Take me to your HEART (GxG) :...

De _AyEnNe_

624K 18K 1.8K

*** COMPLETED ❤❤❤ *** Sabi nila ang Quickie masarap daw.. lalo na pag mahal nyo ang isa't -isa. But how come... Mai multe

Chapter 1 : JUBEL
Chapter 2 : I Dare you! (SPG)
Chapter 3 : " Hired "
Chapter 4 : "Ignored"
Chapter 5 : Stop that!
Chapter 6 : Ang Daga bow!
Chapter 7 : " Green minded"
Chapter 8 : "I'm Sorry"
Chapter 9 : " Broken Promises "
Chapter 10 : " Salt or Sugar? "
Chapter 11 : Spell - " Kahihiyan "
Chapter 12 : Unfolding the PAST
Chapter 13 : Shattered
Chapter 14 : Don't Leave ME
Chapter 15 : Medyo SPG
Chapter 16 : Aftermath
Chapter 17 : My Agitated Heart
Chapter 18 : Surprise!
Chapter 19 : A Dear Friend?
Chapter 20 : Flowers for You
Chapter 21 : Officially Missing YOU
Chapter 22 : She Cares For YOU
Chapter 23 : Yearning Hearts
Chapter 24 : SPG
Chapter 25 : Cuddling Ms. Sungit
Chapter 26 : Uncontrolled Emotions
Chapter 27 : Emotion Revealed
Chapter 28 : Meetup
Chapter 29 : Clingy GF (SPG)
Chapter 30 : Unplanned
Chapter 31 : Spoiler
Chapter 32 : Her Past
Chapter 33 : Meet the Sandovals
Chapter 34 : A trick
Chapter 35 : Unexpected Visitor
Chapter 36
Chapter 37 : behave or else...
Chapter 38 : i'm sorry, but I love her
Chapter 40 : Kiss and make up
Chapter 41 : Imagine me & you
Chapter 42 : Flashlight
Chapter 43 : Why?
Chapter 44 : Drifting
Chapter 45 : Awaken
Chapter 46 : are we done?
Chapter 47 : Payback time
Chapter 48 : Regret's
Chapter 49 : longing
Chapter 50 : She's not just a woman
Final Chapter

Chapter 39 : Ang Girlfriend kong timang

8.2K 309 26
De _AyEnNe_


Gaano ka ba ka-baliw kapag naiinlove? Kasing bipolar mo ba si Gabby kapag nanunuyo? o natitimang ka rin at nagiging mala-hitler kagaya ni Louise?

Iba't-iba man ang paraan natin kung paano i-handle ang sarili tuwing nababaliw sa pag-ibig..  still.. we are lucky dahil marunong tayong magmahal...
.. at aminin man natin at hindi ay masarap ang paminsan-minsan maging baliw, bipolar ,impulsive, tanga o timang sa ngalan ng pag-ibig. Afterall, its just LOVE that were talking about.

********

Louise (POV)

Gagong iyon! I told her to behave pero nakuha pa ring gumawa ng kalokohan.
I silently complained habang hinuhubad ang pang-itaas na damit dahil sa pagkakabasa nito kaninang maghilamos ako.

Isa pa ang Audrey na iyon, from the moment I set my eyes on her I knew it na hindi ito lulubay hanggat hindi nakakakuha ng tiyempo. Alam na alam ko ang mga galawan nya eh, tatahi-tahimik pero nasa loob pala ang kulo.

Kung makatingin ito kay Gabby ay akala mong hinuhubaran ang huli. Napaka-kapal talaga ng mukha, hindi pa nakuntento sa mga nakaw na sulyap at sinundan pa talaga ang isa sa loob ng bahay.

Akala yata nito ay hindi ko nahalata ang kilos nya.

Kunwareng nagpaalam pa ito sa mga kasama nyang papasok sa loob pero ang intension naman talaga ay tiyempuhan si Gabby na nag-iisa.

With that, kagyat na nagreact ang instinct ko na animo may gusto itong ipahiwatig.

Ayoko man sanang i-entertain iyon pero may isang pwersa ang nagpupumilit na tugunan ang kuryusidad na nararamdaman.

Oo, aaminin ko. simula ng tinawag si Gabby para dumalo sa kabilang table ay hindi na ako mapakali. Might be the reason kung bakit biglaan kong sinundan  si Audrey ng mapansing natagalan ito sa loob ng kabahayan.

Pasimple akong nagpaalam sa mga pinsan ni Gabby upang mag-washroom.

Buti na lamang at hindi ako pinaghinalaan ng mga ito sa totoong pakay. 

At nuon ngang nakapasok ako, my feet and my instinct guide me automatically until I saw them.

Para akong natuklaw ng ahas when my eyes rested on the two person sa isang sulok ng bahay na iyon.

