My Husband is a Mafia Boss

By Yanalovesyouu

210M 4.3M 4.6M

Si Girl - may pagka-childish, slowpoke, exaggerated mag-isip, accident prone, sweet, mabait, super friendly... More

MHIAMB Prologue
Chapter 1 - Aemie
Chapter 2 - Differences
Chapter 3 - Barbie
Chapter 4 - His Eyes
Chapter 5 - Zeke
Chapter 6 - Meet her family
Chapter 7 - The Meeting
Chapter 8 - We're Married
Chapter 9 - First Day (Part 1)
Chapter 10 - First Day (Part 2)
Chapter 11 - First Day (Part 3)
Chapter 12 - Perfect Wife (Part 1)
Chapter 13 - Perfect Wife (Part 2)
Chapter 14 - Endearment
Chapter 15 - Hell Week
Chapter 16 - His Side
Chapter 17 - Honeymoon
Chapter 18 - Away
Chapter 19 - Mafia World (Part 1)
Chapter 20 - Mafia World (Part 2)
Chapter 21 - Business World (Part 1)
Chapter 22 - Business World (Part 2)
Chapter 23 - First Monthsary (Part 1)
Chapter 24 - First Monthsary (Part 2)
Chapter 25 - First Monthsary (Part 3)
Chapter 26 - Her other side
Chapter 27 - Inlove?
Chapter 28 - Threats
Chapter 29 - When she cries
Chapter 30 - Yaji
Chapter 31 - Mafia Boss (Part 1)
Chapter 32 - Mafia Boss (Part 2)
Chapter 33 - Confession
pampam na mensahe ni pamangks
Chapter 34 - The Queen
Chapter 35 - Death and New Beginning
Chapter 36 - Milka Shinize Boulstridge (Shin)
Chapter 37 - Missing ( Part 1)
Chapter 38 - Missing ( Part 2 )
Chapter 39 - The Boss
Chapter 40 - Nightmare ( Part 1 )
A MUST Read (For Aemie and Zeke's Annivesary)
Chapter 41 - Nightmare ( Part 2 )
Chapter 42 - Date ( Part 1 )
Chapter 43 - Date ( Part 2 )
Chapter 44 - Date ( Part 3 )
Chapter 45 - The Plan
Chapter 46 - The Heiress
Chapter 47 - Suspicions
Chapter 48 - Assassin
Chapter 49 - Launching ( Part 1 )
Chapter 50 - Launching ( Part 2 )
Chapter 51 - Fall of the Queen
Chapter 52 - Heartbreaks
Chapter 53 - Devour by grief
Chapter 55 - Yaji and Swansea
Chapter 56 - Mr. and Mrs. Roswell
Chapter 57 - Premonition
Chapter 58 - Mafia War ( Part 1 )
Chapter 59 - Mafia War ( Part 2 )
Chapter 60 - Ferrer-Roswell Nuptial
Epilogue
New Story Alert: MHIAMB S2.5: Undisclosed Period
New Story Alert: Lerwick

Chapter 54 - The past three days

2.4M 59.3K 83.1K
By Yanalovesyouu

Chapter 54 (MHIAMB : The past three days )

 

 

Aemie's PoV

 

Naka-ilang ulit ako sa pagtingin ng relos na suot-suot ko. Hayy. Ang tagal naman nung nurse, diba dapat nandito nay un ngayon? Oras na nang pag-inom ng gamot ni guardian angel ah.

Hindi maalis sa isip ko yung sinasabi ni daddy tungkol sa nangyari twenty years ago, habang ipinagbabalat ko ng apple si guardian angel. "Kumain ka, namumutla ka na" I owe her mommy's life, kaya dapat maging okay sya.

Bumalik ako sa pag-iisip. Roswells daw ang pumatay kila mommy, tita Sylvia at insan. Yan ang sabi ni daddy. Pero kung Roswells nga, bakit buhay pa si mommy at insan? I mean, masyado magulo ang kwento.

"Kailangan na po uminom ng gamot ng pasyente" Dumating na din ang inaantay ko. 

"Ako na magpapainom sa kanya" Hinihintay ko lang sumagot si ateng nurse.

 

"Hindi po pwede--"

 

"I'm a BS Biology student, I have learned about different drugs and its proper intake, so definitely, I can manage this. Ipapainom lang naman 'to sa kanya diba?" Putol ko sa sinasabi nya. Pumayag ka naman ate please, kanina pa ako hirap na hirap dito mag-acting.

