She's The Bad Boy's Princess

By VixenneAnne

17M 502K 61.2K

Westside University is a home for the wealthiest, most powerful successors in the business world. Students of... More

A/N
Main Cast
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13.
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
FB GROUP: Princes Of Hell Club
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
FB Updates
Chapter 24
Updates
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
FB Updates
Chapter 63
BOOK 2
New Book Available!!

Chapter 37

210K 6.7K 736
By VixenneAnne


Hindi pa man ina-announce ang winner magkakasabay nang sinisigaw ng mga tao sa audience ang number namin ni Jave. Hindi magkamayaw ang naguumapaw na audience impact na meron kami. Nakakatuwa. Kaya nang i-announced ang winner, ganun na lang ang talon ko.

Panalo kami ng Paniki!

Sa sobrang excitement ko, nayakap ko siya ng sobrang higpit, alam ko performance talaga niya ang nagpanalo. Siya ang humakot ng audience impact unang tuntong pa lang niya sa stage.

“Aray-aray-aray! Hindi ako makahinga!” reklamo ni Jave sa namumulang mukha. Tinawanan ko lang siya. Ako ang kumuha ng pera samantalang nauna na siyang bumaba. Hindi ko inaasahan ang biglang pagiging wild ng mga tao lalong-lalo na ng mga kabataang babae. Pagbaba ni Jave sa stage, sinugod siya ng napakaraming manonood.

Nanlaki ang mga mata ko sa kaba nang biglang bumuhos sa gawi ni Jave ang mga babaeng kabataan . Hanggang sa hindi ko na siya nakita, natabunan na ng mga taong gustong yumakap at humalik sa kanya. Natakot ako nang magtakbuhan sa gawing iyon ang ilang mga security guards na nagpanic na din dahil hindi na nakikinig sa sigaw nila ang mga tao. Nawalan na ng control ang mga ito.

Jave!

Nasan na siya?. Nilamon na ng mga tao. Ganun na lang ang pagaalala ko, taranta akong bumaba ng stage pero hinila ako ng isang organizer.

“Miss! Wag! Masasaktan ka diyan!” sita nito sa akin.

“Pero si Jave po…” sindak kong turan.





Nasa bahay na kami. Hindi pa rin kumalma ang sistema ko. Hanggang ngayon abot langit ang kaba ko sa kumosyong nangyari sa carnival. Hindi ako makapaniwalang magiging ganoon ka-wild ang mga tao, para akong mamatay nang makita kong kuyugin ng mga tao si Jave.

Nasa loob na siya ng kwarto niya. Gusto ko siyang gamutin kaso alam kong tapos na, nagawa na iyon ng mga doktor sa carnival. Nataranta pa nga ang mga ito nang sabihin ni Jave ang pangalan niya. Wag nalang daw sanang makarating sa media, buti hindi na umalma si Jave kundi kawawa ang carnival na iyon kapag nalaman ni Ms. Ysabel, siguradong magwawala ang kapatid ni Jave. Kahit hindi sila close, alam ko kung gaano nito kamahal si Jave.

Pero nalamog si Jave. Kawawa naman siya.

Bumangon ako mula sa kama. Malalim na ang gabi at kailangan ko nang matulog dahil may pasok bukas pero hindi talaga ako mapakali. Hindi pa ako nakakapag-thank you at hindi pa rin ako nakakapag-sorry sa kanya sa nangyari. Ako kasi ang nagdala sa kanya doon, at ako ang gustong sumali sa contest na yun para sa premyo kaya nakokonsensya ako. Natatakot naman akong istorbohin siya dahil baka masama ang mood dahil sa sakit ng katawan na tinamo niya kanina.

Binalingan ko ang cellphone na ibinigay niya sa akin. Nakakuha ako ng maraming pictures sa carnival. Tinitigan ko ang nag iisang selfie naming dalawa kung saan nakapulupot ang kamay ko sa leeg niya, sa likuran namin ay ang roller coaster. Ang ganda ng kuhang iyon. At ang gwapo ni Paniki doon. Mahal siya ng camera kahit saang anggulo.
Kinapa ko ang puso kong walang tigil ang pagpintig ng kakaiba. Parang may ritmo, parang ang saya-saya ng puso ko. Sa edad kong ito hindi ako mahilig tumingin sa mga lalaki, lumaki akong puro pag aaral at ambisyon sa buhay ang nasa isip, kaya hindi ko talaga alam kung ano ang tinatawag nilang pagibig.

Pero ngayon parang alam ko na.

May gusto na nga yata talaga ako kay Jave. Sobrang saya ko kapag kasama ko siya, makita ko lang siya naghahabulan na ang pintig ng puso ko. Lagi akong naaasar sa kayabangan niya pero hinahanap-hanap ko siya. Ayokong umalis sa tabi niya. Ayokong mawawala siya sa paningin ko.

Higit sa lahat, nasasaktan ako sa tuwing puro si Rianne ang pinapansin niya.

Gusto ko na si Paniki.




Excited akong gumawa ng facebook account. Inupload ko doon lahat ng kuha ko sa carnival. Gusto kong gawing profile picture ang selfie namin pero nahiya ako. Wala akong permisong iupload yun kaya yung mga pictures ko lang ang nilagay ko sa bago kong account. Hinanap ko si Kayla, inadd ko siya. Nakafollow siya sa account nila Jiro at Ark kaya na add ko din ang dalawa. Hindi ko nahanap si Jave. Pero nang iconfirm ako ni Ark, nakita ko sa wall niya ang account ni Jave.

