Teen Clash (Boys vs. Girls)

By iDangs

174M 3.7M 1M

Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaib... More

Teen Clash: Boys vs. Girls
Prologue
Chapter 1: The Story Begins
Chapter 2: Second Encounter
Chapter 3: Teen Clash?
Chapter 4: Kingdom High
Chapter 5: About The Boys
Chapter 6: Thank you saan?
Chapter 7: Nice Girls No More
Chapter 8: Akin 'tong libro
Chapter 9: Palabok
Chapter 10: Let the games begin!
Chapter 11: Akala ko pa naman
Chapter 12: Laptop
Chapter 14: Guidance
Chapter 15: Savior
Chapter 16: Kiss/Locked
Chapter 17: Other side of the story
Chapter 18: Girl in the Music Room
Chapter 19: Manager Ry
Chapter 20: End of the world
Chapter 21: Walking in the Rain
Chapter 22: Seven Rules
Chapter 23: Lunch
Chapter 24: Kasi wala lang
Chapter 25: Back off
Chapter 26: I'm here for you
Chapter 27.1: Ice
Chapter 27.2: Ice
Chapter 28: Piggyback Ride
Chapter 29: Usapang lovelife
Chapter 30: Tipo ni Zoe
Chapter 31: Weird
Chapter 32: Bakulaw
Chapter 33: Lover's Quarrel
Chapter 34: Blush
Chapter 35: Stay Close, Don't Go
Chapter 36: Truth or Dare
Chapter 37: Love Has No Reason
Chapter 38: Contest
Chapter 39: Too Late
Chapter 40: Payo ni Ayu
Chapter 41: Asungot
Chapter 42: Kukunin ko siya
Chapter 43: Untitled
Chapter 44: No way
Chapter 45: Phone call
Chapter 46: C.R. lang ako
Chapter 47: Mall
Chapter 48: Curious
Chapter 49: Sana
Chapter 50: Debate
Chapter 51: Deny
Chapter 52: Double Celebration
Chapter 53: Walk out
Chapter 54: Bitter
Chapter 55: Words and Actions
Chapter 56: Girl Talk
Chapter 57: Rule breaker
Chapter 58: Ikaw lang
Chapter 59: Christmas Party
Chapter 60: Text/Reply
Chapter 61: Skype
Chapter 62: No title
Chapter 63: Alex and Eunice
Chapter 64: The truth
Chapter 65: So In Love
Chapter 66: Last Chapter
Epilogue
Super Random Special Chapter
Teen Clash Playlist ♫
Book 2 and Other Stories
Teen Clash Book
Teen Clash 2 Book

Chapter 13: Forever is just a word

2.6M 56.2K 12.2K
By iDangs

Zoe's Point of View


Ang hirap naman nito. Natutuyot na utak ko. Bakit ba kasi bawal ang copy paste? Nakakatatlong page pa lang ako sa ginagawa ko. Bakit feeling ko thesis na ginagawa namin? Highschool pa lang naman ako. At ang mas masaklap pa, one week palang since nagstart ang school year pero over naman na ata 'tong pinapagawa sa amin. Due pa 'to sa Monday kaagad.

"Anong date ngayon? Ilalagay ko lang para sa date of submission?" tanong ni Leader Ayu.

"June 21," sagot naman ng isa sa kagrupo namin. Seryosong seryoso ang lahat ha. Amazing! Pero... June 21 ngayon? Bakit parang... oh... oh no.

"Sure ka? 21 ngayon?" Paninigurado ko.

"Oo. Chineck ko sa phone."

"Oh no! 21 pala ngayon!"

"21 ngayon. June 21. Saturday. What's the big deal?! Arte naman. Makapagreact," sabi ni Josh na nakatutok pa rin sa laptop niya.

"Tumahimik ka! Hindi hinihingi opinyon mo dito!" Pagtanggol naman sakin ni Sab sabay irap pa kay Josh. Inirapan lang din naman siya ni Josh. "Bakit ba, Zoe? Bakit ganyan reaksyon mo?"