Nakahinga ako ng maluwag nung iniabot ni ateng nurse sa akin ang gamot at lumabas sa kwarto.

Pain reliever at Propranolol?

Bakit pinapainom sya ng propranolol? Hinarap ko agad si guardian angel para tanungin. "Do you have history of hypertension?"

"Huh? W-wala naman. Bakit?"

Iniabot ko kay guardian angel ang pain reliever para inumin. Pagkatapos ay nagmadali na akong umalis.

"T-teka Aemie yung gamot pang isa" Pahabol na sabi nya nung paalis na ako.

"Magpahinga ka na."

Umalis na agad ako at pumunta sa rooftop ng hospital.

Kung saan nag-aantay si Zeke.

"Dong!" Tawag ko nung maisara ko ng mabuti ang pinto ng rooftop. Nasaan na naman ba yon?

Hayy! Medyo nahihirapan na ako dito sa mga pinaggagagawa namin ni Zeke. Sya kaya umacting at mang-snob ng mga tao.

"Wife"

 

"Tignan mo tong nakita ko." Iniabot ko sa kanya ang propranolol para makita nya.

"What's this?" Minsan may pagkabobo talaga to si Zeke. Buti nalang kaming dalawa lang ang tao dito sa rooftop. Gamot lang hindi pa alam. Mukha kayang kanin yung binigay ko? Hayy! "Gamot yan dong. Hehe."

 

*glare*

 

*pout*

 

"Tss. I know, I mean what kind of drug is this?"

 

"Sabi sa google para yan sa may mga hypertension. Pero nagko-cause yan ng amnesia pag pinainom sa mga taong galing sa aksidente or trauma"

 

Tumahimik si Zeke na parang nag-iisip. "Ano na gagawin na'tin dong? Hehe" Nae-excite ako na kinakabahan. Kasi minsan di ko alam kung tama ang ginagawa ko.

Pero may tiwala naman ako sa mga plano namin ni Zeke.

-Flashback-

 

Ilang oras kong iniiyakan ang mga nangyari. At nung nagkaroon ako ng lakas ng loob ay kinausap ko si Zeke. "Ikaw ba--Ikaw ba ang gumawa nun kay mommy?" Imposible naman kasing si Zeke. Alam ko talaga at naniniwala akong hindi si Zeke ang gumawa nun kay mommy.

 

Mabilis ang tibok ng puso ko. Natatakot ako sa isasagot nya. "No." Hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin si Zeke nung sabihin nyang 'no'.

 

"N-naniniwala ako sayo Zeke" Kung hindi si Zeke sino? Kailangan kong malaman kung sino.

 

Napabitaw ako sa pagkaka-yakap kay Zeke nung may mapansin akong kakaiba. Hindi ba napapansin ni Zeke yon?

 

Omygod! Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nung may nakita akong lalaki sa likod ni Zeke. Malayo sya sa amin at may hawak na baril. “May problema ba Ezekiel Roswell?” Sinubukan kong tawagin si Zeke sa buong pangalan nya para ma-feel nya na may problema.

 

“N-none” Anong none?! Meron dong! Meron!! Waaaa! Bakit ba ang slow ni Zeke?

 

Hindi ko alam ang isasagot ko. Lalo na nung makita ko yung lalaki na itinutok ang baril sa amin. Pag sumigaw ako baka magulat yung lalaki at barilin kami. Huhuhu.

 

Umalis na ako at naglakad. Yung way ko ay papunta dun sa lalaking may baril. Kaya mabilis syang nagtago nung lumingon si Zeke. “Hindi ka pa ba sasabay sa’kin?” tanong ko. Adik din to si Zeke? Trip nya bang mamatay dito?

 

Hanggang makabalik kaming dalawa ni Zeke sa tapat ng operating room ay iniisip ko pa din kung sino yung lalaki kanina. Sya kaya may gawa nun kay mommy? Naiinis ako. Tapos pati si Zeke gusto nyang barilin? Kung sya nga yon--

 

"Wife, your dad's here"

 

"Dad?" Daddy? E patay na ang daddy ko ah. Omygod! Don't tell me--

 

“Oo Aemie, Si Mr. Ferrer ang totoong daddy mo”

 

“I remember that. Mommy mentioned the word ‘dad’ and ‘alive’”

 

“And this is Amesyl?”

 

“Sorry, pero hindi ako maniniwala hangga’t hindi si tita ang nagsasabi” matigas na sabi ko.

