Gehenna University: School of...

By hazellllssss

63.2K 1.4K 91

Zerah Yui Quiever is her name and silent killing is her game. A collaboration story made by me and kaonazhix More

Gehenna University: School of Gangsters
Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
A.N.
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
❀ ℕ𝕠𝕥𝕖 ❀

Chapter 1

5.6K 95 0
By hazellllssss

Chapter 1: Accident

Zerah's POV

Nandito ako sa kwarto ko. Wala nanonood lang ng movie na nakakatakot daw.

Ilang oras na din akong nanonood ng mga movies. Halos makalahati ko na ang CDs na meron dito sa kwarto ko.

Isasalang ko na sana ang isa pang bala kaso may biglang kumatok.

Pumunta ako sa pintuan at binuksan iyon. Sino kaya itong istorbo?

Binungad ako ng seryosong mukha ni butler Kim. Walang kaemo-emosyon. Para syang robot.

"Young lady, pinapatawag ka po ni Sir Quiever sa office nya," sabi ni butler Kim.

Tumango ako bilang sagot at agad na isinara ang pinto.

Linigpit ko ang mga nagkalat na CD sa higaan at dumiretso na sa office ni dad.

"Dad bakit mo po ako pinatawag?" Tanong ko sa kanya bago umupo.

"Andito ka na pala. Well, gusto lang sana namin sabihin ng mommy mo na babalik ka na sa Pilipinas at dun ka na magpapatuloy ng iyong pag aaral," sabi ni Dad.

"WHAT?! Why?!"

"Hey baby, calm down. Patapusin mo muna kaya ang daddy mo bago ka mag-react dyan?" Nagulat ako nang biglang nagsalita si Mom. Bigla-biglang sumusulpot eh.

"Kaya kita pababalikin sa Pilipinas ay dahil ikaw na ang mangangalaga sa Gehenna University," Dad said with utmost authority.

"But why? Andun naman si kuya ah?"

"Utos ito ng iyong lolo." Biglang singit na naman ni Mom.

I rolled my eyes and crossed my arms under my chest.

"Fine." I sighed in defeat. Wala naman akong laban pagdating kay lolo.

"Mamayang 11:00am na ang alis mo." Saad uli ni Dad.

Tumingin ako sa wall clock para makita kung may oras pa ba ako mag-ayos.

I have little time left to pack my things. Dali-dali akong pumunta sa pinto at pinihit ang door knob.

Nakakaisang hakbang pa lang ako mula sa pinto pero nagsalita na si Dad.

"Don't worry princess, kasama mo naman ang mga kaibigan mo papuntang Pilipinas." Gulat akong napalingon sa kanya.

"Why?" Takang tanong ko.

"Because your lolo wants to make sure that you're safe," Mom said.

"Kaya ko naman ang sarili ko ah?"

"Alam mo namang ikaw lang ang prinsesa ng lolo mo kaya lahat ay gagawin nya maging ligtas ka lang. Ganun din naman kami ng dad mo,” Mom lectured. "Oh and by the way, we have to go princess dahil may business trip pa kami ng dad mo," she said yet again.

"Fine." Ayun na lang ang nasabi ko bago tuluyang lumabas ng office ni dad. Pagkalabas ko ay may sumigaw ng pangalan ko.

"ZERAAAAAH!"

"KYAAAAAH! Zerah excited na akong pumunta sa Pilipinaaaas!" masiglang sabi ni Rain.

"Excited ka na pala nyan?" Skyla said with sarcasm.

"Zerah oh! Inaaway na naman ako ni skyla!" pagmamaktol ni Rain na naka-pout pa.

"Tumigil nga kayo! Simula byahe hanggang dito nagbabangayan pa rin kayo!" reklamo ni Jordyn.

"Gusto namin na magbangayan din dito eh, may magagawa ka?" maarteng saad ni Skyla.

Sasagot na sana si Jordyn kaso naunahan na sya ni Farrah

"Hep! Hep! Tumigil na kayooo," awat ni Farrah.

Magsasalita pa sana si Skyla para mamilosopo pero inunahan ko na sya.

"Mananahimik kayo o mananahimik kayo?" I said with my cold voice.

"As if we have a choice," bulong ni Skyla.

Naglakad na ako papunta sa kwarto ko at iniwan sila dun.

Nilabas ko na ang maleta ko at nagsimula nang mag impake.

Mga ilang oras lang ay natapos na rin ako.

Thank goodness at natapos na rin ako sa pagiimpake.

Hindi rin naman masyadong marami ang dadalhin ko.

Kumatok bigla si Skyla sa kwarto ko at sinabing kakain na daw.

Rain's POV

"Ang yaman talaga nila Zerah noh?" sabi ko sa kanila .

Paano ba naman kasi? Triple—Oo—triple ang laki ng mansion nila kesa sa mga mansion namin nila Skyla.

Maya-maya lang ay pumunta na kami sa dining table at wala na sila tita.

Umalis na sila para sa business​ trip nila bago pa kami makarating.

"Ang tagal naman ni Zerah. Gutom na gutom na ako eh."

"Maghintay ka. Hindi lang ikaw ang gutom dito," maarteng saad ni Jordyn.

Maya-maya pa ay dumating na rin si Zerah kaya nagsimula na kaming kumain.

Zerah's POV

Mabilis na lumipas ang oras.

Kasalukuyan kaming nag-aayos ng iba pa naming gamit na ilalagay sa handbag.

Matapos namin magayos ay sumakay na kami sa kotse para pumuntang airport.

Kalahating oras din ang lumipas bago kami makarating sa airport.

*Philippines*

Maraming tao ang nagbulungan nang makababa kami.

