The Virgin's First Night 9: U...

By BonitaBabyy

105K 2.5K 375

Vodka Janice De Vera story. More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9

Chapter 6

5.9K 184 11
By BonitaBabyy




           

Chapter 6

Sa kakaisip sa mga sinabi ni Sir Pasco ay nawala sa isip ko na Sabado nga pala kinabukasan. Imbes na tanghali akong gigising ay gumising pa rin ako ng alas sais ng umaga. Ayoko pa man ding naabutan si Mommy na nagyoyoga sa may labas ng bahay namin malapit sa may pool. Kahit labag sa loob ko ay pinipilit niya akong sumama sa pagyoyoga niya. Ang sakit sa katawan! Hindi pa man din ako flexible na tao.

"Wala ka man lang puwet! Mag squats nga pagkatapos nito." sabay palo pa ni Mommy sa puwet ko habang ako naman ay pilit na inililiyad ang katawan ko. Parang hindi na yata yoga ang ipinapagawa sa akin ni Mommy, parang ballet na siya.

"Jusmiyo, Vodka! Ang tigas-tigas ng katawan mo! Kaybata-bata mo pa!" halos batukan na ako ni Mommy nang naunahan niya pa akong mag split. Hindi ko naman kasi gusto 'to! Mapupunit na yata ang singit ko kapag pinilit ko pa yung joints ko na makapag split. Hindi naman kasi ako member ng Sexbomb dancers!

"Alam mo bang maganda sa isang babae kung flexible siya?! Flexible ka sa kahit anong posisyon!" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Mommy.

"Mommy!!!" sita ko sa kanya habang siya naman ay inirapan lang ako.

"Ang bastos ng utak mo anak, ah! Wag kang ganyan! Sinasabi ko lang naman na dapat komportable ka sa kahit anong posisyon saka iwas rayuma na din. Look at me! May apo na ako pero daig pa kita! Nakakapag split pa ako. Kaya baliw na baliw sa akin ang Daddy mo." napabuga na lang ako ng hangin at umupo na lang sa may yoga mat.

"Mommy naman eh!" sita ko ulit sa kanya pero hindi pa rin nanuluyang manahimik si Mommy.

"Eto naman kasi walang kalandi-landi sa katawan!" habol pa niya at napatawa na lang siya nang ngumuso ako. Kahit kailan talaga 'tong si Mommy! Pero aaminin ko na si Mommy ang nagbibigay buhay sa bahay namin kahit na madalas ay nagger siya. May pagka komedyante kasi si Mommy at sa tuwing nakikita akong tumatawa si Daddy sa mga hindi naman nakakatawang jokes ni Mommy ay napapatawa na lang din ako.

Ang daya talaga ni Ate! Simula dati pa ako na lang palagi ang isinasali ni Mommy sa mga ganitong bagay. Natatakot daw siyang baka tomboy ako kaya ginagawa niya lahat para maging feminine ako. Feminine naman ako ah? May mga bagay lang talaga na hilig ko kagaya ng mga lumang sasakyan at mga motor. Suportado naman ako ni Daddy sa bagay na iyon.

Sa buong maghapon ay nagbabad lang ako sa internet at pakikipag chat sa mga kaklase ko tungkol sa kanya-kanyang OJT namin. May ilan kasi akong mga kaklase na nagkasama-sama sa isang kompanya samantalang ako ay nag-iisa lang sa Phoenix Enterprises.

Gusto ko sanang sumama sa kanila ngayon dahil nagka-ayayaan silang manood ng sine ngunit hindi naman ako pinayagan ni Daddy. Aniya ay may pupuntahan daw kaming isang party mamayang gabi. Nabanggit pa niya na naroon ang may ari ng Distelleria de Villacorte na matagal na niyang gustong makilala. Maganda rin sana kung namana ko kay Daddy ang pagkahilig niya sa alak pero si Ate ang nakamana niyon sa kanya.

"Vodka Janice! Are you done?" sigaw ni Mommy sa labas ng kwarto ko. Kanina pa siya nag-iinsist na siya na lang ang mag-aayos sa akin dahil wala daw siyang tiwala sa kakayahan sa make-up skills ko at mas lalong wala rin siyang tiwala sa fashion sense. Aniya ay isang fashion terrorist daw ako sa pamilya namin.

"Wait lang po!" balik sigaw ko naman habang natataranta. Si Mommya ang naghanda ng susuotion kong dress. Semi-formal lamang ang party kaya naman isang royal blue off-shoulder dress ang suot ko ngayon. Hapit na hapit ito sa baywang ko, sinadya siguro 'to ni Mommy para hindi ako makapag extra rice mamaya. Aniya ay hindi naman daw pagkain ang ipinupunta namin sa isang party. Eh bakit may mga pagkain pang mga nakahanda? Nasasayang lang tuloy!

