CHAPTER 3: The Falcon

346 20 8
                                    

September 29, 1994

Hindi normal ang pagbisita na nangyayari sa akin sa mga nakalipas na araw. Akala ko iisang pagbisita lamang ang puwedeng mangyari sa amin. Wala akong nabasa sa Talaan ng Pagbisita na nagkaroon ng ibang pagbisita. Iba sa akin. Isipin ko pa lang, dinudurog na ang puso ko.

Tumimo na sa isipin ko na mangyayari ang aking kamatayan sa isang lugar na mahal na mahal ko. Sa kusina. Noong una, hindi ko matanto kung saan at paano ako mamamatay. Pagbagsak sa isang tungtunguan at isang ilaw lamang ang nagpapakita sa aking Bisita. Hanggang sa lumaon, nadagdagan iyon at luminaw sa aking paningin ang mga estante na lalagyan ng mga pampalasa at gamit pangluto.

Tinanggap ko iyon at nagpanggap kay Harold na wala ng pangitain ang dumadalaw sa akin. Sa isip-isip ko, ginagawa ko ang hilig ko kapag susunduin na ako. Pero may boses sa akin na gustong lumaban sa tadhana na inihain sa akin mula pagkabata. Naging matapang at positibo ako sa buhay. Pakiramdam ko basta't hawak ko ang baryang pilak at kasama ko ang si Donna at Harold at binubuklod kami ng pagmamahal, walang sumpa ang makakahadlang sa amin.

Ngunit nagkamali ako. Sa bagong pagbisita, nakita ko silang dalawa na walang malay na tila himbing na himbing sa pagtulog. Sinubukan ko silang gisingin para sa aming pagsasalo sa hapag. Ngunit hindi ko sila magising.

Mahal na mahal ko silang dalawa. Si Harold na tumanggap at umunawa sa mga takot ko sa buhay at si Donna na siyang nagbigay sa akin ng panibagong layunin. Silang dalawa ang buhay ko. At kung kinakailangang lumayo sila sa akin para hindi madamay sa sumpa, gagawin ko.

Talaan ng Pagbisita

Prency, 29

"SUGO TALAGA ng demonyo ang supervisor ng housekeeping!"

Lunch break nila at iyon ang unang litanya ni Jas sa kanya. "Ba't ano'ng ginawa sa inyo?"

"Alam mo bang puro banyo ang ipinalinis sa amin ni Miss Alvarez! Gulat ako dahil ngayon lang niya ipinalinis ang banyo sa mga trainee. Urgh! Nakakagigil talaga siya, Donna," pagpapatuloy ng kanyang kaibigan. "Palibhasa, brokenhearted daw ang loka! Kaya kami ang napag-iinitan niya!"

Sikat talaga si Miss Alvarez sa pagiging istrikto. Kaya marami ang nanalangin na hindi mapunta sa housekeeping department. Last month ay doon siya nadestino at kailangan ng mahabang pasensiya sa kanilang masungit na supervisor. Mabuti na lang at nasa food and beverage department si Donna.

"At alam mo na siguro ang palagi niyang litanya, 'Real power comes with great Kartini responsibilities," ani Jas at ginaya ang matigas na enunciation ni Miss Alvarez. Natawa siya sa kaibigan. "Buti na lang at last day na natin bukas! Aalis ka na talaga?" malugkot na saad nito.

Tumango siya. "Alam mo na kailangan kong umalis. Nag-aalala ako kay Papa." Si Jas lamang ang nakakaalam kung saan siya pupunta at dahilan ng pagpunta niya sa Japan. Ito lang ang bukod tanging kaibigan niya. At masaya siya sa friendship na nabuo nila. Jas will always be the sister Donna never had.

"Hindi man lang tayo makakapagpapicture together sa ating graduation. Next month pa naman iyon, friend, baka puwede pang magawan ng paraan," malungkot na saad nito.

Isa sa dahilan kung bakit ayaw niyang makipaglapit sa ibang tao, darating ang panahon na aalis siya at iiwanan ang mga ito. Iiwan niya ang mga ito. Permanente.

Bago kay Donna ang pakiramdam na may nag-aalala sa kanya na hindi makakapunta sa graduation nila. Bumikig ang kanyang lalamunin at pakiramdam niya maiiyak siya.

"Y-you'll be fine, Jas," garalgal na saad niya. Tatakbo at maabot ni Jas ang mga pangarap nito habang siya ay aalis at makakalimutan ng mundo pagdating ng panahon. Na parang alikabok na dumaan lang sa tabi.

Silver Coin, Wild Dreams, and Us (Published under PHR) Où les histoires vivent. Découvrez maintenant