"Where's Yannie? She's alone, right? Oh no. Oh no." Napasabunot na ako sa ulo ko. Medyo nagpapanic na ako.

"Yannie? Oo. Iniwan namin sa bahay. Bakit mo ba – " Napahinto sa pagsasalita si Sab at nagkatinginan sila ni Ayu. Parehas nanlaki ang mata nila at sabay nagsalita, "We need to go."

Tumayo kami pero nagpatigil din nang magsalita si Ice. "Where do you think you're going? Tapos na ba kayo? If not, then finish your work before going," utos niya habang nakatuon pa rin ang atensyon sa pagtatype.

"Huwag ngayon, Ice. We really need to go," sabi ko sa kanya.

"Don't you think it's a bit unfair kung aalis ka? Kung aalis kayo? Hey, leader! Ikaw na nagsabi na bawal umalis kapag hindi pa tapos. Kapag umalis, hindi ililista ang name sa group. I think we all agreed on that." Kalmadong kalmadong pagkakasabi ni Ice habang nakapalumbaba pa at nakatingin sa amin.

"But we badly need to go. Hindi niyo kasi naiintindihan," pagmamaktol ni Sab habang pumapadyak padyak.

"Kahit anong rason pa 'yan, hindi 'yan uubra. Nag-usap-usap na tayo kanina," Josh said blankly.

"Pwede naman kayong umalis. Wala nga lang kayong grade." Ice is really threathening us.

Tumayo ako ng diretsyo at kinuha ang gamit ko sabay lakad papalabas. Sasama pa sana si Ayu at Sab pero pinigilan ko na sila.

"Sab and Ayu, don't you dare follow me. Tuloy niyo lang yang ginagawa niyo. Ako na ang bahala dito. Just trust me, okay? I can handle this." They look unsure at first pero nang hindi ko binawi ang tingin ko ay tinanguan nila ako at ngumiti.

"Wag mong asahang may grade ka dito," pahabol pa ni Ice.

"I don't care about that damn grade. My friend needs me now," sabi ko sa kanya nang hindi lumilingon at tuluyan nang lumabas ng bahay.

Bakit ba nakalimutan kong 21 ngayon? This was supposed to be Yannie and his ex's, Tom, 3rd anniversary.


Last year, June 21, inabutan naming lasing na lasing si Yannie na tumatawid sa kalsada. Muntik na siyang mabangga noon buti na lang natulak agad siya ni Sab palayo. She's screaming and crying that time. Sana safe lang siya ngayon. Please, Lord. Sana hindi na naman gumawa ng kalokohan ang kaibigan namin.


***

Xander's Point of View

Yeah! This is life!

Nasa No Name ako ngayon. Umiinom. Nagpaparty. Nangchichicks.

Sa aming apat ako lang ata ang maswerte ngayon. Ako lang nakakapagsaya. Si Ice at Josh, ayun, gumagawang research paper. Ang demanding naman kasi ng leader nila. Si Ken naman gumagawa rin ng research paper pero dahil sa siya ang leader namin at grade conscious siya, inako na niya lahat. Wala raw kasi siyang tiwala sa magiging result ng research paper if may gagawang iba bukod sa kanya. Hindi ko nga alam kung mabwibwisit ako dahil sa wala siyang tiwalang kaya namin gumawa nu'n o kaya naman ay matutuwa kasi dahil sa pag-ako niya ng lahat ng gagawin ay nakakapagparty ako ngayon.

I guess I'll go for the second one.


"Xander." Napatingin ako kay Manager Ry at tinanguan siya nang tawagin niya ako. "Huwag niyo masyadong apihin o seryosohin ang laban niyo ng apat. They may look tough outside pero anong malay natin."

"Are you their dad or something?" pabiro kong tanong sa kanya. Sinamaan niya lang ako ng tingin kaya tinaas ko na lang kamay as if I'm surrendering. "Okay. Okay. Pero Manager, I can't promise you that. Kung nakita mo lang 'yung action scene noong nakaraan sa canteen malamang sa kanila mo 'yan sasabihin at hindi sa amin."

