She's The Bad Boy's Princess

By VixenneAnne

17M 502K 61.2K

Westside University is a home for the wealthiest, most powerful successors in the business world. Students of... More

A/N
Main Cast
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13.
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
FB GROUP: Princes Of Hell Club
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
FB Updates
Chapter 24
Updates
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
FB Updates
Chapter 63
BOOK 2
New Book Available!!

Chapter 49

239K 7.5K 1.9K
By VixenneAnne


Nagising akong masama ang pakiramdam. Parang ang bigat ng balikat ko.

"Jave.." hindi ko pa man naididilat ng tuluyan ang mata ko pangalan na niya ang unang naibigkas ko. Siya ang huli kong nakita nang mawalan ako ng malay siya ang inaasahan kong makita paggising ko.

"Sofia? I'm here.." boses ni Jave iyon na nagpabuhay sa nanlalata kong katawan.

Mukha niya ang unang nasilayan ng mga mata ko. Kaya parang naibsan lahat ng sakit na nararamdaman ko. Ayokong maalala lahat ng nakakatakot na bagay na pinagdaanan ko sa loob ng bar na iyon kaya itinuon ko ang buong atensyon ko sa mukha ni Jave.

"Are you ok? May masakit ba sayo? May kailangan ka ba?" sunod-sunod ang tanong niya ramdam na ramdam ko ang pag aalala sa boses niya. Akala ko hindi siya makakarating, akala ko tuluyan na akong mapapariwara kagabi, buong akala ko talaga si Rianne lang ang mahalaga sa kanya. Mukhang nagkamali ako. Dumating si Jave. Niligtas niya ako. Kagaya ng lagi niyang ginagawa kapag nalalagay ako sa alanganin. Paano nalang talaga ako kung wala siya?

"Tubig.." sabi ko.

"Ark, tubig daw!" sinipa niya ang upuan ni Ark. Namutla tuloy sa pagkabigla si Ark dahil abala ito sa paglalaro sa cellphone.

"Walanghiya! Ano ba!" galit na reaksyon ni Ark, pero ngumiti bigla nang makita akong gising na. "Sofia, gising ka na? Gising ka na talaga? Sandali kukuhanan kita ng tubig!" pero binunggo niya si Jave para makaganti. Napahawak ako sa noo. Ang sakit nila sa ulo.

"Kumusta ang pakiramdam mo? I'll call the doctor para macheck ka." si Jiro iyon. "Nga pala kakaalis lang ni Zirk. You may want to message him. Nagaalala din sayo yun ng sobra."

"Tsk." reaksyon ni Jave. Tiningnan ng masama si Jiro.

"Ano?" ganti ni Jiro. "Bitiwan mo nga kamay niyan hindi na yan makahinga!" tukoy ni Jiro sa kamay ni Jave na kanina pa nakahawak sa kamay ko. Hindi na nito binitiwan simula nang hawakan kanina.

"Humihinga ba ang kamay? Ang talino mo rin eh!" sagot ni Jave.

"Ba't ka nga kasi nakahawak sa kamay ko?" tanong ko sa kanya.

Gusto kong tumawa nang umangat ang kilay niya. "Binibilang ko ang pitik ng pulso mo, chinicheck ko kung normal ang pulse rate mo!"

"Talaga? Sige ilan?" hamon ko. Gusto ko kasing kiligin kapag hindi niya nasagot ang tanong ko. Ibig sabihin, nagsisinungaling siya.

"Ha? Ano..one hundred kilometers per hour." sagot niyang nagpatawa kina Ark at Jiro. Pati ako gusto kong humagalpak ng tawa kaya lang sumasakit ang balikat ko kada galaw ko. Baliw na talaga tong Paniking 'to.

"Ano yun bagyo? Mas matalino ka eh!" komento ni Jiro bago umalis at naghanap ng doctor. Natatawa talaga ako. Nang ibaling ko ang tingin ko kay Jave, nawala bigla ang ngisi ko dahil seryoso siyang nakatitig lang sa akin. Naconscious tuloy ako dahil bagong gising ako at alam kong pang horror ang mukha ko.

Wala akong imik na uminom ng tubig na binigay ni Ark.

"Anong nararamdaman mo?" tanong niya.

"Wag mo akong tingnan!" saway ko sa kanya.

"Bulagin mo 'ko."

Hay. Nakakainis. Nahihiya ako.

"Alam mo ba kung ilang oras kong hinintay na imulat mo yang mga mata mo? Ang tagal, pakiramdam ko namatay na ako, nabuhay ulit tapos namatay na naman. Tatlong lifetime ang naubos ko kakahintay na magising ka, alam mo ba? Tapos gaganyanin mo ako."

