My Best Friend's Best Friend

By simply_shy05

524 6 2

May mga bagay na hindi mo magawang sabihin sa ibang tao kahit pa sa sarili mong best friend. Lalo na't kung a... More

One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Twelve
Thirteen

Eleven

26 0 0
By simply_shy05

"EHEM!!!"

Napatigil ako sa pangingiliti ko kay Denny ng may umubo sa likod namin. Napatingin ako sa unahan namin at nakita ko ang BUONG barkada. And all of them are smirking. Maliban kay Tristan. Tsk. Nasa tabi mo girlfriend mo. Huwag ka na magselos! Ulul.

Napatingin naman ako sa biktima ko. Hingal na hingal pa din siya at pilit na pinapakalma ang pagtawa niya. Nang mapagtanto ko ang nangyayari, mabilis pa sa alas kwatro ang inilayo ko kay Denny. Dinaig pa niya ang may epidemya.

"Uh... I-It's not what it l-looks like!" Sira. Bakit ka nauutas!? Lalo ka nilang paghihinalaan!

"Wala pa naman kaming sinasabi ah?" Pang-aasar ni Best. Ngumuso ako. "Huwag kang defensive Best."

"Nay si tol, napapaghalata!" Sigaw ni Ed at nag-high five sila ni Robi.

"Those look said otherwise." Pagturo ko pa sa mukha nila, isa-isa. Inisa-isa ko talaga para may emphasis! "At saka, kailan pa kayo dyan!? Sana tinawag n'yo kami!" Kunwari galit ako para hindi halata na kinakabahan ako.

"Tang na. Dude, namumula ka!" Natatawang sambit ni Robi.

"Pakshet! Ang bading mo Xian!" Sunod naman ni Ed na ikinatawa nilang lahat. Grr!

"Papa Xian," panimula ni Dave pero meron din siyang mapanuksong tingin at ngiti. "Kanina pa kaming nandito. Malayo pa lang kami, tanaw na namin kayo na mukhang masayang naglalampungan dyan!"

"Tawag kami ng tawag. Kaso mukhang nasa sarili n'yong mundo kayong dalawa!" Banat pa ni Mitch.

"AYIIIIIEEEE!" Sigaw nilang lahat. Pakshet.

"Oh, tama na 'yan. Konting push pa at sasabog na si Xian." Sabi ni Denny na inaawat ang mga kabarkada namin. Tsk. Tamo 'tong babaeng 'to, mukhang hindi affected. Teka? Bakit nga pala magiging affected!? Tang na Xian. "Eh muntanga 'yan kanina eh kaya napagtripan ko. Bumawi lang 'yan."

"Asus. Babae, huwag mo na indeny na naglalambingan kayo!" Aray. Sa Best ko pa talaga nanggaling. Dapat alam niya na walang meaning 'yun. Dapat alam niya na siya lang naman ang gusto kong lambingin ng ganun. Tsk.

"Oh sya, tama na 'yan. Tara na sa room at may announcement ako." Sabi ni Crystal kaya nakahinga naman ako ng malalim. "Masyado pang mabilis para mainlove ulit si Denny." Napatingin naman silang lahat kay Tristan na magkibit-balikat lang.

Niligpit lang namin ni Denny ang mga gamit namin at saka kami naglakad papuntang room. At dahil announcement lang naman, sumama na din si Tristan.

Kita ko namang tatakbo si Denny kay Rissa at inakbayan 'to.

"Asan si Eugene?"

"Umuwi na. May project daw sila eh."

Tumango naman si Denny. "Ah, oo nga pala. Overnight sa kanila ang mga kaklase niya ngayon."

"Overnight!? May girls ba!?"

"Chill! Kung meron man, hindi naman 'yun papansinin ni Eugene. Magtiwala ka sa pinsan ko." Nakangiting paninigurado ni Denny kay Rissa. Napasimangot ako.

Best, gusto ko magselos ka din kapag may babaeng nadikit sa akin. Gusto ko mag-alala ka kapag malayo tayo sa isa't-isa. Gusto ko ako lang ang lalambing sa'yo at ganun ka din sa akin. Hindi ba pwedeng tayo na lang?

