Chapter 4

1.4K 48 6
                                    


"Good morning, Sir!"

Mula sa counter ay nag-angat ng mukha si Krit para batiin ang pinakaunang customer sa araw na iyon. Ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang makita ang pang-umagang biyaya para sa gaya niyang single and available.

"Sir, table for how many po?"

Sumenyas si Cyril sa waitress at nilapitan siya. "Good morning."

Yeah... A very very good morning. "Magandang umaga." bati niyang pinantayan ang walang maipintas na ngiti nito. Ibinigay niya sa supervisor ang ledger saka lumabas ng counter para maasikaso ito. "Nasaan sila?" tukoy niya kina June at sa mga bata.

"I'm alone."

"Oww. Okay. Ayos lang kaya na doon ka banda?" turo niya sa may bandang gilid kung saan ay magkaharap ang dalawang pang-isahang sofa.

"Doon," turo nito sa itaas na bahagi ng restaurant. "May customer na bang iba?"

Umiling siya at nagpatiuna. "You're the first, Sir Cyril." ipinaghila niya ito ng upuan. "Please, take your seat. Tatawag ako ng kukuha ng order mo."

"Saglit." pigil nito sa braso niya. "If you're not busy yet, can you join me?" may pag-aalinlangang tanong nito.

Unlike him, she nodded without hesitance. "Pero magsusuklay na muna siguro ako?" aniyang hinawakan pa ang basang buhok na hindi man lang nasayaran ng matinong suklay.

"You look beautiful in any way." he pulled a chair for her. Naupo na rin siya dahil maganda naman pala siya kahit mukhang bruha dahil wala pang ayos. "What do you want?"

"Ipapakuha ko na lang ang hot choco ko. Just order for yourself and it's on the house."

"Hindi ako nagpapalibre sa babae."

"Huwag kang pakasiguro." bahagyang inilapit niya ang mukha rito. "Lalaki ako." bulong niyang ikinahalakhak nito.

Natigilan si Krit. He laughed at that very corny joke? Akala niya pa naman ang hirap nitong kunin ang loob dahil sa napansin niyang pagka-stiff nito kahapon nang makilala ang kaibigan niya. But Cyril seems easy to get along with.

"Ano ba ang e-o-offer mo for a morning pack?"

"Do you want me to decide for you?" she asked, full of surprise.

Tumango ito at isinantabi ang menu book. "I want to know your type and taste."

"Kinakain ko lahat. So nothing in particular." Aside from you as my favorite since you're in front of me now. Pinigilan niya ang mapangisi sa pilyang dagdag ng isip niya. Ang landi lang.

Umorder siya ng chocolate croissant para rito na pinaresan ng espresso. Hindi naman ito kumontra at mukhang itutuloy nga ang balak na siya ang bahala sa kakainin nito.

"Akala ko ba nakabalik ka na ng Manila?" tanong ni Krit nang ma-e-serve na lahat. She put butter on the croissant, sliced it into half before giving it to him. "I hope you don't mind."

"Mind you in what? Asking or taking care of me?"

"Both." aniyang natatawa. "Pakialamera talaga ako kapag kasabay akong kumain kaya pasensya na." lalo na sa mga kaibigan niya.

"Don't be. I like it." he took a bite. "Pero mas gusto ko kung ako lang ang pinapakitaan mo ng special treatment sa mga customers mo."

"So far, oo." sinsero niyang sagot.

Nagliwanag ang mukha nito. "Talaga?"

"Hindi pala. Sorry." bumagsak ang balikat nito. Now, it's her turn to laugh. "Nauna na ang mga pamangkin mo kahapon. My cutest VVVVIP's."

KARMA'S Appetite Series 1: Chef Krit  (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