Napabuntong hininga siya at sinabi ko at umiling, "Paano ko ba kayo mapagbabati, mga bata kayo? Baka magmukha na akong matanda dahil sa inyo." Ayun lang at nagwalk out na siya.

Totoo naman kasi ang sinabi ko. Kakaiba 'yung apat na 'yun. Ang lalakas. Pero hindi lang naman kami nakalaban sa kanila kasi nabigla kami sa mga pangyayari. Sa itsyura nilang 'yun hindi mo iisipin na kaya nilang makipaglaban. Akala mo puro pagpapaganda lang ang alam. Baka kamag-anak nila si Pacquiao? Tapos tito nila si Jackie Chan.

Pero kahit na ba. They're really good. I find them interesting. Sila lang ulit naglakas loob labanan kami. Sisiguraduhin kong pagsisisihan nila ang paglaban sa amin. Lalo na 'yang si Yannie. Siya pa lang nangreject sa akin. Ako na nga nag-offer, ako pa nireject. Siya nga lang tinatawag kong sweetie kaya dapat matouch siya. Babe tawag ko sa mga babae ko, ano. Pero ngayon kahit maghabol siya, hindi ko siya papatulan. Bahala siyang maglaway sa akin.


Natigil ako sa pagdedaydream nang may maramdaman akong humahalik sa leeg ko. Nangiti na lang ako sa kanya. Hinarap naman nung isang babae ang mukha ko sa kanya at hinalikan ako. We just keep on making out nang nadilat ako at nahagip ng mata ko ang isang babae. Amazonang babae. Si Yannie. I ended the kiss.

"Wait, babes. May gagawin lang ako," sabi ko sa dalawang babae na hindi ko alam ang pangalan.

Palapit na ako kay Yannie na mag-isang nakaupo sa stool sa may bar at umiinom nang may lalaking nauna sa akin makapunta doon.

"Hi, miss. Mag-isa ka ata? Want me to join you?" Narinig kong tanong ng lalaki kay Yannie.

Hmm. Ano kaya sasabihin nito?

"Yeah. Sure." Woah? Pumayag? Nakakasakit naman sa ego ko 'yan. Mas gwapo ako sa lalaki pero ako nireject. Tapos 'yung lalaki hindi. Malabo ata mata niya. Sagwa ng taste.

"Thanks. So..." Umupo 'yung lalaki sa tabi niya. Tumalikod na ako para balikan ang mga babae ko since mukhang hindi ko mabwibwisit ngayon si Yannie nang marinig ko ang sinabi ni Yannie.

"Umalis ka dyan." Ano?

"Ha? Akala ko ba okay lang sa 'yo na samahan kita?" Nakakatawa ang itsyura ng lalaki. Naguguluhan na. Pero magulo naman talaga. May problema siguro sa pag-iisip si Yannie.

"Oo nga. But I'm not yet drunk kaya kung pwede umalis ka muna. Balikan mo na lang ako kapag lasing na ako."

Nakakunot noo namang umalis ang lalaki. Sus! Maski ako aalis kapag ganun. Maganda nga ang kausap mo pero para namang may sapak sa ulo.

Ngayon ay tinuloy ko na ang balak kong paglapit kay Yannie. Umupo ako sa katabi niyang stool kung saan nakaupo 'yung lalaki kanina.

"Hey, sweetie," kindat ko sa kanya. Kaya lang walang epekto. Inirapan lang ako. Ano ba tong babaeng 'to? Hindi talaga tinatablam ng appeal ko?

Napansin ko naman ang iniinom niya. "Brokenhearted ka, ano?" Kung brokenhearted siya, ito na ang perfect time para bwisitin siya.

"Excuse me?" lingon niya sa akin. Sumandal naman ako sa may table at pinatong ang dalawang siko ko doon.

"Brokenhearted ka."

"Wala ka bang magawa? Lumayas ka nga dito. Hindi ako brokenhearted."

