Maybe It's You~

By NeomiSurtida

3.2K 301 29

Tungkol ito sa isang taong TORPE. Na hindi niya kayang ipagtapat ang kanyang nararamdaman para sa taong mahal... More

PROLOGUE ♥
Chapter 1: First Day
Chapter 2: Hi/Hello
Chapter 4: J.J.C. Group
Chapter 5: Ako nagbigay nun!
Chapter 6: Torpe.
Chapter 7: MacMac! >_<
Chapter 8: Lugaw
Chapter 9: Dream
Chapter 10: Suprise (Ready)
Chapter 11: Rajah Soliman University
Chapter 12: Alarm Clock
Chapter 13: Unknown Letter
Chapter 14: What? Si Valery?
Chapter 15: Hi Valery
Chapter 16: Ang Ganda Mo!
Chapter 17: What is the meaning of MATH?
Chapter 18: In Gym/In Hospital
Chapter 18.5: In Hospital
Chapter 19:
Chapter 20:
Chapter 21: The Kilig Banat's
Chapter 22: ♥/♥/♥/♥
Chapter 23: What's S.G means?
Chapter 24: Rain
Chapter 25: Wag na baka maging bagyo

Chapter 3: Unggoy!

161 15 0
By NeomiSurtida

Greet ko lang si June Torres. Hi/Hello. Thanks for inspiring me. Echos! Hahaha! :D

**

JACOB's POV

Nang mag-bell pumunta na muna ako ng Canteen para bumili ng snacks ko. Para kapag napagod akong hanapin ang dorm ko, may kakainin ako. Nagsimula na akong maghanap, nang makabili na ako ng snacks. Mga ilang sandali, nahanap ko na agad ito. Hindi pala ako nahirapan. Hehehe. Sa loob na lang ng dorm ko ito kakainin. Kumatok na ako sa pinto.

"Tao po?" Sabi ko na, kumakatok sa pinto.

"Bukas yan, pasok na lang." Sabi niya na mukhang busy siya sa mga ginagawa niya.

Binuksan ko na yung pinto at pumasok na. Nilapag ko na yung bag ko sa sahig at nagpakilala sa kanya.

"Good Morning. Ako nga pala si Jacob Kelmi Sumda. Ikaw?" Mukhang seryoso ito sa pag-aayos ng gamit niya.

"Marlon De Guzman." Inalis ko muna yung uniform ko at tinupi ko muna ito. Baka kasi malukot.

Walang nagsasalita sa aming dalawa. Nag-ayos na lang ako ng mga gamit ko. Para ilagay sa cabinet na malapit sa dobledeck bed na ito.

Tumayo si Marlon at may binigay a akin. "Oh bro!" Sabi niya sabay abot ng softdrinks na nasa bote.

"Salamat" Sabi ko naman.

Wala na akong masabi kundi yun lang. Humiga na ako para matulog dahil may mamaya, may sub. pa ako. Nagtakip na ako ng unan, nang magtanong siya.

"Bago ka lang ba dito sa School?" Inalis ko ang unan na nakatakip sa akin.

"Oo, bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Ah. Ganun ba?" Umakyat na siya sa taas.

"Bro. pwedeng magtanong?" Sabi ko.

"Nagtatanong kana nga eh. Sige ano ba tanong mo?" Sabi niya na dumangaw sa akin.

Umupo muna ako. Para tanungin ko sa kanya kung paano nga ba. Di ko kasi alam ang gagawin ko. Mukhang may Gf kasi ito eh. Kaya natanong ko na lang.

"Paano ba sabihin ang nararamdaman mo sa isang babae?" Ako.

"Madali lang naman. Ang gawin mo ay tapatin mo yung babae para maipagtapat mo." Sabi niya.

"Pero kung hindi kaya?" Ako.

"Tss. Di na yata pwede yun? Kailangan mong lakasan loob mo para sabihin sa kanya. Torpe ka no?" Siya.

"Hindi no. Nagtanong lang ako. Sige bro. Matutulog na ako." Sabi ko nang palusot.

"Sige."

