Four

41 0 0
                                    

*BLAG*

Mabilis akong napabangon ng marinig ko yung malakas na kalabog. Agad akong pumunta sa pinanggalingan ng ingay: sa kusina.

"Aray, ang sakit." Hindi ko alam kung tatawa ako sa nakita ko. Nadulas kasi si Denny. Oo, masamang tumawa sa mga paghihirap ng ibang tao pero hindi kasi maiwasan. Cute.

Bigla namang may tumunog na kanta, ringtone ata yun ng phone. Tatalikod na si Denny kaya agad naman akong bumalik sa sala at nagpanggap na tulog. Wait. Bakit ako nagpapanggap?

"Hello?"

May nagbukas ng pinto ng sobrang lakas.

"Denny?! Okay ka lang?!"

"Oo. Sorry nagising pa kita. Puyat pa naman tayo."

"Okay lang. Bakit ka nga ba maaga na gising?"

"Wait lng. Oo, pupunta ako dyan. Nasa apartment ako nina Rissa. Unfortunately, yes. Teka. Rissa, pakibukas naman ng pinto?"

Narinig ko ang mga yabag ng paa papalapit sa pinto. Kaunting hila lang ata nagbukas na agad yung pinto.

"Oo na. Bukas na yung pinto. Oo. Si Tristan? Tsk. Fine. Bye."

"Teka, Tristan daw? Ayaw ko. Hindi ka pupunta dun!"

"Rissa naman, trabaho ko yun."

"Basta ayaw ko Denny!"

"Please, I'll be fine." Hindi ko alam kung anong meron. Sinong Tristan? Narinig kong nagpaalam si Denny at mamaya na lang daw niya babalikan ang mga gamit niya.

"Aray! Best naman!"

"Best naman ka dyan. Hindi ka pwedeng actor."

Tss. Kahit kailan talaga, ang galing tumantsya nito sa mga sinungaling.

Tiningnan ko ang phone ko at nagulat ako. 6 am pa lang?

"Apat na oras pa lang natutulog ang babaeng yun. Bakit kaya biglang nagkaroon ng trabaho ang lukang yun?"

"Teka nga. Di ba bakasyon pa? Bakit nga pala nasa school kayo kahapon?" Sa Manila, next week pa ang pasukan.

"Ah, oo nga. Nakalimutan ko. Akala ko tuloy may pasok na. Next week pa din kami. Kaso lagi nga pinapatawag yang si Denny. Sinamahan namin ni Eugene kahapon." Tumango na lang ako.

Nagsimula na siyang gumawa ng almusal. Simple lang naman tapos kumain na din kami. Napatingin ako kay Rissa.

"Bakit?" Nakatingin din pala siya sa akin.

"Itatanong ko lang sana, sino yung si Tristan? Not that I want to intrude pero you guys seem to hate him."

Biglang nawala yung ngiti niya at napalitan ito ng isang mapait na ngiti. "Hahaha. He's a cool guy. Popular. But very kind. Typical jock minus the attitude. Well that was what we thought. Sila ni Denny, mahal na mahal siya ni Denny at mahal na mahal din siya nun. Kaso nahuli namin siyang nambababae. Grabe, sobrang nasaktan si Denny."

"I understand that she's hurting but don't you think you guys are overreacting?"

Tinawanan niya ako. "That's what you'd think. But we caught him making out with another girl when we're on our way to the restaurant. They were supposed to be celebrating their second anniversary. So, sa tingin ko, Denny and I have the right to act like we do."

Damn. Two years and the guy decided to cheat? Kakikilala ko pa lang kay Denny but I do know she didn't deserved that. Every girl doesn't deserve to be treated like that. Hindi ko alam pero kumulo ang dugo ko. Siguro instict ko na yun kapag may nalalaman akong ginaganun na babae. Ako nga, patago na lang kung magmahal tapos silang lantaran, nagloloko pa?

My Best Friend's Best FriendWhere stories live. Discover now