Silver Coin, Wild Dreams, and...

By RaveneValdrez

7.7K 432 167

Sometimes the person you want to save ends up saving you. More

Teaser
Author's Note
CHAPTER 1: The Silver Coin
CHAPTER 2: Wild Dreams
CHAPTER 3: The Falcon
CHAPTER 4: Milk Tea and Us
CHAPTER 5: Breaking Traditions
CHAPTER 6: Sa Isang Drawing Book
CHAPTER 7: Ang Paglaya sa Tanikala
CHAPTER 8: Ang Tinig at Mga Liham
CHAPTER 9: Cardcaptor Sakura
CHAPTER 10: Munting Salo-salo
CHAPTER 11: Munting Tinig
CHAPTER 12: Kalanggaman Island (Ano ang Apilyido ni Sisa?)
CHAPTER 13: Hulihin Mo Ang Ibon
CHAPTER 14: Isang Dipa
CHAPTER 15: Ang Huling Hiling
CHAPTER 16: Ang Huling Sayaw
CHAPTER 17: Ang Huling Biro
CHAPTER 19: Her Fighting Spirit
CHAPTER 20: Tayo Lang
CHAPTER 21: Ang Simula ng Wakas
EPILOGUE: Ang Huling Liham

CHAPTER 18: Ang Huling Takbo

108 12 4
By RaveneValdrez

Dear Alejandro,

Hindi ko matatangap ang iniaalay mong pag-ibig.

Hindi ko intensiyon na saktan ka o anoman, pero mukhang iba ang pagtanggap mo sa pagsama mo sa akin na maglakbay sa iba't ibang sulok ng Pilipinas.

Wala akong intensiyon na pakasalan ka. May oportunidad na kumatok sa akin na i-manage ang isang sikat na hotel sa ibang bansa.

Patawarin mo sana ako.

Donna


THE THING with life when it embraced misery – it never ceased from torturing you. It will invade your body, then your soul... even in your dreams...

It was a collective dream. Parang ang kanyang buhay ay pinilas sa mga pahina ng libro, nagkaroon ng buhay at inuusig ang kanyang konsensiya. At wala siyang magawa dahil para siyang nakagapos sa poste, nakagapos siya sa lamat ng nakaraan.

Her mother was crying. "Magtiwala ka sa pangarap na puwede mong abutin. Isang araw magninilaw ka, na ang mga maliliit na bagay na mga ito ang makakapagpabigay ng ngiti sa labi mo. Hindi ka puwedeng makulong sa isang buhay na idinikta sa'yo."

Her vision went black and she was confronted by his father, wearing his sad expression. "Ipangako mo sa akin, Donna. Ipangako mong palalayain mo ang sarili mo sa mga sakit at takot diyan sa puso mo. Hanapin mo ang kaligayahan mo. Maging masaya ka, anak. Sumubok kang magmahal."

I keep my promise, 'Pa. I tried. Naging masaya ako. Nagmahal at matuloy na nagmamahal.

Then she faced an old woman, she looked like her grandmother. She was shouting, "Lumihis ka ng landas! Lumihis ka ng landas!"

"'Wag mong sundin ang ginawa ng mga magulang mo. Kapag hindi ka nag-ingat, kapag hindi ka nakahanap ng paraan para harapin ito, magkukumuwala ang mga galit at hinanakit. Ang isang bagay na gagawin mo paulit-ulit ay ang pagwasak sa iyong sarili!" sigaw iyon sa kanya ng manghuhula.

Bakit meron ka sa panaginip ko? Mali ba na sa simula pa lang, sumama at minahal ko si Drew? Ako ang nagtulak sa kanya sa kapalaran na meron siya? Mali ba ako? ganting sigaw niya sa isipan niya, pero parang may mahikang nagtahi sa kanyang mga labi, hindi niya iyon maigalaw.

Ang huling nagpakita kay Donna ay hindi pamilyar sa kanya. But when he fumbled those words, she knew who he was immediately. "Tulungan mo akong hulihin ang ibon, Donna. Dapat niyong hulihin ang ibon at itago. Hulihin niyo ni Drew ang nawawalang ibon. Kailangan niyong makuha ang ibon!"

Paulit-ulit iyon umalingawngaw sa kanyang pandinig, noong una mahina lamang iyon, hanggang sa naging malakas iyon at hindi na niya kayang tagalan ang lakas ng tinig ng matanda.

She shouted and gasped for air.

That was when she woke up. She was trembling and shivering and sweating.

