KARMA'S Appetite Series 1: Ch...

By DraxAndme

18.2K 612 46

A group of friends and their "KARMA". "Naging mabait naman ako, Lord, di'ba? Naka-move on naman na siguro ak... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12

Chapter 5

1.2K 50 1
By DraxAndme


"Cyril, ano ang ginagawa mo rito?"

Hindi alam ni Krit kung ano ang nangyari pero bigla na lang siyang nabuhayan. Kung kanina ay purong trabaho ang dahilan kung bakit nandoon siya, sa mga oras na iyon ay parang nag-iba. Naging makulay kasi ang paligid at lumiwanag nang bongga.

Baka dahil sa biglang pagbilis ng tibok ng puso niya nang makita ito kaya bumilis din ang pagdaloy ng dugo sa bawat ugat niya. Baka iyon ang dahilan.

"I am invited." lumawak ang ngiti na ibinibigay ni Cyril sa kanya. Which she liked the most. Para kasing natutuwa itong makita siya gaya nong mga huling pagkikita nila. "Anong luto ang gusto mo sa steak?"

"Medium-well."

Napakamot ito ng ulo nang wala sa pagpipilian ang sagot niya. "Sige."

Natawa siya. "Sira. Ikaw ang kakain." kinuha niya ang plato nito pagkatapos iabot sa isang lalaking naghihintay ang naluto na nitong pagkain.

"Gusto kong subukan ang medium-well."

"Okidoki." sabi niya na lang. Bahala ito kung mapipilitan lang itong kainin iyon.

"Bakit hindi ka namamansin?"

"Ha?" she sprinkled salt and pepper on the meat before giving him a confusing look.

"Kanina pa kita tinitingnan, ni hindi mo man lang ako sinulyapan. Nagpa-fry na ako ng gulay, hindi mo pa rin ako pinansin."

"Teka lang." pigil niya at bahagyang nataranta nang maulinigan ang pagtatampo nito. "Hindi kita napansin." napasulyap siya kay Hannie na nasa gilid niya lang subalit hindi katabi. Sa kabilang direksyon ito nakaharap dahil pa-sqaure ang nilulutuan nilang nasa pinakagitna ng silid. Ito ang naka-assign kapag gulay ang palulutuin.

"Paano mo ako mapapansin? You are too busy."

"Buti alam mo." napasimangot siya nang makita ang nag-iisang karne sa iron griddle. "Puno ito kanina." pagtatanggol niya sa sarili nang taasan siya nito ng kilay.

When Cyril's lips curved into a mischevous smile, gusto niyang wisikan ito ng sauce na hawak. Kung hindi lang siya nasasayangan sa long-sleeve polo nito na kulay puti at bukas ang dalawang botones mula sa pinakaitaas na mas nakakapagpadagdag ng kagwapuhan nito, ginawa na niya.

At para saan ang compliment, Lucky Krit? Para saan ang napansin mong bukas na botones? tanong ng isang bahagi ng utak niya. Nagsasabi siya ng totoo kaya hindi siya guilty. At maloko talaga ito kahit kailan. Nakakarami na ito sa kanya na pati ang tungkol sa kasal ay pinatulan nito sa harap ng mga pamangkin nito.

"But seriously, kanina pa talaga kita tinitingnan."

"Talaga? Bakit hindi mo ako nilapitan?"

"Dahil busy ka nga." ininguso nitong muli ang nag-so-solo flight nitong karne sa lutuan.

"Busy ako. At baka dahil busy ka rin?"

"I'm-"

"Babe," one of the women there, whom she can label as part of the high society, butted in and held Cyril's arm. "Matagal pa ba iyan? I'm done." maarte nitong sabi.

Imbes na sumagot ay ibinalik lang ng lalaki ang atensyon sa kanya na tinaasan niya ng kilay bago itinuon sa pagluluto ang paningin. Siya raw ang busy. Halata. At payback time na sana. Babawian niya sana ito sa pagiging maloko nito. Pero sa dinami-rami ng eksena, bakit kailangang may third party pa?

Baka kasi ikaw ang third party kaya lumapit na ang original. Pigil niya ang mapabusangot sa katotohanang isinubo ng isip niya.

"Krit." tawag ni Cyril maya-maya.

"Bakit?"

"Look at me."

