Five

31 0 0
                                    

"Denz, can we please talk?"

"Tristan?"

Ah. Ito pala ang dakilang Tristan na naririnig ko. Nakatitig lang siya kay Denny. Hindi ko alam kung mayabang ba o mabait. Iba kasi eh. Tsk.

Hinawakan ko ang kamay ni Denny. Yung mukha niya kasi, halatang ayaw makausap si Tristan. Nabaling ang mata niya sa kamay naming dalawa bago sa akin. Biglang sumama ang tingin niya sa akin. Na parang ako ang may kasalanan.

"Pare, malalate na kami sa klase." Sabi ko sa kanya. Hindi naman sa gusto ko ng makatakas sa kanya pero totoo rin yun. Malalate na talaga kami.

"Denz, saglit lang."

Magsasalita na sana si Denny pero may isang malakas na boses ang pumigil sa kanya. Hindi lang basta malakas kundi nakakabingi talaga!

"HEEEEEEEEEEP! LAYUAN MO BEST FRIEND KO!!!" Halos lahat ng estudyante sa labas ng corridor ay napatigil at napalingon sa amin. Napatingin din kami ni Denny sa likod namin at nakita si Rissa na tumatakbo. Gumitna na siya sa dalawa bago nagsalita ulit. "Huwag mo na siyang kulitin pa!"

"Rissa, gusto ko lang magpaliwanag sa kanya."

"Ayaw. Sapat ng pruweba ang nakita namin sa resto nung gabing yun."

Habang nagtatalo yung dalawa, tiningnan ko ang katabi ko. Nakatungo lang siya kaya hindi ko makita ang expression niya sa kanyang mukha.

"Mali nga kasi yung nakita ninyo nung gabing yun!"

"Haha! Mali na naghahalikan kayo nung haliparot na yun eh magkadikit nga labi nyo! ANO YUN, CPR? Nahimatay siya ng nakatayo tapos nakapulupot ang kamay niya sa leeg mo?"

"TAMA NA!" Tumigil sa pagtatalo yung dalawa. Napatingin sila sa sumigaw na babae.

"Denny/Denz." Sabay pa nilang nasabi. Iniangat niya na yung ulo niya at kita ko o namin na paiyak na siya.

"Rissa, Xian, mauna na kayo sa room."

"Pero-"

"Please Rissa." Wala nang nagawa si Best. Sumunod siya sa ipinagawa ni Denny. Bago kami pumasok sa room, tiningnan ulit namin sila. Paalis na sila sa fourth floor.

Natapos ang first class, 3 hours din yun! Hindi pumasok si Denny. Alam namin pareho ni Rissa kung sino ang kasama niya. Wala pa namang klase kaya okay lang. Lumabas na kami ni Rissa ng room para pumunta sa sunod na room.

Kanina pang tahimik si Best. Kaya naman ginawa ko ang isang bagay na gigising sa kanya.

"Ahhh! Ano ba Best?!" Hahaha. Napatalon pa siya. Ang lakas talaga ng kiliti niya. Pinaghahampas niya ako sa braso. Ang brutal talaga ng best friend ko.

"Oh at least hindi ka na tulala."

"Nag-aalala lang ako kay Denny. Baka patawarin na naman niya yung mokong na yun. Tapos mauulit na naman ang cycle! Masyado niyang mahal si Tristan para makita niya na hindi naman siya ganun pahalagahan nung tao."

"Alam mo, nasa edad na tayo na kaya nating pumili ng sariling desisyon. Na kay Denny na yun kung anong gagawin niya. At panagutan niya dapat ang pipiliin niya." Tama naman yung reasoning ko.

"Yun na nga. May tendency kasi siya na gumawa ng akala niya ay tama pero sa huli siya lang lagi ang nasasaktan." Kulang na lang, sabunutan ni Rissa ang sarili niya. Frustrated na siya masyado.

"Kaya nga. Eh di dapat matuto na siya sa mga pagkakamali niya." Alam mo yun? Cool na ang image ni Denny sa akin eh. Kaso pagdating sa LOVELIFE na yan, medyo nabagsak siya. Sino ba namang tao ang magpapakatanga sa lalaking ganun?

My Best Friend's Best FriendWhere stories live. Discover now