Take me to your HEART (GxG) :...

By _AyEnNe_

624K 18K 1.8K

*** COMPLETED ❤❤❤ *** Sabi nila ang Quickie masarap daw.. lalo na pag mahal nyo ang isa't -isa. But how come... More

Chapter 1 : JUBEL
Chapter 2 : I Dare you! (SPG)
Chapter 3 : " Hired "
Chapter 4 : "Ignored"
Chapter 5 : Stop that!
Chapter 6 : Ang Daga bow!
Chapter 7 : " Green minded"
Chapter 8 : "I'm Sorry"
Chapter 9 : " Broken Promises "
Chapter 10 : " Salt or Sugar? "
Chapter 11 : Spell - " Kahihiyan "
Chapter 12 : Unfolding the PAST
Chapter 13 : Shattered
Chapter 14 : Don't Leave ME
Chapter 15 : Medyo SPG
Chapter 16 : Aftermath
Chapter 17 : My Agitated Heart
Chapter 18 : Surprise!
Chapter 19 : A Dear Friend?
Chapter 20 : Flowers for You
Chapter 21 : Officially Missing YOU
Chapter 22 : She Cares For YOU
Chapter 23 : Yearning Hearts
Chapter 24 : SPG
Chapter 25 : Cuddling Ms. Sungit
Chapter 26 : Uncontrolled Emotions
Chapter 27 : Emotion Revealed
Chapter 28 : Meetup
Chapter 29 : Clingy GF (SPG)
Chapter 30 : Unplanned
Chapter 31 : Spoiler
Chapter 32 : Her Past
Chapter 33 : Meet the Sandovals
Chapter 34 : A trick
Chapter 35 : Unexpected Visitor
Chapter 36
Chapter 37 : behave or else...
Chapter 39 : Ang Girlfriend kong timang
Chapter 40 : Kiss and make up
Chapter 41 : Imagine me & you
Chapter 42 : Flashlight
Chapter 43 : Why?
Chapter 44 : Drifting
Chapter 45 : Awaken
Chapter 46 : are we done?
Chapter 47 : Payback time
Chapter 48 : Regret's
Chapter 49 : longing
Chapter 50 : She's not just a woman
Final Chapter

Chapter 38 : i'm sorry, but I love her

7.1K 275 31
By _AyEnNe_

A/N

.. para sa mga taong hindi pinili ng mga taong mahal nila.. cheer up! Dahil malamang lahat ng bagay ay may dahilan...

********
Papaano nga ba kung ang taong nakasanayan mong pagsabihan ng problema at hingan ng payo ay ang mismong dahilan ng paguho ng mundo mo, ang animo sanhi ng pagbagsak ng ina-asam asam mong pangarap na magkakaron ng tugon ang nararamdaman mo para sa kanya. Na imbes na "Ikaw" at "ako" lang ang meron ay magiging "kayo"?

********

Gabby's (POV)

And so nakahinga ako ng maluwag when in the end ay napapayag ko din si Tito Mike na sa Company na lang nila Sami ipagawa ang up and coming Altamira Projects. Reluctant ito nuong una pero ng ipinakilala ko personally ang pinsan ko at ipinaliwanag mismo nito ang mga past successful projects ay tuluyan ng nakumbinsi ang kaharap.

Natapos ang usapin namin tungkol sa bagay na iyon at inakalang makakalipat na ako sa lamesa nila Louise when my father asked me if pwedeng pag-usapan ng pahapyaw ang budget status ng Aspen Heights.

He was only requesting for a few minutes kaya pumayag na rin ako. Pero dahil nasa itaas ng aking kwarto ang Macbook na naglalaman ng mga files ay agad akong nagpaalam para kunin iyon.

I quickly went inside the house and when reach my room ay agad kong dinampot ang sariling laptop bag, isinukbit iyon sa balikat atsaka bumaba.

Nagmamadali ang mga kilos ko na hindi alintana ang anumang mangyayare when suddenly someone grabbed my arm and pulled me towards the pocket garden.

Nalilito akong napatingin at pilit na kinilala ang taong iyon when she abruptly place her lips against mine. She forced herself while kissing me frantically. She even wrapped her arms around my body pero nagpumilit akong kumawala until I get a gripped on her arm and pushed that person away from me.

"shit!" bulalas ko at nanlaki ang mga mata ng makilala kung sino iyon "what do you think you are doing, Audrey?!!" catching my own breath at galit na galit na hinarap ito.

The lady seemed surprise on my reaction na ikinatahimik nito pansumandali. Nakita ko pa kung paano nyang pinag-aralan ang inakto ko atsaka sa naghihirap na tinig at nagbabantang pagtulo ng luha ay nakuha nitong magsalita.