Bumuntong-hininga ako at inilagay ang kamay ko sa magkabilang bulsa ng pantalon ko. Ano pang saysay ng pangangarap ko ng ganun kung nandyan naman si Eugene na siya mo laging tinitingnan? Ano pang laban ko na best friend mo lang naman sa mga mata mo?

Nakarating kami ng room ng nagkukulitan. Sila lang. Ako, tahimik lang ako. Napansin ko na pasulyap-sulyap sa akin si Tristan na katabi ko na pala. Hindi ko na lang siya pinansin. Wala kong oras sa kanya.

Isa-isa kaming pumasok sa loob ng room. Kaunti na lang ang kulang kaya hindi din naman siguro magtatagal ang paghihintay namin. Dumiretso ako sa upuan ko at agad isinalpak ang earphone ko ang pinatugtog ang kanta sa phone ko. Pero hindi nito natulungan na pagaanin ang pakiramdam ko. Nagpalinga-linga ako hanggang sa makita ko siya. Iniwan ko ang phone ko sa ibabaw ng upuan ko at tumayo. Nilapitan ko siya. Tss. Wagas lang makatawa. Akala mo walang problema sa mundo. Pero isa 'yun sa mga hinahangaan kong pag-uugali niya. Hindi niya pinapahalata sa ibang tao na may isipin siya. Teka, mabuti ba 'yun o masama? Bahala na.

Kinulbit ko siya sa balikat niya na ikinatigil naman niya sa pagtawa. Tiningnan niya ako, mula ulo hanggang paa at saka ngumiti.

"Anong kailangan mo?" 'Yung ngiti niya, hindi ko gusto. Mukhang may masamang balak.

"Pahira-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil pinutol niya agad.

"Sabi na nga ba. Gusto mo ako noh?" Nanlaki ang mga mata ko. Ang maingay na classroom ay biglang tumahimik at lahat ng tingin nila ay napako sa amin. Ako, heto. Mukhang tanga na nakanganga.

Sinabi ba talaga ni Denny 'yun sa harap ng buong klase?

Ipinikit ko ang aking mga mata at saka huminga ng malalim. Ngumiti muna ako bago ko ito iminulat muli at tumitig ng diretso sa kanya.

"Asa." Pinitik ko siya sa noo. Ang OA niya lang umaray. Haha. Hindi naman ako ganun kasakit mamitik. Nagtawanan naman sina Rissa at iba pang babae na nakapalibot sa amin. Tss. Iniwasan ko na lang muna na tumingin kay Rissa. "Kapal nito. Hihiram lang ako ng iPod."

"AHHHH. Akala ko aamin ka na eh!" Nakanguso niyang usal bago tumalikod at kinalkal ang bag niya. Maya-maya pa ay inilabas na niya ang kamay niya, hawak-hawak na ang iPod niya. Iniabot niya sa akin 'yun.

"Pahiram ah? Maya ko na ibabalik sa'yo."

"Psh. Lakas makahiram, wala palang gusto sa akin." Parang bata niyang sinabi. Natawa ako sa inaasta niya. Kapag ang babaeng 'to talaga ang tinamaan ng saltik, wala kang katakas-takas.

"Hahahaha. 'Yan na naman si Denny! Malakas ang tama! Pagpasensyahan mo na 'yan Xian!" Sigaw ng isa naming kaklase.

"Oo nga Xian. Ganyan talaga 'yan. Nagkataong ikaw ang nabiktima." Tumawa ulit sila. Ganun? Biktima? Psh. Lagi niya 'to ginagawa?

Bumalik na ako sa upuan ko. Pinlay ko na lang ulit 'yung piano playlist niya. Ganun lang ako habang naghihintay sa iba. Nakadalawa naman akong tugtog bago dumating 'yung hinihintay naming mga kaklase. Pumalakpak naman si Crystal para kuhanin ang atensyon naming lahat. Pinatay ko na 'yung iPod at nakinig na.

"So guys, wala na tayong klase after nito." Panimula niya.

"YEHEEEEEY! UWIAN NA!" Sigawan naman ng mga kaklase ko. Second year college na kami pero parang high school pa din sila kapag naririnig na wala ng pasok.

"Oh. Teka! Di pa ako tapos!" Mabilis namang tumahimik ang mga retarded children. Haha. "Wala kasi si Pres kaya ako ang nandito. So simula na ng prelim bukas. Pumasok kayo ng maaga okay? Sa Humanities daw, magdala ng lapis."