"Artista ba sila?"

"Omg ang gaganda nila bes!"

"Look oh. Pinupuri na nga sila ng iba pero wala silang pake."

"Ang yayabang ng dating. May pa-grand entrance si Mayora."

Marami pang ibang nagbulungan. Mas dumami ang nakatingin samin habang tumatagal.

"Nakakamiss din pala ang simoy ng hangin dito sa Pilipinas," sabi ni Jordyn habang sumisinghot. [Mahawa ka sana ng covid-19]

"Oo nga," sabi naman ni Rain.

"Starbucks tayo," sabi ko at nagsimula nang maglakad.

"Tara!"

Pagdating sa starbucks ay umorder na kami. Syempre ang inorder ko ay ang favorite ko since birth.

"Hindi ka ba nagsasawa dyan Zerah?" sabi ni Farrah.

"Hindi."

"Guys we need to go. Kanina pa daw naghihintay ang sundo natin," sabi ni Skyla habang nakatingin sa phone niya.

"Let's go," sabi ni Rain.

Naglalakad ako habang binabasa ang text ni Mom. Nagulat ako nang biglang may bumangga sakin.

"Shit!" sabi ko.

Napatingin ako sa baba at nakita ang iniinom ko kanina lang...

"Tss. Clumsy girl," sabi ng lalaki at umalis na lang sa harap ko. Hindi man lang humingi ng paumanhin?

Oh, nevermind. 'Di ko rin pala tatanggapin ang sorry nya.

"Patay..." sabay na sabi nina Farrah sa gilid.

Inangat ko ang aking ulo ko at masamang tumingin sa lalaking paalis na.

Agad kong hinigpitan ang hawak sa strap ng bag ko at binato iyon sa kaniya.

*Blaaaag*

Headshot. *smirk*

Liningon ako ng lalaking ngayon ay masamang nakatingin sa akin.

"What? You deserved that. After what you did to me? Yeah, you really deserved it." Nakita kong kinuha ni butler Kim ang bag na binato ko kaya naman nagsimula na kong maglakad paalis.

"I FUCKING SWEAR LADY! THE NEXT TIME WE MEET I'LL MAKE YOUR LIFE A LIVING HELL!" sigaw ng lalaki. Tss. Yeah right.

After that incident, kaming lima ay nagpapahinga ngayon sa aming mansyon. Yes, we have our own mansion. It has six floors. Isang palapag para sa isang tao. Ang first floor naman ay walang nagmamay-ari. Nandun ang living room, kusina, guest room, at iba pa.

Lance's POV

Nakakainis talaga yung babaeng yun.

That fucking bitch left a small wound. And guess what? Sa may malambot ko pang pisngi sumakto.

"Oh pare anong nangyari dyan sa pisngi mo?" tanong ni Zeb na para bang natatawa. Tss.

"Oo nga pare, sinong gumawa nyan? Tao ba o katangahan mo?" dagdag ni Keith na tangina nang-aasar pa.

"May nangyari ba?" tanong naman ni Blaze. Tanga lang? Malamang may nangyari.

"Umuwi na tayo," seryosong sabi ko. Wala ako sa mood.

Pumunta na kami sa mansyon.

Sa totoo lang, nasa iisang bahay lang kaming lahat dahil pumayag naman ang mga magulang namin.

Idagdag mo pa na lagi silang nasa may business trip. Kaya ayun, pumayag na sila para naman daw may kasama kami tuwing wala sila.

"Bro first day na natin bukas. Nakahanda na ba mga gamit nyo?" tanong ni Keith.

"Oo. Tara pahinga na tayo," sabi ni Axel at humikab pa.

"Pasok tayo nang maaga bukas para maaga rin natin makuha mga sched natin," sabi naman ni Zeb.

"Yeah. Ayoko rin makipagsiksikan sa malalanding babae," dagdag ni Blaze.

Pumasok na lang ako sa kwarto ko.

Dumiretso ako sa higaan ko at pinilit na makatulog—pero wala. Tuwing pinipikit ko ang mga mata ko, nakikita ko lang ang eksena namin nung babaeng yun kanina.

Tch. Makita ko lang talaga ang babaeng yun. Gagawing kong impyerno ang buhay nya. Sisiguraduhin kong magsisisi syang ako ang binangga nya.

Skyla's POV

"Guys may pasok na pala tayo bukas," sabi ko sa kanila pagdating namin sa mansyon.

"Oo nga pala. Anong oras na rin oh," sabi ni Rain

Tumingin ako sa orasan ko. 6pm na pala.

"Magpahinga na tayo. Kailangan maaga tayo bukas para makuha na natin yung sched natin kay Dean," sabi ni Zerah.

Zerah's POV

"Magpahinga na tayo. Kailangan maaga tayo bukas para makuha na natin yung sched natin kay Dean." Matapos kong sabihin yun ay tuloy-tuloy akong umakyat sa kwarto ko.

Nag shower muna ako bago humiga sa aking Queen-sized bed. Syempre, yabang lang ng konti para mainggit kayo. *wink*

Kidding aside, napaisip ako sa first day namin sa Gehenna University. Gaano kaya karami ang pabida dun? Ang pabebe? Pabibo? Papansin?

Huwag lang talaga silang magkamaling banggain ako.

They won't even notice that they're walking straight to death.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kaiisip.

**
End of chapter 1

♦Announcement:
Every Friday lang ang update.

kaonazhix : Izza prank

Continue Reading

You'll Also Like

The Whole Truth By jaxharlow

Mystery / Thriller

437K 20.2K 52
Adele knows she witnessed a murder - what she doesn't know is just how personal it is. ...