Ang bilis ko namang mainlove. Di ko alam kung bakit ako nainlove agad dun kay Shairalyn. Haay. Ang buhay nga naman parang life. Hehehe.

**

SHAIRALYN's POV

"Ahm. Aishin? Gising kapa ba?" Tulog na yata ito. Pupunta na lang ako ng Garden at magpapahangin. Di ako makatulog. Sa mga sabi sabi, kapag hindi daw makatulog ang tao. May nag-iisip daw sa kanya. So hindi ako makatulog, ibig sabihin may nag-iisip sa akin? Oh Echos nga lang? Hahaha!

Nandito na ako sa Garden nakaupo sa lapag. Ang sarap ng simoy ng hangin. Sana nagdala ako ng unan. Para dito na lang matulog. Nag-unat unat ako, at nag inhale exhale. Ang sarap ng simoy ng hangin.

"Ang sarap naman dito. Gusto ko matulog dito." Sana talaga nagdala ako ng unan. Kaso bawal yatang matulog dito?

"Oo Miss masarap matulog dito." Bigla ako nagulat sa nagsalita. Hinanap ko yung nagsalitang yun. Pero di ko siya makita.

"Haay. Ano yun? May multo ba dito? Siguro guni-guni ko lang ang mga iyon?" Tumayo na ako at babalik na sa dorm ko. Baka kasi kung ano meron na dito.

Napahinto ako nang may narinig akong bumagsak. Di ko alam kung ano yun.

"Miss. Walang multo dito. Sadyang di ka lang talaga marunong maghanap." Lumingon naman ako sa kanya na parang galing siya sa puno at bumaba.

"S--sino ka naman?" Tanong ko na nakatingin sa kanya.

"Ako nga pala si Jake Mel Reyes." Nilahad niya ang kanyang kamay na makikipagshakehands. Sasabihin ko na ba pangalan ko? Eh ngayon ko lang naman siya nakita eh.

Makikipagshakehands ba ako dito o hindi? Kasi di ko naman talaga siya kilala eh. Ay bwisit. Kaya nga pala siya nagpapakilala.

"Ahm ano. Kilala ba kita? Kailan tayo nagkita? Saan tayo nagkita?" Di ko alam kung bakit ayan ang natanong ko sa kanya. Basta ayan ang nilabas ng bibig ko eh. Ewan ko ba sa sarili ko.

"Tss. Miss may sayad kaba? Oh talagang ganyan ka lang mgsalita?" Binaba na niya ang kamay niya na sana makikipagshakehands sa akin.

"Alin ang totoo?" Dagdag pa niya.

Bwisit sa Garden, peste sa garden, unggoy sa garden. Oh I see? May unggoy pala sa garden. Ngayon ko lang nalaman. Haynako -.-"

"Wala. Ano ba kailangan mo? Ano ba yun?" Bwisit kasi eh. Nakakasira ng Garden ng buhay ko.

"Kailangan ko ay ikaw. Pwede bang manligaw?"

"Ano-- Woah? Anong sabi mo?"

"Sabi ko pwede bang manligaw?"

"Bakit sino kaba para sabihin yan? Tsaka hindi pa kita gaanong kilala. Bakit ba ha?" Umupo na muna ako sa lapag dahil ako'y napapagod na. Tss Nakatayo ba naman? Kanina pa kami este ako nakatayo na kausap itong unggoy na ito.

"Bakit ang sungit mo? Akala ko mahinhin ka magsalita. Maamo lang pala mukha mo." Umupo din siya na tinitignan ako.

"Alam mo bang isa kang unggoy na panira sa garden dito? At alam mo bang ngayon ko lang nalaman na may unggoy pala dito sa garden." Tumingin naman ako sa kanya. Tss panira talaga. Haays.

"Alam mo Miss? Maganda ka naman eh. Pero bakit ang sungit mo? *wink*"

Pesteng unggoy ng garden. May pawink wink pang nalalaman.

"Eh bakit kasi unggoy ka?"

"Eh bakit ba kasi may unggoy dito sa garden?" Dagdag ko. Haays. Haha! Akala niya hindi ko siya papatulan?