Nang hindi na makapaghintay si Mommy ay walang paalam na niyang binuksan ang pinto ng kwarto ko. Napasinghap pa si Mommy sabay iling. Agad niyang idiniin ang palad niya sa magkabilang pisngi ko. Aray ko po! Pinapantay niya yata ang blush on sa mukha ko. Bahagya rin niyang sinuklay ang mahaba at kulot kong buhok. Kumunot ang noo ko nang magpalinga-linga siya sa closet ko at sa lagayan ng mga sapatos ko. Pinagmasdan pa niya ang paa kong nakayapak.

"Anong ipapares mo diyan sa dress mo?" sasagot na sana ako nang inisa-isa niya ang mga sapatos ko na siya rin naman halos ang bumili. Kung hindi pa ako ibili ni Mommy ay hindi ako magkakaroon ng mga ganoong sapatos.

"Oh my God! Oh my God!" nanginginig pa ang mga kamay ni Mommy habang hawak-hawak ang isang pares ng sapatos. Ang OA na sana niya sa paningin ko kaso iyong hawak pala niyang sapatos ay iyong ibinigay sa akin ni Sir Pasco kahapon. Hindi ko pala siya naitagong mabuti! Pinag-iisipan ko pa naman kung ibabalik ko ito sa kanya o hindi. Kumikislap pa yata ang mga mata ni Mommy habang lumalapit siya sa akin.

"Where did you get it?! Ang ganda talaga nitong Valentino Blue Rockstud Pumps!" Huh? Ano daw? Ang haba-haba naman ng pangalan ng sapatos na iyon. Heels lang naman!

"Binili mo ba 'to?" umiling pa si Mommy na para bang mali ang tanong niya.

"Ay hindi! Sino pala ang nagbigay sayo nito? There is no way na ikaw ang bumili nito! Size ano 'to, nak?" at may balak pa yatang hingin ni Mommy sa akin nito. Agad kong kinuha ang sapatos sa kanya at isinuot ito. Mas mabuti nang isiuot ko ito bago pa ito tuluyang hingin ni Mommy. Sabi na nga at magiging ganito ang reaksyon.

"Bigay lang 'to ni Kuya Ivan! Regalo daw nila ni Ate Ja sa akin." pagsisinungaling ko. Mamaya ay itetext ko si Ate para naman kapag nagtanong si Mommy ay alam niya ang isasagot niya. Palagi ko namang siyang pinagtatakpan kaya dapat lang na bumawi siya sa akin ngayon. Sana lang ay hindi na rin magtanong pa si Ate Ja.

"Weh? Di mo pa naman birthday! Damot nito!" nang maisuot ko na ang sapatos ay pinasadaan ako ni Mommy ng tingin at mukhang nakuntento naman yata siya sa hitsura ko.

Naunang lumabas si Mommy habang ako naman ay pinasadaan ang sarili sa harap ng salamin. Ibang-iba talaga ang hitsura ko kapag naka semi-formal attire lalo na kapag nakasuot ng dress and heels. Jusko! Jersey lang naman kasi ang suot ko sa araw-araw dito sa bahay o kaya naman ay oversized shirt, sa mga ganitong okasyon lang naman ako nag-aayos.

Dahil si Ate ang mas feminine sa aming dalawa ay siya ang madalas sumama sa mga magulang namin kapag may mga ganitong party. Naiiwan lang ako sa bahay dahil masyado akong magaslaw para umarteng pino. Iniisip ko pa lang ay nag-ccringe na ako. Matatawa siguro sila kapag nakita nila ang ayos ko ngayon.

Ibinaba ko ang tingin ko sa sapatos na ibinigay sa akin ni Sir Pasco. Kasyang-kasya ito sa akin at hindi ko alam na babagay nga ito sa akin. In fairness naman kay Sir huh magaling siyang pipili ng sapatos. Baka naman palusot lang talaga ni Sir yung pagka fetish ekek niya pero ang totoo ay isa siyang paminata?! Malakas ang gaydar ko, hindi ko siya masagap!

Sa ngayon ay isusuot ko na muna itong ibinigay na sapatos ni Sir Pasco at kung makapagdesisyon na ako ay ibabalik ko 'to sa Monday. Huwag lang sanang mangangamoy paa 'tong loob ng sapatos! Tiwala naman ako na kahit pawisin ang paa ko ay wala naman akong alipunga.