 

“Insan, believe him. Si mommy nagsabi sa’ken”

 

-

 

Nung matapos ang operation ni mommy at maibalita ng mga doktor na successful ang operation kaso comatose si mommy ay tahimik akong umalis para hanapin si Zeke.

 

"Dong!" Tawag ko kay Zeke nung makita ko sya sa rooftop nitong ospital. Ano ba kasi ginagawa nya dito?

 

"W-wife?" Halaaaa! Dali-dali akong tumakbo palapit kay Zeke. Pakiramdam ko kasi ang lungkot ng boses nya.

 

"Umiiyak ka ba Zeke?" Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya at sinubukang tignan at waaaa umiiyak nga! "Bakit ka naiyak dong? May umaway ba sa'yo? O nanood ka ng MMK? Dapat kasi di ka na nanunuod ng mga nakakaiyak na palabas e." Nag-aalalang tanong ko habang hawak ang magkabilang pisngi nya. Waaaa! Grabe! Ayoko nakikitang naiyak si Zeke pati ako naiiyak.

 

Ang dami ng tanong ko pero wala man lang sinagot si Zeke kahit isa. Niyakap nya lang ako ng mahigpit. "Dong ano bang problema mo? Sino ba kasi umaway sa'yo? Nakoo! Wag na wag syang magpapakita sa akin. Siguradong 'who you' sa'ken yon" Hindi pa din nasagot si Zeke. Tuloy-tuloy lang sya sa pag-iyak.

 

-

 

"Waaaa! Sigurado ka ba dyan sa mga sinasabi mo Zeke?" Inexplain sa akin ni Zeke ang tungkol sa mga Swansea. Kung ano ang ginagawa nila sa Roswell at-- "Teka dong! Yung sinasabi mo tungkol sa Yaji. Totoo bang si daddy at mommy ang bumuo non?" Hanggang ngayon kasi hindi padin ako makapaniwala. Si Mr. Ferrer, daddy ko. Tapos boss pa sya ng Yaji.

 

Omygod! Pwedeng-pwede na ako magpagawa ng fansign sa mga members ng Yaji.

 

"Yes. And he will surely take you away from me" Tumigil ako sa pag-iisip dahil sa sinabi ni Zeke. "Bakit nya naman gagawin nyon? Saan naman kami pupunta?" Huminga ng malalim si Zeke at saka tumungo. Hindi na naman nya sinagot ang tanong ko.

 

"Gusto mo Zeke tulungan kita?" Nakangiting tanong ko.

 

"You will? But why?"

 

"Kasi ayokong mangyari sa atin yung nangyari kay mommy at daddy. At isa pa madami ng naaapektuhan." Nginitian ko ulit si Zeke. Sana naman pumayag sya. "K-kanina, nung nasa corridor ng ospital. May nakita akong lalaki na may hawak ng baril na nakatayo sa likuran mo." Hindi ko alam kung bakit ko sinasabi to. Dapat nga hindi ko na sasabihin kasi baka matakot si Zeke.

 

Hindi na naman sumagot si Zeke. Pero feeling ko nag-iisip na sya ng gagawin.

 

 

-

 

"We'll do this together." He smiled at me. Buti naman okay na si Zeke.

 

"Eh? Hindi ba natin isasali sila Kaizer?"

 

"Nah."

 

Hihihi. Nae-excite ako. "Babalik na muna ako sa kwarto ni mommy dong ha? Baka hinahanap na nila ko." Paalam ko kay Zeke.

 

Gulat na gulat naman ako nung bigla nya akong halikan. Ano ba yan! Hindi naman ito first time pero feeling ko first time pa din. "Alright. I love you"

 

"Hehe ba-bye. I love you din." Nginitian ko muna sya bago iniayos ang sarili ko.

 

Magagamit ko na naman ang talent na tinuro ni mommy. Hehehe. Hindi ko ma-express yung tuwa ko nung pumayag si Zeke. Naka-isip din agad sya ng plano.

 

Doon ako titira sa bahay ni daddy kasama ang mga Swansea. Nung una ayaw pa pumayag ni Zeke na doon ako tumira. Pero nag-promise ako na gagalingan ko ang pag-acting kaya napapayag ko din sya.

 

"O insan san ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap ah." may dala-dalang pagkain si insan nung makasalubong ko sya sa corridor ng ospital.

 

Gutom na gutom na ako. Huhuhu. Pero kailangan kong pigilan. Nilampasan ko si insan at diretsong naglakad hanggang makarating sa may pinto ng kwarto ni mommy.

