ng mga kapatid nitong mga g*gong to.

"Get ready." Sabay-sabay kaming tumingin kay bossing. "Akala ko bossing--"

 

"They're going to attack us---tonight"

 

"Tonight?!"

 

"Whoa! Seryoso boss?"

 

"Anong plano?"

 

"Kailangan na natin mag-isip ng plano."

 

"Ihahanda ko na ang mga saklay nyo."

 

"Ako taga-hawak ng dextrose ni Boul, ikaw sa catheter. Pfft."

 

"Ul*l!"

 

"Will you shut your fvcking mouth up?" Itinikom ko agad ang kissable lips ko bago pa mag-kasa ng baril si bossing.

"Just tell us what we can help. I know hindi kami parte ng Roswells, but we're on your side. We'll follow your orders Mr. Roswell." Magalang na sabi nung syota ni Mei.

"Alright. Spade Clifford and Lerwick, prepare the bombs. "

 

"Areglado bossing!" Sagot ko agad pagka-saludo.

"Lee and Arcadia, make sure Aemie's dad won't get hurt and the rest of her family." Tumango naman din si Lee. Si Fauzia ay ngumiti naman.

 

"Tristan Klein, and Meisha Lamperouge. Prepare all the guns and ammos."

 

"Lamperouge and Cassandra Heather you're assigned to prepare the cars. The faster, the better."

 

"Pano ako boss?" Tanong ni Boul. Pfft. Natatawa ako. Halata namang walang magagawa si Boul eh.

"In your case" Pinasadahan ni boss ng isang mabilis na tingin si Boul. "You and Ms. Ferrer will going to be our eye. Monitor everything."

 

"Ako na magseset-up ng cameras para sayo Boul."

 

"Naks naman! Ja-Va loveteam! Caileigh at Fauzia, bantayan nyo mga syota nyo." Pang-aasar ni Lampe. Pfft.

"Awts. Baby Lee paano na ako?" Humawak pa ako sa puso ko at kunwaring nasaktan.

"Cut that! You only have three hours left to prepare." Pagkasabi ni bossing nun ay nag-umpisa na kaming lahat umalis at kumilos.

“Paano si Aemie, Mr. Roswell?” Tanong ni Lamperouge. Oo nga, paano si Aemie. “She’s safe. Mas mabuti na ding wala sya dito” Kampanteng sagot ni Boss.

Aemie's PoV

 

“Fresh airrrrr!” Huminga ako ng malalim at humiga sa bubong nitong pink na bahay. Hapon nap ala? Kulay orange na kasi ang langit. Grabe! Isang linggo din akong nasa loob nung bahay. Daig ko pa ang housemate ni kuya.

Ngayon, ang problema ko naman ay kung paano bumaba. Hayyy! Ang bata-bata ko pa pero ang dami ko nang pinoproblema sa buhay.

Gumapang ako sa bubong at sumilip sa ibaba. “Ang taas. Huhuhu” Tatlong palapag lang naman to pero feeling ko mamamatay ako pag tumalon ako sa baba. Hindi na nga ako magwiwish sa susunod. Feeling ko kaya nangyari sa akin to dahil gusto kong gayanin si Zeke sa pag spiderman eh.

Dahan-dahan akong lumakad sa iba pang parte ng bubong para maghanap ng pwedeng babaan. Bawat tapak ko, binabalanse ko ang sarili ko kasi ang dulas pala ng bubong ano? Tapos ang daming alikabok. Promise! Babalik ako dito at maglilinis sa susunod.

“Waaa! Yeheees!” Kulang na lang magtatalon ako sa tuwa nung makakita ako ng pwede kong talunan. Hehehehe. May Veranda ang Isang kwarto sa 3rd floor. Dito nalang ako tatalon.

“Kyaaa!” Awww! Hinimas ko ang balakang ko na mukang na-dislocate sa pagkakatalon ko. Huhuhu. Grabeng bakasyon to ha. Hindi na ako uulit sa pagbabakasyon! Akala ko pa naman ang mga bakasyon masaya. Hindi naman pala.

“Yiiii” Lulukso-lukso ako nung maka-baba na ako sa ground floor. Daig ko pa yung bagong-layang preso sa saya. Wait.

Nagtago agad ako at naupo sa halamanan nung may mga lalaking dumating. “Sigurado ka bang dito mo nadinig ang ingay?” Tanong nung isang lalaki. Mga guards ba sila dito? Parehas kasi silang may hawak ng malalaking baril. Grabe ha! Nagtatampo ako sa kanila. Ilang araw na ako kumakatok sa pinto pero hindi nila ako pinag-bubuksan. Ayoko na. Hindi ko sila papansinin.

“Oo sigurado akong nakarinig ako dito ng ingay”

Pero teka.  Ano namang ingay ang sinasabi nila? Eh sila lang naman dalawa ang maingay.