"Bakit?"

"I said," hinawakan nito ang baba niya kaya maang na napaangat siya ng mukha. Nawala ang himutok niya at napatitig na lang dito. "Look at me."

"Nakatingin na nga." halos pabulong niyang sabi. Langya! Saan na dinala ang boses niya? At ang puso niya... Hoy! Kalma!

"May galit ka ba sa akin?" umiling-iling siya. "Sigurado?" tumango-tango naman siya. "Then, did you change your mind? From medium-well, mas gusto mo na ang well-well-done ngayon?"

Kunot-noong napasunod ang mga mata ni Krit sa tinitingnan nito. Kagat-labing napamura siya ng mahina nang makita ang karne nitong may parteng maitim na. Dali-daling inalis niya iyon sa lutuan at nagpautos na kumuha ng panibago.

"Sorry." aniya nang harapin ito. Inaasahan na niyang maaasar si Cyril subalit nakangiti pa rin ito. At wala na sa tabi nito ang babae.

Saan na nagpunta? Kailan umalis? Huwag na sanang bumalik. sa isip niya, sinampal na niya ang atribidang side niya dahil sa kung anu-ano ang pinagsasasabi.

"Bibilisan ko na lang ang bago at ipapahatid sa table mo." konswelo niya. "Sorry talaga." Nakakahiya! Sa harap pa siya nito pumalpak.

"It's okay. I'll take that." turo nito sa kulay dark chocolate na nitong steak.

"No. Ang isa na la-"

Dahil matangkad ito, madali para rito na abutin ang platong itinabi niya. "Ito na." hindi na siya kumontra. Mukha namang hindi talaga ito galit. "Thank you."

"Sa susunod na steak, babawi ako." pahabol niya bago pa ito makalayo.

Cyril stopped and gave her his usual stare. Hayun na naman. Alam niyang may gusto pa itong sabihin. Ang one-last-look nito ang palaisipan parati sa kanya. May nababasa siya sa mga mata nito pero hindi siya sigurado. May mga hula siya pero hindi siya asyumera kaya hanggang hula lang iyon. She waited but he remained silent even few minutes past.

"Cy-"

"No need. But do me a favor." he cut her sentence and turned his back.

"Ano?" bigla siyang kinabahan. Nagalit ba talaga ito? Lagot siya kay Alhe. Baka mawalan ito ng regular customer. Iyan ba talaga ang dahilan?

"Krit, what you saw, it's nothing. Kindly ignore it."

Nasundan na lang ito ni Krit ng tingin hanggang sa makisali ito sa mesang may mga kalalakihang nag-uusap. What I saw is nothing? Hindi niya maintindihan ang sinabi nito. Ano ba ang nakita niya na kailangang balewalain?

"Excuse me."

Ang babaeng umabrisite kay Cyril ang nabalingan niya na siyang pumutol sa pag-iisip niya. Hindi maipinta ang mukha nito na kanina lang ay napakatamis ngumiti sa lalaki.

"Medium-rare. On that table." mataray na utos nito

Isinalang ni Krit ang karne sa lutuan bago sinulyapan ang mesa kung saan tumabi ang babae kay Cyril. She didn't like the view. Really. Then something snapped in her mind. Ngiting-ngiting tinapos niya ang niluluto at saka nagmartsa.

"Medium-rare." aniya pagkalapag ng karne sa harap ng babae. Napabaling ang lahat sa kanya kasama si Cyril na agad siyang nginitian.

"Your well-well-done is perfect." anito na ikinatawa niya. Pinagtritripan na naman siya. Alam na alam niya kaya ang lasa ng sobrang lutong steak.

"Ipagluluto ulit kita." pakikisakay niya bago bumalik sa pwesto.

Now she got it. Same as her well-well-done steak, Krit perfectly got what Cyril meant. Walang relasyon ito at ang babaeng ni hindi nito magawang balingan at ngitian gaya nang ibinibigay nito sa kanya. Hindi ito original. At mas lalong hindi siya third party.

Alright! Magbunyi!





Nagising si Krit nang malakas na tumunog ang cellphone niya. Kinapa niya sa sahig ang umiilaw na gamit saka halos hindi mabuka-buka ang mga matang sinagot.

"Helloorww?" she answered in a groggy voice.

