Two

50 0 0
                                    

Chapter 2

"Best naman ih." She kept on whining like a child who lost her candy. Eh kahit pa magdabog siya dyan sa harapan ko, or kaya maglupagi siya sa sahig, hindi ko siya papansinin. Biruin nyo yun, best friends kami for like 5 years tapos hindi ko alam na may boyfriend siya?! Tapos yung best friend niya na she only met last year, alam na alam yun? OA na kung OA, pero nakakaloko yun.

"Best, pansinin mo na ako." Nandito kami ngayon sa tapat ng Quantum. Nagyaya kasing maglaro yung si Denny. Payag naman agad si Rissa. Eh yun, iniiwasan ko naman siya ngayon.

Alam ko naman ang rason niya kung bakit hindi niya sinabi sa sakin na may boyfriend siya or kahit nung nanliligaw pa sa kanya yun. Alam niya kasi na mahal ko pa din siya at ayaw niyang masaktan ako. Pero sana inintindi niya din yung best friend part ng relationship namin. Na sana sinabi niya yung mga ganung bagay.

Okay, aamin ako. Maaaring pigilan ko siya or pagbawalan. Pero depende din naman yun sa lalaki. Ito namang si Eugene ay mukhang okay. Speaking of Eugene, nasan ba yun?

BINGO.

Kita ko siya, nakaabay kay Denny. Nasa harapan niya sarili niyang girlfriend tapos kung maka-akbay sa ibang babae, akala mo kung sino. Kahit pa kabarkada yan, dapat iwasan yun. Kahit pa best friend ng girlfriend yan. Tsk. Selosa pa naman itong si Rissa. Siguro makaka-minus sa bf points 'to.

"Best." Bigla naman siyang napalingon sa akin. Para siyang tuta na biglang pinansin ng amo. Yung nakataas ang tenga, malalaki ang mata at malikot ang buntot. Haha. Gawin daw bang aso ang sariling best friend.

"Bakit? Bati na tayo? Di ka na galit?" Ang bilis magsalita. Napangiti na lang ako. Kahit kailan talaga hindi mawawalan ng ka-kyutan ang babaeng 'to.

"Oo na, hindi na ako galit. Bati na tayo." Ang lapad ng ngiti niya. Niyapos niya ulit ako at saka nagtatatalon-talon. Pinagtitinginan na siya ng mga tao pero wala pa din siyang pakialam. Basta masaya lang siya na napatawad siya.

"PERO. Tingnan mo nga 'yang boyfriend mo. Lolokohin ka lang niyan. Napaka-casual kung makaakbay sa babae. Oo kabarkada nyo pero andito ka lang sa harapan niya. Tapos porket kausap mo ako ganun na siya sa ibang babae? Mahiya naman siya sa'yo."

Tiningnan ko reaksyon ni Rissa. Poker face lang. Hindi ko mabasa kung anong naiisip niya pero nakatingin siya sa dalawa. YES! One point na 'to sa akin! Bigla siyang tumingin sa akin at agad kong pinawi ang ngiti ko sa labi.

Walang pasabi, hinampas ako ng pagkakalakas sa braso.

"Aray! Best naman! Kahit kailan talaga ang lakas ng hampas mo! At saka, bakit ako hinampas mo? Ako ba boyfriend mo?" Naisip ko bigla yung nasabi ko. Para akong nabuhayan ng pag-asa. "Uuuuuy. Best ha? In love ka na sa akin no? Hindi ka pa nagsasabi."

Aakma pa siyang hahampasin ulit ako pero agad kong hinarangan ang braso ko. Nung hindi niya ako hinampas, tumingin ako sa kanya. Pigil na pigil sa pagtawa. Bakit, may nakakatawa ba akong nagawa?

"Ikaw best, sari-sari ka na talaga. Sorry pero hindi ako in love sa'yo, okay? Nalinaw ko na yan sa'yo dati pa." Aray. Straight to the heart. "At saka, wala akong dapat ikaselos sa dalawang yun kapag ganun sila, yung nag-aakbayan at nagkukulitan sa harapan ko. Hindi dahil best friend ko si Denny. Magpinsan sila." Pagpapaliwanag sa akin ni Rissa.

"Eh kahit na. Mali pa ri-Magpinsan? Sila?" Tiningnan ko yung dalawa. Hinahampas ni Denny si Eugene kasi ginulo niya sa paglalaro si Denny. Kahit parang masakit ding manghampas yung babaeng yun (bagay na magbest friend sila no?), tawa naman ng tawa 'tong si Eugene. Kung titingnan mo, parang hayaan na siyang masaktan basta nasira niya ang laro ng pinsan.

"Opo. Magpinsan sila." Hmm.

"So, sino una mong nakilala sa kanila?" Tanong ko naman.

"Si Denny. Kaklase ko kasi siya since last year."

My Best Friend's Best FriendOnde histórias criam vida. Descubra agora