Pakiramdam ko ay tumigil ang pagtibok ng puso ko. Sandali akong natameme na sinundan ng hindi napigil na pagsulak ng dugo.

At sino ba namang hindi magagalit kung makita mo ang girlfriend mong hinahalikan ng babaeng kinaiinisan mo, hindi ba?

I was furious and hurt, to the point na hindi alam ng sariling katawan kung anong emosyon ang uunahing damahin.

The next thing I felt is the tears that started to streamed down on my face habang tila nanigas pa rin sa kinatatayuan. The pain strike too much at wala akong magawa ng mga oras na iyon.

At kahit na may isang part ko ang gustong-gustong sugurin sila particular si Audrey ay hindi naman ako makakuha ng lakas. I want to hurt her physically but my body won't allow me dahil para akong naitulos na kandila at unti-unting nauupos dahil sa nag-aapoy na galit.

Pero nakita mo naman na nagpumiglas si Gabby di ba? meaning hindi nya ginusto iyong nangyare. Pukaw ng alter ego ko.

Oo nga, I saw how my girlfriend tried to get away from Audrey. I even saw how angry she was at sitahin ang kaharap.

Iyon naman pala, eh bakit ka naman nagkakaganyan?

I don't know and I don't have a fucking idea!

Is it because Nate's side comment ng makita din nya yung incident?

Ano nga ulit iyong sinabi nya? "get used to it" 

The hell was that?!? Get used of what? Gabby kissing Audrey? Audrey kissing my Gabby?

Lintek! napaka in general ng comment nya and it makes my mind blow. Lalo na when I noticed her didn't show any shock reaction from what we saw. Ni hindi ito na-bother sa nakita at kalmante lang na nagkibit ng balikat. Nakuha pa nitong abutan ako ng panyo ng mapansing umiiyak at pagkatapos nuon ay walang kibong tumalikod at iniwanan akong natitigilan.

Jusko! Mababaliw ako sa sinabi nya. Ano bang alam nito at ganuon na lamang ang reaction nito sa nakita.

I sighed, close my eyes at iritadong isinubsob ang mukha sa sariling mga kamay ng hindi pa rin humuhupa ang galit at inis na nararamdaman ng muling sumalit sa akin ang mga nangyare.

Nagrerebelde ang puso ko and I can't do anything about it. 

Heto ako parang timang na nakakulong sa toilet, wasted , nakaupo sa saradong inidoro naliliyo at binabalot ng kung anong negatibong emosyon habang ang sariling girlfriend ay nakikipag-landian sa ibaba.

Great! Fucking great !! 

Kung alam ko lang sanang ganito ang mangyayari, hindi na sana ako sumama sa kumag na iyon.

"babe?" si Gabby. Knocking on the bathroom door.

Ang nagsisikip kong kalooban dahil sa pinaghalong inis at galit ay lalo pang nadagdagan when I heard her calling. Gusto ko syang i-confront pero wala akong lakas gawin iyon ng mga oras na iyon. Pigil na pigil ang galit ko at tangi ko lang naramdaman ay ang pag-agos ng hindi mapigil na luha sa mga mata ko.

"baby, pakibuksan ang pinto and let's talk" malumanay na sabi nito.

Inis akong bumaling sa pintuan at binato iyon ng masamang tingin na animo tatagos sa taong nasa kabilang panig nuon.

"a-ayoko" matigas kong turan habang pinupunasan ang naglalandas na luha.

"come on, let me explain everything" sagot ng kausap.

"go away!" hiyaw ko .

I don't want to see her yet, gusto ko muna mapag-isa para makapag-isip ng matino at mapag-nilay-nilayan ang mga nangyari.

"can we just discuss this both as a matured person, please?" makulit na pakiusap nito.

"I don't want to!" pagmamatigas ko pa rin with intense voice, but then napaigtad ako ng biglang kumalabog ang pintuan.

"damn it! I said open this damn door!" sigaw ni Gabby.

She obviously loose her temper but I didn't mind and just replied to her with the same intense reaction.

"sinabi ng Ayoko! Ayoko! Ayoko! duon ka na lang sa Audrey mo at makipaglandian ka magdamag!"

"stop this non-sense, baby. lumabas ka diyan and let's settle this issue please"

And she thinks that this is non-sense for me?! The nerve of her to say that !

"Bakit ba ang kulit mo? Leave me alone! At pumunta ka sa babae mo..go fuck her all you want, I don't care!"---that bitch!  nanggagalaiti kong tugon ignoring the fact na pilit nitong pinapakalma ang sarili.

"Hindi mo ba talaga bubuksan? Gigibain ko to'!"

"huh! Eh di Go! Help yourself!" I said sarcastically at tumawa ng nakakaloko.