"Eh kasi dito na ang tambayan ko. At gusto kong umakyat ng puno para lasapin ang simoy ng hangin." Sabi niya ng nakangiti.

"Tss. Siguro marami ka nang naligawan dito? Tama ba? Isa pa ayoko sa mga ganun. Baka kung ano pa ang magawa ko sa kanila."

Ano ba yan. Nanaginip ba ako? Kung nananaginip ako, sana naman gisingin niyo na ako. Please lang please.

"Sana naman nananaginip ako." Ayoko na dito! Ano ba itong napasukan kong panaginip? Haays.

"Kung panaginip ito. Hindi kana magigising dahil nandito kana sa loob ng puso ko at hindi na makakawala pa." Nakatingin pa din siya sa akin.

Ewan ko ba. Nararamdaman ko ang pamumula ng mukha ko. Parang apple na pula. Bwisit!

"Oh? Bakit ka namumula? Siguro sign na yan para kiligin ka? Bakit mo kasi pinipigilan ang sarili mong kiligin. Baka mamaya niyan eh makalbo mo na ang damo sa sobrang kilig mo?" Binubunot ko kasi ito dahilan ng inis ko dito! At namumula ako dahil naiinis na talaga ako sa kanya.

Tumayo ako para makaganti ako sa kanya.

"Ikaw unggoy! Namumula ako dahil naiinis ako sayo! Ikaw unggoy binubunot ko ang damo dahil naiinis na talaga ako!" Sabi ko sa kanya na tinuro tinuro siya. Tapos siya naman ay nakaupo lang.

Hinatak niya ako para makatayo siya ero di ko nakayanan dahil ang bigat niya. Kaya ang naging ayos namin ay nakahiga siya at nakapatong naman ako sa kanya. At nagtitigan lang kami.

Namumula talaga ang mukha ko. Di ko alam ang sasabihin ko. Shemays.

Dali dali akong tumayo. Dahil parami na ng parami ang students na nakatingin sa amin. Grabe.

"Tignan mo sila? Dito pa sila nag-aanuhan. Tsaka tignan mo yung lalaking yun? Diba si Jake Mel Reyes yun? Ang sikat na lalaki dito sa School?" Sabi ng babae.

Waaa! Gusto ko mag-explain sa kanila. Baka di nila ako paniwalaan. Kasi naman itong lalaking ito eh! Kakainis!

"Oo nga. Tsaka parang bago lang yung girl. Eh napaka ano na niya. Iww." Sabi naman ng isa.

Tumakbo na ako at pumasok na ng dorm ko. Naluluha ako. Humiga ako sa bed ko at nagtakip ng unan.

"Tama nga sila bago palang ako dito sa school na ito. Pero di ako yung babaeng na inaakala nila. Gusto ko  sana magpaliwanag. Baka hindi nila ako paniwalaan. Huhuhu."

Dumungaw naman sa akin si Aishin. Siguro naabala ko siya sa pagtulog niya. Pero masakit talaga yung inakala ng mga students na yun sa akin.

"Bes umiiyak kaba? Bakit ha? Ano yung problems mo? Dont worry mapagkakatiwalaan ako. Promise."

"Aishin. Hu-hu-hu. Kilala mo ba si Jake Mel Reyes? Sikat ba siya dito?" Inaalis ko na yung unan ko sa mukha na nakatakip. At umupo ako sa kama ko.

"Bes? Are you sure? Si Jake nakausap mo? Oo sikat dito sa school yun. Bakit ano ginawa mo ah?"

"Waaa. Bes I dont wanna see him kahit kailan!" Nakakahiya talaga yung kanina. Huhuhu.

"Bakit ano ba sinabi sayo ha? Ano ba kasi ginawa mo ha?"

Kinuwento ko sa kanya yung nangyari at tapos nun ay parang gulat na gulat siya.

"Woah Bes? Totoo ba yun? Alam mo. Ikaw pa lang ang nakakausap niya. Alam mo bes ang swerte mo. Ako nga di pa ako nakakahawak sa kamay niya eh."