“Pasukin kaya natin sa loob at tignan?” tanong naman nung isa pa. Omygod! Papasok sila dun sa bahay? Waaaa! Hindi na sila makakalabas pag pumasok sila. Pero dahil tampo ako sa kanila, bahala silang makulong sa loob hehehe.

Inantay ko muna bago sila makaalis at saka ako tumakbo. Syempre nagtatago ako tuwing may makikita akong lalake na may dalang baril. Buti nalang at medyo madilim na, kaya hindi nila ako napapansin.

Kailangan ko na bumalik. Miss ko na silaaa!

 

 

Fauzia's PoV

 

"Dito po ang daan" Inaalalayan ko ang ibang pasyente para matiwasay na makalabas ng ospital. Utos ni Roswell na ilipat lahat ng doktor, pasyente, at ang lahat ng sibilyan sa kabilang ospital bago mag-gabi.

"Ilan na lang ang natitira?" Tanong ni Caileigh. "Nasa 50 na pasyente na lang po ate" Si Milka naman ang sumagot. "Ako na bahala sa kanila. Mag-ready na kayong dalawa"

 

"Opo ate."

 

"Sige po"

 

"Whoa! Nanay dahan-dahan po." Lumingon ako kay Lamperouge na inaalalayan na ang matandang inaalalayan ko kanina para isakay sa kotse nya.

Tumutulong sila sa paglipat ng mga pasyente, nurses at doctors sa kabilang ospital which happens to be Roswell's property.

After an hour of assisting them, natapos na din lahat. "Wala nang ibang natira sa taas ate."

 

"Sure?" Paniniguro ko.

"Yup. Na-double check ko na din." Sagot ni Caileigh. Tumango ako at. Ini-scan ko ang buong lugar. Halos lahat kami ay naghahanda para sa pag-dating ng Swanseas.

Si Lee ay busy sa pag-aayos ng camera. “Tulungan na kita?” Nakatungtong sya sa isang steel ladder at saka may kagat-kagat na wire habang nag-kakabit ng camera. Ini-abot ko naman sa kanya ang screw driver.  “Thanks. Ilang oras pa ang natitira?” Tanong ni Lee pagkatapos nya alisin ang wire na kagat-kagat nya. Chineck ko ang relos na suot ko “Uhmmm less than 2 hours” Sabi ko at saka ngumiti.

Naglakad-lakad muna ako para icheck ang ginagawa ng iba. “Oooops! Wag kang tatapak dyan, Miss” Hawak-hawak ang bewang ko ni Sebastian Lerwick at kamuntikan ko na syang maibalibag sa sahig, kung hindi ko lang sya nabosesan. Tinaasan ko sya ng kilay nung tanggalin nya ang kamay nya sa pagkakahawak nya sa bewang ko. I’m now waiting for a valid explanation. “May land mines kaming nilagay dyan ni Clifford, we’ll let you know kung aling lugar ang mga may bomba mamaya.” So that explains the reason why.

Ibinalik ko ang tingin ko sa sahig. I saw spots of black but not clearly, kasi hindi sya talaga obvious. I sometimes admire them for being excellent in this job. Para kasing ang hirap.

 

“Hey guys, we’re here!“ Nawala ang focus ko sa pagtingin ng sahig at nalipat sa truck na bagong dating. Sila Meisha at Tristan. “Need some help?” tanong ko sa kanya na may hinihilang isang malaking box, habang naglalakad ako papalapit. “Kami na dyan” Prisinta ni Spade Clifford, kasunod si Lerwick. Binuhat nila at ibinaba sa truck ang mga malalaking metal box.

I can’t describe the feeling I am feeling right now, pakiramdam ko accomplishment to.

Nakangiti lang ako na pinagmamasdan sila. “Wew! Ngayon lang ako nakakita ng taong aatakihin na ng kalaban pero nakangiti pa” Mabilis na nawala ang ngiti sa mukha ko nung nagsalita si Lee na katabi ko na ngayon at nakatingin din sa may truck. “Masama ba maging masaya?” Iritang tanong ko sa kanya.

Kate’s PoV

 

Magkadikit ang tuhod ko at tahimik lang na nakikinig sa mga pinag-uusapan. Habang tumatagal mas lalo akong natatakot. Lalo na nung dumating ang isang grupo ng mga lalaki.

Sigurado ba ako sa pinasok ko? Humigpit ang hawak ko sa hawak kong purse. Ang gusto ko lang naman ay si Mr. Roswell. “Ms. Fiona—uhh” Hindi ko maituloy-tuloy ang sasabihin ko dahil tumitingin sa akin si Mr. Lionhart tuwing sisimple ako para kausapin si Ms. Stonehurst.

