Silver Coin, Wild Dreams, and...

Від RaveneValdrez

7.7K 432 167

Sometimes the person you want to save ends up saving you. Більше

Teaser
Author's Note
CHAPTER 1: The Silver Coin
CHAPTER 2: Wild Dreams
CHAPTER 3: The Falcon
CHAPTER 4: Milk Tea and Us
CHAPTER 5: Breaking Traditions
CHAPTER 6: Sa Isang Drawing Book
CHAPTER 7: Ang Paglaya sa Tanikala
CHAPTER 8: Ang Tinig at Mga Liham
CHAPTER 9: Cardcaptor Sakura
CHAPTER 10: Munting Salo-salo
CHAPTER 11: Munting Tinig
CHAPTER 12: Kalanggaman Island (Ano ang Apilyido ni Sisa?)
CHAPTER 13: Hulihin Mo Ang Ibon
CHAPTER 14: Isang Dipa
CHAPTER 15: Ang Huling Hiling
CHAPTER 16: Ang Huling Sayaw
CHAPTER 17: Ang Huling Biro
CHAPTER 18: Ang Huling Takbo
CHAPTER 19: Her Fighting Spirit
CHAPTER 20: Tayo Lang
EPILOGUE: Ang Huling Liham

CHAPTER 21: Ang Simula ng Wakas

245 14 2
Від RaveneValdrez

October 14, 2017


Ito na ang simula ng wakas.

Isasara ko na ang pahina, at buburahin ang mga bakas.

Mga bakas na inimprenta ng sumpa at takot.

Isasara ko na, dahil nahanap ko na ang sagot.

Hindi na ako maglalakbay sa nakaraan,

Lilimutin, ibabaon ang kahapon at talaan.

Maglalakbay ako palayo sa iyo.

Hanggang sa matanaw ko siya sa layo.

Hanggang sa makita ang akalang hindi na mahahanap.

Hanggang sa mayakap ko ang alapaap.

Tatalon ako, ngingiti at sasayaw

para sa mga bukas na ninakaw.

Muli akong mananaginip pero may ngiti at tuwa.

Dahil kasama ito sa awit ng mga ibon, sayaw ng mga alon, para sa aming dalawa.

Muli akong maniniwala sa mundong binuo niya namin

Dahil sa dulo noon, may kamay na nakaabot sa akin.

Ito na ang simula ng wakas.


Huling tala sa Talaan ng Pagbisita

Donna, 28


"I D-DREAMT of you dying, Drew!" she ruptured brokenly.

Donna had it enough. Pinalaya niya ang sakit at hinanakit sa lalaki. "Noong nasa Sagada tayo, napanaginipan ko na may mangyayari sa 'yong masama. It was so real I can still feel the pain, Drew. At kailangan kong lumaya para mailigtas ka. Mahal kita at iyon lang ang alam kong paraan para magawa iyon."

"Nilabanan ko, Drew. Sabi ko, hangga't nasa iyo ang coin, walang mangyayaring masama sa'yo. Then, it makes sense yong muntikan kang masagasahan sa Leyte, noong natumba ka sa jet ski noong nasa Puerto Azul tayo. My dream is sending me a message. We cannot cheat death, Drew. Iniligtas kita at kailangang may kapalit iyon. Nilalagay sa ibang panig ng mundo ang kalungkutan para maging masaya ang isang panig. We cannot have the best of both worlds. Ganoon umiikot ang mundo, Drew. Iyon ang kalakaran nito. Kaya kahit ang sakit, kahit parang mamamatay ako sa sakit, I endured, kasi mahal na mahal kita."

"You should have told me," he said, drained and pained.

"Paano? 'Drew, napanaginipan ko na mamatay ka.' Just thinking of you dying makes me so sick, Drew."

"Para mo na rin akong pinatay sa ginawa mo."

"I know, and I am so sorry," aniya at umiiyak na hinaplos niya ang mga pisngi nito. "Walong taon. Walong taon ako noong makita kong nakahandusay ang Mama ko sa sahig, walang buhay. I saw her die. And then I saw my father die right in front of my eyes, Drew. Nasaksihan ko ang pagkamatay nila. At sumama sa kanila ang puso kong namatay. Pero dumating ka, hinanap mo ako, at nahanap ka ng puso ko. Muling nabuhay ang puso ko. Narinig kong muli ang munting tinig na meron ako. K-kaya, paanong hindi ko ililigtas ang taong mahal ko at nagmahal sa akin ng tunay at wagas? Paano, Drew? Mas gugustuhin ko pang makita ka na masaya sa piling ng iba. H-hindi ko kayang makita kang wala ng buhay Drew. Hindi ko kaya. H-hindi ko na kakayanin pang may mawala ulit na mahal ko sa buhay."