"tell me it's a joke Gab!" she demand while frustrations register all over her face.

"what?!" kunot-noo kong tanong with the same intense voice na ginamit ko kanina.

"sabihin mong nagbibiro ka lang for telling everyone na girlfriend mo iyong babaeng iyon!" histerikal na sigaw nito.

"at bakit ko naman gagawin iyon?" sita ko dito "everything you've heard a while ago is true. She is my girlfriend and her name is Louise and not---"

"no! please... please don't do this to me, Gabby. I've waited you for so long. inalagaan kita, inasikaso, ibinigay ang lahat lahat to the point na hindi mo pa hinihingi ay iniaabot ko na, damn! I even invested everything I have para sayo... "

"Audrey stop" pigil ang emosyong pakiusap ko dito in a low voice pero hindi ito nagpatinag.

"...I invested my time, my effort my love.. pero bakit---"

"I said stop it!!" I blurted out when she ignored my request.

Napatigil ito sa anumang sasabihin pero muling nagsalita na punong-puno ng hinanakit.

".. bakit mo ginawa sa akin ito, Gab?" she continues in a soft tone while whimpering with a head down. Tear's started to stream down on her face.

She's a picture of devastated girl na animo tinakasan ng bait sa sarili.

Ang Audrey na nakilala kong jolly, optimistic at very cheerful sa isang iglap ay nawala.

Nilamon ito ng sariling emosyon.

Lost and wounded.

I really pity her pero wala akong magawa. Lalo pa at ang sitwasyon namin ngayon ay hindi naman na kagaya ng dati, na sa tuwing mabo-broken hearted sya ay ako ang nagiging takbuhan nya, taga-alo at karamay sa kung anong maisipan para lamang maibsan ang hungkag nyang nararamdaman.

This time it's completely different dahil ako na mismo ang involved ng ipinagkakaganito nya.

The friend who become the center of her life.

I just can't imagine kung gaano kasakit sa kanya ang sitwasyon namin ngayon.

" i-im sorry, Audrey. Pero... " I pause habang tinatantya kung paano ipapaintindi sa kanya ang lahat "..pero hindi kita pinilit na mag-invest ng kung ano-ano para sa akin. Alam kong alam mo na from the start I only sees you as a friend at iyong pagiging close ko sayo ay walang ibang kahulugan"

Patlang.

Nakamasid lang ito habang tila naghahagilap ng mga salita.

"I'm still willing to forgive you Gab" pamaya-mayang anas nito sa hinang-hina na tono " bawiin mo lang ang mga sinabi mo, leave her at ibibigay ko ang lahat-lahat sa iyo"

I abruptly stop and stare at her. Hinahagilap sa mga mata nito ang kumpirmasyon sa mga katagang nasabi.

"you are out of your mind, Audrey" pamaya-maya kong tugon. Slowly, shaking my head dahil hindi makapaniwala sa kondisyong inilalatag ng kaharap.

"maybe I am, and it's all because of you... kaya please... I'm begging you to choose me" she said desperately kasunod ng unti-unti nitong paglapit pero natigilan ito when I held out my hands and motion her to stop.

"this is not make any sense at all" iiling-iling kong komento "Hindi ipinipilit ang pagmamahal, Audrey. Don't push it dahil masasaktan ka lang. so please..wag' mong pababain ang sarili mo ng dahil sa akin, dont do this to yourself and just accept the fact na my girlfriend na ako"

" sana maintindihan mo na wala akong mai-offer saiyo bukod sa pakikipagkaibigan" dugtong ko pero hindi pa rin nito makuhang kumibo and just staring at me with full pain on her eyes.

"There's someone out there more deserving of your love Audie, and unfortunately hindi ako iyon. in time mahahanap mo rin ang taong para saiyo at kung hindi man iyon ngayon alam kong in god's perfect time ay kusa iyong darating sayo." I carefully explained.

"but I don't want anybody else, Gabby" tutol nito "I only want you!" she exclaims crying habang hilam sa luha.

Napipilan ako pansumandali dahil sa pagiging agresibo nito pero kaaagad ding nag-react.

"I'm sorry pero mahal na mahal ko si Louise and no one can ever change that" napapagod kong tugon dito.

Totoo iyon, sobrang mahal ko ang katipan at walang sinuman ang pwedeng makapagbago nuon.

Hindi ko alam kung anong klase ng mahika ng pag-ibig ang dumapo sa akin at napaka-intense ng nararamdaman ko para sa sariling girlfriend. Even myself cannot explain how that simple and intense sexual encounter sa isang bar ay nauwe sa ganitong feeling.

