Three

42 0 0
                                    

Chapter 3

Bakit nga pala ako nandito sa apartment ni Rissa? Oo nga pala. Pumayag akong dito muna, para masamahan sila sa pagpupuyat nila. Ang galing no? Personal bodyguard nila ako.

Pinapasok naman ako ni Rissa sa loob ng apartment nila. Maispasyo naman. May maliit na living room na may tv, may hallway na connected sa living room papuntang ibang kwarto at may mini dining room din sila. Ayos na din 'to para sa apat na boarders. Malaki pa nga para sa apat.

Bumalik na din si Rissa galing sa dining room nila na may dalang tray ng juice at midnight snacks. Kinuha ko naman agad yun sa kanya at ipinatong sa ibabaw nung maliit na table. Tinabihan naman niya ako sa sofa.

"Kamusta ka na best?" Tanong niya sa akin.

"Okay naman ako. Eto, masyado mong ginulat ngayong hapon. Di ko akalain na may boyfriend ka na."

"Sorry kung hindi ko nasabi sa'yo. Alam kong mabibigla ka eh." Nilagyan niya ng juice yung dalawang baso. Kuha ko yung mensahe na nais niyang iparating. Alam niyang masasaktan ako.

"Okay na yun. Basta ba, kaag sinaktan ka nun, sasabihin mo agad sa akin eh."

"Oo naman. Pero siguro, sana, hindi dumating yung na magsusumbng ako sa'yo. Kung darating man, patay na yun bago makarating sa'yo."

Napatawa naman ako sa sinabi niya. Seryosong-seryoso pa ang mukha niya. "Bakit, papatayin mo na agad si Eugene?"

"Magaing nga kung mahawakan ko kaagad yun kung magkataon. Eh baka walang buhay na yun kapag nakita ko. Baka--Hindi. Pinsan na niya ang papatay sa kanya." Seryoso pa din niyang sinabi sa akin. Oo nga pala, pinsan ng best friend niya ang best friend niya dito. Tsk.

"Basta, gusto ko ako muna ang unang makakaalam kung saktan ka niya para ako na ang gugulpi sa kanya. Gets?"

Tumawa naman siya bahagya at tumango din. Wala na akong nagawa kundi ang ngumiti. Wala eh, namiss ko talaga ang best friend ko.

"Eh tama na ang tungkol sa akin." Biglang lambing ng boses niya sa akin. Tapos yung tingin niya, nakakaloko na naman. "Ikaw best, wala ka bang nililigawan sa Manila?"

Nililigawan? Tss. Kung nagpaligaw ka kasi sa akin, eh di sana oo ang sagot ko sa iyo ngayon. "Wala eh. Wala naman akong magustuhan dun eh." Pangangatwiran ko na lang sa kanya. Totoo naman eh, wala talaga.

"Aysus. Baka ayaw mo lang ipakilala sa akin eh." Hay nako naman Rissa. Palagi mo na lang sinasabi yan eh alam mo naman kung sino talaga ang gusto ko. Ikaw. Ikaw. IKAW LANG. Matagal na yung hindi nababago.

"Hayaan mo best. Kung meron man, ipakikilala ko agad sa iyo."

Ngumit naman siya sa akin. Aray. Yung ngiti niya, parang sinasabi sa akin na 'Good. Dapat ka ng magmove-on sa akin.' Halatang gustung-gusto na akong pasukuin sa nararamdaman ko. Ah basta ako, hindi ako susuko sa kanya. Hangga't maaari, nakabantay ako kapag sinaktan siya ng Eugene na yun.

May kumatok bigla. Si Denny na siguro yun. Masama na kung masama, pero naisip ko na sana hindi na lang siya natuloy. Na hindi siya pinayagan sa kanila. Tss. Mabilis na tumayo si Rissa at binuksan ang pintuan. At walang pagkakamali, si Denny nga ang nasa labas ng pintuan.

"Denny! Buti naman tumuloy ka sa usapan. Akala ko hindi ka na pupunta dito eh." Madramang pagkakasabi ni Rissa.

"Takot ko na lang sa magagawa m sa akin kapag hindi kita sinipot." Pumasok si Deeny. Nagulat naman siya nung makita niya ako. Nginitian ko siya bilang pagbati. Ngumiti din naman siya sa akin ng bahagya bago hinila palabas ng pinto si Rissa. -,- Anong nangyari dun?

My Best Friend's Best FriendWo Geschichten leben. Entdecke jetzt