Agad niyang kinuha ang lalagyan ng tubig, nagbihis at sinuot ang sneakers. Tumakbo siya sa palibot ng PICA Resort malapit sa Fuji Saiko Lake at Fuji Yoshida. Pasado alas-otso na ng umaga, tapos na sigurong mag-jogging ang mga tao. Tago at iilan lamang ang nakakaalam ng trail na iyon kaya naman, malaya ang pakiramdam ni Donna.

Septiyembre at naghalo ang kulay ng araw sa mga dahon na naglalagas sa paligid. Autumn sa Japan kaya naman dominante ang kulay dilaw, kahel at pula.

Tatlong buwan na niyang ginagawa ang pagtakbo, walang palya araw-araw. Napalipas niya ang summer sa Japan. Tatlong buwan na rin ang mga bangungot na nararanasan niya. It was like the universe wanted her to be broken hearted forever.

Simula nang makuha niya ang silver coin, doon ulit nagsimula ang mga panaginip at pagbisita sa kanya. Walang araw na hindi niya naisip si Drew, wala araw na hindi siya umiiyak kapag naiisip niya ang lalaki.

Minsan, gusto niyang tumawag sa Pilipinas para kumustahin ito. Sapat na sa kanya na marinig ang boses nito. But it was his life she was protecting.

Iwinaksi niya sa isip ang mga agam-agam at ikinulong iyon sa isang sulok ng kanyang isip.

Natapos niya ang pagtakbo at naabot na niya ang Saiko Lake. Ayon kay Abigail – isa sa staff ng PICA Resort – kapag isang daang beses niyang natakbo ang kakahuyan ng Saiko Lake, magigising raw ng hating-gabi ang katawaro. Isa raw itong nilalang na nakatira sa ilalim ng Saiko Lake at kinakain ang sakit at sama ng loob ng mga taong nakatakbo ng isang daang beses.

Ngayon malapit na siya matapos. It was her 93rd. Isa siya malaking hangal dahil kahit iyon pinapaniwalaan niya.

Nasa timog na bahagi siya ng lawa. Mas malinaw at malapit iyon kompara sa tinitirhan niya. Sumamyo siya ng sariwang hangin. Naghalo ang papawalang init at paparating na lamig. Autumn ang nagsisilbing tulay ng summer at winter.

Nawalan siya ng konsentrasyon sa pagmumuni-muni nang may Makita siya babae na umiiyak. Wala itong kasama at silang dalawa lamang ang naroon. Hindi alam ni Donna pero may nagtulak sa kanya na lapitan ang babae. Gusto niyang aluin ang sakit na nararamdaman nito.

Pero siya ang nagulat nang mag-angat ito ng tingin.

"Doc Joanne?"

"Donna," she said, her eyes were swollen from crying.

Tumabi siya rito sa inuupuang bench. "Ano ang ginagawa mo rito, Doc?"

Tumingin ito sa lawa na tila may naalala. "M-may nakapagsabi kasi sa akin na nakita nila rito si Ian," anito at muling umiyak. If her memory served her right, Ian was Doc Joanne's lost husband. Literal na bigla na lang itong nawala tatlong taon na ang nakakaraan. Piloto ang asawa nito. "Sabi niya, tatlong araw lang siyang mawawala, Donna. Hintayin ko raw siya pagkatapos ng tatlong araw. Pero t-tatlong taon na akong naghihintay. Tatlong taon. Gusto ng magpahinga ng pagod kong katawan sa kakahintay. Pero hindi napapagod ang puso ko, Donna. Patuloy itong nangangarap. Nangangarap ito sa kanyang pagbabalik, kahit ang s-sakit-sakit na, Donna. Hindi napapagod ang puso ko na maghintay."

Niyakap niya ang doktora. Heto ang ang babaengng hinahanap at hinahabol ang kaligayahan nito, heto siya, nilalayuan at tumatakbo palayo sa kaligayahan niya. She cried with her.

"Isa lang ang hiling ko, Donna. Makita siya at makasama, kahit pa gaano kaiksi, isusugal ko iyon."

Hindi niya namalayan ang oras habang nakikinig siya sa mga kuwento nito. Sa tatlong buwan na pag-iisa niya, nakasumpong siya ng taong puwede niyang pagsumbungan lahat ng naranasan niya, lahat ng sakit at hinanakit. Nakinig ito sa kanya at hindi pinagtawanan ang mga pinagdaanan niya. Mula simula hanggang sa dulo ng relasyon nila ni Drew. Hindi niya namalayan na humahagulgol na rin siya at yakap-yakap na ng doktora.

