Garnet Academy: School of Eli...

By justcallmecai

28.4M 1M 785K

(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the s... More

Garnet Academy
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Last Chapter (Part 1)
Last Chapter (Part 2)
Epilogue
Book Announcement
Special Chapter
Bonus

Chapter 4

477K 19.3K 18.3K
By justcallmecai

Chapter 4

Signed

Magsasalita na si Kuya Beau nang pinigilan ko siya.

"Magkakilala kami ni Beau. Siya ang nag-endorse sa akin dito." sabi ko.

Stephanie's jaw dropped. Kumunot naman ang noo ni Kairon at saka dahan-dahan akong binitawan.

Hinila na ako ni Kuya palayo roon at saka hinatid sa kwarto ko.

Ganoon lang iyong nangyari, pero pakiramdam ko ay napagod ako. Pagpasok sa kwarto ay agad akong naupo sa kama at sinapo ang aking ulo.

Hindi ako nakabili ng sandwich! Hay!

"What the hell was that, Paige?!" si Kuya.

"Wala, Kuya. Iyong Stephanie ang nauna. Siya ang humarang–"

"I don't care about Stephanie. What's bothering me is that Gonzalez! Bakit ka niya kilala?"

"Magkaklase kami, Kuya." tipid kong sagot.

"Then why is he like that towards you? Care to explain?!"

Tinignan ko si Kuya. Ano bang pinagsasasabi niya? Ano bang ginawa ni Kairon? Pakiramdam ko ay ganoon lang siya dahil siya ang Presidente sa buong school! Baka akala niya ay may gagawing kung ano sa akin si Kuya. Iyon lang naman ang aking palagay doon!

"Hindi ko alam, Kuya? Hindi ba't siya ang Presidente? Baka notorious ka rito sa pambabae kaya ganoon. Akala niya paglalaruan mo ako o ano." pagdadahilan ko.

"And so? Kung ganoon nga, ano naman ang pakialam niya? Buong linggo no'ng student council meeting, I always have girls with me. Hindi naman siya nakialam. Ngayon lang, Paige!"

"Yuck, kuya! Nambababae ka nga?"

Ano ba itong si Kuya? Ibang iba talaga siya rito sa school na ito!

"'Wag mong ibahin ang usapan, Beatriz Paige." aniya. "Nakakausap mo ba 'yon? Did you had any encounters with him?"

Isang malalim na paghinga ang ginawa ko nang maalala iyong mga nangyari. Iyong sa clash namin no'ng first day, tapos no'ng first class...

Tumaas ang kilay ni Kuya kaya wala akong nagawa kung hindi ang ikwento ang lahat sa kanya. Pati iyong pagsapak ko kay Kairon ay naikwento ko! Shit!

Umawang ang labi ni Kuya Beau. Tila hindi siya makapaniwala sa mga sinabi ko.

"Are you damn serious?" tanong ni Kuya. Tumango ako at napailing na lang siya. "I'm so mad, right now."

Yumuko ako at natakot ng kaunti sa aking Kuya.

"From now on, layuan mo na 'yang Kairon na iyan. He's up to no good, Paige." anito. "I'll try to be with you most of the time if I don't have a class. Pag nakadikit ako sa'yo, siguradong hindi ka lalapitan no'n."

Tumango tango na lang ako kay Kuya.

"Nakuha mo siguro ang atensyon niya nang malaman na Aeris ka, pero matapang ka. Tsk. Be careful next time. 'Wag kang padalosdalos."

Paalis na si Kuya nang hinagit ko ang kamay niya.

"What?" he asked.

"Kuya, gutom ako. Sandwich." banat ko rito.

Kuya laughed and patted my head. "Wait for me, lil sis. I'll get you one."

-

Sa panibagong araw ng pagpasok, itinatak ko sa aking utak ang lahat ng bilin ni Kuya.

Medyo kabado akong pumasok sa room namin. Buti na lang at wala pa si Kairon doon.

