Garnet Academy: School of Eli...

By justcallmecai

28.4M 1M 785K

(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the s... More

Garnet Academy
Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Last Chapter (Part 1)
Last Chapter (Part 2)
Epilogue
Book Announcement
Special Chapter
Bonus

Chapter 2

577K 20.5K 14.2K
By justcallmecai

Chapter 2

Flamma Boy

Bumalik na ako sa main hall dahil baka naroon na iyong magto-tour sa akin. Buti na lang at mayroong jacket sa bag ko. Sinuot ko iyon para matakpan iyong mantsa ng kape.

Pagpasok ay panay ang linga ko nang biglang may kumalabit sa aking likuran.

"Hi! Are you the new scholar?" tanong sa akin no'ng babae. Her hair is just above her shoulders, her eyes are chinky and her lips are pink.

Agad akong tumango.

"I'm Lia Chen. Terra." aniya at sabay na inilahad ang kanyang kanang kamay.

Kung ganoon ay isa siyang Terra. Ang ikalawa sa pinaka mataas na rank.

"I'm Paige Manuel..." Inabot ko ang kamay niya. Saglit pa akong nag-alangan na sabihin ang Casa ko kaya lang agad ko ring naisip na oo nga pala alam niyang scholar ako. "Aeries."

Tumango siya.

"Hi, Paige! I'll be your campus tour guide. Ako kasi ang na-elect as the First year Representative." aniya.

Kumunot naman ang aking noo. "Na-elect? Nagkaroon na agad ng botohan? 'Di ba ngayon pa lang ang unang araw ng pasok?"

"Ah, eh, hindi naman kasi pinagbobotohan iyon. Ang management ng school mismo ang namimili sa kung sino ang uupo sa Student Council. Most of the time, they are basing on the student's rank. By Casa tapos by status." saad nito.

Tumango na lamang ako at sumunod na sa kanya nang magsimula siyang maglakad.

Ganito pala sa eskuwelahan na ito. Mukhang lahat ay binabase sa ranggo.

"So, ito ang main hall. Kaunting lakad ay naroon na ang opisina ni Ms. Montecillo, ang head mistress. Sa tabi noon ay ang faculty. Nandoon ang mga guro madalas." sabi ni Lia. Tumango lamang ako. "Sa kabila ay ang library. The library here is majestic. It's every book lovers dream. Malaki at puno ng mga libro. You can go there to study or if you have free time."

"Mahilig akong magbasa. I'll probably be there." sabi ko rito.

Ngumiti si Lia. "Sa taas ay puro classrooms na. You'll see it tomorrow. Nasa COR mo rin ang schedule mo at kung saan ang room. Hindi ka maliligaw."

Lumabas kami sa main hall.

"So, ito ang labas ng campus. Hanggang dito lang tayo. Bawal tayo lumabas sa gate." anito.

Sumakay si Lia sa isang parang golf cart.

"Sakay ka, Paige." aniya.

Siya ang nagpatakbo noon. Ako naman ay nasa gilid lamang niya at patingin tingin sa magandang view.

Huminto kami sa isang napalaking building na parang isang mall.

"That's the GA Mall. Since hindi tayo allowed lumabas, diyan tayo pwedeng maglibang tuwing weekends o pag-uwian na. Kumpleto ang GA Mall. Pwede kang mamili ng damit, pagkain, school supplies, at kung anu-ano pa. May restaurants, hubs, bookstores, at sinehan."

Halos malaglag ang panga ko sa sinabi ni Lia. Mall talaga ito! What the hell?! Ngayon lang ako nakakita ng mall sa loob ng school campus!

Pinaandar ulit ni Lia ang cart. Ilang minuto rin ang aming tinagal dahil sa lawak.

"As you can see, sobrang malawak ang Garnet Academy. Mayroong gym, pool, at park. Kaya there's no reason for us to go outside. Maliban na lang pag na home sick tayo." saad nito.

Wala akong ibang ginawa kung hindi ang tumango.

