Thirteen

18 1 0
                                    

            Nakahinga ako ng maluwag nang natapos na namin ang last song na ipeperform namin sa birthday party ni Dean na inihanda ng student council ng department namin. Hindi pa naman sobrang tanda ng Dean namin. Mukha nga siyang nasa mid-thirties lang. Pero sa naririnig ko, ang successful na niya. Dean siya, pero may hinahawakan pa siyang business outside ng school na madalas pa daw ay sa labas ng bansa inaasikaso.

            Inilapag ko ang bass sa stand at saka lumapit sa upuan kung nasaan ang gamit ko. Isinalampak ko ang katawan ko sa bakanteng upuan at saka itiningala ang ulo ko.

            Kung may nagsasabi man na madali lang ang tumugtog sa banda, sisipain ko sila sa mukha. Na nakatayo lang naman kami at nagi-strum lang. Nakakapagod din kaya!

            Huminga ako ng malalim at saka ipinikit ang aking mga mata. Grabe ang practice namin ngayon! Bukas na kasi 'yung event kaya pino-polish na namin. Sa sobrang pagod ko ngayon, pwede na akong makatulog ngayon kahit nakaupo pa ako. Pakiramdam ko nga, ang bigat na ng talukap ng mata ko at dahan-dahan nang pumipikit.

            Agad akong napamulat at bahagya pang napatalon nang makaramdam ako ng malamig na kung anong dumampi sa noo ko. At nakita ko ang mukha ni Ate Hillary na nagpipigil ng tawa.

            "Psh. Pwede naman kasing umimik kung lalapit ka di ba?" Tiningnan ko siya ng masama. Tuluyan na siyang natawa sa akin. Tsk. Ano na naman kaya ang nainom nito? Hyper na naman kasi! Naaalala ko tuloy ang isang babae nang dahil sa kanyang kakulitan.

            Dahil sa sobrang busy na namin, bihira ko nang makita ang tropa. Hectic ang schedule. After ng klase, diretsong studio para sa practice. Bihira na kaming magsama-sama ngayon. Inaasikaso rin naman nila ang mga dapat nilang asikasuhin eh lalo na't bukas na nga ang event.

            Ginalaw niya ang mineral water na kanina pa niyang hawak na parang inaalok niya sa akin. Kinuha ko naman ito nang hindi inaalis ang masamang tingin ko sa kanya.

            Tinabihan niya ako at saka mahinang tumawa. Binuksan ko na 'yung mineral bottle at saka ito ininuman.

            "Nasasanay ka na ba sa bagong school?" Napatingin ako sa kanya sa biglaan niyang pagtatanong sa akin. Akala ko kasi pagtitripan niya lang ako hanggang mamaya.

            "Opo naman. Nakakaraos na din." Ngumiti naman si Ate Hillary sa akin.

            "Eh sa banda? Nakakasabay ka naman ba sa schedule namin?" Tumango naman ako sa kanya kasi umiinom ulit ako. Magsasalita na sana ulit ako kaso may biglang umakbay sa akin at ginulo ang buhok ko.

            "Tol, wala namang ganyanan. Girlfriend ko 'yang kausap mo." Natawa kami ni Ate sa kanya. Mahina ko siyang itinulak papalayo sa akin.

            Inayos ko muna ang buhok ko bago ko siya kinausap. "Aish! Kuya Red! Ginulo mo ang buhok ko!" Sigaw ko sa kanya. Kainis naman. Ang hirap-hirap ayusin ng buhok tapos sa isang iglap, masisira niya lang?! Kutaban ko siya ng isa. 'Yung magmumukha talaga siyang panot.

            Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa na parang sinisipat ang itsura ko. Patay. Nababakla na ba si Kuya Red?

            "Bakit, may lakad ka?"

            Umiling ako. Bigla niya akong binatukan at saka sinabing, "Ulol! Makareklamo 'to akala mo ay haharap sa magulang ng gerlpren niya. Bakit, may gerlpren ka ba?"

            "Kung sabihin kong oo?" Pagmamayabang ko. Loko kasi 'tong si Kuya. Ipamukha daw ba sa akin na wala akong girlfriend? Ipinagdiinan pa ang pagbanggit sa salitang GIRLFRIEND!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 25, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Best Friend's Best FriendWhere stories live. Discover now