She's The Bad Boy's Princess

By VixenneAnne

17M 502K 61.2K

Westside University is a home for the wealthiest, most powerful successors in the business world. Students of... More

A/N
Main Cast
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13.
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
FB GROUP: Princes Of Hell Club
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
FB Updates
Chapter 24
Updates
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
FB Updates
Chapter 63
BOOK 2
New Book Available!!

Chapter 41

210K 7.3K 964
By VixenneAnne


Hindi sana ako magpapahatid kay Zirk kanina. Kaya lang nagpumilit siya. Yun din ang kapalit ng pagpa-practice niya sa dance club kasama namin ngayong araw na ito. Isa pa ayoko muna talagang pilitin ang sarili ko na makasama si Jave, baka kasi biglang bumait na naman siya hindi ko na naman alam kung papanu rerendahan ang puso ko. Kakausapin ko siya kapag medyo humupa na ang nararamdaman ko sa kanya, kailangan kong ibaling sa ibang bagay ang atensyon ko bago pa mahuli ang lahat at tuluyan akong masaktan sa kagagahan kong ito.

Hindi ko talaga lubos maisip kung bakit ako na-inlove sa paniking iyon. Mayabang, sinungaling, mapanakit at mahilig manigaw. Hindi naman ganun ang tipo kong lalaki, sino ba naman kasing matinong babae ang magkakagusto sa badboy? Gwapo lang talaga siya.

At thoughtful.

At maalaga.

Hindi man siya responsable sa lahat ng bagay, responsable siya sakin. Inako niya ang responsibilidad na alagaan ako kahit hindi kami magkaanu-anu. Dahil doon minahal ko siya. Pinilig ko ang ulo ko, gusto kong iuntog ang sarili ko sa pader imbes na kumbinsihin ko ang sarili ko na hindi si Jave ang tipo kong lalaki mukhang kabaliktaran ang tinatahak ng utak ko.

Ayoko nang mag-isip, pagod ang katawan ko matutulog na lang ako ng maaga. Tiningnan ko ang relo, wala pa si Jave? Hindi ko narinig ang kotse niyang pumasok sa garahe. Magaalas-dyes na ng gabi ah. Inabot ko ang cellphone ko at tinawagan si Jiro.

"Jiro, si Jave ba kasama niyo?"

Napaka-ingay ng background nito parang nasa bar, marami akong naririnig na mga taong nagkakasayahan.

"Oo, pero malala na ang tama nito. Ayaw umuwi, inaantay namin ni Ark na mawalan nalang ng malay sa kalasingan para maiuwi na namin."

"Ano? Kung lasing na yan, pauwiin niyo na"

"Eh di sinapak kami pareho? Wag na, mageeskandalo lang 'to dito. Puntahan mo kaya, nakikinig naman sayo 'to di ba?"

Hindi siguro. "Nag away kami di ba? Hindi makikinig sakin yan."

"Di pa rin kayo nagbabati? Kaya ba naglalasing 'to ngayon?"

"Hindi noh. Bat naman niya gagawin yan para sakin?"

"Eh ikaw ang prinsesa ng kupal na 'to eh. Di mo alam? Puntahan mo na. Ittxt ko sayo ang address, papasundo kita sa taxi diyan."

"Pero-" hindi na ako napagprotesta, binaba na ni Jiro ang phone. Pero rumehistro sa 'kin ang sinabi niya. Prinsesa? Ako? May prinsesa bang kini-kwelyuhan at sinisigawan sa mukha? Hays. Wala akong nagawa, ultimo mga paa ko gusto na ding kumilos para puntahan si Jave. Nag aalala ako baka kung ano na naman mangyari doon, minsan kasi hindi siya kayang kontrolin ng mga kaibigan niya. Sabi pa ni Jiro lasing na siya. So wala nang chance na makapag-usap kami at yun naman ang gusto ko. Kaya pupuntahan ko nalang siya.



Pagdating ko doon puro usok ng sigarilyo ang nalanghap ko. Kahit magtakip ako ng ilong parang nasusuffocate ako. Kausap ko si Jiro sa telepono, nagpapasundo ako. May mga lalaking dumaan sa harap ko na parang mga lasing na din niyayaya akong sumayaw. Nangatog ang tuhod ko, bakit ganito sa lugar na ito? Unang beses kong makapunta, nagsisisi talaga ako. Nakakainis talaga ang paniking iyon, hindi ko alam kung ano ang tinatakbo ng utak. Kapag nalaman ni Ms. Ysabel 'to lagot na naman ako.