"Now let's proceed to the last destination... your Casa's building. It will be your second home."

Tinext ko si Kuya na papunta na kami ng tour guide na si Lia sa building ng Aeries.

Nag-angat ako ng tingin nang biglang huminto si Lia sa pagmamaneho.

"This building?" aniya at hinarap iyong matayog na building sa aming gilid. Ang laki noon at nagsusumigaw ng kagarbohan. "It's the Flamma's building. They have the biggest rooms from all the Casas. Wala pang sampu ang bilang ng Flamma students, pero ganyan kalaki ang building nila. Can you imagine how big there room is?"

Napanganga na lamang ako roon. Wala pang sampu ang Flamma students?!

Kaya pala sabi ni Kuya ay laging nasa Flamma ang mga mata ng tao sa buong school. Dahil pala kaunti lang sila.

Pinaandar muli ni Lia ang cart. Saglit lang ay huminto na ulit kami.

"Tadah!" excited niyang sabi. "Ito naman ang building naming mga Terra. It's just as big as the Flamma's, pero kasi, Paige, marami ang Terra students. Ang dami namin sa building na iyan."

Umawang ang labi ko. "Talaga?"

"Yes..." anito. "Sa tabi namin, iyong building na kulay asul? Iyon naman ang sa Aqua. Kaunti lang ang difference noon sa building namin."

Tumango ako tapos ay muling pinaandar ni Lia ang cart. Saglit lamang ay huminto na kami sa may kaliitang building.

"And here's your home. This is the Aeries' building." aniya at ngumiti. "Mukhang maliit, pero panigurado namang maganda ang loob. Kaunti lang din kasi ang scholars ng school."

Bumaba na kami ni Lia sa cart.

"Here's your room key. Nakalagay din diyan kung anong room number. You can ask the personnel at the front desk to guide you." saad niya. "Hindi na kasi ako pwede pumasok diyan. Tanging ang Flamma lang ang allowed na pumasok sa kahit anong building ang gusto nilang pasukan. Tayo, kung anong Casa natin, doon lang."

Kinuha ko iyong susi sa kanya. "Thank you sa pag tour, Lia."

"Mahiyain ka, ano?" tanong niya. "Oh baka naman nahihiya ka dahil sa difference ng Casa natin?"

Tipid akong ngumiti. Lia patted my shoulders softly.

"If that's the case, don't be. Pareho lang naman tayong students dito sa GA." aniya. "Teka, sino pala ang student na nag-endorse sa'yo?"

"Si... Beau." lumunok pa ako bago ko masabing Beau dahil muntik ko nang masabi ang salitang Kuya!

"Oh my freaking gosh? Are you serious?" nanlaki ang mga mata ni Lia. "Si Beau Santiago ang nag-endorse sa'yo?!"

Nagulat ako sa reaction ni Lia. Is Kuya a big deal here?

"Ah, oo." sagot ko.

"Talaga? Beau 'handsome' Santiago? Shocks! I never thought that the notorious heart throb will ever endorse someone!" aniya. "Alam mo rin bang siya ang Vice President ng student body?"

Pinipigilan ko ang tawa sa loob ko. Hala? Sikat talaga si Kuya rito? At vice president pa siya?!

"Oo. Katulong kasi sa kanila ang Nanay ko." sabi ko na lamang. "Sige, Lia. Pasok na ako sa loob. Aayusin ko pa kasi 'yung mga gamit ko, eh."

Bukas na ang pasok ko. Marami pa akong kailangan ayusin. Lalo na ang mga gamit ko sa kwarto.

"Sure, Paige. See you tomorrow! Nice meeting you!" sabi niya pa bago umalis.

Bumuntong hininga ako bago pumasok doon sa building.

Mayroong may edad na babae ang nasa front desk. Nagpakilala ito bilang si Ms. Mayet. Pinakita ko sa kanya ang aking susi at sinabi niyang sa fourth floor daw ang aking kwarto. Sasamahan pa sana niya ako, pero ang sabi ko ay kaya ko na.