Patuloy siya sa pag-iyak hanggang sa naramdaman niya ang pagyakap nito. "What now? Nawala na ba ang sumpa? Mawawala ba ngayong bumalik ka?"

"Napagtanto kong naging unfair ako sa'yo, Drew. Hindi kung mawawala o hindi, hahawakan ko ang kamay mo. Kung hindi, gusto kong nasa tabi mo ako. I want us to have our happy ending with our finite time. Mahaba o maiksi, kukunin ko, Drew, lalaban ako, i-te-take risk ko. Panghahawakan ko ang oras nating iyon."

Mahigpit niyang niyakap ang lalaki. She missed feeling his warmth and smelling his scent. She missed everything about him. Yakap-yakap na binuhat siya nito at umupo sa sofa. Napakandong siya sa lalaki.

Nanatili sila sa ganoong posisyon, walang nagsalita ni isa sa kanila. Nililimi nila ang panahon at sinusulit ang pagkakataon. She was home, at last.

"Hindi mo na ba ako mahal?" tanong niya.

He laughed. His laughter sounded so divine in her ears. Iniangat nito ang kanyang mukha, his face gleaming with happiness. "How can I not love you? I love you with all my heart, Donna. From this day on, I want us to be faithful to each other. No more secrets, okay?"

"I promise you, Alejandro Piopongco," seryosong saad niya, hanggang sa may maalala siya. "'Yong kay Marga? Noong nakita kong sabay kayong mag-lunch sa office? Bakit hindi mo ako pinapansin noong dinadalaw kita."

Tumawa ulit ito. "Ang cute mo talagang magselos ano? Kaibigan ko lang talaga si Marga. Saka gusto rin siguro kitang pagselosin. Ego ko lang din siguro, kasi lahat na ng taong nakapalibot sa akin, kakampi mo. Pati si Marga, boto sa'yo."

Nakangiting yumakap ulit siya rito.

"Kung magunaw man ang mundo o magkatotoo ang panaginip mo, then let's face it together. Let our love be stronger than your dream."

"Yes," she said, nodding.

"Sasabihin mo sa akin ang mga nararamdaman mo dahil gusto kong maramdaman mo na nakasuporta lang ako sa'yo palagi. Kahit nasaan ka man o ano ang ginagawa mo, lagi akong nakatanaw sa'yo."

"Yes, I will, Drew."

"Yes lang?" naaliw nitong saad.

"H-hindi lang ako makapaniwala, Drew," nakalabing saad niya.

"Mahal mo ako?" nanunudyong tanong nito

Tumango siya. "Oo naman."

"Tell it."

"Love you."

"Ang bilis. 'I love you, babe' ganoon dapat," nanenermon na saad nito. Oh, God, how she missed this annoying and adorable man she was hugging.

"I love you, babe," nang-aasar na mabilis niyang saad.

"Eh, wala. Ang bilis-bilis ng bibig mo. I love you, babe?" anitong ginaya siya. "Gusto ko, I loveee youuu, babeee. Ganoon."

"Ano ba iyan, ang kulit mo," nakalabi niyang saad. "Sinabi ko na nga eh."

"Eh, ayoko ng ganoon. Yong hitsura mo naman, dapat sweet din. Tapos kikindatan mo ako. I love youuu, babeeee. Ganoon. Oh, daliian mo na."

Tinignan niya ang nang-aasar nitong pagmumukha. Whatever expression he wears, he still looked so gorgeous. She faced him, her legs straddling him. She touched his face and smiled dearly to him.

She kissed him on his forehead. "Para sa tatlong buwan na pangungulila ko sa'yo."

Hinalikan niya ang mga talukap na mga mata nito. "Para sa isangdaang beses kong pagtakbo sa kagubatan ng Saiko Lake para makuha ang kahilingan na sana makita mo ang kaligayahan mo. Na sana matanggal ang sakit na nararamdaman natin."

Hinalikan niya ng banayad ang tungki ng ilong nito. "Para sa mga araw na hindi mo pagpansin sa akin. Iyon ang mga araw na napuno ako ng agam-agam na baka hindi mo na ako mahal, wala na akong dulo na dudugtungan pa."