"Lasing ka ba?" boses ni Alhe ang nasa kabilang linya.

"No." tumikhim siya at inaninag ang oras. "Eleven-thirty in the evening. Nag-movie marathon ka ba at balak mo akong idamay sa pagpupuyat mo?" kung iyon, wala siyang balak at pagod na pagod pa siya.

"Hindi. Nagising ako kasi may isa akong customer na nag-reklamo at tinawagan talaga ako." pahayag nito sa medyo hindi kalmadong boses na nagpagising ng diwa niya.

Bumalikwas siya ng bangon. "Sino?"

"Nasa labas ng restaurant. Kanina pa naghihintay at mukhang tinulugan mo."

Mag-re-reklamo nang ganitong oras? Weird. "Nasa labas pa rin? Sana sinabi mong bumalik bukas." aniyang kumilos pa rin para magbihis. Sinuklay niya ang magulong buhok at tinanggal ang evening glory niya sa mga mata.

"Sinabi ko na. Ayaw. Ngayon daw."

"Okay. Saglit at mag-to-toothbrush lang ako."

"Huwag na!" nailayo niya ang cellphone sa tainga nang lumakas ang boses nito. "Maganda ka naman."

"Sira ka ba?"

"Oo. Nasira ang maganda kong panaginip dahil sa isang istorbo." kung makapagsalita ito ng istorbo, parang hindi nito customer ang tinutukoy. Bumuntong-hininga ito. "Pero seryoso, huwag na. Palayasin mo na lang iyon."

"Okay."

Krit cut the call and followed Alhe's words. Baka close nito ang customer kaya nagtatawagan ang mga ito. At sino naman iyon? Alas otso y media ang pagsasara ng restaurant at nanatili siya kanina roon hanggang ganoong oras. Hindi man lang pumunta ng maaga-aga.

Dumaan siya sa likuran banda palabas. May guard na nagbabantay ng magdamagan kaya hindi siya nangangamba. Idagdag pang may CCTV at alam ng kaibigan niya na may naghihintay kaya kampante siya.

Krit spotted a guy standing and looking at the clear sky. Dahan-dahan siyang lumapit dito para hindi niya maabala ang pagmumuni nito. Nang nasa malapitan na siya, kumunot ang noo niya kasabay nang unti-unting pag-usbong ng pamilyar na kiliting kumakalat sa katawan niya. At nang lumingon sa direksyon niya ang lalaki, nakabuntong-hiningang tinawid niya ang distansya nila ng reklamador na customer ng KARMA'S Appetite.

"Cy, ano ang ginagawa mo rito?" tanong niya. Unti-unti na siyang nasasanay sa kagwapuhan nitong may epekto sa kanya.

"Waiting for you."

May sumipa sa puso niya sa narinig. "Nang-tri-trip ka na naman." aniyang pilit na matawa.

"Anong nang-tri-trip?" kinunotan siya nito ng noo. Naikuyom niya ang palad nang mangati iyong umangat para haplusin ang parte ng mukha nitong iyon. "I'm not kidding. Hinihintay talaga kita."

"Bakit? Sarado na kami."

"Alam ko. Kaya nga hinihintay kita." pinasadahan siya nito ng tingin. "Tinulugan mo ako?"

"Teka nga, hindi kita maintindihan." dapat pala nagsuklay siya ng matino para hindi halata. "Bakit mo ako hinihintay? Ang sabi ni Alhe, may customer na nag-reklamo. Ikaw ba iyon?" she roamed her eyes around but no one is there aside from them.

"Ako nga. Nambulabog na ako. If I have your number, I could have called you." he declared in a lazy tone. "Dapat talaga matagal ko nang hiningi."

"Bakit? May nakain ka bang hindi maganda kanina? 'Yong well-well-done steak ba?" sinasabi na nga ba at dapat nagluto siya ng panibago. Baka hindi hiyang ang tiyan nito sa ganoong luto.

"No."

"Kung ganon, ano? Our services earlier?" Metikulosa ang ate nitong si June at baka ito rin. Nirereklamo ang overcooked niyang steak.

"Hindi." parang sumusukong tugon nito at umupo sa hood ng saakyan nitong naka-park lang doon saka siya tinitigan. "May ipinabigay akong letter sa'yo. Natanggap mo ba?"