Akala yata nya mai-intimidate ako sa threat nya. Bahala sya kung----

"ay kabayo!! Shit!!shit! shit!" I exclaimed kasunod ng pag-igtad when I heard Gabby kicked the door.

Nagulantang ako sa ginawa nito and just find myself screaming at her to stop. Im quite sure na dinig ang kalabog na iyon sa hallway, at nahihiya ako na baka may ibang taong makarinig nyon at maging sanhi ng iba pang gulo.

But then Gabby continued on kicking it kaya I decided to surrender.

Shit!

"stop it!! bubuksan ko na!" bulalas ko sa galit na galit na tinig. 

Alam mo naman kasing impulsive yang girlfriend mo hinamon mo pa! kastigo ng utak ko.

Nagkukukot ang kalooban kong binuksan ang pintuan. And then when I do, bumulaga sa akin si Gabby na namumula, naniningkit ang mga mata at magkasalubong ang kilay.  Galit na galit ang itsura nito habang magkalapat ang labi at nakatitig sa akin.

The hell with this woman at sya pa ang may ganang magalit!

Inirapan ko ito, disregarding her reaction and just turned away at muling bumalik sa dating pwesto.

Ang pagkaliyo na kaninang nawala dahil sa inis ay dagliang nanumbalik dahilan kung bakit wala sa sariling napayuko ako. I automatically leaned on my back habang hawak hawak ang sariling ulo when I heard Gabby's footsteps.

Lumapit ito at huminto sa gilid ko. She stood her for a while and overheard a sharp sighed bago nito marahang hinawakan ang balikat ko.

"ano bang pinaggagawa mo at basang-basa ka?" she said softly habang pilit ako pinapaharap sa kanya.  

Kapansin-pansin ang kagyat na pag-iiba ng mood nito but i don't mind. Hinawi ko ang kamay nya ng hindi man lang tinatapunan ng tingin at mas lalo pang yumuko para itago ang namumulang mga mata.

Sobra akong nasasaktan and I don't want her to see me like this.

Marahan itong lumapit and level herself to me. She hold my both arms and forcing me to look at her but I just gave her the same reaction.

Nanahimik ito, didn't even bother to touch me again pero nanatili pa rin itong nakatunghay sa akin.

"answer me please baby, what did you do at ganyan ang itsura mo" untag nito.

"wala kang pakialam, leave me alone, Sandoval" napapagod kong tugon matapos itong tapunan ng masamang tingin at kapagdaka'y bumalik sa pagkakayuko.

She didn't react but i heard her released a sharp sigh.  "we need to talk" 

"ayoko nga, bakit ba ang kulit-kulit mo?! umalis ka na lang at bumalik sa haliparot na babaeng iyon! dahil hindi ako makikipag-usap sayo! " sabi ko sa matigas na tono.

She didn't respond but then marahas itong tumayo.

"is that what you want?" naghahamon nitong tanong.

I abruptly shifted my gaze into her, as if trying to seek whats running on her mind. But then when I noticed her blank expression on her eyes ay natagpuan ko na lang ang sariling tinugunan ang tanong na iyon sa udyok ng nagrerebeldeng kalooban.

"oo" lakas loob kong tugon kahit gumuhit ang sakit ng banggitin ko ang salitang iyon. 

Pakiramdam ko ay mas napaso ako sa mga katagang binitawan ko.

May isang bahagi ng utak ko ang kumokontra at nagdidiktang bawiin ang mga sinabi sa kaharap pero hindi ko magawa.

Para akong sumubo ng mainit na kanin. Na bagama't alam kong mapapaso ako sa gagawin ay pinilit ko pa rin ituloy dahil mabibigyan ako nito ng satisfaction.

Ang mainit na kanin ay ang pag-push ko sa katipan na lumayo at ang satisfaction na nakuha ko ay ang pride.

Now tell me? Nabusog ka ba sa isang kutsarang pride? 

Nang mapagtanto ang gustong ipahiwatig ng kabilang panig ng isip ko ay kagyat ang muling pag-angat ng tingin para bawiin ang mga nasabi sa kausap. Pero animo huli na dahil ang naabutan ko na lang ay ang likod nitong papalabas ng kinaroroonan ko.

Ang sumunod na nangyari ay nagbigay sa akin ng hindi mabilang na pagsisisi.

Im about to call her pero ang naging tugon nuon ay ang pagsara ng pintuan ng kwarto.

Gabby left her. Her Girlfriend left her. At dahil iyon sa sarili kong kaabnoramalan.

"babe?" tawag ko pa rin sa pag-asam na hindi ito lumabas ng kwarto.

"baby!!! Ano ba?!" frantically calling her pero tila wala na ito.

Shit! At iniwanan talaga ako ng kumag na yun!

My body then move automatically, stood up at sa mabagal na paglalakad ay tumungo sa pintuan.