"Ang mga babae, hindi magbabalak maglasing mag-isa kung walang problema. Kung hindi ka brokenhearted, siguro family problem 'yan."

"Our family is perfectly fine so shut up."

"Hmm. Financial problem," tango tango ko pa.

"Kung may problema ako sa pera, sana wala ako ngayon dito para uminom. Mas mahal dito. Pwede namang bumili na lang ako sa kanto at magkukulong sa kwarto. Mas mura kapag ganu'n. Common sense naman," sabay tungga niya sa boteng hawak niya. Tingin ko medyo lasing na 'to. Medyo madaldal na.

"Problema sa kaibigan 'yan. Nag-away away kayo, ano? Kaya ka mag-isa dito."

"Gumagawa silang research, 'di ba? At ako lang ang hindi nila kagrupo."

"Hindi family problem. Hindi rin naman tungkol sa pera. Hindi rin sa kaibigan. Eh brokenhearted ka nga. Walang duda."

"You don't know when to shut up, do you?"

Ha! I knew it. I hit the bull's eye.

"So I'm right. Sabi na nga ba brokenhearted ka. Kawawa ka naman pala. Anong nangyari? Nauntog 'yung lalaki? Nakipagbreak ba? O baka naman nakita mong may kasamang iba? Pinagpalit ka?" Sunod sunod kong tanong habang patuloy siyang pinagtatawanan.

Mukha namang naiinis na siya. Yes! Mukhang mananalo ako sa kanya ngayon. Good job, Xander! I'm so proud of myself!

Magsasalita na sana siya nang may lumapit sa akin na mga babae. 'Yung dalawang iniwan ko kanina.

"Xander, ang tagal mo naman," kapit ng isa sa akin.

"Oo nga, Xander babe. Naiinip na kami. Wait. Are you with this gir?" sabay turo niya kay Yannie.

Bago naman ako makasagot ay mabilis na umiling si Yannie. "Don't worry, girls, I'm not with him. You may take him with you. At ilayo niyo lang 'yan sa akin." Pikon kasi.

"Yannie sweetie, bakit mo naman ako pinapaalis? Nagpapakabitter ka ba?"

"Shut up! Just go away bago pa magdilim paningin ko at masapak pa kita," she glared at me. Nang ilipat niya ang tingin niya sa dalawang babae ay bigla siyang ngumis. "May naisip ako. Kayong dalawang babae kayo, kung ako sa inyo iiwan ko na lang 'yang Xander na 'yan. Iiwan lang din naman kayo niyan mamaya kaya bakit hindi niyo na unahan? Ayaw niyo nu'n? Mapagmamalaki niyo pa sa kaibigan niyo na iniwan-iwan niyo lang ang isang Alexander Evans. Instant popularity yun, honeys."

What the fck?! Ano bang pinagsasasabi ng babaeng 'to?!

Napaisip naman 'yung dalawang babae at bumitaw na sa akin. "Tama ka, girl. You're so smart," sabi niya kay Yannie at saka humarap sa akin saka kumapit at biglang nakipagpicture para raw proof. "Hey, babe, mauna na kami. Yay! I can smell popularity," sabi ng babae sabay kiss sa akin. Seriously?! Iniwan ako ng babae? Binabawi ko na ang sinabi kong talo ko si Yannie ngayon!

Nang makaalis na sila ay sinamaan ko ng tingin si Yannie na ngayon ay nakangiti na habang pinaglalaruan ang boteng hawak niya. "Ano ba?! Hindi dahil nagpapakabitter ka ay idadamay mo na – "

"Yannie!" Biglang pagsulpot ni Zoe na mukhang nagpapanic at chinecheck si Yannie. "OMG! Salamat naman at nakita kita dito. Ano? Okay ka ba? May nangyari ba sa 'yo?"

Hindi na niya hinintay makasagot si Yannie. Bigla na lang niya 'yun hinila kung saan man at iniwan akong mag-isa dito.

Badtrip. Makahanap na nga lang bagong babae.