 

"Insan!! Hindi mo pa ako sinasagot! Hindi ka pa kumakain! Aba! Magpapakamatay ka ba? Saksakin na lang kaya kita?" Huwaaaa ang sungit talaga nito ni insan. Kaya ako natatakot sa kanya e.

 

Pumasok na ako sa loob ng kwarto at hindi na lang pinansin si insan. Nasa loob ang mga myembro ng Yaji. Pati si daddy. Si mommy nakahiga pa din.

 

Binati nila ako pero hindi ko inalis ang tingin kay mommy hanggang makaupo ako. Kailan kaya balak gumising ni mommy? Ang dami-dami na nyang tulog. Sobra bang ganda ng panaginip nya kaya ayaw nya gumising?

 

"Aemie, daughter. Dun ka na titira sa mansion" Hindi na ako nagulat sa sinabi ni daddy. Dahil kasama naman talaga yon sa plano namin ni Zeke. At kahit hindi sabihin ni daddy magpi-prisinta akong tumira doon.

 

Pero huwaaaa! May isa pa akong problema. Hindi ko alam kung ano mga sasabihin ko. Huhuhu. Ang sabi pa man din ni Zeke. Mag-ingat daw ako sa mga salitang sasabihin ko dahil baka makahalata sila.

 

Kaya hindi na lang ako sumagot. Mas okay na siguro yon para di ako magkamali. Hehe.

 

"Teka! Paano naman si Ezekiel Roswell kung doon titira si insan?" nagulat ako sa biglang pagdating ni insan. Waaa! Si insan talaga basta-basta nasulpot. "Hindi naman ho sa nangingialam ako. Pero may asawa kasi si insan. Dapat yata itanong nyo muna sa asawa nya."

 

"It's okay insan." Sumingit na ako. Bago pa kung anu-ano idugtong ni insan. Pero tama ba yung sagot ko? It's okay insan? Parang ang tipid.

 

"Oh okay naman daw. We're settled, sa mansion na ng mga Ferrer kayong dalawa titira Aemie at Amesyll" Sabi ni daddy. Umupo naman si insan sa tabi ko.

 

"Ano bang iniisip mo insan? Bakit ka ba doon pa titira? Pati ako nadamay pa!" obvious na obvious ang pagka-irita sa boses ni insan.

 

 

--

 

 

Hindi pa ako nakakababa ng kotse ay natatanawa ko na si Violet Swansea. Katabi si Sabrina Swansea sa may tapat ng entrance ng mansion ni daddy. "Welcome home!" Bakit parang iba naman sya sa kwento ni Zeke?

 

Abot tenga ang ngiti nilang dalawa ni Sabrina. Sinalubong pa nila kami ng yakap. Diba masama sila? Bakit parang ang bait naman nila.

 

"Kumain ka na ba Aemie dear? Or you want me to cook for you?" She's so sweet. Naaalala ko tuloy si mommy sa kanya. Huwaaa huhuhu. Naiiyak na naman tuloy ako.

 

"Magpapahinga na lang ako."

 

"Oh sure darling. Let me guide your way to your room"

 

Pagdating sa kwarto ay gusto kong humiyaw sa sobrang ganda! Pink na pink. Hindi tulad ng kwarto ni Zeke na puro black, white at silver lang ang nakikita ko.

 

Pagkasarang-pagkasara ko ng pinto ay lumundag agad ako sa kama at kinuha ang cellphone ko. Hehe

 

Text : Donggg! Ang ganda ditoooo! Huwaaa!

 

Zeke : I can see that. Literally.

 

Reply : Waaa? Nasaan kaaa?

 

Zeke : Outside.

 

Sumilip ako sa malaking glass window. Pero mahirap tanawin kung nasaan si Zeke kasi sobrang dilim sa labas.

 

Tumalon ulit ako sa kama, nung may kumatok sa pinto kaya at agad na itinago ang cellphone sa bulsa ko "Aemie? Can we talk for a while?" It's Violet. Bagay na bagay talaga sa kanya yung pangalan nya kasi naka-violet din sya.

 

Ang cuteee. Pag bumili ulit ako ng baby papangalan ko 'Pink' hihihi. O kaya 'Magenta' or 'Scarlet' ahmm 'Dandelion' pwede din. Hehe.

 

"Uhh Aemie dear. Alam ko masakit sa'yo ang mga nangyayari. That's why I'm here. You can call me tita Violet or mommy Violet if you want." I clenched my fist pero nakatago naman ang kamay ko sa likod kaya hindi nya makikita. Tama si Zeke, gusto nya maging mommy ko.