Isinunod niya ang mga pisngi nito. "Para sa bagong simula. Tinuldukan ko ang isang wakas. Magsisimula na ulit tayo."

Mariin niyang hinalikan ang mga labi nito. "I love you, babe."

They looked at each other like the world would crumble at their feet, unresolved but certain. Alejandro grabbed her nape and their lips found their way home. He kissed her like he was drowning and she was his air. He kissed her hungrily, not just a brush of lips but a kiss that smoldering their soul. A kiss so deeply and completely she felt like falling and floating, like Alice in Wonderland.

When he coaxed her neck down to her breast, euphoria rose beneath her skin. For she was the ocean and he was her sun. She was the mountain and he was her clouds. He was her silver coin in this world full of wild dreams.

They made love that night and she surrendered everything.

"Donna?" tawag nito sa kanya habang magkayakap ang mga hubad nilang katawan.

"Yes?" she purred, burying her head in his chest.

"Paano mo malalaman ang mood ng mga fish?"

She chuckled. "E 'di tumingin ka sa FISHal expression nila."

They both roared into laughter. At muli niyang narinig ang alon, tinangay ang puso niya ng mga ulap, nagsiawitan ang mga kabundukan, at nabuksang muli ang sarili nilang mundo.


"ANO ANG ginagawa natin dito?" nababaghang tanong ni Drew.

Kanina pa iyon tinatanong ng lalaki sa kanya. Kahit noong nasa bus sila papuntang Pangasinan ay iyon na ang bukam-bibig nito. "Kailangan nating hanapin ang pulang tubig sa mataas na batuhan."

"Ang ibig kong sabihin bakit tayo nandito sa racho ng lolo ko? Ano ang ginagawa natin dito? Paano mo nalaman ang lugar na ito?"

Malapit sila sa tarangkahan ng Racho Piopongco. Nilakad nila ang limangdaang metro papunta roon. May nagtataasang puno ng niyog sa mga gilid. Presko ang hangin at simple at payapa ang buhay roon.

Hapon na at malapit nang humimlay ang araw.

"Natatandaan mo 'yong kinuwento ko sa'yo tungkol sa sumpa ng pamilya ko?" tanong niya. Tumango ito. "Nasa Japan ako ng binasa ko lahat ang nakalagay sa Talaan ng Pagbisita. The answer was right in front of me, Drew. It feels weird believing in this curse, it's like believing in fairy tales. Pero ang simple lang pala ng sagot. Nasa akin lang pala," kinikilabutang saad ni Donna.

"Ano?" tanong ni Drew.

"Ito." Inilabas niya ang silver coin. "Dito sa racho ninyo unang nagkita ang Lolo Pedro ko at ang babaeng sarangay, Drew. Dati itong kagubatan. Kaya kailangan natin mahanap ang pulang tubig sa mataas na batuhan dito."

"Pulang tubig sa mataas na batuhan?" anitong nag-isip. "Walang ganoon—" Napahinto ito at saka nagmamadaling inaya siya papasok sa rancho. Sinalubong sila ng mga katiwala na nagulat sa pagdating nila.

Namangha siya sa dami ng ibon sa paligid. Sikat na aviary farm ang racho nila Drew. Nalaman niya iyon nang nagsaliksik siya tungkol sa lugar. Napagtagni-tagni niya ang lahat nang mapanaginipan niya ang lolo nito at mabasa niya ang Talaan ng Pagbisita.

Nagpatulong siya sa papa ni Drew tungkol sa rancho ng mga ito. Nabili ng mga ito ang lupa noong napadpad ang mga ancestor nitong intsik sa Pangasinan. Ginawang rancho ang malawak na kagubatan.

Ngayon, bukas ang aviary farm ng mga ito para sa mga turista.

Pinagsuot siya nito ang bota at isang kamisa de chino na damit. "Madamo roon at maraming lamok."

"Alam mo na kung saan ang pulang tubig sa mataas na batuhan?"

Niyakap siya nito. "Natatandaan kong dinala ako roon ng lolo ko noong bata ako. Hindi nga lamang pulang tubig pero mataas ang mga batuhan. Talon iyon sa taas ng bundok. Huling ligo ko roon, k-kasama ko pa ang lolo ko," may lumbay sa tinig na saad nito.

Tumingkayad siya at hinalikan ang mga labi nito. "He'll be happy na madadalaw mo ulit ang lugar na iyon, Drew."

Agad silang umakyat sa bundok. Inabot sila ng kalahating oras bago narrating ang tuktok. Nakalahad ang kamay ni Alejandro sa kanya. Huminga siya ng malalim at inabot ang kamay nito.