Bandang 8pm na kami nakarating sa party. Sa hotel na pagmamay-ari nina Kuya Ivan ginanap ang party na para yata sa mga negosyante. May ilang artista din akong nakikita. Kanina pa kumakalam ang sikmura ko dahil hindi man lang ako pinag meryenda ni Mommy dahil baka daw lumubo ang tiyan ko at hindi na magkasya sa akin ang dress. Napalunok at naglaway na lang ako nang makita ko yung buffet. Jusko! Ang lapit lang niya sa akin pero hindi man lang ako makatikim dahil ayaw akong pahiwalayin ni Mommy sa kanila ni Daddy. Mukhang ang sasarap pa naman ng dishes na naroon! May sushi pa yata!

"My, gutom na po ako." Bulong ko kay Mommy na siniko lang ako sa braso. Aray ko naman! Sinimangutan ko na lang siya at dahan-dahang kinalabit si Daddy kahit na may kausap pa siyang mga lalaking kasing edad niya. Bahagya lang akong nilingon ni Daddy na para bang ayaw niyang alisin ang atensyon niya sa kanyang mga kausap. Pwede na 'yon! Makapagpaalam lang ako. Kanina pa talaga ako gutom na gutom.

"Dy, gutom na po ako. Buffet lang po ako." Tumango lang si Daddy at hinaplos ang buhok ko. Kaya sa iyo ako Daddy eh!

Ngising-ngisi ako habang naglalakad patungo sa may buffet. Akin kayong lahat! Hahaha. Narinig ko pa ang pagtawag ni Mommy sa buong pangalan ko pero nagdire-diretso na siya. Mas mahalaga 'tong gutom ko, kung mapapagalitan lang din naman ako ay mabuti pa iyong busog na ako para naman may lakas ako.

Yes! Iba't-ibang Asian cuisines ang nakahanda sa may buffet. Dalawang plato agad iyong hiningi sa may waiter. Pinuno ko ng iba't-ibang dishes iyong isang plato samantalang desserts naman iyong nasa isa pa. Habang walang nakatingin ay agad kong pinagkasya iyong tatlong sushi sa loob ng bibig ko, para tuloy puputok na lobo ang hitsura ko ngayon. Buti na lang nagmana ako kay Mommy! Mala Anne Curtis yata ang bibig niya or parang kay Sunshine Cruz. Sabi nga ni Daddy ay kasyang-kasya iyong buong saging sa bibig ni Mommy, at take note pahalang pa iyon! Hahaha.

Kahit puno pa ang plato ko ay pinuno ko rin ang bibig ko ng sushi. Baka mamaya ay hindi na ako pabalikin ni Mommy dito o di kaya ay limited lang pala ang papunta dito kaya susulitin ko. Dahan-dahan kong nginunguya ang sushi sa loob ng bibig ko nang makasalubong ko si Sir Pasco na ngayon ay may hawak namang wine. Kahit na hindi ko pa nangunguyang mabuti yung pagkain sa bibig ko ay mabilis ko na itong nilunok. Ouch! Bumara yata sa lalamunan ko yung pagkain!

"Vodka." Malambing na saad ni Sir Pasco habang hindi naman maitago ang pagkabigla niya. Oh diba? Sino bang mag-aakala na magkikita kami ngayon. Ang kaso ang problema ko ngayon ay nabilaukan yata talaga ako! Nakakatatlong nguya pa lang kasi ako ay nilunok ko na agad. Apat na pirasong sushi pa naman yon! Iniabot ko ang hawak kong plato kay Sir na nagpalinga-linga muna bago tinanggap iyon. Nang mabakante ang kamay ko ay madali kong kinuha iyong hawak niyang wine glass. Diretso ko lang ininom 'yon na parang umiinom lang ako ng tubig.

"Ahhh! Akala ko mamamatay na ako! Thank you, Sir!" pinunasan ko pa iyong tumulong wine sa gilid ng labi ko at ngumiti sa kanya. Tumawa lang si Sir habang inaabot niya sa akin iyong ipinahawak kong plato sa kanya.

Mas lalong napangiti si Sir nang mapasadaan niya ng tingin ang ayos ko ngayon. Tinignan niya muna ang mukha ko pababasa aking off-shoulder dress hanggang sa matuon ang paningin niya sa suot kong sapatos. Hala! Suot ko nga pala iyong sapatos na ibinigay niya sa akin. Bakit ba hindi ko naisip na maaaring pumunta siya rito?! Isang tipid na ngiti ang ibinigay niya roon bago niya ibalik ang atensyon sa akin. Feeling ko namumulang kamatis na ang mukha ko.