 

"I prefer tita Violet"

 

Bigla syang kumuha ng panyo at nagpunas ng mata. Waaaa! Napaiyak ko sya? Huwaaa. Akala ko ba masama sya? Bakit ang bilis nya naman umiyak. "It hurts. Pero okay lang. Sanay naman akong nirereject." Pinupunasan pa nya ang mata nya habang sinasabi yan.

 

"Wag na po kayo malungkot." Waaa patay ako nito kay Zeke. Hindi ako uma-acting ng tama.

 

"It's okay hija." Patuloy ko lang syang tinitignan habang nagpupunas sya ng luha. "Naiintindihan kita hija. I know nag-iisa lang para sayo ang mommy mo. Pero just in case, just in case lang naman na hindi na magising ang mom--"

 

"Get out of my room."

 

"I'm sorry hij--"

 

"Labas"

 

Tumalikod na sya at naglakad palabas ng kwarto at hindi na sumagot pa. Bakit ba kailangan nya pa banggitin yung kay mommy? Bakit kailangan pa nyang ulitin yun? Nakakainis. Lalo na pag-naalala ko ang sinabi ni Zeke tungkol sa kanya.

 

Pagka-kuha ko ng cellphone ay may 4 messages na galing kay Zeke.

 

1st Text : Wife?

 

2nd Text : What the f*ck happened?

 

3rd Text : Aemie

 

 4th Text: In 15 minutes, I’ll get up there If you will not text me back.

 

Reply : Donggg!

 

Zeke : Fck! What happened? Why did you run fast, away from your window?

 

Reply : Dumating kasi si Violet. Hayy. Nakakainis sya Zeke. May binabanggit sya na just in case hindi na daw magising si mommy.

 

Zeke : Tss. Don’t mind her. Sleep now.

 

Reply : Eh ikaw dong? Matulog ka na din.

 

Zeke : I will. I’m leaving. Stop texting and get some sleep. I love you.

 

Ang sungit naman nito ni Zeke. Maka-stop texting *yawn* Sabagay, Inaantok na din naman ako.

 

-

 

Tahimik lang akong nakaupo at nakatingin kay mommy, araw-araw nandito ako sa ospital. Inaantay ko syempre na magising si mommy.

 

"Do you know how much I love your mom?" Dinig kong nagsalita si daddy. Nakaupo lang sya sa may bedside ng hospital bed ni mommy. Ako ba kausap nya? Sinubukan kong sulyapan si daddy sa peripheral vision ko pero kay mommy naman sya nakatingin. Kaya hindi na ako sumagot. Mamaya sabihan pa ako ng feeling close ni daddy. Nakakahiya. Nandito pa naman yung mga members ng Yaji.

 

"I've lost my mind for 20 years. For twenty years I've been a living dead." Anong ibig sabihin ni daddy sa mga sinasabi nya? Twenty years nyang hindi mahanap utak nya? Huhuhuhu. Kawawa naman si daddy. Tuturuan ko si daddy gumamit ng mapa pagka pwede na ako makipag-usap sa kanya.

 

Lalo tuloy akong naiiyak dahil sa sinabi ni daddy. Ikaw kaya mawalan ng utak ng 20 years? Hindi ba nakakaiyak yon? "Twenty years of anguish. Twenty years, ang buong akala ko wala na sya." Nagsimula na ding umiyak si daddy.

 

"Thanks to Violet. That night after Roswell introduced you to me, Violet explains everything. Ipinaliwanag nya sa akin ang ginawa nyang paghahanap sa mommy mo." Si Violet? At--- "Twenty years" Hindi ko namalayan na nabanggit ko pala ang salitang yon.

 

"It was an all-out battle against Roswells. And that time, we have no choice but to run. Magkahiwalay kami ng mommy mo. Pinauna namin silang tumakas with your tita Sylvia. Napag-usapan naming magkita sa dulo ng isang tulay papunta sa kalapit na lungsod. And after the battle, dumiretso ako sa lugar ng napag-usapang tagpuan. Matagal akong nag-antay, sa pag-aakalang dadating sila." Nakikinid lang ako sa kinu-kwento ni daddy. Hindi ko din mapigilang maiyak. Saang libro ba nabasa ni daddy to. Ibang-iba kasi sa mga kinwento sa akin ni Zeke."Until Violet came, ipinarating nya sa'ken ang balita. That your mom, your tita Sylvia, and Amesyl have been killed by the Roswells."