Medyo madilim at hindi kagandahan ang furnished ng building. I doubt na ganito rin ang sa iba. Paniguradong magaganda ang building nila! Tss. Discrimination! Where's the equality here? I can't find it!

You can't state difference and also state equality. We have to state sameness to understand it.

Nakakainis si Kuya. Kahit naiintindihan ko kung bakit sa Aeris niya ako inilagay ay nabibwisit pa rin ako. Vice president siya, samantalang ang kapatid niya ay narito sa parang budegang building. Ang sarap niyang sapakin.

Kuya, nandito na ko sa kwarto ko. Room 403.

Iyon ang text ko kay Kuya pagtapat ko sa aking kwarto.

Pagpasok ay hindi na ako nagulat. Hindi rin maganda ang loob nito. Maliit lang at parang madilim. Isang kama sa gilid, aparador sa tabi, at kahoy na lamesa't upuan.

Buti na lang ay may sariling CR. Ayos na ako roon.

I sighed. Ang buong kwarto na ito ay parang comfort room ko lang sa bahay. Mas malaki pa ata iyon. Hindi naman sa spoiled ako. Siguro ay hindi lang ako sanay sa ganito.

Kuya, bwisit ka!

Text ko pa ulit dahil naiinis talaga ako.

Dumating si Kuya Beau bitbit ang mga gamit ko. Pumasok siya sa loob ng kwarto at hindi maipinta ang kanyang mukha.

"What the hell? Kwarto ba ito?" aniya.

Tignan mo! Kahit siya ay naiinis!

"Oo. Kwarto ko, Kuya. Masaya ka na?" sabi ko at nag-umpisa nang ayusin ang mga damit ko sa maliit na aparador.

"Do you seriously think that I want you to be here in Aeris?" medyo pagalit na tanong ni Kuya. Napayuko tuloy ako. "Of course, Paige, I want you near me. Pero we can't risk it. You're a Flamma girl. An easy target to whoever fuckery those criminals are. Kahit pa sabihin nilang safe dito sa GA, mahirap pa rin magtiwala ng lubos."

"Naiintindihan ko naman, Kuya. 'Wag ka masyadong highblood! Joke lang naman." sabi ko.

Naglibot siya sa kwarto at binusisi ang bawat sulok.

"Anyways, tomorrow is your first day, right? Just always be careful, Paige... And your uniforms are in your bag already." paalala niya. Bigla tuloy sumagi sa isip ko iyong mokong na nakabangga ko kanina. Ang maangas na iyon! Anong Casa kaya siya?

"Yes, Kuya. I will. Saka tatawag ako o magtetext pag nagkaroon ng problema." I assured him.

"And one more thing, mag-ingat ka rin sa mga kinakausap mo. Especially Flammas, Paige. They aren't very nice to other Casas. Lalo na sa Aeris. So if I were you, stay away from them."

Kumunot naman ang aking noo. "Bakit, Kuya? Ganoon ka ba? Flamma ka, 'di ba?"

Kuya Beau smirked. "Except me. I'm your brother."

"I mean, sa ibang tao. Aren't you nice to them?"

"I'm not really nice and you know it." anito.

Sinamaan ko na lang ng tingin si Kuya. Salbahe ba siya rito?

Nagpaalam na rin si Kuya Beau dahil mag-aayos din siya ng gamit. Magkita raw kami ulit bukas.

Nang maayos ko na ang mga damit ko at iilang gamit, nahiga na rin ako. Ang kama ay single lang, hindi gaya ng king size bed ko sa bahay. Hindi tuloy ako sanay. Medyo malikot ako matulog at pakiramdam ko'y kaunting galaw lang ay malalaglag na ako.

-

Kinabukasan ay maaga akong gumising dahil 7:00pm ang unang klase ko. Business ang aking coarse. Pareho lamang kami ni Kuya dahil pareho kaming magmamana sa Santiago Holdings Incorporated.