Pinagmasdan ko ang buong paligid, kulang nalang military tank at helicopters. Yeah I know I’m a bitch. Pero hindi ako mamamatay tao. I mean, why did I let myself get involve with this kind of trouble?

“Miss Alonzo, since nandito ka nadin na din naman. Sumama ka na sa pagpunta sa hospital na kinaroroonan ni Alyana Ferrer” Sabrina said. Ano naman ang gagawin ko dun? Psh! “Sumunod ka na lang” bulong ni Ms. Stonehurst. “Eh ikaw Ms. Fiona?”

“She’s coming with me” Mr. Lionhart said with a cold voice. He’s like Mr. Roswell.

Aemie’s PoV

 

“Ate pa-tawag naman po” Tinignan ako ni ateng gasoline girl na parang nandidiri sa akin. Huhuhu. Naka-paa pa din kasi ako, at ang dungis na ng paa ko. Nasa isang gasulinahan ako, eto ang meron dito sa hi-way.

Kahit hindi ko sya tanungin alam ko namang nag-aalangan syang ibigay sa akin yung cellphone nya. Nakipag-bulungan pa kasi sya dun sa kasama nyang isa na gasoline girl din. “Wala akong load, Miss” Mataray na sabi nya. “Kahit isang text lang naman po” *pout* Minsan tuloy naiisip ko, sana hindi na lang ako lumabas nung bahay, edi sana nakahiga ako doon sa sofa at nanunuod ng Barbie na dvd. Hayyy.

Hindi na ako pinansin nung dalawang gasoline girl. Ang damot naman! Isang text lang naman eh. Huhuhu. Paano ako uuwi nyan?

Inumpisahan ko na ulit mag-lakad sa gilid ng Hi-way. Tiwala lang Aemie. Makakauwi ka din. Tanda ko naman ang daan na dinaanan naming ni tita Violet nung papunta dito. Kaso hindi ko lang alam kung ilang oras o araw ko yon lalakarin ngayon. Hayyy gutom na ako.

“Insaaan!” Natigilan ako sa boses na nadinig ko. Boses ni insan yun ah! “Aemie Ferrer-Roswell! Bakit ba palakad-lakad ka sa gitna ng kalye? Nababaliw ka na ba?!” Insan? Hindi ako makapaniwala sa nagagalit sa harap ko. “Huwaaaaa! Insan!!!”

“Woo! Ang tindi mo Aemie! Isang linggo kaming naghahanap ni Momo sa’yo. Sabi ba eh. Nasa lansangan ka lang”

 

“Mamaya na tayo mag-party. Tingin ko kailangan na nating umalis” Lumingon ako sa lalaking nagsalita. “Kuya Ken?”

 

“Miss Aemie” Nginitian nya ako.

“Alis. Alis. Bakit ba marunong pa sya.” Bulong ni Louie.

Eh?

Nagpabalik-balik ang tingin ko kay Kuya Ken at kay Louie. Anong meron sa kanilang dalawa? Yiiii! Mukhang may bago akong iimbestigahan na love story.

“No. Seriously, hinabilin ka sa akin ni Roswell, Miss Aemie” Si Zeke? “Huwaaaa nasaan na si Zeke?” Natatarantang tanong ko. Halaa! Ang tagal kong hindi nakakausap si Zeke. Ano na kayang nangyari sa kanya?

-

Nung makasakay sa kotse ay hiniram ko ang cellphone ni Kuya Ken at agad na dinial ang number ni Zeke. Nasa kabilang kotse si insan kasama ni Louie.

The subscriber cannot be reached. Please try your call later.

 

Hayy! Ano na naman kaya ginagawa ni Zeke, at bakit hindi ko ma-contact. “Kuya Ken, si Zeke pala?” tanong ko kay Kuya Ken na nagda-drive. “Hindi ko na sasabihin, ihahatid na lang siguro kita” Nakangiting sagot nya.

Okay.

Ini-on ko ang packet data nitong cellphone nya at binuksan ang fb account ko.

 

Dong!!!!! Nasaan kaaaaaa?! Sabi ni Kuya Ken hindi daw nya sasabihin! Ikaw na lang ang magsabi. Hehehehe.

 

Inaantay kong magreply si Zeke. Pero hindi naman nagrereply. Hayy! Hindi ko din naman kabisado numbers nila Kaizer. Hindi ko tuloy matanong.

 

Meisha’s PoV

 

Nagtipon-tipon kami para maghanda. Nakasuot ako ng pang-nurse na damit, ganun din si Cassandra. Si Milka ay nakasuot na parang doktora.

Hindi ko alam kung matatawa ako sa mga itsura namin. Lalo na ang kapatid kong feel na feel ang guard outfit na suot nya. “Kahit talaga anong isuot ko ang gwapo ko” Nakangising sabi nya, habang inaayos ang uniform ng guard na suot nya.