 

Mas lalo na akong napaiyak nung marinig ko ang apelidong "R-roswells?" Tama si Zeke. Kaya naman pala galit na galit si daddy sa Roswells.

 

"I'm sorry daughter. But that's the truth." Lumapit sa akin si daddy at saka ako niyakap. Iyak lang ako ng iyak kasi hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil alam ko ang totoo. At hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya kasi hindi ko alam kung paniniwalaan nya ako. "And now that I have you both, hindi ko na kayo hahayaang mawala ulit." Ngumiti ako kay daddy, pero saglit lang dahil tumayo na ako para umalis.

 

Halos magkasunod lang kaming lumabas ni Meisha

 

"Miss Aemie"

 

"Kamusta na po?"

 

"Ma'am Aemie"

 

"Yo Aemie"

 

Binati ako nila Kaizer, Vash, Sebastian at Jacob pag-labas ko ng kwarto ni mommy pero hindi ko sila pinansin.

 

Dumiretso ako sa rooftop. Sa loob ng tatlong araw, dito kami nagkikita ni Zeke. Feeling ko nga secret agent ako e hehehe.

 

Parang may mini-office na si Zeke dito. Ang cute kasi navi-view nya sa laptop nya kung ano ang nasa cctv nitong ospital.

 

"What happened, wife? Did you cry?" tanong ni Zeke habang papalapit sa akin pagkadating ko sa rooftop.

 

"Si daddy kasi dong. Nagkwento sya. Ang sabi nya Roswells ang pumatay kay mommy, insan at tita Sylvia. Buhay pa naman si mommy at si insan ah." Napaka-tsismosa naman kasi ni Violet. Mali-mali naman ang kwento kay daddy.

 

"And Roswells didn't do such thing"

 

"Alam ko naman yun dong. Eh pero pano ko sasabihin kay daddy? Mukhang naniniwala sya talaga kay Violet."

 

"How's Fauzia Arcadia?" Tanong ni Zeke.

 

Omygod!

 

"Hindi ko pa pala sya nabibisita! Huwaa! Mamaya pupuntahan ko sya. Pero pa-fb muna hehe" Tumakbo ako papunta sa laptop para mag-facebook. Hehe. Nag-ooffchat naman ako kaya hindi malalaman nung iba na online ko.

 

Umupo sa tabi ko si Zeke at pinanuod lang ang ginagawa ko. Hayy. Bakit ba ang bagal mag-load ng facebook ngayon?

 

Sa sobrang bagal ng internet ay naisipan kong i-click yung screen ng mga camer--

 

"OMYGOD! Zeke tignan mo! Sila kuya Ken!"

 

Si kuya Ken, kasama si Fiona at ang hindi ko kilalang lalake. Bakit sila nandito? Bibisitahin ba nila si mommy?

 

"They're up to something."

 

"Eh? Ano naman yung something na yun Zeke!? Nai-chika ba sa'yo?"

 

"I don't know, wife. Let's go down and find out." Ngumiti ako ng malapad nung hinawakan ni Zeke ang kamay ko at saka kami nagmadaling bumaba. Yii. Adventure! Excited na ako. Hehehe.

 

Mula rooftop ay dumaan kaming dalawa sa fire exit ng hospital. Malapit sa fire exit ang tinigilan ni Kuya Ken, Fiona at nung lalake.

 

Hindi ko masyadong pinakinggan ang sinasabi ni Fiona kay kuya Ken dahil nakatingin ako sa gamot na ibinigay nya sa nurse.

 

Ano yung gamot na ibinigay ni kuya Ken? "Dong may gamot na binigay si kuya Ken sa nurse." Bulong ko habang nakasilip sa may pinto ng fire exit. Buti hindi nila kami napapansin dito.

 

Napatakip ako ng bibig sa mga sunod kong nadinig.

 

"Todasin na lang kaya natin si Arcadia"

 

"Sumunod na lang tayo sa plano ni Violet"

 

"Tss. Bahala ka."

 

"Zeke! Si guardian angel daw papatayin! Ano na dong? Ano na gagawin natin?" Sumisilip-silip pa ako sa pinto dahil baka may makakita samin ni Zeke. Pero at the same time kinakabahan ako.

 

"I'll deal with the guy." Paalis na si Zeke pero pinigilan ko. "Sama ako *pout*"

 

"Tsk. Have a minute with Blood, wife. So he won't notice me."

 

"Sige pero itext mo sa'ken kung nasaan ka ha? Susunod ako okay dong?" Tumango si Zeke at sabay kaming lumabas ng fire exit. Sinundan nya yung lalake, ako naman pumunta kay kuya Ken.