"Inaano ba kita?"

"Sinasaktan mo ako!" nakanguso niyang sagot. "Yung project, bakit hindi mo sakin sinabi? Bakit sumama ka kay Kayla ng hindi nagpapaalam? Sinabi ko na sayo di ba? Wag kang magtitiwala sa kahit na kanino sa Westside? Lahat ng tao doon traydor!"

"Hoy hindi ako ah!" singit ni Ark. Natahimik ito nang sumeryoso na ang mukha ni Jave.

"Hindi ko naman akalain na ganun ang mangyayari. At saka magpapaalam sana ako kaso nakita kitang lumabas ng school. Dahil kay Rianne.."

"Sa susunod kahit ano ang ginagawa ko. Kahit na sino ang kausap ko. At kahit nasaang lupalop ako kapag kailangan mo ako, magsabi ka. Ayoko nang maulit ang nangyari kagabi, malapit na akong mabaliw, muntik na akong tumawid sa impierno dahil sayo."

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga sinabi niya. Gusto kong magwala sa tuwa, kaya lang ang sakit talaga ng balikat ko. Ni ngumiti hindi ko magawa. Matulala lang ang kaya kong gawin.

"Ang sarap mong kutusan Alien! Ang pangit mo na naman! Ulitin mo pa ginawa mo ikukulong kita sa kwarto ko! Naintindihan mo??"

Tumango nalang ako.

"Yung project mo, ako na bahala doon."

"Yung mga Princes of Hell? Papanu mo naman gagawin yun?"

"Tch. Sino ba ako? Hanggang ngayon ba hindi mo pa kilala kung sino ako? Ako si Jave Santillan. Ako ang hari ng impierno. Alalay ko lang sila. Kakain sila ng tae pag sinabi ko."

Walanghiya. May tama siya sa utak. Siya ang tinamaan ng bala, hindi ako. Sana madiscover ng mga doctor na may putol na ugat sa utak ni Paniki at may nakabaong tingga ng bala. Nakakatawa talaga siya. Ang sakit ng tiyan ko kakapigil ng tawa.


JAVE's POV


"I heard what happened last night. The head security reported it to me. That was again very reckless Jave! Maari mong ikamatay ang ginawa mong pagsugod sa lungga ng mga halang ang buto! Hindi ka na ba talaga magtitino? Nakarating 'to kay Papa, at galit na galit siya."

Sermon ni Ysabel. Hinawakan pa niya ang mukha ko para siyasatin ang mga pasa ko sa mukha. Pinalis ko ang kamay niya. Hindi ako nagpunta sa opisina nya para makinig ng sermon.

"Alam kong dahil yan kay Sofia, nakakainis, dapat ay trabaho niyang bantayan at patinuin ka mukhang kabaliktaran ang nangyayari. Hindi na nakakatuwa.." komento niyang mas lalo kong ikinainis.

"Ang dami mong sinasabi. Wag mong pakialaman si Sofia. Ako ang nagkusang pumunta doon dahil ako naman ang dahilan kung bakit siya napunta sa lugar na yun. Kaya wag mo siyang pag initan. Nandito ako dahil may ipapagawa ako sayo."

Tumaas ang kilay ng bastarda kong kapatid. Kahit siya ang panganay, mama ko pa rin ang totoong Mrs. Santillan, kaya anak sa labas pa rin sya sa paningin ko.

"Hindi mo ako utusan." sabi niya.

"Tch. Kailangan kong makausap ang kahit dalawa sa mga Princes of Hell." sinabi ko pa rin ang pakay ko. Wala akong pakialam sa kung ano ang opinyon niya.

"Princes of Hell?" tumawa si Ysabel. "Akala mo ba ganun kadali yun? They're like royalties in the international business world. Hindi mo sila makakausap ng ganun ganun nalang. Wala ka ba talagang kaalam-alam Jave? Puro nalang ba talaga kalokohan at basag ulo ang laman niyang utak mo? Pang number 20 ka out of 20 students sa loob ng classroom niyo? Wow! As in Wow! Hindi ko alam kung panu ieexplain kay papa ang mga grades mo! Alam mo ba yun??"

"Ayokong ulitin ang sinabi ko na Ysabel. Iniinis mo talaga ako. Panu ko na nga makakausap ang mga Princes of Hell??" nauupos na naman ang pasensya ko.

"Walang paraan. Wala tayong direktang business partnership sa kahit na isa sa kanila, kaya malabo yang sinasabi mo."

"Wala ka talagang pakinabang. Sayang lang ang oras ko sayo." salubong ang kilay kong turan.