“Gising na tol. May trabaho pa, binabangungot ka na naman. Tsk” Apila naman ni Lerwick. They’re always like that. Tingin ko masasanay na din ako sa kanila as the time goes by.

“Eto nga pala, contact us if may problema” Isa-isang iniabot sa amin ni Caileigh ang maliit na earpiece. “Magsalita lang kayo pag may kailangan kayo” dugtong pa nya.

Binuksan ko ang steel trunk na naglalaman ng mga baril at ammos. “Whoaaa! PS1 Pocket Shotgun!” Para talagang bata tong kapatid ko. Tinampal ko ang kamay nya na nangunguna sa pagkuha ng baril. “Aww! Sis naman. Bagay na bagay sa gwapo mong kapatid yan”

“Why don’t you use this Arsenal SAM7UF, instead? Mas bagay yan sa suot mo” Psh! Stupid. Kumuha ako ng dalawang handgun, since hindi naman magiging madali sa akin na magtago ng malalaking baril. Isang Desert Eagle at isang Walther CCP, ayos na to.

“Wow! I like this one”

“Can I join too?” Abot tenga ang ngiti ni Milka Boulstridge. Seryoso ba sya sa sinasabi nya? As far as I know wala naman syang experience. “No” tipid na sagot ni Roswell. Sa nakikita ko, mukhang tama ang sinasabi ng kapatid ko. Mabait si Ezekiel Roswell, ibang-iba sa pagkakakilala namin sa kanya.

“Babalik na ako sa truck” Paalam ni Caileigh. They’ll be monitoring the whole area na ini-connect ni Jacob Lee sa loob ng truck, exactly 100 meters away from here.

“Bossing, ako na bahala kay Shin. Payagan mo na sya makisali” Pamimilit ni Lerwick. Ang kulit talaga nitong mga Roswells. Kung ako siguro si Ezekiel, uminit na ulo ko sa kanila. “Babantayan ko na lang din sila” Singit ni Arcadia.

Tumango lang si Roswell, mukang pumayag naman sya. Ang ilan sa amin ay busy na sa pag-aayos ng mga napili nilang baril.

“How’s everything?”

“Ayos na ang mga sasakyan Mr. Roswell”

 

“Yung mga bombs, okay na din. Black is for active land mines, white naman sa mga fake.” That’s Spade. “How many minutes do we have?” Tanong ni Ezekiel. I actually don’t understand that.

“30 minutes, mula sa pagdating nila, before this building turn into pieces”

“Seriously?” Gulat na gulat na tanong ni Cassandra?

 

“Yes” Nakangising sagot ni Lerwick.

“It’s about time” Inalis ni Roswell ang tingin sa wrist watch nya at saka inayos ang dala nyang mga baril, at saka naglakad palayo.

“Teka lang bossing! Wala ka man lang bang iuutos? Bilin? Goodluck? Goodbye message sa amin? Aba! Hindi natin alam, mamaya kuling gabi na pala ni Lampe ngayon. Pfft”

 

“G*go. Gusto mo ako na pumatay sa’yo?” Sagot naman ng kapatid ko. Leche! Eto na naman po kami.

“Kill them all” Utos ni Roswell at saka naglakad na palayo.

“Woooo! Let’s get it on baby!” Hiyaw ni Max at Lerwick sabay kasa ng mga baril na hawak nila. Aish! Napa-iling nalang kami.

A/N :

Hello kay KHAILA hahaha.

Guys kung gusto nyo pala maging updated kung kailan ang Season 2, or if you have questions pa-like po ng Official MHIAMB Page https://www.facebook.com/MHIAMBOfficial or kinldy click the external link on the right side :)

Yung mga chocolates ang sasagot sa inyo don hehe. Mas active kasi ako dun sa page. Active magabsa :D Kesa dito sa wattpad. Pero nagbabasa naman ako dito. Thank youuuu lovelove~ Last 2~

Continue Reading

You'll Also Like

58.2K 1.1K 97
[Completed] [-TAGLISH-] Finding for hugots and pick up lines? You're in the right book! Lol! For those who unfortunate, Abandoned, beaten and dece...
10.1M 162K 41
PART 2 OF Practicing My First Real Kiss. May first kiss na ba kayo? AKO? HINDI KO ALAM! Pero, considered bang first kiss kahit 'NAKALIMUTAN' mo na? ...
5.2K 67 20
Malaya nating mailalahad ang ating nararamdaman at mga pangyayari sa ating buhay sa pamamagitan ng tula. Hindi naman ganoon kaganda, sapat na para ma...
9.2K 107 9
Iba't ibang klase ng tula, mga tulang patungkol sa pag-ibig, sa kaibigan, pamilya at iba pa. Ang iba ay mga pangyayaring nangyari na sa totoong buhay...