"Sofia. Tara doon tayo." dumating si Jiro pagkatapos ng ilang minuto. Sinama ako sa table nila nina Ark at Jave.

"Hey Sofie!! Come join the party!!" ani Ark. Lasing na din ito. Si Jiro lang ang matino sa kanilang tatlo. Sinulyapan ko si Jave, hindi ko makita ang kulay ng mukha niya dahil sa ilaw ng club pero halatang lasing na ito. Sa estado niyang yun, kailangan ko na siyang iuwi. Kahit kaladkarin ko siya palabas ng lugar na ito gagawin ko. Kumuha pa siya ng isang baso ng alak para tunggain. Inagaw ko iyon.

"Tara na umuwi na tayo." madiin kong sabi.

"Alien!" sabay tawa. Yung tawang naasar. "Anong ginagawa mo dito? Jiro, ikaw na naman ba nagdala sa Alien na ito dito?"

"Oo ako. May reklamo ka? May exam tayo bukas, imbes nag aaral ako, andito ako nagbabantay sayo. Baby sitter mo ba ako? Napipikon na ako sayo!" asik ni Jiro.

"Napipikon din ako!" ganti ni Jave. "Hoy ikaw, umuwi ka na! Sino may sabi sayong pwede kang tumuntong dito?" baling ni Jave sakin.

"Pupunta ako kung saan ko gusto--"

Tumawa ng malakas si Jave. "Oo nga pala. Wala nga pala tayong pakialamanan, kaya bakit ka nandito? Uuwi ako kung kelan ko gusto. Kaano-ano ba kita para sundin kita ha??"

Alam kong lasing lang siya kaya niya nasasabi yun. Pero nasaktan ako. Kadalasan kasi kapag lasing ang isang tao nakakapagsabi ng totoong nararamdaman. Ganoon siguro talaga ang tingin sa akin ni Jave, wala lang. Kahit na malapit na akong umiyak, pinigilan ko. Salamat sa makulay na mga ilaw sa paligid hindi nakikita ni Jiro ang namumuong luha sa mga mata ko.

"Tara na Jave. Bukas mo na ako awayin, parang awa mo na umuwi na tayo."

"Hindi! Ayoko. Simula ngayon wag mo na akong uutusan. Wag mo na akong pagsasabihan ng mga dapat kong gawin dahil hindi na ako makikinig sayo. Sinungaling, kunwari may pakialam wala naman!" hindi ko na nahabol ang isang baso ng alak na tinungga niya.

"Jave ano ba! Ano bang gusto mong gawin ko para makinig ka ha?" pumipiyok na ang boses ko. Nakakainis, kasi naman tumatagos sa puso ko ang mga sinasabi niya. Harsh magsalita si Jave alam ko pero hindi ganito.

"Wala. Umalis ka." malamig niyang turan. "Jiro. Iuwi mo yan." baling niya sa kaibigan. Napa-iling-iling nalang si Jiro.

"Ang tigas ng ulo mo Jave." komento ni Jiro.

"Ayokong umuwi. Dito lang din ako. Sasamahan kita dito sa gusto mo ngayon. Gusto mong uminom? Iinom tayo!"

Dahil sa sinabi ko galit na hinagis ni Jave ang baso sa sahig. "Uuwi ka o sisirain ko lahat ng mga gamit dito??"

"Hoy! Tarantado ka ah! Ba't ka nagwawala?? Ang yabang mo ah!" isang malaking lalaki ang sumugod sa table namin. Kinuwelyuhan si Jave na marahas naman niyang pinalis.

"Ano ba pakialam mo? Gusto mong mukha mo naman ang basagin ko??" mayabang na bwelta ni Jave. Susuntukin na sana siya ng lalaki buti napigilan ko.

"Manong wag! Pasensya na ho, bata lang ho yan. Wag niyo na po sanang patulan!"

Magwawala pa sana si Jave kundi lang hinawakan ng dalawa niyang kaibigan. Mabuti nalang napagtanto ng lalaki ang sinabi ko kaya ito na rin ang kusang umalis.

"Jave." baling ko sa kanya Patuloy pa rin kasi siyang nagpupumiglas sa hawak nila Ark. "Jave..." hindi ko na napigilan. Alam kong umiiyak na ako sa takot, sa pag aalala, at sa di ko malamang sakit na nanggagaling sa puso ko. "Tama na naman na oh. Please. Bakit ka ba nagkakaganito? Ano bang dahilan? Ako ba? Dahil inaway kita kanina? Lagi naman kitang inaaway ah, bakit ganito bigla ang reaksyon mo ngayon?"