Hindi pa man ako nakakalabas ng opisina niya nagsimula na siyang magdrama. "Hanggang kailan mo ako tatratuhing ganito Jave? Hanggang kailan mo babalewalain na Ate mo pa rin ako?"

"Maliit lang na pabor ang hinihingi ko hindi mo mapagbigyan. Sige nga ate, tulungan mo nga ako?"

Bumuntong hininga siya. Tumitig sa akin ng matagal. "I will be attending an International business convention in Korea next week. Pinapalaki ni Papa ang architectural sector ng business niya. Kailangan natin ng mga bagong partners, mga bagong investors at mga bagong ideas para sa latest project na balak gawin ni Papa. I will be his representative in that convention. I'll try to persuade big time clients to join our biggest innovation for this year."

"Anong kinalaman ko diyan? Tingin mo interesado ako? Negosyo niyo ni Papa yan, hindi ako kasali diyan."

"Negosyo natin Jave. Balang araw ikaw ang magmamana ng lahat ng ito. Hindi ka pinag aaral ni Papa sa Westside para lang magbolakbol at magpakabobo!" singhal niya.

Tsk. Sumasakit ang tainga at ulo ko sa kanya.

"Isa pa, dalawa sa kumpirmadong important guest ng convention na yun ay sina Phoenix Arthur Dizeriu, at Christian Demetri."

Nakuha niya ang atensyon ko doon. Hindi ko naituloy ang balak kong pag alis. "Sasama ako sayo."

"Hindi pwede. Bawal ang hindi rehistradong bisita sa venue. Mahigpit ang security, walang paraan para makapasok ang outsider."

"Gawan mo ng paraan."

"Isa lang ang paraan."

"Panu?"

"Palitan mo ako bilang representative ng Santillan Empire."

Ha! Seryoso ba siya? "Oh sige! Yun lang pala eh." Tatawa-tawang sagot ko. Pakialam ko ba kung hindi sila makakuha ng investors doon? Ang gusto ko lang gawin ay makausap ang dalawang gurang na miembro ng Princes of Hell.

"Akala mo ba ganun kadali? Pag aralan mo ang presentation na gagawin ko doon. Dahil ikaw ang magpi-present nun. Kapag nagkalat ka, nagmukha kang tanga at pinahiya mo ang sarili mo, say goodbye to your chance of talking to the Princes of Hell. Coz one thing I'm sure about their personalities....they don't like talking to idiots."

Damn. Ngayon kailangan ko pang mag-aral? Sheyt! "Akin na presentation mo. Bigyan mo akong kopya."

"Hindi rin ganun kadali yun. Kumbinsihin mo muna akong pwede kong ipagkatiwala sayo ang project na 'to. Besides ako ang malalagot kay Papa kapag pumalpak ka.."

"Ang dami mong satsat. Ano nga ang gusto mo?"

"Annual exam niyo sa Westside by the end of this week. Mag rank one ka. Talunin mo si Zirk Alcantara. May apat na araw ka pa para magaral. Patunayan mo munang matalino ka Jave Santillan.... my little demon brother." nang aasar ang tono niya.

Holy sheyt. "You gotta be fucking kidding me.." hindi ko makapaniwalang bulong. Ang mangkukulam kong kapatid tumawa lang.

"Hindi mo kaya?"

"Tingin mo sakin bobo? Kapag nag top one ako magpakasal ka sa lalaking puno ng pigsa sa mukha ah! Ang tanda mo na walang magkagusto sayo! Ang pangit mo kasi!"

Nawala ang tawa niya. Sumeryoso ang mukha. "Anong sinabi mo?"

"Bibilhan kita ng malaking kawa mamaya. Lalagyan ko ng ribbon. Bagay yun sayo!"

Namula sa asar ang mukha ni Ysabel. Bago pa siya sumigaw nakalabas na ako ng opisina niya na tawang-tawa.

Continue Reading

You'll Also Like

33.5K 1.4K 66
She waited for him. He comes back, but he cannot remember her. Maipagpapatuloy pa kaya nila any dating naudlot na pagmamahalan?
5.9M 194K 40
Ako si Sofia Althea Perez. Isang simpleng probinsyana na nangangarap makapagtapos ng pag aaral. Minsan iniisip kong malas na nakilala ko siya sa bus...
3.2M 9.9K 3
Hazeth never once thought that her perfectly normal life will crumble and become a mess because of an unfortunate encounter with a certain guy named...
1.1M 28.4K 45
[COMPLETED||123017] NOTE: This story is still UNEDITED. Asahan ang mga nakakalokang grammatical and typo errors. Si Jewille Romero Cuizon ay naniniwa...