At ngayon pa lang aaminin ko na, hindi ko kakayanin kung sakaling mawawala si Louise sa akin. Mantakin ko mang isipin ay naninikip na ang dibdib ko paano pa kaya kung sakaling paglaruin kami ng tadhana at paghiwalayin ng landas.

God! I cannot.

She's my life right now, my everything and my lifeline. Kaya eksaherado mang aminin pero im sure na ikababaliw ko kung sakaling mangyayari iyon.

Daglian kong ipinilig ang ulo sa mga naisip, I abruptly shrug the feeling of un-easiness at bumuntong-hininga bago muling hinarap si Audrey.

"i apology for being frank and honest Audrey but I hope we can still be friends despite all of this" paumanhin ko, hoping that this time she allowed herself to understand me.

She didn't say any single word ng marinig ang sinabi ko. Tahimik lang itong umiyak habang nakatungo ang ulo.

Hindi ko na hinintay pa kung muli itong magrereact sa mga nasabi ko at nagdesisyon ng umalis. Pero bago ako tuluyang tumalikod ay tinapunan ko muna ito ng nag-aalalang tingin at dala ang mabigat na pakiramdam ay lumakad palabas ng bahay.

Pagkabungad sa malawak na Patio, ay awtomatikong hinanap ng sariling mga mata ang katipan and then I saw her already staring at me. I smile automatically at akma na sanang pupunta ito when my father interrupted me.

"what took you so long iha?" he asked na nakapag-palingon sa akin. Hindi muna ako tumugon sa tanong na iyon and shift back my attention to my girlfriend.

Nang makitang busy na ulit ito sa pakikipag-usap kay Sami ay tsaka ko lang ibinalik ang atensyon sa ama.

Better finished our discussion para tuluyan na akong makabalik sa tabi ng katipan.

With that, kagyat kong hinatak ang upuan sa tabi ni Papa at humingi ng paumanhin.

"i-im sorry, I was.... "then pause, hesitating kung ipapaalam ko ba ang nangyari sa pagitan namin ni Audrey.

Sa huli, I decided na sarilinin na lamang iyon.

"I was having a hard time finding this" pagkakaila ko kasabay ng pagmuwestra sa dala-dalang gamit and then i smile awkwardly sa mga taong nakatunghay at nag-iintay na rin ng sagot mula sa akin.

********
The discussion with my father run only for a few minutes. He only do random checking on the Project budget and then afterwards ay nasisiyahang tinapos ang aming pag-uusap.

His quite impressed on the Financial Status of Aspen Heights lalo pa when I reported na Malaki ang kinita ng Project na iyon dahil sa sangkaterbang Additional na ini-request ng Designer and ng Developer.

Nang natapos kami ay hindi na ako nagtagal pa at nagpaalam na lilipat na ng kabilang lamesa. They allow me but before I left them ay ginantihan ko muna ang pagpapasalamat ni Tito Mike for referring Sami's Company to him.

"where is she?" tanong ko kay Dreek at Nate ng makalapit at mapansing wala duon ang katipan.

Ni hindi ko ito napansing umalis dahil sa aligagang matapos ang pakikipag-usap sa ama.

"I already sent her to your room" singit na Sami na nanggaling sa likuran ko habang nakahalukipkip at tila giniginaw inspite of wearing her thick hoody.

"she's wasted Gab, she's crazy and she----"

"and she's hot, couz! where did you find a girl like her? i want one too!" agaw ni Dreek in his usual state. Ang pagiging gago.

"shut up Dreek!" asik ni Sami at kapagdakay bumaling sa akin "she's terribly mad at you, ano bang ginawa mo?" crossing her arm matapos ayusin ang pagkaka bun ng buhok nito at nag-intay sa isasagot ko.

" me? I-I didn't do anythin---" protesta ko then suddenly someone interrupted me.

"she saw you tongue tied with Audrey a while ago"

Magkakapanabay kaming napalingon sa komento na iyon.

Kay Nate.

"what the fuck!? ginawa mo yun?!" sita ni Sami with wide eyes at hindi makapaniwala sa nadinig.

"geez! that explains kung bakit nagsunod-sunod ang tagay nya kanina! No wonder your girl got drunk, see this?" susog ni Dreek at naaaliw na inalog-alog sa harapan ko ang bote ng alak na halos ubos na ang laman.

Nanlaki ang mata ko sa nakita, for god sake! Hindi iyon sanay uminom ng tequila.

"shit! I told you to stop giving her shots di ba?!"