Kanya-kanyang reklamo sa bawat parte ng classroom. Tsk. Paniguradong drawing ang exam. Hahays.

"Basta ganun. Goodluck! Next week naman, birthday ni Dean. May event sa gym next week. Ang exact date at time ay to be announced. May class performance para kay Dean. Walang magrereklamo, lahat tayo magpepresent. Maliban kay Denny at Xian. Pati nga pala member ng Dance Troup." Tumingin siya sa akin. "Ang banda n'yo daw ay may special performance para sa department natin?" Tumango ako bilang sagot. Sa pagkakatanda ko, inannounce 'yun sa amin last week. "Sa inyo naman Denny, may sariling performance ang council, tama? Well, goodluck."

"Hai!" Sigaw ni Denny.

"Hello." Balik ng buong klase sa kanya. Napatayo naman si Denny sa kinauupuan niya, kunot ang noo.

"Guys! Ang English term ng 'Hai' ay 'Hello'!"

"Hi~" Pang-aasar ulit nila. Natawa naman kaming lahat dahil parang batang pikon si Denny. Sa huli, nakitawa na din siya sa amin.

"So, 'yun lang naman ang announcement. Tapos review your subjects. Sa dancers nga pala, goodluck din. Dissmissed. Bye Class B!"

"Bye Vice Pres!" Nagtayuan na ang mga kaklase ko at unahan sa paglabas sa room. Mabilis pa sila sa mga batang nagugutom.

Isinakbit ko sa balikat ko ang bag ko at agad na lumapit kay Best at Denny. Ngumiti naman sila sa akin. Si Denny naman ay mabilis na bumaling kay Kyla at Tristan na nasa tapat na ng pinto.

"Tristan!" sigaw niya na ikinagulat ng ibang natitira pa sa room. "Ingatan mo si Kyla. Tatadyakan kita kapag may nangyari dyan. Maliit na galos, ngipin mo kapalit!"

"Opo boss!" Ngumiti si Tristan sa kanya at nagsalute pa. Kumaway naman sa amin si Kyla at maya-maya pa, naglaho na sila sa paningin namin.

Napatingin naman ako kay Denny na hanggang ngayon ay nakatingin pa din sa pinto kung saan nakatayo kanina ang dalawa. Tss. Hinawakan ko siya sa ulo niya at ginulo ang buhok niya. Gulat siyang napatingin sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya. Ginawaran niya din ako kahit pilit. Isinakbit niya na din ang bag niya sa balikat niya at tumakbo papuntang pinto.

"Ui, mauna na kayo ah? May gagawin pa ako sa department eh. Ingat kayo!" Nagflying kiss pa siya sa amin bago umalis. Napailing naman ako sa kanya. Grabe talaga ang babaeng 'yun. Wala akong masabi.

Tumingin naman ako kay Rissa pero natigilan ako ng makita ko siya. Nakatingin na din siya sa akin. Kikiligin na sana ako kaso may mapanuksong tingin siya.

"Ang sweet n'yo Best. Hay," sambit niya na parang kinikilig. "Bagay kayo." 'Yun lang ang sinabi niya bago nagpaumunang lumakad. Naiwan ako sa room na nakatayong mag-isa.

Posible ba na mabasag pa ang pira-piraso ng puso? Ang sakit sobra. Hindi niya ba makita na siya lang? Hindi. Alam kong kita at ramdam niya. Hindi niya lang pinapansin.

Ang lapit-lapit niya sa akin pero pakiramdam ko, magkahiwalay kami ng kontinenteng tinatapakan. Yeah, she left me standing alone in the quiet classroom with the only sound of my heart breaking. Cliche I know but that's how much she's hurting me right now.

simply_shy05

Continue Reading

You'll Also Like

11.4M 484K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!
612K 30K 56
What would you do if you have given the chance to live out in your favorite novel? Misty, a normal high school student was reading her favorite novel...
965K 101K 33
A trap that I never thought I'd ask an escape... Cover is not mine. Credits to the rightful owner.
660K 28K 38
Ink Fuego found herself in a situation she never even imagine. Nagising nalang siya isang araw na kailangan niyang sambutin ang responsibilidad na da...