Chapter 6

1.2K 49 2
                                    


Hindi na pagtatakhan ni Krit kung bigla na lang mabutas ang sahig ng opisina. Kanina pa siya paroo't parito at hindi makapag-desisyon kung ano ang gagawin.

"Krit, aabutan ka na ng susunod na siglo. Ano na? Hihintayin mo pa bang lumubog ang araw?" sermon niya sa sarili.

Sinulyapan niya ang mukha ni Cyril sa monitor ng computer. Pagkagising niya kanina ay nginangatngat pa rin siya ng konsensya dahil pinaghintay niya ito kagabi. Eventhough it was unintentional, she's still at fault for not checking the 'letter'. Gayong siya ang nandoon at obligasyon niyang malaman ang lahat.

Kung bakit kasi naisip niyang pang-personal ang ipinapaabot nito na inakala niya talagang para kay Alhe. E 'di sana, nagkasama sila kagabi.

Bumuntong-hininga si Krit bago nagpipindot sa cellphone. A couple of ring then her friend answered.

"Bhakkheerrt?"

"Lumalamon ka, Alhe?" ang alam niya ay diet ito.

"Humikab." tumikhim ito. "O, napatawag ka? Dahil ba kay reklamador?" instead of an irritating tone, she heard a teasing one. Akala niya ay naasar talaga ito dahil naudlot ang magandang panaginip nito nang tawagan ito ni Cyril kagabi.

"Akala ko ba ako ang lucky guesser sa atin? Paano nangyaring ikaw din?"

Suminghap ito. "Tama nga ako!"

"Mabibingi ako, Alhe."

Bumungisngis ito. "Sorry naman. Nakakabuhay ng taba iyang kompirmasyon mo, e. Ano ang meron kay Mr. Vergara?"

Krit scanned some pictures of the guy they are talking right now. Namili siya nang sa tingin niya ay pinakamabait nitong istura subalit lahat ay seryoso at poker. Wala ang Cyril Vergara na palangiti at maloko. Pang-business face lang ang available.

She clicked the picture she thinks is the simplest. Iyong walang bahid na kakitaan ng background nito bilang isang CEO. But can be mistaken as a model of a shirt-a plain white shirt of Calvin Klein's basic product.

"Nahiya ka na at hindi ka na kumibo?" ani Alhe at ngayon niya tiyak na may nginunguya.

"No. Tinititigan ko siya."

"Pinagnanasaan mo?"

"No. Inoobserbahan."

"Ano na ang tungkol sa kanya?" ulit nito sa tanong at hindi na ipinagpilitan ang naunang sinabi. "What do you want to know about him? Or perhaps, you want him to know a little further."

"Hindi ko pa naman talaga siya kilala, Alhe." sabi niyang hindi inaalis ang mga mata sa monitor.

Gwapo talaga ito para sa kanya. She met and encountered men with blue eyes when she was in London but Cyril's has something that caught her attention. At hindi basta-bastang atensyon lang. May kasamang kuryusidad iyon na sa iilang pagkikita nila, gusto niyang manghalungkat pa tungkol dito.

"Sinabi mo, e."

Sa kanilang lahat, si Krit ang napakadaling sabihin ang katotohanan nang hindi nag-aalinlangan. Which others thought contradicted on her physical look. Nagtataglay daw kasi siya ng mukha ng anghel na hindi makabasag-pinggan at mahiyain tingnan.

Though she's really a smooth talker, she knows how to curse but silently or lowly. Hindi 'yong bulgaran na naririnig ng karamihan. May kakulitan din siya kaya nagagawa niyang hindi makasakit ng damdamin habang sinasabi ang totoo. Higit sa lahat, madali siyang paaminin kaya hindi na pinagdududahan ng mga kaibigan niya ang sagot niya.

KARMA'S Appetite Series 1: Chef Krit  (COMPLETED)Where stories live. Discover now