"Nabalitaan ko iyong nangyaring commotion kahapon, Paige! Ang haba ng hair, ah. VP Beau na, Commander Kairon pa." anito habang inaayos ang mga gamit niya sa bag.

Halos mabilaukan ako sa sinabi ni Lia.

"Ano bang pinagsasasabi mo, Lia? Wala iyon!" mahina kong sabi. "Bakit inaayos mo na ang mga gamit mo? Magsisimula pa lang ang klase, ah."

"May meeting daw ang student council, eh. Biglaan ngang nagpatawag. Sige ha? Una na muna ko. Pahiram na lang ako ng notes later." ani Lia at lumabas na ng room.

Maayos naman ang mga naunang subjects. Wala akong Kairon na nasilayan. Siguro dahil nga sa meeting na nabanggit ni Lia kanina.

Tapos na ang lunch time, pero wala pa rin si Lia. Dumating iyong isa naming Professor na lalaki. Agad akong nagtaka dahil hindi naman siya ang prof namin para sa oras na ito.

"Okay, class. I will dismiss you all. There will be an important announcement in the Amphitheater. I want you all to go there right now. Thank you." iyon lang ang sinabi ni Mr. Ador sa amin.

Ano kaya iyong importanteng announcement at kailangan talagang i-dismiss kami ng maaga?

Isinakbit ko iyong akong bag sa isa kong balikat. Dahil hindi ako sigurado kung saan ang daan patungo roon sa Amphitheater, nakisabay ako sa mga kaklase kong naglalakad papunta roon.

Malaki at open space iyong amphitheater. Sa stage ay may mga upuan na bilang lamang. Bago pa ako makaupo roon sa bleachers katabi noong isa kong kaklase ay dumating na si Lia.

Parang ang mataas na energy niya kanina ay bigla na lang nadrain.

"Oh? Anong nangyari sa meeting n'yo at ganiyan ang itsura mo?" pabiro kong tanong.

"Iyong pinagmeetingan namin, iyon ang announcement ngayon, Paige." aniya.

"Tungkol saan ba?" kuryoso komg tanong.

"Magkakaroon ulit ng Servitoares. At ngayon sila pipiliin." ani Lia. Agad naman kumunot ang noo ko. Ano 'yun?

"A-anong Servitoares?" tanong ko.

"The servants of Flammas are called Servitoares. The Servitoares will be from the students of Casa Aeris. Pag may pumili sa'yong Flamma, wala kang magagawa. You have to follow." anito.

Mas lalo akong naguluhan. Wala namang sinabing ganito si Kuya, ah!

"W-wala namang nabanggit sa'kin si Beau. Pati na rin ang head mistress na may ganitong rule para sa aming mga Aeries."

"Ayon sa narinig ko, bago pa naging presidente si Beau ay may ganoon talagang patakaran. Dahil sa sponsored at walang binabayaran ang Aeris students, obligated sila na mag serve sa mga Flamma." anito. "Pero no'ng naging presidente na si Beau, tinanggal niya ang rule na iyon. Kaya lang ngayon, biglang binalik ni Kairon. Sobrang biglaan. Parang bigla na lang naisip ng Commander na ibalik iyon. Syempre, siya ang masusunod, kaya nabalik bigla."

Nagkakarambola ang mga impormasyong narinig ko mula kay Lia.

Pero shit! Bilang Aeris, I am obligated to serve a Flamma? What the hell?

"Chill ka lang, Paige. Kaunti lang ang Flamma. At sa dami ng Aeris, imposible naman siguro na mapili ka pa." ani Lia.

Napakalma naman ako noon. Sabagay.

Naupo na kami ni Lia sa bleachers nang biglang lumapit si Kuya Beau sa akin. Agad naman akong tumayo. Lumayo kaming dalawa sa mga tao para makapag-usap ng maayos.

"Have you heard?" ani Kuya. Tumango ako. "Don't worry, I'll choose you. Dahil ako ang nasa pangalawang rank, I'm the second one who can choose. Pipiliin kita para siguradong walang pipili sa'yo."

"Sige, Kuya." sabi ko.