***

Zoe's Point of View


Hindi ko alam kung paano kami napunta dito, pero ngayon ay nasa may mataas na lugar kami ni Yanniekung saan kitang kita ang mga ilaw galing sa mga bahay, buildings, sasakyan. Halos kita na ang buong city dito.

"Bakit tayo nandito, Zoe?"

"Sigaw."

"Ha?"

"Sumigaw ka. Umiyak ka. Magwala ka. Gawin mo ang gusto mong gawin. Huwag mong itago lahat ng nararamdaman mo. Kung nasasaktan ka, sabihin mo. Kung nahihirapan ka, ipakita mo. Huwag mo sarilinin 'yang problema mo. Para saan pa't tinawag mo kaming kaibigan mo kung sasarilinin mo lang din 'yang dinaramdam mo. Minsan okay lang ang umiyak at ipakitang mahina ka. Hindi sa lahat ng pagkakataon dapat ipakita mong malakas ka."

Hindi siya sumagot. Nakatahimik lang siya pero nakita kong may tumulo na luha sa mga mata niya.

"Umiyak ka. Sumigaw ka. Magpakahina ka muna ngayon. Huwag mo muna itago 'yang nararamdaman mo. Pero sana kapag tapos ka nang umiyak, pilitin mo nang maging okay. Huwag mong hayaang mabuhay ka sa nakaraan. Move on, Yannie."

Nangiti siya pero sobrang lungkot ng expression niya. Tuloy tuloy lang ang pagpatak ng luha niya. Naglakad siya palapit sa cliff at pinunsan ang pisngi niya pero nagbabagsakan pa rin ang luha niya.

"Nakakainis ka, Tom! Bakit ka umalis kaagad?! Bakit mo ako iniwan?! Akala ko ba walang iwanan?! Akala ko ba hanggang pagtanda magkasama tayo?! Nasaan na ang forever mo?! Sinungalng ka! Iniwan mo ako!" sigaw ni Yannie habang patuloy na umiiyak. Napaupo na siya at saka humikbi.

Lumapit ako sa kanya at umupo rin. Niyakap ko siya at hinayaan lang siyang umiyak sa akin.

"Zoe... bakit ba kasi ganu'n? S...sabi niya hindi niya ko... iiwan. Pero... iniwan niya ako. Naniwala ako. Umasa ako. Pero nasaan siya... ngayon? 'Di ba... wala na? Wala na siya. Forever is just a word. Tom! Tom naman eh! 3rd anniversary na sana natin... ngayon. Masaya sana tayo. Pero imposible na yun. Wala ka na. Iniwan mo na ko... Iniwan mo na kami. Bakit ba kasi... namatay ka pa sa car accident na 'yan? Sana kasama pa kita ngayon. Sana... sinamahan na lang kita... sa aksidenteng 'yun. Sana..."

"Yannie, huwag mo nang ituloy ang sasabihin mo. Marami pa kaming nagmamahal sa 'yo dito. Tingin mo ba masaya ngayon si Tom kung nasaan man siya kapag nakikita ka niyang ganyan? This would be the last time Yannie. After nito you need to move on. Pilitin mo."

Tinuloy ko lang ang pagtapik sa likod niya. Yannie needs us. We need to help her. Kailangan niya magmove on. Kailangan niyang matutong maging masaya ulit.

Continue Reading

You'll Also Like

74.9K 2.7K 26
Sia Corpuz, He have a Stepbrother and his name is, Clyde Jackson. He's possesive and obsess when it comes to him. He doesn't share. "What's mine, is...
5.1M 177K 50
Sequel/Book 2 (The MAIN STORY) of Love at First Read. Ano ang gagawin mo kung ginulo ng tadhana ang tahimik mong mundo? Sina Train, AB, Kudos, at Haz...
206K 2.7K 15
Naniniwala ka ba sa paranormal entities? Takot ka ba sa kanila? Eh paaano kung iyong bahay na titirhan mo ay pinamumugaran pala ng isang di pang kara...
217K 14.1K 70
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...