A Not So Secret Love Affair (...

By xxcalvinkleinxx

4.4M 74K 4.4K

Si Mariel ay isang simpleng babae lamang na walang ibang hangad kundi ang makakabuti sa kanyang pamilya. Sya... More

A Not So Secret Love Affair
Love Affair no. 1
Love Affair no. 2
Love Affair no. 3
Love Affair no. 4
Love Affair no. 5
Love Affair no. 6
Love Affair no. 7
Love Affair no. 9
Love Affair no. 10
Love Affair no. 11
Love Affair no.12
Love Affair no. 13
Love Affair no. 14
Love Affair no. 15
Love Affair no. 16
Love Affair no. 17
Love Affair no. 18
Love Affair no. 19
Love Affair no. 20
Love Affair no. 21
Love Affair no. 22
Love Affair no. 23
Love Affair no. 24
Love Affair no. 25
Love Affair no. 26
Love Affair no. 27
Love Affair no. 28
Love Affair no. 29
Love Affair no. 30
Love Affair no. 31
Love Affair no. 32
Love Affair no. 33
Love Affair no. 34
Love Affair no. 35
Love Affair no. 36
Love Affair no. 37
Love Affair no. 38
Love Affair no. 39
Love Affair no. 40
Love Affair no. 41
Love Affair no. 42
EPILOGUE

Love Affair no. 8

118K 1.8K 54
By xxcalvinkleinxx

"Sir dito lang po muna kayo. Mag iigib lang po ako ng tubig sandali." Napatigil sa pagkain si Sir.Jake. Napatingin sya sa timbang hawak ko kasabay ng pag kunot ng noo nya.

"San?" Kunot noong tanong nya

"Sa may kanto lang po Sir. Mag iigib lang ng tubig para may pampaligo po kayo Sir." Mahirap kasi dito ang daluyan ng tubig sa amin. Tulad na lang ngayon, wala na naman. Palaging nawawalan ng tubig dito lalo na pag ganitong katanghaliang tapat.

"Sama." Tumayo sya at kinuha ang timbang hawak ko.

Tumango na lang ako. Nauna na syang maglakad palabas. Tinakluban ko muna ang pagkaing kinakain nya dahil baka langawin ito. Mag dadalawang araw na nga pala syang namamalagi dito sa amin. Kapag naman tinatanong ko kung bakit nya ginagawa to ang palagi lang nyang isinasagot ay 'Trip'. Kapag naman tinatanong ko kung hanggang kelan sya dito, ang isinasagot naman nya ay 'Baket? Hanggang kelan mo ba gustong mag stay dito?' Hays! Ang galing kausap. Kaya sa huli, itinigil ko na ang pagtatanong dahil ako lang din naman ang napupurwisyo.

Sinarado ko na ang pinto ng bahay namin at inilock ito. Wala kasi ang dalawa kong kapatid dahil mamaya pang alas kwatro ang tapos ng eskwela nila. Malayo layo din kasi ang pagkukuhanan namin ng tubig. Usong-uso pa din naman dito ang nakawan sa lugar namin.

Magkasabay kaming maglakad habang ang hawak nya sakaliwang kamay ang timba. Pansin kong pinagtitinginan sya ng mga taong makakasalubong namin lalo na ng mga kababaihan. Hindi ko maiwang mainis. Dapat pala ay hindi ko na lang sana sya sinama sa pag iigib! Kahit kasi simpleng puting T-shirt at short lang ang suot nito ay lutang na lutang pa rin ang kagwapuhan.

Pumila kami sa pinaka dulo ng makarating na kami kung saan ang kuhanan ng tubig. Mahaba ang pila sabayan pa ng  init ng panahon kaya naman sobrang pawis na pawis na ako. Napatingin ako sa katabi ko na diretso lang nakatingin sa unahan nya. Buti pa tong isang to, kahit na pawis na pawis na din ay fresh na fresh pa din.

"Mariel!" Napalingon ako sa likuran ko ng marinig kong may tumawag sa likuran ko. Nakita ko naman si Angelo na tumatakbong papalapit sa akin.

"Sabi na nga ba eh! Ikaw yan! Kamusta ka na?! Ang tagal nating hindi nagkita. Ang ganda mo!" Bigla akong niyakap ni Angelo. Napangiti ako ng dahil sa sinabi nya. Si Angelo ay kapit bahay namin. Isa sya sa mga kaibigan ko dito sa baryo namin.

Magsasalita na sana ako nang maramdaman ko ang paghapit ng bewang sakin ng katabi ko. Bigla kong naalala na may kasama ako. Kasabay ang pagalaalang iyon ang pag alala na ginagawa nya sakin tuwing may lumalapit sa aking lalaki.