Mabilis siyang nag-isip. "Wala."

"As in wala talaga?" paniniguro nito.

"Wala nga."

He yawned and sighed hard. Tumayo ito. "Kung ganon, uuwi na ako."

"Saglit." pigil niya sa braso nito. "'Yong letter... Ano ba iyon?" bumangon ang kuryusidad ni Krit kaya gusto niyang malaman. Parang kailangan niyang malaman.

Bumuntong-hininga si Cyril at muling naupo. Dahil medyo mababa ang hood ng sasakyan nito, halos pumantay na ang paningin nila kaya hindi na siya nahihirapang matitigan ito.

Nakaramdam si Krit ng konsensya nang makita ang namumula at nanunubig nitong mga mata. Halatang inaantok na. She didn't able to stop herself from doing what it wanted to do earlier. Umangat ang kamay niya at hinaplos ang mukha nito. Iba nga lang sa pagkakataong iyon dahil kumawalang luha mula sa pagkakahikab ni Cyril ang marahang pinahid ng daliri niya. Kanina kasi ay ang kunot nitong noo.

"Thanks." finally, he smiled.

"May kasalanan ba ako?" pakiramdam niya ay meron.

"Wala ka kamong natanggap na letter?" umiling siya. Wala naman kasi talaga. "Then don't think about it. Dahil wala naman pala."

"Ano ba kasi iyon?" ibababa na sana niya ang kamay niyang pakialamera nang hawakan iyon ni Cyril. She felt the warm and gentleness in his touch, coating the whole of her in the middle of a cold night.

"Bago kami umalis kanina, may ipinabigay akong letter. Wala ka na kasi dahil nasa kusina na. Not a literal letter dahil sa tissue ko lang isinulat. Doon sa isang chef ko ibinigay at sinabing para sa'yo. I wanted to invite you out. For a cup of coffee perhaps, after a tiring day."

Paisa-isang binalikan ni Krit ang nangyari kanina. Nanlaki ang mga mata niya nang maalalang may inabot nga si Hannie.

"I guess there is." wika ni Cyril nang marahil mapansin ang pag-iiba nang ekspresyon niya.

"Saglit, magpapaliwanag ako."

"Go ahead." he crossed her arms without letting her hand go.

"Akala ko kasi... kasi..." nagmura siya sa isip. Bakit parang ang hirap sabihin? "Akala ko para kay Alhe." pigil-hininga niyang siwalat.

"Paanong magiging kay Alhe gayong wala siya rito?"

"Ang sabi ni Hannie, para kay chef. E, chef din si Alhe kaya malay ko bang para sa akin. Ngayong araw lang naman ako napadpad dito."

"That's the point. Ngayon ko lang din naisipang magbigay ng sulat para sa chef. Sa common sense side, ikaw iyon."

"So wala akong common sense?" medyo slow lang naman siya.

"Hindi mo man lang ba inisip na para sa'yo?"

Inisip! Kaya nga naasar ako! Nang malaman niyang may ipinapabigay ito na una niyang akala talaga ay para sa kanya, na-excite siya. Pero nang sabihin ni Hannie na baka para sa kaibigan niya, para siyang binagsakan. Lalo na at wala namang nabanggit na pangalan. Gatungan pa na close si Cyril at Alhe, e 'di echapwera siya.

"Pero malay at akala ko nga, para kay Alhe." when he sighed again, bumigat lang ang konsensyang dinadala niya. Bakit kasi uunahin ang asar? Sa susunod kahit hindi para sa kanya, babasahin niya. Para makasiguro. "Hoy. Should I kill myself? Maraming namamatay sa malay at akala, di'ba? Magiging halimbawa na ako."

"Silly. But on the other hand, do you want me to do it?"

Lumabi siya at kumurba ang mga labi pababa saka yumuko. "Hindi ka ba naaawa sa akin? Tingnan mo itong katawan ko, hindi pa na-e-enjoy ang lahat ng pagkain sa mundo."

"Sa pagpupuyat ko, hindi ka naaawa?" naghikab ito. "Gabi-gabi na 'to, kung alam mo lang."

"Ha?" all she heard is his murmur. Kaya hindi niya tiyak kung tama o sakto ang narinig niya.