 

"M-miss Aemie" Gulat na gulat si Kuya Ken nung humarap sya sa'ken. Tinitignan ko lang kasi sya sa mata. Sobrang lapit ko din sa kanya. Siguro naman hindi na nya mapapansin si Zeke sa ginagawa ko.

 

"Sinong binibisita mo dito?" Tanong ko sa kanya. Gusto pa sana itanong kung anong gamot ang binigay nya sa nurse.

 

"Uhh--I-ikaw sana" Sabi nya.

 

Ako? Adik ba to si kuya Ken? Bakit nya ako bibisitahin e wala naman akong sakit?

 

Pero wait! Naka-one minute na yata ako no? Hehehe.

 

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad paalis. Kaso sumunod pa si kuya Ken.

 

“Bakit mo ako tinitignan?” Tanong ko kay kuya Ken habang hinahanap kung saan nagsuot si Zeke. Kinakabahan kasi ako baka mamaya nakakahalata na sya sa'ken. Pero feeling ko naman effective talaga akong actress. “Kaibigan ka ni Ezekiel diba?” Tanong ko ulit.

 

Nasaan ba si Zeke?! Huwaaaa!! Ang dugaaa! Sabi ko sasama ako eh!

 

Nasa tapat na kaming dalawa ng elevator. Ang tagal namang bumaba nitong elevator. "Tinatanong kita" Tanong ko ulit kay kuya Ken. Bakit ba ayaw nya kong sagutin? Hindi ba nya kilala si Ezekiel? Pano pa kaya kung Zeke ang sinabi kong pangalan. "Kaibigan mo si Ezekiel?"

 

Nung bumukas ang pinto ng elevator ay pumasok na agad ako. "Yup. Noon. Wala na kami communication ngayon."

 

"You should be thankful" Feeling ko kasi hanggang ngayon kaibigan pa din ang turing sa kanila ni Zeke.

 

"Teka sandali! Kumain ka na ba? Gusto mo ba ko samahan mag-dinner?"

 

Waaaa?! Lampas one minute na nga ako dito e. Tapos mag-didinner pa. Huhuhu. Hindi pwede!

 

"May gagawin pa ko." Nung sumara ang elevator ay tinext ko agad si Zeke at tinanong kung nasaan sya.

 

Zeke : Morgue

 

Bakit nasa morgue si Zeke?! Waaa! Gusto kong pabilisin ang andar ng elevator dahil hindi ko alam kung ano ginagawa ni Zeke doon.

 

Diba mga patay ang nasa Morgue.

 

Omygod! Patay na si Zeke? Waaaa! Huhuhuhu! Sabi ko naman kasi sasamahan ko sya eh. Bakit hindi man lang nya ako naantay? Bakit sya namatay agad? Huhuhuhu.

 

Nagdadalawang isip pa akong pumasok ng morgue. Baka kasi may mga multo akong makita sa loob. Pero pumasok pa din ako at--

 

"Zeke!" Nakatayo agad sya sa harap ng pintuan ng morgue kaya niyakap ko sya "Huwaaa pinakaba mo ako akala ko patay ka na. Bakit ka ba nandito kasi sa morgue?"

 

"Pfft. Tanga! May patay bang nagte-text?"

 

Eh?

 

Oo nga no! Nagreply pa si Zeke sa'ken na nasa morgue. "Eh bakit ka ba kasi nandito? Nagfi-feeling patay ka--mmm" hindi natuloy ang mga sasabihin ko nung tinakpan ni Zeke ang bibig ko.

 

"I'll kiss you if you will make a noise." Eh? Bakit? Sinubukan kong sulyapan ang mga nakahiga sa mga lamesa. Kahit madilim nakakatakot. "Magigising ba sila pag nag-ingay ako?" Bulong ko kay Zeke nung tanggalin nya ang kamay nya sa bibig ko. Waaa nakakatakot naman pala dito. Huhuhu. "Lerwick's here. He followed you."

 

Sumilip ako sa maliit na glass ng pinto nitong morgue. Omygod! Nandoon nga si Sebastian.

 

"Dong baka pumasok din si Sebastian dito."

 

"They must not know a thing"

 

"Eh ano na gagawin natin Zeke?"

 

"Go straight to Arcadia's room, wife. It's almost time for her medicine"

 

"Eh pano ka?"