He smirked. "You need to serve me, lil sis."

Agad kong napalo ang braso ni Kuya.

"Joke lang! Don't worry, alright? It's actually a good thing. Ang mga mapipili ng Flamma ay kailangan tumira kasama sila. You have no idea how big our room is. Each and every room of a Flamma has an extra room for a Servitoare. Mas malaki pa sa kwarto mo ngayon."

Napangiti naman ako sa sinabi ni Kuya.

"Talaga, Kuya? Ibigsabihin, magkasama na tayo sa room! Yes!" halos magdiwang ako!

Having Kuya is such a relief. I can probably have anything that I want pag nandoon na ako sa kanya.

Natawa si Kuya Beau sa akin.

"Sige na, maupo ka na. Magsisimula na." ani Kuya at naglakad na palayo. Ako naman ay bumalik na kay Lia.

Ilang saglit lang ay may narinig na kaming tunog mula sa isang bell. Pagkatapos ay isa-isa nang naglabasan ang mga Flamma.

All of them screams power. Sa tingin pa lang ay alam mo nang mga anak sila ng mga mayayamang business owners.

Aside from Kuya, I can't deny the fact that Kairon Gonzalez also stands out. Sa tindig pa lang niya, kahit ang snowman, mag-iinit.

Wala pa palang sampu ang Flamma. Pito ang mga upuan, ngunit anim lang sila na mga nakaupo. Apat na lalaki at dalawang babae.

Dumating naman ang head mistress na Mrs. Montecillo. Naroon siya sa gilid, nakatayo at may hawak na mic.

"Good afternoon, everyone." malaki ang boses ni Mrs. Montecillo. "I have an important announcement for today. Our old tradition of having Servitoares will be back as per the permission of the student council's president, Commander Kairon Gonzalez."

Nagpalakpakan ang karamihan. Ang iba naman ay nag-iba ang mga reaksyon. Siguro ay Aeris ang mga iyon.

"Today, the Flammas will choose one Aeris to be their Servitoare for the whole year. If you got chosen, you have to follow them. Of course, there will be rules and regulations." ani Mrs. Montecillo.

Ni hindi na nga ako nakikinig, eh. Si Kuya naman ang pipili sa akin. Kahit hindi ko alam 'yang mga rules rules ay wala namang magiging problema.

"Ang sarap siguro maging Flamma, 'no? Parang pwede nilang gawin ang lahat ng gusto nila." sabi Lia habang nakapangalumbaba.

"Hindi rin." giit ko naman.

"Ang mga mapipili ay mabibigyan ng handbook para sa rules and regulations." anang head mistress. "So now, we may start. The order of picking will base on the ranking... As the President, Mr. Gonzalez, you may choose your Servitoare. The folder in your front contains the name of each Aeris students, informations are also stated."

Kinuha ni Kairon iyong folder at tinignan iyon. Ganoon din ang ginawa ng ibang mga Flamma. Si Kuya naman ay nakaupo lang. Syempre, alam niya na ang pipiliin niya!

Relax akong pangiti-ngiti sa kinauupuan.

Inangat ni Kairon ang papel na napili niya. Hindi ko makita iyon dahil malayo kami.

"Who's your pick? Please state the name." ani Mrs. Montecillo.

A devilish smile flashed on his face. "Paige Manuel."

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat? Tama ba ang rinig ko? Pangalan ko ba talaga iyong nabanggit?!

Lumingon ako kay Lia at nakita ko ang naaawa niyang reaksyon para sa akin.

"Lia, ako ba?" pagkukumpirma ko. Hindi pa rin ako makapaniwala!

Dahan-dahang tumango si Lia.

"Ms. Paige Manuel? Please come up to the stage." anunsyo ni Mrs. Montecillo.

Shit! Shit!

Halos nanginginig akong tumayo. Parang may ipo-ipo sa aking utak at lindol naman sa aking puso. This can't be happening!

Habang palakad ay malungkot kong tinignan ko si Kuya. Anong gagawin natin, Kuya? Do something! Oh my gosh!