Suot ang GA uniform, itim na doll shoes, at backpack ay tinahak ko ang classroom. Maaga ako kaya hindi ako natakot kung sakaling maligaw ako.

Totoo nga ang sinabi ni Lia. Madali lang hanapin iyong room.

Bumuntong hininga ako nang makarating sa classroom. Dalawang beses ko pang tinignan kung tama ang aking pinasukang room dahil wala pang tao. Tama naman.

Mag-aantay na lang ako. Mabuti nang maaga kaysa late. Maaga na, maganda pa.

Unti-unti nang dumating ang mga estudyante sa room. Diretso lamang silang pumasok at umupo.

I'm fiddling with my phone when I heard a familiar voice at my side. Lumingon ako at nakita si Lia roon.

"Paige! OMG! Business Management ka rin pala?" tanong niya.

Tumango naman ako. "Oo, eh. Ikaw din pala. Buti magkaklase tayo. Wala pa kasi akong kilala rito. Bukod sa'yo at kay... Beau."

Ngumiti si Lia. "Buti nga at magkaklase tayo! May kilala naman na ako, pero iyong sa mga student council lang. Wala pa akong kaclose."

Magsasalita pa sana ako nang dumating na iyong sa palagay ko'y guro namin. Matandang babae at mukhang masungit. Umayos agad ako ng upo.

"Good morning, everyone, I'm Mrs. Peralta. Get one whole sheet of yellow paper." aniya at nagsulat na sa whiteboard.

Oh my gosh? Agad-agad? Wala bang introduce yourself muna?!

Kinuha ko iyong pad paper ko. Kukuha na sana ako ng ballpen nang biglang may nagtilian na mga babae sa loob ng room! Anong mayroon?!

Agad akong napatingala at nakita iyong lalaki na nabangga ko kahapon. Nanlaki ang mga mata ko. Walang hiya itong naglakad at umupo sa may bandang gilid! Tatlong upuan ang layo noon sa akin. Seryoso? Kaklase ko iyan?

At ang bastos ha! Hindi manlang nag-excuse sa Professor? O kahit simple apology manlang dahil late siya?!

Masama akong nakatingin sa lalaking iyon nang bigla akong tinapik ni Lia.

"Huy! Bakit ka nakatulala? Ang haba na nang nasusulat ni Ma'am." aniya.

"Eh, kasi hindi ko mahanap iyong ballpen ko." pagdadahilan ko na lang.

Lia instantly lend me a ballpen. Bago magsimulang magsulat ay tinignan ko ulit iyong mokong. Halos maubo ako nang makita kong nakatingin din siya sa akin! Ngumisi siya nang tumingin ako kaya agad akong nag-iwas. What the?!

I relaxed myself.

Saglit lamang ay nakopya ko na rin ang lahat ng tanong na isinulat ni Ma'am Peralta sa board, at sinagutan ko rin iyon sa sariling papel. It's just a mini quiz regarding an equation we surely tackled during highschool. Kakaiba rin ang GA. Unang subject pa lang Math na agad.

After we've submitted all the papers, nagsabi si Ma'am na magkakaroon ng reportings. Ang sabi niya ay terms lang naman daw iyon at samples equations. Siya pa rin ang magdidiscuss ng solution.

"So, class. Who wants to volunteer first?" tanong ni Ma'am. Walang nagtaas dahil syempre, sino ba naman ang gustong maunang magreport?

Umawang ang labi ko nang nagtaas ng kamay iyong mokong. What?! Mag vo-volunteer siya?

"Yes?" ani Ma'am.

"Mrs. Peralta, I think Paige Manuel right there would like to volunteer." anito sabay turo pa sa akin.

Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya. Napaturo pa ako sa aking sarili. Hindi makapaniwala na ako ang itinuturo niya.

Agad akong tinignan ni Mrs. Peralta. Sa mga matatalim niyang mata ay agad akong natakot. "Would you like to be the first one to report, Ms. Manuel?"