Saka lang tumigil si Jave. Nakatingin siya sa mga luhang naglalandas sa pisngi ko.

"Naiinis ako sayo." sabi niya nang kumalma na. " Sa totoo lang hindi ako sigurado kung sayo ba ako naiinis o sa sarili ko. Hindi ko alam. Nasasaktan ako pero hindi ko alam kung saan."

"Hindi kita maintindihan."

"Hindi mo kailangang intindihin."

Nabaling ang atensyon naming lahat nang pumailanlang ang magandang boses ng dj ng club. "And now, for the most anticipated event of the night. The Kissing Game! Let the count down begin!"

"Shit." narinig kong mura ni Jave. "Midnight na?"

"Oo yata." ani Jiro.

"Labas na Sofia! Ang kulit mo, kanina ka pa pinapauwi!

"Kung ipagtabuyan mo ako parang pusa ah! Nagpunta ako dito para siguruhing hindi ka gagawa ng kabalbalan. Sakin ka ibinilin ng kapatid mo, ako ang malalagot kapag napasok ka na naman sa gulo."

"Nakita mo na. Eh di lumabas din ang totoo mong kulay. May pakialam ka ba talaga sa'kin? Nakakagalit ka alam mo ba yun? Parang ayoko nang makita ang pagmumukha mo, parang gusto ko nalang na palayasin ka ng bahay. Kung gusto mong lumandi at doon tumira kay Zirk, parang gusto nalang kitang ipagtulakan ngayon!"

"Jave!" Nagulat ako nang hilahin na naman niya kwelyo ko. Tapos ang isang kamay ay nakahawak ng mahigpit sa braso ko, nararamdaman ko ang panginginig ng kamay niya sa galit. Natakot ako. Napapikit ako.

Kasabay ng pagpikit ko ang pagkatapos ng countdown at pagpatay ng ilaw. It was a complete darkness I cannot see anything. Ang alam ko nakatayo sa harap ko si Jave. Pero binitiwan niya ako, umahon ang kaba ko sa dibdib. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari, sobrang dilim at sobrang tahimik bigla ng paligid.

Muntik na akong tumili nang may kamay na pumaikot sa beywang ko. Tapos ang isa ay sa likod ng leeg ko. Kasunod nun naramdaman ko ang paglapat ng mga labing iyon sa mga labi ko. Gusto kong magprotesta, pero hindi sumunod ang katawan ko. Kahit hindi ko siya nakikita. Alam ng puso ko kung sino ang humalik sa akin sa dilim.

Si Jave.

It's his intoxicating smell. It's his lips against mine. Tumigil ang mundo. Hindi gumalaw ang oras. Parang lumutang ako sa kinatatayuan ko nang dahil sa paglapat ng mga labi ni Jave sa mga labi ko. Ang pakiramdam na namukadkad ang puso ko sa dilim. Fireworks exploded inside my head. My soul suddenly reached heavens. It was heaven but my body was in fire. It was a bliss while my system's a mess.

First kiss.

I have read about it a thousand times.

Watched it in movies.

I didn't understand how amazingly magical it was until now.

Until Jave.

Nang bumukas ang ilaw. Gwapong mukha niya ang una kong nakita. Kagaya ng mukha ko, his face was also awestruck. Nakaawang ang mga labi. Hindi makapaniwala. Nakatitig lang din siya sa akin. Kagaya ko hindi mapuknat ang tingin ko sa mukha niya....sa labi niya. Napakurap-kurap ako. Hindi ko inaasahan ang susunod niyang gagawin.

He caught my face in his both hands and kissed me again. My lower lip was in between his lips. Napahawak ako ng mahigpit sa jacket niya. Hindi ko alam kung gaano katagal. Pakiramdam ko mauupusan ako ng hininga.

Jave kissed me. And he kissed me like he mean it.

Continue Reading

You'll Also Like

1.9K 137 23
Originally published in TypeKita App ~•~ Classroom Love Story •~• Yung pine-pressure ka na ng best friend mo na magpasa sa class president niyo ng PP...
2.3K 76 13
"Ang mayaman ay para lang sa mayaman at ang mahirap ay para lang sa mahirap." -Razer Love can't be stopped, no matter how difficult the test that com...
2.8M 53.8K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
3.4K 376 41
sa sapilitang pagmamahal, kakayanin mo bang magpanggap na ok lang? Try to be the woman he wants and likes. kakayanin mo bang ipamuka niya sayong hind...