Nakita ko ang galit sa mga mata ng Kuya ko habang palapit ako. Panay naman ang irap no'ng Stephanie sa akin.

Pag-akyat ko ay tumayo si Kuya at inilagay ako sa kanyang likod.

"No." matigas niyang sabi. "You can't choose Paige."

Tamad na binalingan ng tingin ni Kairon si Kuya Beau. "But I already did."

"You can't choose her. Pumili ka na lang ng iba, Gonzalez. Ako ang pipili kay Paige." pagdiin ni Kuya.

Tumayo na si Kairon. He's towering height sent shivers down my spine. Halos magkasing tangkad lang sila ni Kuya.

"Pero ako ang unang pipili. Pangalawa ka lang, hindi ba? Napili ko na siya. Kaya ikaw ang pumili ng iba." mariin niyang sabi.

I can feel my knees trembling! Damn it!

"Mrs. Montecillo, he can't do this. Ako ang nag-sponsor kay Paige. She should be my Servitoare!"

Tumikhim si Mrs. Montecillo. "But, Mr. Santiago, the Commander already chose her. I'm sure wala namang magiging problema. Makapal pa iyong folder, you can choose anyone you want."

Isang mura ang mahinang pinakawalan ni Kuya. Ako lang yata ang nakarinig noon.

"Sorry, Santiago. Better luck next time." ani Kairon. Ang mapang-asar na ngiti ay hindi na nawala sa kanyang labi.

Bumalik na siya sa kinauupuan.

Shit! This guy is such a trouble! Ni hindi ko naisip na piliin niya ako! Ano bang problema niya? May balak ba siyang pahirapan ako dahil sa sinuntok ko siya?

"Come here," ani Kairon. Ang mga mata niya ay nakapako sa akin. Sumenyas pa siya na lumapit ako.

Napatingin ako kay Kuya.

Kita ko ang nag-aapoy na galit sa kanya.

"Gagawa ako ng paraan." sabi ni Kuya at saka mabilis na bumaba ng stage at umalis.

Shit! Kuya! Where are you going? Gusto kong tawagin siya, pero hindi ko nagawa.

"Paige." tawag ulit ni Kairon. He even tapped his legs! Anong gusto niya mangyari? Kumandong ako sa kanya?!

I should be angry! Pero masyadong nakakatakot ang boses niya kaya wala akong nagawa kung hindi ako lumapit.

Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Pinuno ng takot ang aking buong katawan.

Tumayo si Kairon. Dahan-dahan niyang hinawakan ang braso ko para mapaupo roon sa kaninang inuupuan niya.

Pakiramdam ko ay maiiyak na lang ako sa takot! This is such a horror!

"Sign it." anito at tinuro iyong papel na nakapatong.

Napalunok ako. Nanginginig akong hinawakan iyong ballpen at wala sa wisyong pumirma. Sa takot ay napapirma na lang ako!

Pagkatapos kong pumirma ay kinuha ni Kairon iyong papel at muling ngumiti.

"I'm done here." anito at saka inayos ang collar ng kanyang uniporme. Para siyang isang model na nagmartsa palabas ng Amphitheater.

Sa hiya ay tumayo ako sa upuan ni Kairon at pumunta na lamang sa gilid ni Mrs. Montecillo.

Sumunod na nagsipili ang ibang mga Flamma. Wala pa akong masyadong kilala sa mga Aeris kaya hindi ko kilala ang mga ibang napili. Halos lahat kami ay mga babae!

Nang matapos ay wala pa rin si Kuya. Isang matandang babae na nagpakilala bilang isang propesor ang nagdala sa amin na mga napili sa kwarto na tila isang head quarters.

"Hi, everyone. Ibibigay ko sa inyo ngayon ang handbook para sa rules and regulation ng Servitoares." anito. "Don't worry because you have your own rights."

Isa-isa niyang inabot sa amin ang kulay abo na libro. Sakto lamang ang laki at may kanipisan.

