Chapter 9

1.2K 47 1
                                    


"I'm late. Sorry."

Pinunasan ni Krit ang pawis sa noo ni Cyril nang maupo ito sa tabi niya. Inabutan niya ito nang tubig saka kinuha ang bag na dala nito para ilagay sa itaas na bahagi ng bus na lagayan ng mga gamit.

"You're not mad, aren't you?" tinanggal nito ang suot na sombrero habang habol-habol ang hininga.

Umiling siya. "Bilib nga ako sa'yo at natunton mo ang estasyon. Nahirapan ka ba?" natawa siya nang tumango lang ito bilang sagot. "Wala sa google map, 'no?" tukso niya pa. Sa gaya nitong nasa city highlights ang buhay, nuncang alam nito ang pasikot-sikot sa liblib na area ng siyudad.

Umiling ito at humugot ng hininga. Natapos rin sa wakas ang pagkahingal nito na mukhang milya-milya yata ang itinakbo para lang makarating doon. Gusto niyang kutusan ang sarili nang makaramdam ng awa kay Cyril. Kung nagdala na lang sana ito ng sasakyan na iniutos niyang hindi pwede dahil mag-co-commute sila, mas napadali sana ito.

"Okay lang. Madali lang magtanong." he smiled. "Pinaghintay kita. Sorry."

"Sus. Wala iyon. Ang effort mo nga."

"Dahil kailangan." umusog ito at idinantay ang ulo sa balikat niya.

"Hindi ka ba nahihirapan?" tukoy niya sa hindi komportableng posisyon nito dahil sa tangkad nito.

"I'll get through this."

"Okay. Take a rest now. Wala ka pa namang tulog."

Galing pa kasi ito nang ibang bansa at madaling-araw na nakauwi. Nag-ayos lang, kumuha ng gamit sa pad nito at tumuloy na doon. Isa iyon sa dahilan kaya ayaw ni Krit na magmaneho ito nang sinabi niyang uuwi siya nang probinsya at nagpumilit itong sumama. Inalam niya kasi muna ang schedule nito kung maluwag bago siya pumayag.

"Gusto kong magkwentuhan tayo." mahinang sabi nito pero ipinikit naman ang mga mata. "Ang tagal kitang hindi nakita."

"Isang linggo lang."

"Ang tagal pa rin. Kung pwede lang umuwi araw-araw."

"Kaso hindi."

Kapag kasi nasa Manila lang ito, every other day itong pumupunta sa kanya para yayain lang siyang kumain. Ang sabi ni June, hindi natural ang pagiging sweet ni Cyril nang magkakwentuhan sila kaya pagpasensyahan niya na raw. Ngunit nang magsimula siyang magkwento, gulat na gulat ito nang malaman iyon. Na bumagsak lang din ang balikat mula sa sobrang kasiyahan nang sabihin niyang magkaibigan lang sila.

Nagsasabi lang naman ng totoo si Krit. She and Cyril, there is no official them. Wala namang sinasabi ang lalaki na nanliligaw ito. Yes! He said he's making her fall. Pero inisip niyang biro lang iyon dahil na rin sa takbo ng usapan. Ayaw niya ring mag-assume. Mahirap iyon.

"Krit..."

"Hmm?"

"I miss you." kinuha nito ang palad niya at inilagay sa pisngi nito. Kusa naman iyong gumalaw para haplusin ang parteng iyon ng mukha nito. "Sobra."

Ako rin. Sobra-sobra rin! "Tulog ka na. Bantayan kita."

Siguro mas mataas pa sa lebel nang pagkakaibigan ang gesture nila ni Cyril sa isa't-isa. Marahil ang lahat nang makakakita sa kanila ay iisiping sila. But Krit is contented. Iyon ang importante. Wala namang demands sa pagitan nila at iyon ang mahalaga.

Kung ano man ang mangyayari, magaganap, uusbong at ibibigay para sa kanila, iisipin niya iyon kapag dumating na. For now, she just wants to go with the flow and enjoy every moment. And the flow is having Cyril beside her.

KARMA'S Appetite Series 1: Chef Krit  (COMPLETED)Where stories live. Discover now