"Sino sya?" Kumunot ang noo ni Angelo ng makita na may kasama pala ako. Samantalang ako naman ay nanlalambot na ang tuhod dahil sa takot. Natatakot akong baka kaladkarin ako ni Sir pabalik sa bahay at saktan na naman ako. Hinihiling ko sa Diyos na sana ay umalis na lang si Angelo sa harap namin para tapos na ang gulo ngunit hindi nito tinupad ang dasal ko. Nakatayo pa din si Angelo habang iniintay ang isasagot ko.

"Jake. Amo nya." Napatingin ako kay Sir ng marinig kong nagsalita ito. Nakita kong nag iigting ang panga nito habang masamang nakatingin kay Angelo. Dumoble ang kabang nararamdaman ko ng dahil sa nakita.

"Amo mo to Mariel?! Nice meeting you Sir!" Bumalik ang ngiti ni Angelo at inilahad ang kamay kay Sir Jake para makipag kamay ngunit hindi ito tinanggap ni Sir Jake sa halip ay iniharap nya ako sa kanya at siniil ng mainit na halik. Napapikit ako ng maramdaman ng kumakatok ang dila nya sa labi ko. Napakapit ako sa braso nya para sa suporta samantalang sya ay nakayakap lang sa bewang ko. Mabagal lang ang halik sa una hanggang sa pabilis ito ng pabilis. Parang bula na naglaho bigla ang nararamdaman kong takot para kay Sir. Sya din ang unang bumitaw ng halik. Kapwa kami habol ang hininga ng dahil sa nangyari.

Nabalik ako sa realidad ng narinig kong may tumikhim sa tabi ko. At para akong tinubuan ng kamatis sa mukha ng maalala ko kung nasaan kami. Nang tumingin ako sa paligid hiniling ko sa Diyos na sana ay lamunan na lang ako ng lupa sa kahihiyan dahil lahat ng tao dito sa paligid ay napatigil sa ginagawa nila at lahat sila ay nakatingin samin.

***

"Sir. Ano ba?! Wag ka ngang magulo. May ginagawa ako!" Bulyaw ko sa kanya at tinignan ng masama pero imbis na matakot sya ay humalakhak lang sya ng tawa. Baliw talaga!

"Ang bango mo naman." Bulong nya sa tenga ko kasabay nun bumaba ang labi nya sa leeg ko. Nakikiliti ako sa ginawa nya kaya umiwas ako.

"Sir! Ang harot nyo. Tumigil ka nga!" Nakita kong napatigil sa ginagawa si Sir at kasabay nun ang pagkunot ng noo nito. Napalunok ako. Mukhang may mali ata akong nasabi ah.

"Ako?! Maharot?! Ah ganon ha." Kiniliti nya ako. Tawa lang ako ng tawa dahil malakas pa man din ang kiliti ko. Parang wala naman syang naririnig dahil tuloy pa din sya sa ginagawa nya. Napahiga na nga ako sa upuan kakaiwas sa kamay nya. Pinipilit kong hulihin ito ngunit ayaw nyang paawat. Halos kapusin na ko ng hininga kakatawa. Maya maya pa ay tumigil na din sya sa ginagawa nya.

Nasa bahay na nga pala kami ngayon at nagtitiklop ako ng mga damit namin. Hindi ko matapos tapos tong ginagawa ko ng dahil sa pangungulit ni Sir. Naalala ko na naman tuloy yung ginawa namin kanina. Hindi na ko magtataka kung machichismis ako dito sa amin.

Maya maya pa ay may kumatok sa pintuan namin. Nagkatinginan muna kami ni Sir bago ako tumayo para tingnan kung sino man yung kumakatok na yon. Pag bukas ko ng pinto ay nakita ko si Aling Melba na nakatayo habang may hawak na pamaypay at pinapaypayan ang kanyang sarili.

"Maniningil ako ng renta sa bahay." Walang kaabog abog na sabi nito. Pinagtaasan pa ko ng kilay.

"Akala ko po ba napag usapan na natin to? Hindi po ang sabi ko sa inyo ay sa isang linggo pa ako makakabayad dahil hindi pa naman ako nakakasweldo." Sabi ko. Ayun naman kasi talaga ang napagkasunduan namin.

"Hindi na pala. Wala akong pera ngayon. Kelangan ko ngayon yung bayad sa renta sa bahay. Ngayon na." Mas lumakas ang boses nito kaya napatingin yung mga tao na dumadaan malapit sa bahay namin.Medyo napahiya ako kaya naman tumungo na lang ako. Nag iisip din ako kung paano masosolusyunan ang problemang ito. Tulad nga ng sabi ko ay sa isang linggo pa ang sweldo ko at wala naman akong extra na pera sa ngayon dahil ibinigay ko lahat sa kapatid ko.