One step forward and she was on the top of the mountain. She gasped at the view. Donna was speechless. Ang araw na papalubog ay sumisilip sa siwang ng mga kakahuyan. Dahil doon, tila nag-aapoy ang kulay ng tubig sa ibaba ng talon. Tumatayo ang balahibo niya sa huni ng mga kulisap at pagbagsak ng tubig. Pero ang nagpatulala sa kanya ang ay maninipis na ulap na nagbalibot sa kanya. It was as if she was here before. Donna felt like crying.

"Dito nagsimula ang lahat, Drew. Dito nabighani si Pedro sa kagandahan ng lugar, dito nahulog ang loob ng babaeng sarangay kay Pedro. Dito nabuo ang kanilang pagkakaibigan. Dito nabuo ang sumpa dahil dito rin ninakaw ang pilak na ito, Drew."

Inilabas niya silver coin. Tumatayo lahat ng balahibo niya sa katawan at tila may sabik na boses ang bumubulong sa paligid ng kagubatan. "Napagtanto ko na hindi kami ang biktima, Drew. Kami ang kumuha at ang mga panaginip na nararanasan namin ay paalala na may isang nilalang na nanabik sa isang bagay na wala na sa kanya. Ilang dekada o siglo ang hinintay niya para makuha ulit ito. Punong-puno siya ng pananabik at sakit, Drew. Naghintay siya at patuloy na naghihintay," umiiyak na saad niya.

"Natatandaan mo pa ba ang panaginip mo tungkol sa papa ko? 'Yong tulang ginawa ko?" tanong niya.

Tumango ito. "Ang Paglaya sa Tanikala."

"May tatlong parte ang tula na iyon, Drew. At naroon ang kasagutan ng lahat," aniya, ang puso niya'y binabaha ng pagmamahal at pang-unawa.

"Isang pagsinta ang kailangan mong makita," anito.

"And you've found me, Drew. Everything changed and I believed in something again. Love. Hope. Courage."

Marahan nitong hinaplos ang pisngi niya. "Isang kahilingan ang kailangan mong dugtungan."

"Natatandaan mo ang kahilingan ng lolo mo? 'Yong paulit-ulit niyang sinasabi sa'yo?"

Natudla ito at bahagyang nanlaki ang mga mata. "Hulihin mo ang ibon! Hulihin mo ang nawawalang ibon! Dapat mong kunin ang ibon at itago. Kailangan mong makuha ang ibon," tila nanghihinang usal nito.

"At heto ang nawawalang ibon, Drew." Ipinakita niya ang ibon sa isang bahagi ng silver coin. "Ayon sa alamat, ibon ang nagsisilbing mata ng mga sarangay. At ang mga pilak ang kanilang kapangyarihan. Kailangan na natin itong ibalik, Drew."

Napasandal siya rito nang mahigpit siya nitong niyakap. "Siya'y iyong hanapin at tanggapin. Para sa pagyakap niyo sa ulap, mahahanap ninyo ang alapaap."

Alapaap sa palibot ng mga ulap. Sabay nilang hinaplos ang baryang pilak bilang pamamaalam. "Bigkas ng bibig, tibok ng dibdib," panimula niya.

At sabay nilang binigkas ang, "Pilak na may pakpak, hatid ay kandili sa taong may hawak."

Itinapon nila ang silver coin. Nagtampisaw iyon sa tubig at tuluyan nang nilamon ng karimlan. Nahanap na nito ang tahanan nito.

She looked at him and she saw the rest of her life in front of her eyes.

"Let's go?" tanong nito

"Saan?" Nang mapagtanto niya ang nais nitong gawin ay umiwas siya rito. "No!" Pero nahapit siya nito sa bewang at karga-karga siyang tumalon pababa sa malalim na tubig. Bumulusok sila paibaba ngunit ang puso niya ay umaapaw sa pagkasabik at pagmamahal.

Napuno ng tawa niya paligid ng batis.

"Meeting you was fate, becoming your travel buddy was a choice but falling in love with, I had no control over, Donna," anito habang nakatitig sa kanya.

It was confusing how destiny works. Sometimes, the person you wanted to save ended up saving you. In this life full of uncertainties, Donna and Drew didn't need saving, they just wanted to stand at each other's side as they save themselves.

Patuloy sila sa pagtawa. Hanggang sa napalitan iyon ng mga ungol.

Продовжити читання

Вам також сподобається

40.7M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...