"It's very important, kailangan n'yo iyan basahin." aniya. "May mga rules diyan. Bawal na bawal n'yong sundin ang utos ng isang Flamma lalo na kung ang utos na iyon ay lalabag sa school rules. Bawal din kayo pagmalupitan ng mga Flammas. You are a Servitoare, but they should respect you. May handbook din sila para rito kaya huwag kayong mag-alala."

Sa huli ay pinag-iimpake na kami para lumipat.

Wala ako sa sarili pagbalik ko sa aking kwarto. Ni hindi ko na nga nasara iyong pinto. Naupo na lang ako sa sahig malapit sa kama ko.

"This is so fucked up." I told myself.

Nasaan na ba kasi si Kuya? Lilipat na ba talaga ako kay Kairon? Wala na bang ibang paraan?!

Ilang saglit pa ay may isang lalaki ang pumasok sa kwarto ko. Tumambad ang malaki niyang frame sa harap ng aking pintuan.

Tinignan ko ito ng masama at saka mabilis na tumayo. "What are you doing here?"

Hindi ako sinagot ni Kairon at naglibot lamang siya sa akin kwarto. What the hell?

Panay ang linga niya sa maliit at masikip kong kwarto.

"Ang pangit ng kwarto mo." aniya. Wow ha. Nagpunta rito para manglait?

"Mas malaki at mas maayos ang kwarto na ipinahanda ko. Pack your things now. I'll wait for you downstairs." dagdag pa nito at umalis na.

Ni hindi manlang inantay ang approval ko! Mokong na 'yun!

Agad kong kinuha ang phone ko at nagtipa ng mensahe kay Kuya. Sinabi ko na narito na ako sa kwarto ko ngayon.

Nag-impake na rin muna ako. Bahala na. I'm sure Kuya will do something, right? Mag-iimpake ako dahil kay Kuya ako lilipat!

Kalahating oras din ang ginugol ko sa pag-aayos ng aking mga gamit. Bitbit iyong luggage ko at duffle bag, lumabas na ako ng kwarto. I'll just wait for Kuya at the lobby, I guess?

Isang hakbang pa lang ang nagagawad ko nang humambalang si Kuya sa aking harapan.

"Lil sis," tawag ni Kuya. He looks so defeated because of his facial expression. I know my Kuya.

Lumapit pa lalo sa akin si Kuya Beau.

"Let's just reveal it, Paige. Just drop that whole plan and be a Flamma. Bahala na." aniya na tila hindi nag-iisip.

"Kuya, naririnig mo ba ang sarili mo? We came here and do all these stuff tapos babaliwalain na lang natin?" mahina kong tugon.

Kuya Beau took a deep breath out of frustration.

"Hindi ko inasahan 'to. I can't let you be with that man." aniya.

"I know, but—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin nang makita ko ang matipunong si Kairon sa likod lamang ni Kuya. Shit!

"Tss, Santiago. You never give up, huh? Just find another Servitoare. She already signed the paper under my name." baritonong boses ang umalingangaw.

"Paper?!" ani Kuya.

Halos mapapikit ako. Shit? Importante ba iyong pinirmahan ko kanina? Masyado akong napuno ng takot kaya pumirma na lang ako agad!

Tumango si Kairon tapos ay bigla siyang lumapit sa akin para kunin 'yung hawak kong duffle bag pati na rin 'yung maleta kong nasa gilid.

"Let's go, baby girl." aniya.

Continue Reading

You'll Also Like

19.5K 2K 63
KF BOOK 2: SEMI EPISTOLARY Date Ended: November 16, 2022
178K 6.6K 52
Nang malaman ni Erahlyn Rodriguez ang kanyang tunay na pagkatao, unti-unti niyang naramdaman na siya'y nakukumpleto na. Naramdaman niya na ang tunay...
503 78 35
Sabi nila, kapag daw nasa fifteen below ang edad mo ay crush lang ang lahat, paghanga lang kumbaga. Pero kay Reia bakit parang hindi? She fell in lov...
624K 39.1K 58
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...