Ano na lang ang iisipin niya? Baka akala niya ay nagustuhan ko talaga 'to or worst ay isipin niya na pumapayag ako na maging isa sa mga babae niya?! Now way, high way!

"Nice shoes. Bagay sa iyo." Nanlambot yatang bigla ang mga tuhod ko sa paraan ng ngiti ni Sir! Tipid lang 'yon pero nakakapanghina. Pakiramdam ko ba ay nakahubad ako sa harap niya at ang tanging nakikita lang niya sa akin ay iyong heels na bigay niya. Naalala ko pa noong idinetalye niya iyong sexual fantasy at fetish niya sa sex.

E ba't parang kinikilig naman yung puson ko?! Parang may kumikiliti sakin! Jusko naman. Hindi ko tuloy napigilang pagdikitin ng mariin ang mga hita ko. Baka naman naiihi lang ako? Ihi lang 'yan Vodka!

"S-Sir, u-una na po ako." Parang si Christian Grey na yata ang nakikita ko kay Sir Pasco lalo na kapag ngumingisi siya. Hindi naman siya creepy, ako yung creepy eh! Bakit naiimagine ko yung sarili ko sa sexual fantasy niya? Ayan na naman yung kakaibang kilig sa pagitan ng mga hita ko. Gusto ko na lang mapaluhod kasi sobrang nakakakiliti na. Buti nga at nakapaglakad pa ako pabalik sa table namin nila Mommy.

"Bakit pawis na pawis ka? Natatae ka ba?" mahinang bulong ni Mommy sa akin nang makabalik ako sa tabi niya. Huh? Pawis na pawis ako? Hinawakan ko ang aking noo ko at napagtantong pawisan nga ako. Hala ka Vodka! Ano bang nangyayari sa akin? Pinasadaan at pinuri lang ako ni Sir Pasco ay parang constipated na akong kinikilig at pinagpapawisan.

"Pumunta ka nga sa may Powder room." Sabi ni Mommy at itinulak na niya ako patayo.

Baka naman tipsy lang ako? No, kalahating baso lang iyong ininom ko at dahil parehas mahilig sa alak ang parents ko ay parehas ding mataas ang alcohol tolerance namin ni Ate Janine. So bale nababaliw lang talaga ako at nababalisa kapag nakakaharap ko si Sir Pasco. Iyong feeling na paran malalaglag ang panty ko kapag nakikita ko siya.

"Where are you going?" agad na kumabog ang dibdib ko at nag contract ang uterus ko nang makilala ko kung kaninong baritonong boses iyon. Boses pa lang ang gwapo na! Buong-buo iyon. Ang manly ng dating! Tumitili rin ang puson ko sa kilig.

"Huh? Ako? Ahmmm" kumunot ang noo ni Sir at ngumiti lang.

"Do you like your shoes?" Hindi pa din pala siya nakakaget over sa fact na suot ko nga itong sapatos na bigay niya. Sobrang big deal ba sa kanya 'to? Itinaas ko na lang ang kilay ko para naman hindi niya mahalata na naiihi na ako sa kilig. Namimilipit na nga yata ako! Huwag naman niya sanang mapansin!

"K lang naman. Bagay siya sa dress ko." Tipid kong sagot at hindi na tumingin pa sa kanya.

"Kamusta naman ang marketing proposal mo? Hindi ba't may dalawang presentation ka pa?" agad naman akong napalingon sa kanya at ngumiti na parang may LBM. Hindi ko na pala naituloy yung second marketing proposal ko! Wala pa yata sa kalahati 'yon! Kasalanan naman niya kasi dahil ginulo niya ang isip ko. Patay na! Hanggang tatlong chance lang ang ibinigay sa akin.
"Natatandaan mo naman siguro na 3 chances lang ang mayroon ka. Pangalawang chance mo na sa Monday, kung maganda ang presentation mo ay mananatili kasa kompanya kung hindi naman ay may isa ka pa namang chance." Napabuga ako ng hangin. May 2 chances pa! Kering-keri ko 'yon!

"Pero paano kung pareho mong naibagsak ang chances na iyon? Aalis ka ba sa kompanya o willing kang tanggapin ang kondisyon ko?" taas kilay na tanong ni Sir at naninimbang ang tingin niya sa akin. Indecent proposal ba ito?! Baka pumayag ako! Wala sa sariling napakagat ako sa ibabang labi ko dahil pucha kinilig na naman si uterus!

Hindi mo na ako kailangang gipitin Sir, papayag naman ako. Pilitin mo muna ako!

Mangingisay na yata ako sa kilig.


to be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

Mío By Yiling Laozu

General Fiction

118K 3.1K 46
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
25.6M 910K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
32.1M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
8.1M 203K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...