"I can't judge your story and your decisions, Donna. Maaring kapag nasa sitwasyon mo ako, gagawin ko rin siguro ang ginawa mo. Ililigtas ko siya at isasantabi ang kaligayahan ko. Pero sa sitwasyon na meron ako ngayon, Donna, I'll choose a different path. I'll let him know, and I'll fight for him. Panghahawakan ko ang maliit na oras o panahon na meron kami. I will take risks, Donna. Happy ending isn't defined by the magnitude of time. Hindi panghabangbuhay ang happy ending. Puwede kayong magkaroon ng happy ending sa maiksing oras, Donna. Happy ending is telling him the truth, hugging him and assuring each other that you won't let go. Happy ending is staying true to the basic core of a relationship, Donna. Commitment."

Donna's heart was melting. Naghahalo ang sakit at pag-asa.

"Sikilin mo ang takot, lumaban ka, magpumiglas ka. Iyon ang mundo ng mga umiibig, Donna. Nagsasakripisyo tayo pero kung may katiting na pag-asa, lumalaban tayo. Dahil iyon ang lenggwahe natin. That's how we shape the world we live in."

Tumango siya. Umaasa siya. Ulit. Kahit masakit.

"Nagsisimula ang takot sa kawalang tiwala mo sa sarili mo at sa pagkabalisa sa mga bagay na walang kasiguraduhan. Kung gusto mong mawala ang takot, Donna. Magtiwala ka sa sarili mong kakayanan. Magtiwala ka rito." Itinuro into ang kanyang puso. "At ituon mo ang atensiyon mo sa iyong destinasyon."

"Pano kung magkatotoo pa rin ang panaginip ko?" naiiyak niyang tanong.

"So be it. Hindi ba't ginagawa mo ang ginawa ng mga magulang mo? Lumayo ang Nanay mo para iligtas kayong dalawa? Naging masaya ba sila? Naging masaya ba ang tatay mo kahit nabigyan siya ng maraming oras? Death is inevitable, Donna. While life – the truest meaning of it – is a choice. Choose to have one. At wala sa iksi o tagal iyon. Kung magkatotoo man iyon, I choose to be with him, Donna. Gusto kong sa huling sandali ng buhay niya, nasa tabi niya ako. Gusto kong ako ang huling makita niya bago niya ipikit ang mga mata niya."

"Taas noo at deretso ka lang," pagpapatuloy nito. "Kapag tumawid ka ng tulay, wag kang tumingin sa ibaba, baka mahulog ka sa kaba. Kapag binagtas mo ang ilog, 'wag ka dapat lumingon sa likod mo, dahil tatangayin ka ng takot at hinanakit, Donna. Sabi mo nga, nasa dulo na kayo. Pero puwede mo pang dugtungan ulit iyon, Donna. Dugtungan mo kahit maiksi. Para sa huli, walang pagsisisi."

She hugged and thanked her profusely. Hindi man nito natanggal ang problema niya, ang mga salita nito ay nagsilbing lakas niya para pasanin ang mga problemang iyon. Ipinalangin niyang sana, mahanap na rin nito ang kasiyahan na hangad ng puso nito.

Maghapon niya itong inilibot sa Saiko Lake, hanggang sa magpaalam na ito pabalik sa Pilipinas.

"Go, find him. He was not okay, Donna."

Tumango siya at nagpaalam sa doktora.

She contemplated on going back home. She will face him.

Pero maghihintay muna siya hanggang sa matapos niya ang ika-100 na pagtakbo niya sa kakahuyan ng Saiko Lake.

She was in her 94th day and she was expecting.

96th and she was pleading.

98th and she was longing him.

100th and she was crying again, her love and hope restored. In the middle of the night, overlooking the lake, she was praying under the stars.

Buo ang kanyang loob at panatag ang kanyang pakiramdam. She was packing up her belongings when she stumbled over her books. At isa roon ang Talaan ng Pagbisita.

She knew everything written on the book by heart but she read it again.

Then something hit her.

"Isang araw magninilaw ka, na ang mga maliliit na bagay na mga ito ang makakapagpabigay ng ngiti sa labi mo."

She was having chills all over her body. If her hunch was correct, all this time, the answer was right in front of her.

"Tulungan mo akong hulihin ang ibon, Donna. Dapat niyong hulihin ang ibon at itago. Hulihin niyo ni Drew ang nawawalang ibon. Kailangan niyong makuha ang ibon!"

In her 100th day in Saiko Lake, she knelt and cried. She sobbed in pain and happiness. She's muddling her disoriented perceptions. She wanted to scream and shout.

Kung siguro, maaga lamang niyang napagtagni-tagni ang lahat, baka buhay pa ang mga magulang niya. Dudugtungan niya ang dulo nila ni Alejandro. At hindi na siya aalis pa.

Continue Reading

You'll Also Like

40.7M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...