 

"I will be waiting at the rooftop"

 

-PRESENT-

 

May hawak si Zeke na piece ng chess. Ako naman nakaupo lang sa may tabi nya at pinapanuod sya. Pwede pa lang maglaro ng chess mag-isa?

 

"Your father will give you an annulment paper soon, wife."

 

Eh? Ano? Annulment? "Diba pag kasal lang yon dong? Bakit ako bibigyan ni daddy non? Eh hindi naman kami kasal." Medyo lumayo pa ako ng kaunti kay Zeke. Baka mamaya may sira lang sa ulo to si Zeke kaya nya nasasabi yon. Hindi natin alam diba?

"Tss. Stupid. I was the one who gave that. I filed an annulment paper." Nakaramdam ako ng lungkot sa sinabi nya.

 

"Waaaa! Bakit? A-akala ko ba okay tayo Zeke. Pasabi-sabi ka pa ng I love you tapos pa-i love you too, i love you too pa ako tapos magfa-file ka ng annulment. Bakit-awww!" *pout* Huhuhuhu. Ano akala nya sa’ken slow? Hindi ko mage-gets na---

"I love you. But we can't save Yaji and Roswells if they knew that we on the first place are married. We need to do this to defeat Violet and the rest of the Swanseas, wife. We need to play the game she’d started."

 

Sinusubukan kong isipin kung ano yung sinasabi ni Zeke. Pero feeling ko kailangan ko na namang magtanong mamaya sa google. Para kasi akong naglalaro ng puzzle pag kausap sya. Masyado magulong kausap. Hayyy.

“Are you still with me?” Natigil ako sa pagkukutkot ng kuko ko nung nagsalita si Zeke. “Eh? Hehehe. Oo naman dong” *pout*  Hindi ko naman kasi talaga ma-gets ang sinasabi nya. Sabi ko naman kasi isali na namin sila Sebastian, baka ma-gets pa nila.

“You have the power to start the battle with us. And that’s what you’re going to do, wife”

Ano daw?

“Kayo? Eh bakit ko naman gagawin yon dong? Eh diba magkakampi tayo? Bakit kita aawayin? Waaa ayoko!”

 

“Pfft. It’s for the show. Just pretend that you’re an alliance of Swanseas.” Napataas ang isang kilay ko nung kumindat si Zeke. Mukha ba akong venetian blinds kaya nagpapa-cute sa akin si Zeke? Pero wait—“Eh lugi naman ako sa inyo Zeke. Maduga! Ang gagaling nyo kaya makipag-barilan” Huhuhu. Hindi ba pwedeng magbato-batopik para makapili ng kakampi? Pero sabagay, magaling din naman mga kakampi ko ah. Nandoon si Meisha, Spade, Tristan at Cassandra. Hihihihi. Omygod! Nakaka-excite to. “Pfft. We will not hurt you, and the Yaji. So stop whining”

 

“Hehehe. Hindi na dong! Okay na.” Sino kaya una kong babarilin sa Roswells?

“Wife”

 

“Dong?”

 

“I’m getting scared with your smile. What are you thinking exactly?”

 

“Eh? Iniisip ko lang naman kung sino una ko babarilin sa inyo—AWW! Ikaw kaya unahin ko Zeke!” Waaa ang sakit talaga mamitik ni Zeke sa noo.

*glare* “You didn't get my point.”

 

*pout* “Na-gets ko dong! Ikaw ang hindi naka-gets. Diba sabi mo maglalaro tayo at magkakampihan. Kampi kami ng Yaji. Kampi mo Roswells tas magbabarilan tayo.” Halos sumigaw na ako sa pag-eexplain para naman magets ni Zeke.

“Damn!”

 

 

A/N

Hi kay mommy Chona Poneles ni bby vee *O* Yii~

Hi operators, tweetmins, readers and silent readers pati mga nasa bakasyon ngayon~ lovesyouuu :*

Continue Reading

You'll Also Like

59.8K 2.8K 36
Wattpad Reader ka ba? Basahin mo ito. Baka sakaling maka-relate ka..
2.1K 108 82
"PITUMPUT-PITONG TULA,IKAW ANG PAKSA (muling pagbuhay ng talinghaga) Nabuo itong istorya dahil sayo Pitumput-pitong sigundo ,minuto,oras,araw,gabi An...
389K 5.3K 53
Dream or Love? Playing relationship is difficult. You or Him? Paano isang umaga gigising ka na lang nasa loob kana ng bilanggoan? All accusations are...
26K 519 13
A love to die for... and to live for... What if your one and only chance to live means the death of your one true love? Nang ma-comatose si Lance mat...