"that's not the issue here, Gabby! bakit nakipaghalikan ka sa babaeng iyon?" muling sita ni Sami after grabbing my arm forcing me to face her.

She's throwing me a death glare. At Pakiramdam ko ay tumatagos ang galit nito sa kaibuturan ko.

"your dead men!" kantyaw ni Dreek grinning habang tumutungga ng bottled beer and enjoying staring at us.

"I did not kiss her, okay!" I protested.

"but Nate said-"

"pinuwersa lang ako ni Audrey! I went upstairs to get my laptop at pagkababa ko ay hinila nya ako sa isang sulok at sapilitang niyakap at hinalikan." I explained irritably.

Pucha!ano bang tingin ng mga ito sa akin?

Cheater?

"is that true?" nagdududang tanong ni Sami kay Nate matapos akong batuhin ng masamang tingin.

"oo" matipid na sagot ng kausap nito. Matapos tumungga ng alak at bored na tumingin sa amin.

"paano mo naman nasabi aber?" diskumpiyadong tanong ni Sami sa kaharap habang binabato ako ng nagbabagang tingin.

Nate sighed, calmly stare at us and wave her cellphone "I saw them too, nuong kinuha ko itong cellphone kong naka-charge sa loob"

"look guys" naiiling kong pagputol sa nagsisimulang pagtatalo ng mga ito.

"I didn't do anything wrong, ok?"

"maybe my girlfriend only saw the part where Audrey's kissing me, pero hindi nya nakita yung mga sumunod na nangyare"

I sighed at nanlalambot na napaupo sa kalapit na silya.

"I confronted Audrey dahil sa pagpipilit nito ng sarili nya sa akin. She's fucking frustrated and asked me to break up with Louise and choose her instead" i continue.

"that girl is damn crazy!" bulalas ni Sami.

I saw how angry she was pero may isa pang emotion akong nasilip sa mga mata nya. Is it, disappointment?

But why? If i already gave my fair side of the story?

"yeah right, crazy about her" singit ni Dreek pointing at me using his bottled beer.

"shut up Dreek!!" galit na baling ko dito. Quotang-quota na ang isang ito sa akin at konting-konti na lang ay masasapak ko na kapag hindi pa tumigil sa pang-aasar.

"dapat kasi ipamukha mo pa kay Audrey na malabong maging kayo, eh kung ipinasa mo na lng sana akin, e di' sana hindi ka na hina-hunting.. e di' sana wala sya dito dahil malamang ay nakakulong kami sa isang malamig at tahimik na kwarto . I'll bet mas gugustuhin nyang nanduon lang kami dahil maliligayahan sya sa piling ko" sagot nito kasabay ng malaswang pagkagat ng lower lip at paniningkit ng mga mata nito.

"you pervert!!" galit na baling ni Sami dito kasabay ng pagbatok nito sa katabi. Dreek didn't do anything in return kundi mapangiwi sa ginawa ng pinsan.

That's one of the thing i admire with Dreek attitude. Dahil kahit gaano kagago ito ay hindi nito ugaling pumatol sa amin nila Sami.

"mas mainam sigurong kausapin mo na si Louise at panikin sa itaas" baling ni Sami sa akin.

Wala na ang matapang na mukha nito dahil sa ipinaliwanag ko kanina. Pero kagaya kanina ay may isang emosyon na naman ang dumungaw sa mga mata nito.

Hindi na disappointment and nanduon kundi kalungkutan.

Pero bakit ?

Hindi ko maiwasan ang makonpyus sa napansing ikinikilos ni Sami pero dahil nangingibabaw ang pag-aalala sa katipan ng mga sandaling iyon ay pansamantala ko muna iyong isinantabi.

"You better explain everything to her at hindi sa amin" dugtong ni Nate in a serious tone.

Nagsilbi iyong go signal para sa akin. Kung kaya naman ay nagmamadaling akong lumakad papasok ng kabahayan upang tunguhin at suyuin ang babaeng minamahal.

"woohoo!! Go make her scream couz!!" nadinig ko pang kantyaw ni Dreek na hindi ko na pinag-aksayahang lingunin habang nailing.

That perverted jerk!

********

Continue Reading

You'll Also Like

133K 3.2K 52
What will you do if you end up in someone else body?
430K 9.6K 43
basta gxg, di ako magaling sa description. basahin mo nalang
388K 8.4K 44
I love you but you can't love me back.
16.5K 279 6
Si Arman ay matagal ng iniwan ng kaniyang asawa. Ang anak nalang nila na si James ang nagpaiwan. Masakit para kay Arman na ipagpalit sa ibang lalaki...