EPILOGUE: Ang Huling Liham

365 20 6
                                    

Dear Donna,


Gusto kong ito ang una mong mabasa pagkagising mo. Isang sulat at isang pumpon ng bulaklak.

Noong isang araw, habang nakikinig ako sa usapan ninyo ni Dreina, natutuwa ako kung paano mo ipaintindi sa kanya ang konsepto ng 'heartbreak,' Noong sinabi mong, "If he hesitates in choosing between you and another person, let him go. You are worth more than a second thought, Drei," wala akong maramdaman kundi paghanga. Naks, expressive na ang asawa ko! (Oh, namumula ka)

Natatandaan mo noong mga panahon na nagtatampo ka kasi kinain ko ang mangga na pinaglilihian mo noon? Ayaw mong tumabi ako sa'yo at gusto mong sa kabilang kuwarto ako matulog. Tapos nagising kang asar na asar sa akin kasi hindi ako tumabi sa'yo. Hindi mo lang alam pero isang oras akong nakayakap sa'yo habang natutulog noong gabing iyon. At ewan ko ba kung bakit gustong-gusto ko na naiinis ka sa akin. Gusto ko ang pagbusangot ng mukha mo at paghaba ng bibig mo. It makes me want to kiss you all day long.

Natatandaan po noong hinala mo ako patakbo noong nasa Turkey tayo kasi pakiramdam mo, huhuliin tayo ng pulis? Tawa ka nang tawa. At ako, tr-in-easure ang moment na iyon. Hindi ko makakalimutan ang panahon na iyon kasi iba ang tuwa mo. You went wild and later that night, iginapos mo ako sa poste ng kama natin! Ah, doon natin ginawa si bunso. Puwede ba nating gawin ulit iyon, mahal ko? (Kindat)

I am so proud of what you've become, what motherhood had made you. And I am privileged to witness that journey, my love. There's nothing in the world I'd rather see than your face. Araw-araw, gigising akong nakangiti habang nakatitig sa mukha mo habang mahimbing kang natutulog. Sa isip ko, ako ang pinakasuwerteng tao sa buong mundo.

Laging mong isipin na may mga bagay sa mundo na wala sa kontrol natin. Kung madapa o masugatan o masaktan man ako, 'wag ka sanang umabot sa punto na sisihin mo ang sarili mo, mahal ko. I choose this life together with you because you make me forget there's a choice. It's only you. Only us.

Patuloy kang mangarap, ngumiti, tumawa, idipa ang mga kamay at maglakad paabante sa mga minimithi mo sa buhay. Mangarap ka at kunin ang buhay ang ninakaw sa'yo ng pagkakataon. Lumipad ka mula sa kadenang nakagapos sa'yo ng ilang taon. Palagi akong nakaalalay at nakasuporta sa'yo, mahal ko.

Nasa likuran mo lang ako, siyang yayakap sa'yo kapag iiyak ka. Nasa likuran mo lang ako, tatakbo at aalalayan ka kapag nadapa ka. Nasa likuran mo lang ako. Lingon ka lang at makikita mong nakangiti ako sa'yo, Donna.

Happy 20th Wedding Anniversary, Donna.

Mahal na mahal kita.

Ikaw, si Dreina, Alexander, at Prima, kayo ang buhay ko.


Alejandro

P.S. Ano ang sinasabi ng isda na gustong makipagbati?




WAKAS

Silver Coin, Wild Dreams, and Us (Published under PHR) Where stories live. Discover now