"Pero--" Magsasalita pa sana ako ng maramdaman kong may yumakap sakin galing sa likod ko. Pinatong pa nya ang baba nya sa balikat ko.

"May problema ba?" Tanong ni Sir gamit ang malambing na boses. Nabato ako sa kinatatayuan ko kaya hindi ako nakasagot agad. Parang tanga yung puso ko dahil bigla bigla na lang kumalabog ito. Pakiramdam ko din ay parang may nagliliparang paro-paro sa tyan ko. Parang may hindi tama.

"Boyfriend mo ba yan, Mariel?" Sabay turo ni Aling Melba kay Sir. " Aba at maswerte ka. Gwapo at mukhang mayaman. Sa kanya ka na lang humingi ng pera pambayad sa utang mo para may pakinabang naman yan sayo." Tumatawang wika ni Aling Melba. Narinig kong nag igting ang panga ni Sir. Kinalas din nya ang pagkakayakap sa akin at pumwesto sa tabi ko. Kita ko ang mga mata nyang matalim na nakatingin kay Aling Melba ngunit hindi man lang nagpatinag si Aling Melba at nakuha pa nitong pag taasan ng kilay si Sir.

"Magkano kelangan mo?" May diin sa bawat salita ni Sir. Natatakot ako para kay Aling Melba dahil baka kung anong magawa ni Sir sa kanya.

"Anim na libo lahat-lahat. Kasama na dun yung upa nung isang buwan tapos--" Mabilis na dinukot ni Sir ang wallet sa kanyang bulsa tapos ay kumuha ng pera doon. Hindi na natapos ni Aling Melba ang sasabihin ng sabuyan sya nito ng pera sa mukha. Napatulala si Aling Melba ng ilang segundo. Nang matauhan ito ay tiningnan nito ng marahas si Sir pagkatapos ay lumuhod na ito at isa-isang pinulot ang pera na nagkalat sa lupa.

Naalala ko bigla na ginawa din ni Sir yan sa akin noong nagalit din sya dahil inakusahan nya kong nagbibigay ng pera sa lalaki ko.

"Labing limang libo yan. Simutin mong lahat yan pagkatapos wag na wag ka mo ng ipapakita yang pagmumukha mo dito" Hinila na ako ni Sir papasok at pagkatapos ay malakas nyang sinaraduhan ang pinto. Naiwan namin si Aling Melba doon na kaluhod habang panay pa ang pagsimot ng pera. Nakaramdam ako ng awa kay Aling Melba ngunit sandali lang iyon. Nang maisip ko ang mga sinabi nya kani-kanina lang at ang pag aalipusta at pag papahiya nya sa akin sa harap ng kapit-bahay ay nakaramdam ako ng saya. Ito na ba ang tinatawag nilang karma?

Napansin kong nakaupo na si Sir sa silya naming kawayan habang hinihilot nya ang kanyang sintido. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi nya. Magpapasalamat ako sa kanya. Ngayon, Sigurado akong nagbago na sya. Hindi na sya katulad ng dati na palaging galit sa akin at kulang na lang ay ipagduldulan nyang mali ako at madumi akong babae. Wala man akong ideya kung anong dahilan ng pagbabago nya, masaya ako dito at sana talaga ay magtuloy tuloy na.

"Sir. Salamat po." Napamulat sya at tumingin sakin ng marinig nya ang boses ko.

"Saan?" Kunot noong tanong nya.

"Dun po sa pagtatanggol nyo sakin kanina tsaka po--" Napatigil ako ng sasabihin ng yakapin nya ako ng mahigpit at nilagay nya ang ulo ko sa dibdib nya.

Rinig na rinig ko ang bawat pintig ng puso nya. Ambilis nito. Ang sarap pakinggan. Parang musika sa aking pandinig. Sa lahat ng musikang narinig ko, ito ang pinaka paborito ko.

"Sir. Wag kang ganyan. Baka masanay ako." Natatawang sabi ko. Hindi ko kita ang reaksyon nya ngunit narinig ko ang mahinang tawa nito kasabay ang paghaplos nito sa buhok ko.

"Edi masanay ka na." Sagot nito

Continue Reading

You'll Also Like

26.6K 306 23
Mahirap lang ang pamilya ni Saree at maysakit pa ang kanyang ina. She's nineteen at undergraduate at nagtatrabaho bilang dicer sa SJ Supermarket...
120K 2.5K 30
Kristel Marie Simera is a 23 years old, half korean woman who is working under Domestica International Agency. She is working as a maid. Since her m...
506 44 34
Mahirap lang si Mariel villaroel, tanging Ina at Isang kapatid ang kasama nya sa buhay... Lahat ng trabaho na nagawa na nya pwera nalang sa Isa.. Ang...
Wattpad App - Unlock exclusive features