Chapter 3

1.4K 49 2
                                    


"Sino'ng mama ang kinikwento ng mga bata?"

Awtomatikong napangiti si Cyril nang maalala ang nangyari sa simbahang napuntahan kahapon. Kinuha niya ang susi sa kamay ni June bago ito inaya nang umalis.

"Kasalanan mo. Kung anu-ano ang pinagsasasabi mo sa mga bata."

Habang nasa sasakyan ay kinukulit siya ni Rune at Rjune tungkol sa pag-iisa niya. Tanong ng tanong ang mga ito kung bakit parati siyang pumupunta sa bahay ng mga ito sa Davao kung saan lumipat sina June pagkatapos ng kasal. He answered them by saying they are his family. Kaso, sinagot lamang siya ng dalawang bata na iba siya at kailangan niya ring magkaroon ng sarili niyang pamilya. Para raw hindi na siya maging malungkot at may kasama na sa malaking bahay niya sa Manila.

Cyril's sister was the root of those informations. Dahil natutuwa naman siya ay sinakyan niya na lang ang mga pamangkin nang sabihing maghahanap ang mga ito ng asawa niya. Rjune, the boy of the twin, asked him to stop somewhere to buy some flowers. While Rune, the girl, offered the chocolate she got from him. Ibibigay daw ng mga ito sa magiging 'mama' ng mga ito. Mama dahil siya ang papa na nakasanayan na niyang ipantawag ng mga bata sa kanya.

"Sino nga?" pangungulit pa ni June hanggang makasakay sila. Kasama nito ang mga bata sa likuran at siya naman ang magmamaneho. "Maganda ba?"

"Sino na naman iyan, Hon?" ani Ryan na nasa passenger side. He turned on the engine.

"Ang mama nga na kinikwento nitong dalawa."

"Ahh. Cy, sino iyon?"

"Just a stranger." A simple yet beautiful stranger. dugtong niya sa isip.

"A stranger that you asked for a date?"

"Sisihin mo ang mga anak mo, Ry, kung bakit may eksenang ganon."

Habang hinihintay ni Cyril si Rjune na bumibili ng bulaklak ay nakita niyang lumabas si Rune ng sasakyan. Patakbong lumapit ito sa babaeng mukhang kakalabas lang ng simbahan. Kumilos siya para kunin ito. Dahil sa krimen na nagkalat sa Pilipinas ay dumoble ang pagbabantay niya sa mga pamangkin sa pakikipag-usap sa isang estranghero.

Subalit nakakailang hakbang pa lamang siya nang mapansin ang pagkagiliw ni Rune sa kausap. May kamalditahan kasi ang pamangkin niyang iyon at hindi basta-basta nakikipaglapit kung kani-kanino lang. Seeing her smiling as if she knew the stranger for so long was new to him. Kaya hinayaan niya na lang muna pero sinigurong hindi siya malilingat kahit isang segundo man lang.

Nang luminga-linga si Rune at napatingin sa direksyon niya ay kumaway si Cyril. Natigilan siya nang sumunod ang babaeng katabi nito na wari'y tinutulungan ang pamangkin niya sa paghahanap. On a very brief moment, he stared at the lady who made his concern vanished without doing extra-ordinary. And made his heart skip a beat when she greeted Rjune with a lovely smile like as if it was for him.

"Ang sabi nila, tinanggihan ka." ngumisi si June. "Kapatid, may umaayaw din pala sa'yo."

He shrugged his shoulders. "That's life."

Krit's amiable face popped up in Cyril's mind. Pigil niya ang pagsilay ng ngiti at pasimpleng tumikhim bago mapansin ng mga kasama. Magdamag nang nasa isipan niya ang babae subalit hindi pa yata siya nagsawa na paulit-ulit balikan ang eksena nila. Lalo na nang tuluyang makaharap niya ito at makilala.

If only she said 'yes' with his invitation, he wondered if there will be next. Which for how many times he asked himself, the only answer is 'yes'.





KARMA'S Appetite Series 1: Chef Krit  (COMPLETED)Where stories live. Discover now