CHAPTER 13: Hulihin Mo Ang Ibon

150 15 3
                                    

November 24, 2010

Dear Donna,

Alam mo 'yong pakiramdam na lahat umaayon sa'yo? Na parang unti-unti mong nabubuo ang isang jigsaw puzzle. Makalat at hindi mo alam kung saan magsisimula, at kahit mahirap, unti-unti, binuo mo ang jigsaw puzzle na iyon? Ganyan na ganyan ang pakiramdam ko.

I have three reasons to be happy, Donna.

First, I've celebrated my 21st birthday last November 16 with my family. Simple lang pero 'yong presensiya nilang apat sa akin ay sapat upang makontento ako. Tinanong ako ni Mama kung ano raw ang gusto kong regalo? Isa lang naman ang tinatangi ng puso ko.

Second, I passed my board exam! Kaka-release lang ng result kanina! Engineer na ako, Donna! Another celebration ulit kanina. Naiyak ako sa tuwa kasi iba pala ang pakiramdam na makitang naluluha sa iyak ang mga magulang mo. 'Yong t-in-ap ako sa balikat ni Papa at sabihin sa akin na, "I am proud of you, son," ang sarap pala sa pakiramdam. Nakaka-uplift ng selfworth, Donna.

Lastly, I got your friend's address and cell phone number. When it rains, it pours talaga. Nag-text kanina ang kakilala ko sa Kartini Hotel and Casino. Ang tagal kong kinulit iyon para alamin niya ang address ng kaibigan mong si Jas. At habang nag-se-celebrate kami ng aking pamilya kanina, nag-text siya! Grabe, Donna, nanginginig ako habang tinitignan ko ang text message na iyon. Naiiyak ako sa tuwa na hindi ko mawari. Pakiramdam ko, lahat ng mga tala sa langit, nagsama-sama para tulungan ako at hindi ko alam kung paano i-contian ang kaligayahang ito.

Noong nag-re-review ako noon sa Sampaloc, Manila, pinuntahan ko ang address mo na ibinigay sa akin ni Manang Kunol. Pero maghapon akong nalungkot nang malaman ko na wala ka na sa tinitirhan ninyo. Umalis ka na raw at hindi nila alam kung saan ka nagpunta. Hindi rin alam ni Manang Kunol kung nasaan ka.

Pakiramdam ko, end of the road na ang biyahe ko sa paghahanap at kagugustuhan kong makausap ka, pero may tinig sa akin na nagsasabing, "don't give up, Drew," at pinaghahawakan ko iyon. Hanggang nasabi nga sa akin ni Manang Kunol na may kaibigan ka na maaaring nakakaalam kung nasaan ka. Pumunta akong Kartini and the rest is history, Donna.

Masayang-masaya ako, Donna. At isa lang naman ang hiling ko – sana magkaroon ka rin ng tatlong rason para maging masaya ngayong araw na ito.

Sana masaya ka kung nasaan ka man ngayon.

Masayang-masaya,

Drew


"HI, WELCOME to ABenchture Apartelle! Free breakfast, free WiFi, and free hugs!" nakangiting bungad sa kanila ng receptionist sa pinuntahan nila.

Agad niyang ipinakita ang voucher ng early booking niya online sa nasabing apartelle.

"My name is Amy Tacsanan. You can call me Ate Amy. Tara at ihahatid ko kayo sa room ninyo."

Masayahin ang babae at mukhang makakagaanan ng loob ni Donna. Dalawang araw silang mag-i-stay ni Drew sa apartelle para sa paglilibot nila sa bayan ng Palompon.

"Ayusin niyo muna ang mga gamit ninyo tapos sabay na kayong mag-almusal sa amin, ano?" anito saka nanunuksong iniwan sila.

Gawa sa kahoy ang sahig. Tila masarap matulog sa kwarto dahil sa 'homey' na pakiramdam na ihahatid sa'yo ng silid. Ang mga bintana at haligi ay animo hindi naluluma at nawawalan ng barnis. Nagpasalamat si Donna at dalawang double-sized bed ang nasa kwarto. Pasalampak siyang humiga sa kama. Agad na sumalubong sa kanya ang amoy Downey ng kombrekama.

Silver Coin, Wild Dreams, and Us (Published under PHR) Where stories live. Discover now