"A-ako po? O-okay po." utal utal kong sabi. Sa takot kay Mrs. Peralta ay hindi na ako nakalaban na ayaw ko. Damn it!

Halos tumirik ang mga mata ko kakairap sa mokong na iyon. Bwisit siya! Tawang tawa pa siya roon sa gilid! Argh! Sumbong ko kaya ito kay Kuya?

Nakita ko naman si Lia na napailing na lang.

I kept my cool. 'Okay lang 'yan, Paige. Reporting lang naman. Kaya mo 'yan.' I told myself.

-

Fucking shit hindi ko kaya!

Breaktime na ngayon at halos umusok ang ilong ko sa galit!

Sa College Algebra, ako ang unang magrereport. Sa Communication Skills 1, ako rin. Sa Physical Fitness ako ang inatasang mag-compile ng videos ng folk dancing. Sa NSTP, ako ang kinuhang volunteer para sumubok na mag rapelling, at pati sa Laboratory ay ako ang kailangang magdala ng lab apparatus na gagamitin namin sa exercise!

At lahat ng iyan ay dahil sa mokong na lalaking iyon! Ako ang pinagtuturo niya sa lahat!

Dapat natutuwa ako ngayong lunch dahil kakain na, pero ito ako at bwisit na bwisit. Sabay kami ni Lia kumain.

"Hindi bali, Paige. Tutulungan na lang kita." aniya.

Sasagot na sana ako, pero nakita ko ang mokong na naglalakad. Umakyat ang dugo ko sa utak. Mabilis kong hinabol at hinarap si Mokong.

"Hoy!" sabi ko nang magkaharap na kami. Hindi pa siya nagsasalita ay sinapak ko na siya sa mukha.

Agad akong napahawak sa kamay ko. Ang sakit! Ang tigas ng mukha niya! Bwisit!

Hindi ko alam ang nangyari, pero maraming lalaki ang mabilis na pumaikot sa aming dalawa. Nagulat ako nang may dalawang lalaki ang humawak sa magkabilang braso ko.

Mabilis napuno ng takot ang aking buong sistema.

"Don't touch her." ani Mokong. Tila kulog iyon.

Bago pa ako magpumiglas ay agad nang bumitiw iyong dalawang lalaki na nakahawak sa akin. Bakas ang takot sa mukha nila.

Hinawakan ni Mokong iyong kaliwang panga niya kung saan bumalandra ang suntok ko.

"You can punch, huh." mariin niyang sabi at saka ngumisi.

"Sino ka ba ha?" tanong ko.

Bago pa niya ako sagutin ay bumaling muna siya sa mga lalaki na nakapalibot sa amin.

"Go." utos niya. Isang salita lamang iyon, pero agad nagsi-alis ang mga lalaki.

Sino ba siya at parang sinusunod siya ng lahat?

Matalim ang kanyang titig sa akin. Napayuko ako ng kaunti dahil tila nakukuryente ako ng kanyang tingin.

"I'm Kairon Pierce Gonzalez." pagpapakilala niya.

His name screams authority and extravagance.

"A-anong Casa mo?" utal kong tanong.

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin.

"Flamma." he grinned.

Pakiramdam ko ay nagsitaasan ang lahat ng balahibo sa aking katawan.

Shit! Patay na talaga ako. Patay rin ako kay Kuya! Nagpadalos-dalos na naman ako ng kilos!

Napalunok ako. "F-flamma?"

"Yeah. And I'm also the student body President."

Continue Reading

You'll Also Like

24.7M 558K 156
This is not a love story. This is a story about LOVE.
52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
503 78 35
Sabi nila, kapag daw nasa fifteen below ang edad mo ay crush lang ang lahat, paghanga lang kumbaga. Pero kay Reia bakit parang hindi? She fell in lov...
185K 5.3K 103
wherein jisoo, the literary editor of their school's student publication, gets into a heated argument with taehyung, their news writer, after making...