"Bes! Hindi ako maswerte! Ang yabang niya kaya! Ayoko sa kanya bes! Napahiya ako kanina! Gusto ko sanang magpaliwag sa mga nakakita sa amin."

"Baka.... baka hindi nila ako paniwalaan." Nakakainis talaga. Ano na ang gagawin ko? Waaaa.

"Talaga bes? Ang gwapo niya nga eh. Maganda ka naman eh. Kaya pwede naman kayo at bagay naman kayo eh."

Kumuha ako ng tubig sa ref. at ininom ko para tumigil na ako sa kakaiyak ko. Baka mapaghalataan pa ako eh.

"Tss. wala akong pakialam sa kanya! Nakakainis talaga!"

"Kyaaaah! Bessy ang haba talaga ng hair mo. Hahaha!"

"Bes naman e. >.<"

"Ayaw mo nun? Haba ng hair mo bes. Shampoo ba ng kabayo ang gamit mo?"

"Hindi. Nagrejoice kaya ako."

Eh may pagkamakulit pala itong si bes. eh. Ayos na yun para sa akin basta tunay naman siyang kaibigan.

"Pagamit naman ako bessy! Para haba ng hair sa akin na ang korona."

"Alam mo bessy? Bili ka na lang, kaysa sa manghiram kapa." Biro ko.

"Ito naman. Shampoo na lang ng kabayo ang bibilhin ko para di lang korona. Kundi ang isang maging reyna ng mundo!" Sabi niya with actions na tinaas ang kamay.

"Valew! Hahahaha! Pwede mangarap, barya lang po sa umaga."

"Hahahaha! Ewan ko sayo."

Ang saya pala niyang kasama. Sana maging close pa kami lalo.

**

JAKE's POV

Hinila ko siya para makatayo ako. Pero hindi niya nakayanan kaya bumagsak siya sa akin. Ang ganda niya kaso masungit eh.

Ang daming nakatingin sa amin. May nagbubulung bulungan pero di ko marinig kasi dumadami na sila. Tumayo naman agad yung babaeng yun at tumakbo. Siguro naman nahiya siya?

Hahaha! Ang ganda niya talaga. Pero di ko alam kung ano pangalan niya eh.

"Dude! Nakascore ka sa babaeng yun ah? Maganda naman siya. Bagay kayo." Sabi ng kaibigan ko.

Siya nga pala si Josh Paul Yap. Ang mahilig sa chicks este sisiw. Yun na din yun eh. Haha!

"Oo nga bro! Ang ganda nga. Ano ba pangalan? Mukhang bago siya dito ah?" Sabi naman ng isa pang kaibigan ko na si Carlo Renz Tim. Ang tawag nila sa amin "J.J.C Group".

"Oo nga. Tinamaan agad ako. Sabi ba naman sa akin. Unggoy daw ako? Bago nga lang siya dito sa school." Sabi ko at umakbay sa kanila.

"Hoy dude baka mapaghalataan ka!" Josh.

"Hahaha! Matagal na siyang ganyan bro. Kaya pagbigyan at sakya--Aack! Bakit ka namamatok?" Carlo.

"Gusto mo isa pa? Hahaha! Trip ko lang. Ikaw Josh? Gusto mo mabutukan?"

"Hindi ayoko."

"Tss. unfair bro! pabatok ka Josh para masa--Aack! Bakit ba ako lagi ah?"

Hahaha! Natutuwa lang talaga ako sa kanya. Sarap gawing punching bag.

"Trip ka dude? Hahaha!" Josh.

"Medyo natuwa lang ako. Sarap gawing punching bag eh."

Pumasok na kami sa dorm. Para makapagpahinga. Siguro nga pagod ako kaya napagtripan ko yung babae kanina. Maganda talaga siya. Pero di maiiwasan ang pagkamasungit niya. Yun ang type ko. Hahahaha!

---

Abangan...

Ano pong masasabi ninyo sa part na ito? Dont forget to VOTE and COMMENT :)

NeomiSurtida.

@SurtidaNeomi

2014. All rights reserved

Continue Reading

You'll Also Like

176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
78K 5K 14
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
1.8M 75.9K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
5.4M 275K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...