Six

29 0 0
                                    

Pwede na kayang manapak?

Hindi. Hindi. Babae pa din 'to.

Pero hindi! Ang kulit kasi!

Eh bakit nga ba kausap ko ang sarili ko?

Ewan ko nga din eh.

Psh. Dala siguro 'to ng masyado kong pagsama sa mga babae. Wala naman akong masisisi kasi wala pa nga akong masyadong kaibigan dito. Noon. Pero hindi n'yo din ako masisisi na batukan ang dalawa kong kasama.

"Sabi ko naman kasi sa'yo! Dapat hindi mo na siya binigyan ng another chance!"

"Intindihin mo din naman kasi ako Rissa! Mahal ko si Tristan!"

"Alam ko pero minahal ka ba ng letseng Tristan na 'yan?! Kung minahal ka niya, sana hindi ka naiyak ngayon!"

Hindi na nakasagot si Denny at nagpatuloy lang sa pag-iyak. Napakamot na lang ako sa ulo habang tinititigan sila.

Isang buwan na ang nakalipas simula nung lumipat ako sa MU. Sa kabutihang palad, nagkaroon naman ako ng ibang kaibigan. Hindi naman sa ayaw ko kasama 'tong dalawang 'to pero kelangan ko ding makihalubilo sa iba. Isa pa, nakapasa ako sa audition sa official band ng MU. Bassist nila ako.

At ngayon, vacant namin at nandito kami sa tambayan: apartment nina Rissa. Tumayo na lang ako sa pagkakaupo at pumunta sa kusina. Maghahanap na lang ako ng makakain bago ako mabaliw sa kanila

"Sorry." Narinig kong sinabi ni Denny. Tss. Dapat matagal na niyang naramdaman na mali ang desisyon niya. Linggo-linggo sila kung mag-away. At kahit si Tristan ang mali, nagpaparaya naman si Denny. May nalalaman pa siyang 'Lumaban ka! Bahala ka, aabusihin ko 'yang kabaitan mo. Ilagay mo naman ako sa tamang lugar ko!'

Siraulo pala yung gorilla na 'yun eh. Eh di sana siya na nagtama sa sarili niya at dapat hindi niya inabuso ang pagiging mabait ng isang babae. Tsk. Ah ewan, nakulo talaga ang dugo ko sa mga ganung klase ng lalaki.

Bumalik ako sa living room nila Rissa na may dalang juice at biscuits. Iniabot ko 'yun sa kanila. Agad naman kumuha si Rissa pero si Denny naman ay umiling lang.

"Kahit itong tubig lang. Kanina ka pang iyak ng iyak eh. Madedehydrate ka na n'yan." Nakumbinsi ko naman siya at 'yun, napainom namin.

Pumunta siya sa banyo para maghilamos tapos pagbalik niya, nagpaalam siya ng iidlip siya saglit. Inihabilin niya kay Rissa ang kanyang phone para siya na daw ang bahala kung may tatawag at humiga sa sofa. -,- Yung gorilla siguro ang tinutukoy niya.

Napabuntung-hininga si Rissa kaya napatingin ako sa kanya. "Grabe, ang sira talaga ni Tristan."

"Tsk. Magulo pa yun sa buhok na hindi nasuklay. Aawayin si Denny, hindi magpaparamdam tapos kapag magagalit na si Denny, nagagalit din. Sasabihin pa niya na mahina 'yung babae."

"Masyado kasi siyang confident knowing that Denny loves him too much. Iisipin talaga nun na hindi siya kayang hiwalayan nun."

Inihilamos ko tuloy ng wala sa oras ang aking kamay sa mukha ko. Pwede naman kasing matapos ng matiwasay ang problemang 'to. Kaso pinapagulo lalo ng gorilla na yun.

Biglang tumunog 'yung phone ni Denny. Sabay kaming napalingon sa phone niya bago kay Denny na himbing na sa may sofa. Inunahan ko si Rissa sa pagkuha ng phone at tiningnan siya.

Sinagot ko 'yung tawag pagkatapos tingnan kung kanino galing.

'Buti naman at sinagot mo na! Kanina pa kitang tinatawagan! So natitiis mo na talaga ako?!'

"Ah, at talagang utang na loob pa ni Denny na ikaw ang tumatawag sa kanya?" Hindi ko maiwasang itaas ang tono ng pananalita ko. Nakakabanas kasi ang ugali niya.

My Best Friend's Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon