Zoe's Point of View
Dahil nasasawa na ako sa pagmumukha ng tatlo kong kaibigan ay napag-isipan kong tumambay sa No Name. Pero joke lang. Mahal ko mga 'yun. Naiinip lang talaga ako.
"Aga mo naman tumambay, Zoe. Tanghaling tapat. Hindi pa ako bukas," sabi ni Manager na nasa may bar at nagpupunas ng baso.
"Wala akong magawa sa bahay," sagot ko sa kanya saka ko idinukdok ang mukha ko sa lamesa.
"Kaya ako ang peperwisyuhin mo dito?" Psh. Perwisyo raw. Bahala nga siya. "Kamusta school?"
"Fine, I guess?" sagot ko habang nakadukdok pa rin ang mukha sa lamesa at pinaglalaruan ang isang basong nilinis niya.
"Eh 'yung apat na boys? Kamusta naman?"
"Ayun, weak naman pala."
Sa naging sagot ko ay natahimik sa Manager at saka ibinagsak ng mahina ang hawak na baso, "Weak? Huwag mong sabihin na nakipag-away ka na naman? Ano ba naman 'yan, Zoe? Huwag kayong mag-away-away."
"They asked for it," I shrugged. "Grabe kasi kung bastusin ang girls."
"Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa inyo. Napakapasaway niyong lahat."
Hmm. Inangat ko ang ulo ko at tumingin kay Manager saka nagpangalumbaba. "Manager, paano nga ba napasok 'yung apat na animal dito sa bar mo? Last time kasi sabi mo hindi mo pa sila naririnig kumanta. Sabi mo pa nga napilitan ka lang ipasok sila."
"Huh? Sinabi ko ba yun? Parang hindi ko maalala?" Nagkamot pa ng ulo. Halata namang nagmamaang-maangan lang.
"Halata ka, Manager. 'Wag na umarte. So ano? Paano nga?"
"Basta may nanghingi lang ng favor sa akin na ipasok sila. At dahil sa mabait ako, pinasok ko na. Magaling naman pala sila kaya sulit, 'di ba?"
"Sino nanghinging favor? At saka bakit daw sila ipapasok dito?"
"Para makita raw 'yung gusto niyang makita."
Ha? Ano 'raw? Bangag ata 'to. Ah, whatever.
"Sino na ang nanghingi ng favor sa 'yo para mapasok yung apat dito? Ay, ano ba 'yan. Bakit ko ba tinatanong? As if naman kilala ko." Pangbabara at pagtawa ko sa sarili ko.
Natigil ako sa pagtawa nang marinig ang sagot ni Manager, "Kilala mo."
"Ha?! Kilala ko? Talaga, talaga?! Sino 'yun, Manager?"
"Si – " Natigil ang sasabihin ni Manager nang may tumawag sa kanya.
"Ry!" Si Ate Cass pala. Binati siya ni Manager at naghug pa sila sa harap ko. Ano ba 'yan. "Hi, Zoe! Dyan ka lang ha? Pahiram lang saglit dito kay Ry."
Hindi pa ako sumasagot pero hinila na ni Ate Cass si Manager. Nagpunta sila sa gilid at nag-usap.
"Ano bang –" Hmm? Hindi ko na narinig ang sinasabi ni Ate Cass.
"Nakalimutan kong secret natin. Sorry na, Cass."
"Pasaway ka, Ry! Oras na – "
Ah, bahala nga silang dalawa mag-away.
Inilipat ko na lang ang atensyon ko nang may magmessage sa akin. Si Ayu.
Groupmates, gagawa tayong reasearch paper ngayon. Hindi pwedeng hindi kayo pupunta. Maghahati-hati tayo sa gagawin. Ang hindi makikipagcooperate, I swear, hindi ko ililista ang name kapag pinasa ko na 'to. Kila Ice tayo gagawa. 3pm. Magkita kita na lang tayo sa may convenience store malapit sa school para sabay sabay na magpunta since si Josh lang naman nakakaalam ng bahay nila Ice.
O 'di ba? Strict leader talaga 'yang si Ayu. Kaya pala kinuha niya lahat ng number ng groupmates namin para pala dito. Pero bakit kila Ice pa? Hay nako.
Sa pagkakatext niya parang ayos na ang girls at boys, ano? Hindi pa talaga. Asa naman 'di ba? Basta last Friday, after ng eksena sa canteen, nakatanggap kami ng death glare sa apat. As if naman matakot kami. At noong uwian bago pa kami makalabas ay humarang si Ken sa pinto at sinabi lang na, "Wag kayo makampante dahil sa nangyari. Watch your back. The game has just begun," sabay walk out. Whatever. War kung war.
Natigil ako sa pagdedaydream nang sumulpot ang mukha ni Ate Cass sa harap ko.
"Zoe, tara." aya niya sa akin.
"Huh? Saan?"
"Sa bahay namin. Hindi ka pa nakakapunta doon, 'di ba? Tutal wala ka kamong magawa, tara na lang."
"Sure! But by 2:30 aalis na ko. May pupuntahan kasi ako."
"Alright. So, tara na?"
"Si Manager? Hindi sasama?"
"Hindi! Maiwan 'yang madaldal na 'yan d'yan." Aww. Mukhang may LQ.
Nang makarating kami sa kanila ay napatango ako. Naghihintay si Ate Cass sa tapat ng front door nila.
"Nice house," I complimented. Kasi totoo naman. Malaki ang bahay but mukha siyang lively kahit nasa labas pa lang ako ramdam ko na.
"Thanks. Tara. Pasok ka. Nga pala, Zoe. Nandito 'yung dalawa kong kapatid ngayon. Ipapakilala kita."
Tumango lang ako at pumasok sa loob. Pinauna niya muna ako dahil may nakalimutan daw siya sa kotse.
Nang makarating ako sa sala ay napansin kong may nakaupong lalaki. Nakatalikod siya kaya hindi ko kita ang mukha niya. Nanunood siya ng basketball at mukhang hindi napansin na may tao. Naubo ako bigla kaya napalingon 'yung lalaki sa akin.
Wait, what?!
Nanglaki ang mata ko nang makita kung sino 'yun.
Seryoso ba? Si Ice?! Bakit nandito 'to?!
"Bakit nandito ka?!"
"Malamang kasi bahay ko 'to. Ikaw ang bakit nandito?! Mamaya pang 3 ang usapan ha? At saka bakit mo alam ang bahay ko? Stalker ba kita?"
"Stalker your face! Taas mo mangarap!"
Ngumisi siya at ipinatong pa ang arms sa sandalan ng sofa, "Sus. Huwag mo na i-deny. Nahiya ka pa."
"Napakakapal ng mukha – "
Natigil ako sa pag-i-eskandalo nang makabalik si Ate Cass, "Zoe, sorry. Binalikan ko lang 'tong bag ko." Nang makita niya kami ni Ice ay tumango siya, "Nagkita na pala kayo ni Ice. Magkakilala naman na kayo, 'di ba? Hindi ko na kayo ipapakilala sa isa't isa."
Kung dito nakatira si Ate Cass at dito rin nakatira si Ice. Ibig sabihin... I gasped.
"S-siya ba 'yung sinasabi mong k-kapatid mo?" turo ko kay Ice.
"Oo. Ganda ng lahi namin, ano?" Joke niya pero hindi ko magawang tumawa.
"Ate, bakit ba nandito 'yan? Kasama mo ba 'yan?"
"Hoy, manahimik ka dyan, Ice. Bisita ko 'to. Huwag kang mag-alala hanggang 2:30 lang siya dito. Except kung gusto mo siya magtagal." Nagtataas baba pa ang kilay ni Ate Cass.
"Ah... Eh... Ate Cass, hindi ko pala alam kung hanggang anong oras ako dito. Dito rin kasi 'yung punta ko talaga."
"What?! Talaga? Magkikita ba kayo ni Ice?! Ay jusko. Sa – "
"Shut up, ate. Gagawa kaming project dito. Kasama sila Josh." Kita mo 'tong Ice na 'to. Makapagpatahimik sa kapatid parang akala mo siya ang matanda.
"Ano ba 'yan? Bakit nagsisigawan kayo, Ate Cass at Kuya Ice? Ingay ingay."
Napatingin naman kami sa babaeng naglalakad pababa ng hagdan. Si Ashley. Oo nga pala. Kapatid siya ni Ice. Ahhh! Ano ba 'yan?! Ang gulo.
Nang matingin siya dito kung saan kami nakatayo ay nanglaki ang mata niya.
"Ate Zoe!" sabay takbo palapit sa akin at niyakap ako.
"Hi, Ash," bati ko sa kanya sabay gulo ng buhok niya.
"Magkakilala kayo?" sabay na tanong naman ni Ice at Ate Cass.
"Oo. Schoolmates kaya kami. Ano ka ba kuya, parang 'di rin kita schoolmate ha?" sabi pa ni Ashley na hanggang ngayon ay nakayakap pa rin sa akin. Bumitaw naman na siya at humarap sa akin. "Bakit ka nga pala nandito, Ate Zoe?"
"Sinama lang ako ni Ate Cass. And gagawa ng project later."
"Oh, I see. Tara muna sa kwarto ko, ate. Kwentuhan tayo." Hinawakan ni Ashley ang right hand ko at hinila paakyat ng kwarto niya pero bago pa siya kami tuluyang makalayo ay hinila naman ni Ate Cass ang left hand ko.
"Sa room ko siya pupunta. She's my guest, remember?"
"Sa akin siya sasama, ate, para ka namang bata."
"Magtigil, Ashley. Sa akin siya sasama."
Hala. Anong nangyayari?! Tug of war ba 'to.
Lord, help me. Hahaba na ata ang kamay ko nito. Nagbabangayan pa sila sa magkabilang gilid ko. Mabibingi na rin po ba ako?
"Will the both of you just let her go?! Hindi siya elastic, okay?! Bitiwan niyo na!"
Napabitaw naman kaagad ang dalawang magkapatid at napatingin sa sumigaw na si Ice na halatang iritang irita na sa nangyayari. Nakatingin lang kami sa kanya dahil sa gulat.
Nang sigurado na siyang nakatahimik kami ay tumalikod na ulit siya at hinarap ang TV. "Good. Ang ingay niyo. Pinag-aagawan niyo pa parang ayan lang. Kung maghihilahan kayo, huwag dito. Hindi ko marinig ang pinapanuod ko. Lumayas na nga kayong tatlo."
Sus! Akala ko pa naman tinubuan ng konsensya 'to at naawa sa akin kaya tinulungan ako. Hindi pala.
Nagulat na lang ako nang biglang dinamba ni Ashley si Ice at sinabunutan tapos si Ate Cass naman ay pinagpapalo siya ng hawak niyang bag.
"Leche ka, Ice! Bwisit!"
"Nakakainis ka, kuya! Akala ko pa naman!"
Hala. Anong nangyari sa mga 'to?
Umubo ako para naman hindi nila malimutan na nandito pa ako. Napatigil naman sila sa pangtotorture kay Ice at napatingin sakin. Lumapit silang dalawa at hinila na ko paakyat at iniwan mag-isa si Ice sa sala na mukhang nabugbog ng sampung tao.