Silence was in them when Cyril didn't say anything anymore. Nandoon lang sila at nagtititigan. Nararamdaman ni Krit ang unti-unting paggapang ng kung ano sa puso niya na may kaakibat na kakaibang kaba. But she didn't shrug. She liked it. That moment. Their moment. Parang mahika ang katahimikang nabuo kasabay ng may kadilimang lugar na dinala sila sa mundong sila lang. Na kahit hindi magsasalita ay ayos lang. At may tilaok ng manok na nagpasugpong ng kilay niya.

"It's mine." nangingiting sabi ni Cyril kasabay ng pag-iling. Pinatay nito ang alarm sa cellphone nito. "Istorbo."

Oo nga. Hindi nga siya nagpaabala sa puso niya, may iba namang mang-aagaw ng eksena.

"Uuwi na ako." paalam nito.

"Sige." hindi ito gumalaw. "Kamay ko pala."

"Bawiin mo." he tightened the grip when she tried to pull it back. He grinned. "Nagmamadali ka?"

"Baka maging kalabasa ang sasakyan mo, Cinderello." biro niya. "Sige ka, lutuin ko iyan at wala ka nang masasakyan." Natatawang pinakawalan siya ni Cyril. Buti at hindi niya pinagsugpong ulit. Namumuro lang? Ganon?

"Pumasok ka na."

"Hmm. At pasensya na ulit, Cy. Sa susunod kahit mala-libro iyan, babasahin ko na talaga."

"Sa susunod, ako na mismo ang mag-aabot. Para wala nang 'malay' at 'akala'."

"Isasahog ko na sila sa niluluto ko kapag sumingit ulit. Pati ang manok sa cellphone mo, hindi ko palalagpasin." gustong bawiin ni Krit ang huling sinabi nang bigyan siya nito nang nakakalaglag-panty na ngiti. His smile meant something. Subalit kahit mapanukso iyon, nakikita niya naman na gusto nito ang narinig mula sa kanya.

"Krit." tawag nito, nakailang hakbang na siya palayo.

"Hmm?" aniyang nilingon ito.

"May utang kang dalawang date sa akin dahil hindi ka sumipot ngayon at pinaghintay mo pa ako."

Dalawa? She liked that. "Okay."

"Hindi pa kasama ang coffee date dapat ngayon kaya tatlo na."

"Sige."

"And another lunch for my overcooked steak earlier."

"Noted. Ano pa?"

"And three dates more after refusing me last Valentine's Day. You just don't know how much you break my heart, Sweetie."

Kinilig siya sa isip. Naalala na naman niya ang nangyari no'ng araw na iyon. Kung hindi talaga siya loaded sa araw na iyon, baka um-oo siya. Kaso, kaliwa-kanan ang reservation niya dahil sa mga magsing-irog. May special offer pa sila na hanggang hating gabi kaya sagad na sagad siya. Kung ordinaryong araw lang sana sila pinagtagpo, aba, go na. Pero baka hindi meant-to-be kaya hayaan na rin.

"Gawin mo na kayang isang buwan dahil isang buwan ako rito?" kunwari'y reklamo niya.

"Hindi ko tatanggihan iyan." Hindi na siya nakahuma nang lumapit si Cyril sa kanya at halikan siya sa sintido. "Get in now. Good night and sleep tight." he whispered, his hot breath is caressing her earlobe up to her cheek that gave her goosebumps, building inside her an 'oh so good' feeling.

Nagririgidon ang buong laman-loob na tumango siya. "Ikaw din."

Nang tuluyang makapasok si Krit ay hinaplos niya ang sariling sintindo. She could still feel it. His soft lips. Parang nag-iwan ang mga iyon ng marka at ramdam na ramdam pa niya ang paghalik nito.

Napahawak siya sa dibdib niya. It's pounding with enormous joy. Hindi niya mapagtanto kung bakit subalit masarap sa pakiramdam niya. Mabigat na magaan na hindi siya komportable pero gusto niya. Gustong-gusto niya.

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 1.7K 1
Vandrix de Lorenzo XI is an illegitimate child of Senior Vandrix de Lorenzo X but he also has power and wealth. He thinks that the world is cruel and...
1.9K 72 32
Due to an accident, I have to undergo a major plastic surgery. I lived a new life..a new me..in a new place. From a gangster, I turned into an intern...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
91.1K 3.9K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...