Sa kagustuhang mahabol ang katipan ay hindi ko na inalintana ang nararamdamang pagkaliyo.

Pinilit kong magmadaling lumabas ng toilet pero kagyat na nabuwal ng maramdamang gumewang ang paligid ko. I fell on the floor at nanatili pa ng ilang segundo duon dahil nahirapan akong tumayo.

Kasabay ng mabigat na pakiramdam ng  katawan ay nakiayon din ang aking puso.
Tears suddenly stream down on my face as the countless pain quickly strikes my heart na animo ilang punyal na halinhinang bumabaon at humuhugaot sa kaawa-awa kong puso. 

Para akong bata na nakasubsob lang duon at panay ang pag-iyak. 

Why so stupid?!

My girlfriend left me and it's all because of me.

Kung bakit ba kasi hinayaan kong mangibabaw ang galit imbes na pagbigyan itong magpaliwanag.

Besides, wala naman talaga syang kasalan base sa nakita kong reaction nya sa ginawa ni Audrey.

"and you really want to go after me wearing nothing?" I heared my girlfriend says.

Natigilan ako pansumandali at pinakiramdaman kung dinadaya lang ako ng sariling pandinig.

"gusto mo yata talagang mapaaway ako, Buencamino"

"baby!!" I exclaimed ng makumpirmang hindi ako nag-hahalusinasyon.

I slowly lifted my head at lumingon sa pinanggalingan ng tinig nito.

And then i saw her sitting comfortably on the reclining chair na nanduon sa gilid ng pintuan.

I wanted to jump on her lap pero hindi ko iyon magawa dahil sa naliliyo. Hanggang dahan-dahan kong inayos ang pagkakaupo sa sahig at sa mga matang hilam dahil sa pag-iyak ay matiim na tinitigan ang kaharap sa pag-aalalang nag-ha-hallucinate pa rin ako.

There she was tilting her head and staring back at me amusingly na walang bakas ng pagka-inis sa mukha nito.

Pamaya-maya ay bumuntong-hininga ito at iiling-iling na tumayo.

She makes her way towards me at ay kagyat na lumuhod para daluhan ako sa pag-kakaupo. She then cupped my face ng tuluyan ng makalapit and wipe my tears gently with her thumb.

A tear suddenly fell from my eyes dahil sa pinaghalong inis at tuwa na nararamdaman dito "nakakainis ka!" I exclaimed kasunod ng isang pagbira sa braso nito. "akala ko iniwanan mo na talaga ako "

"do you really think that I will leave you... just like that?"  masuyo nitong tanong while caressing my face.

"malay ko ba kung balak mo talaga akong ipagpalit sa Audrey na iyon" singhal ko and then pouted at her.

"that will never happen, Ms. Buencamino" then pinched my nose.

"mainam ng nagkakaliwanagan tayo, Sandoval. dahil kung hindi--- "

"tssshh! natitimang ka na naman " she calmly said cutting me off by pulling me closer to her.

"and so kung timang ako? Ayaw mo na sa akin ganun ba?" pagpatol ko sa sinabi nito.

"of course not!" she quickly said at kagyat na inilayo ang katawan nya sa akin " kahit na gaano ka pa ka-abnormal, hinding hindi kita susukuan" then kissed me on my forehead at muling kinabig ng yakap.

Animo bata naman akong sumubsob sa pagitan ng leeg at balikat nito and hug her back.

Gahd!

How i love her warm body and her familiar scent. It never fails to give me this comfortable feeling. Palagi na lang sa tuwing yayakapin nya ako ng ganito ay parang gusto ko na lang mahiga ng maghapon at magdamag.

I sighed deeply, smile at niyakap pa ng mas mahigpit ang katipan.

It feels good to be cuddled by the person you truly love after a fight.

Just like a rainbow which only appears after the rain.

Just like these unexplainable feelings, an appearance of mixed emotion of relief, contentment with overflowing love na lalong nagpapatingkad ng pagmamahal namin sa isa't-isa matapos ang intense na negative vibes sa pagitan naming dalawa.

Without a doubt, masarap pa rin magmahal kahit madalas ay may kaakibat iyong sakit.

********

Continuă lectura

O să-ți placă și

Take Your Time (GxG) De jeanne

Ficțiune adolescenți

306K 7.5K 56
[[BOOK 1]] "Perfect. That's how the world feels when I'm with you" It's been a long time since Raine experienced how it feels like to love and to be...
205K 8.2K 64
The great Lien Naeree Abueva ang babaing hinahangaan ng lahat dahil sa galing nito sa pagmomodelo, her life was almost been perfect kung 'di n'ya lan...
430K 9.6K 43
basta gxg, di ako magaling sa description. basahin mo nalang
465K 12.7K 60
This story is girl to girl (gxg) read at your own risk.