CHAPTER 12: Kalanggaman Island (Ano ang Apilyido ni Sisa?)

231 17 10
                                    

March 9, 2010

Dear Donna,

Noong bata ako, I used to play domino game. Kaming tatlong magkakapatid, pahabaan kami ng domino na magagawa sa loob ng isang oras. Ang matatalo, siya ang mag-bo-volunteer na maghugas ng pinagkainan. I love this game because you have to be careful to every piece, you have to treat them equally. Because the smallest detail can change the path of the game.

You know, the smallest thing can change your life. Parang domino, sa isang kisapmata, may mangyayari na hindi mo inaasahan. Itatakda ka nito sa isang daan na hindi mo plinano para sa hinaharap na hindi mo sukat akalain na mangyayari sa'yo. That's the journey of our life. Saan tayo dadalhin ng paglalakbay na ito?

Siguro kailangan ko munang dumaan sa madilim na kuweba bago ko makita ang liwanag sa dulo nito.

Isang taon. Isang taon na pala ang nakalipas simula ng mangyari sa akin ang aksidente. Kanina umiiyak ang Mama habang naghahanda siya. Nakangiti siya na umiiyak. Pasasalamat daw niya iyon sa pangalawang buhay ma meron ako.

Isang buwan akong namalagi sa ospital, Donna. Isang buwan akong comatose. Ang natatandaan ko, para akong naglalakad sa madilim ng kuweba. Lapnos na ang aking balat at masakit na ang aking mga paa, pero parang wala akong kapaguran. Lakad lang ako nang lakad.

Kanina, pakiramdam ko malapit ko ng makita ang liwanag sa dulo ng kuweba. Ibinigay sa akin ni Manang Kunol ang address mo sa Manila. Excited ako na kinakabahan. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Siguro pagkatapos ng graduation ko, pupuntahan kita. Kakatok ako sa pintuan niyo at hahalikan kita, gaya ng ginawa mo.

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng paghahanap ko sa'yo.

Isang taon na at hindi pa rin ako makalimot.

Isang taon na pero lakad pa rin ako nang lakad. Pakiramdam ko, nakakulong pa rin ako sa panaginip ko.

Lakad nang lakad,

Drew


"ARE YOU really sure about this? Puwede pa tayong magback-out at gamitin ang yacht ko. It would be fun you know?" ani Drew na hindi komportable sa inuupuan.

"Matagal. At least kapag dito sa plane, isang oras lang ang biyahe natin," aniyang nakangiti.

"You're enjoying this, aren't you?" he smirked.

She laughed, loving how cute he was. Papunta sila sa Tacloban City at napagkasunduan nilang magtravel without using his yacht - to his dismay. Sinabi niya ritong gusto niyang maranasan ang magbiyahe na nakakahalubilo ang mga tao. They will also share for the expenses. Hindi siya papayag na solohin nito lahat ng gastos.

Si Jas muna pinakiusapan niyang mag-manage sa The Restaurant, na masaya naman nitong tinanggap and wished her luck on the journey she was about to take.

The plane was about to take off when he held her hand for support. Ayon sa lalaki, hindi ito komportable na nagbabiyahe by plane. Bird lover lang daw ito pero hindi raw ito mahilig sa matataas na lugar. The irony in his personality

"Selfie," she said and laughed the moment she captured. Nakabusangot ito at nakakunot ang noo.

"Sige, pagtawanan mo pa ako," anito.

She pinched his cheek. At mas humigpit ang hawak nito sa kanyang kamay nang papataas na sila. Ilang sandali pa ay nakapikit na ang mga mata nito. There was a strain in his breathing but he was really a sight to behold. Palihim niya itong kinuhan ng picture.

Silver Coin, Wild Dreams, and Us (Published under PHR) Où les histoires vivent. Découvrez maintenant