Inistalk ko iyon.

Nanlumo lang ako. Tama sila, puro Rianne nga ang laman. Haay. Bakit noon hindi naman ako nasasaktan ng ganito? Bakit ngayon masakit na?

Lumabas ako ng kwarto para uminom ng tubig. Naabutan ko siyang nakabihis na ulit at nagsusuot ng jacket. “Akala ko tulog ka na? San ka pupunta?”

“Masakit ang katawan ko..” aniya na parang maganda ang mood.

“Di ba dapat magpahinga ka?”

“Di ba dapat mag-sorry ka muna sa akin?” ganting tanong niya.

Sumimangot ako. Gusto kong mag-sorry pero magkukusa ako. “Dapat kasi tumakbo ka kanina.”

“San ako tatakbo? Eh wala ngang matakbuhan? Mas gusto mo bang pinagsusuntok ko lahat ng lumapit sakin?”

Sabagay. Mabait na nga siya sa lagay na yun. “Eh san ka nga pupunta?”

Umaliwalas ang mukha niya. “Kay Rianne, dapat niya akong alagaan.” nakatawang sagot niya na kilig na kilig pa.

Hindi ako nakaimik kaya lumapit siya at ginulo pa ang buhok ko. “Wag kang mag alala Alien, hindi ako napuruhan. Ako pa ba! Sige, alis na ako. Pero sabay tayong papasok bukas kaya hintayin mo ako, ok?” kumindat pa siya.

Sabi nang ayokong kumikindat siya! Nakakainis.

“Maaga ako bukas. Hindi kita hihintayin.” Masungit ngunit matamlay kong sagot. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya. Inis akong pumasok ulit sa kwarto ko at doon nagpakawala ng sama ng loob. Hindi ko mapigilan ang sarili kong umiyak ng umiyak.

This was my first heartbreak. At talaga namang nakakapanghina ng puso at ng buong pagkatao. Sana hindi nalang siya naging mabait sa akin. Sana naging kapareho nalang ng lahat ang turing niya sa akin. Sana hindi nalang niya pinaramdam na espesyal akong kaibigan.

Dahil hanggang doon nalang ako….kaibigan.




“Talaga Sofia?? Totoong sumayaw at kumanta si Jave sa carnival kagabi?” hindi makapaniwalang tanong ni Kayla.Hindi ko alam kung panu niya nalaman ang bagay na yun kinumpirma ko lang dahil totoo naman.

“Wow. Napaka-imposible. Hindi ni Jave ginagawa iyon dahil allergic siya sa public attention, kaya hindi talaga ako makapaniwala. Ano ba talagang meron sa inyo Sofia? Ba’t nagagawa mong mapapayag si Jave sa mga bagay na hindi naman niya talaga ginagawa? Alam mo bang ultimo ang crush niya na si Rianne ang nagrequest noon sa kanya hindi niya pinagbigyan?”

Ayan na naman. Nabanggit na naman si Rianne. Sumasakit na naman ang puso ko.

“Ano bang meron sa inyo? Bakit ang bait sayo ni Jave? Hinahampas mo siya, sinasaktan mo siya hindi siya nagagalit. Kahit sina Jiro at Ark hindi nagagawa kay Jave yun..”

Pinilit kong ngumiti, pero hindi ko talaga kaya. “ Takot siyang mawalan ng katulong sa bahay.”

“Ano?” kumunot ang noo ni Kayla.

“Wala.” Tapos hindi na ako muling nagsalita. Ayokong pag-usapan si Jave, hindi nakakabuti sa pakiramdam ko. Kanina sinadya kong pumasok ng maagang-maaga para hindi na niya ako maabutan. Hindi ko alam, pati ako nagtataka sa sarili ko, ang weird bigla ng pakiramdam ko. Hindi ko inaasahan ito, kung alam ko lang na magkakaganito ang reaksyon ng puso ko, sana hindi ko na siya niyaya sa carnival. Sana din hindi nalang niya ako pinagbigyan.

“Bigla kang natahimik diyan.” puna ni Kayla. “ By the way, naayos ko na sa Uncle ko ang tungkol doon sa pagsama natin sa black market auction. Pumayag na siya!” excited niyang balita.

“Eh Kayla..nag aalangan ako doon eh. Di ba nakakatakot?”

“Ano bang nakakatakot? Nandun naman ang Uncle ko, siya ang kakausap kay Jandrix, ilang tanong lang naman yan diba? Tsaka isang picture for documentation. Madali lang yun, ako ang bahala sayo.”

Nakagat ko ang labi ko. “Eh kung isama natin sina Jiro?”

“Hmmm. Hindi pwede eh, ikaw lang ang pinag paalam ko sa Uncle ko. Bawal ang outsider doon sa totoo lang..at sana wag ka na ring maingay sa iba. Alam mo naman na illegal yun baka matunugan ng mga pulis.”

“Ganun ba. Wag nalang Kayla, hahanap nalang siguro ako ng ibang paraan--”

“Ano ba naman Sofia. Akala ko pa naman matapang ka at gusto mong ilampaso ang mga nakakabwesit nating kaklase?” nagulat ako dahil biglang tumaas ang boses niya. “Sumama ka na. Basta pinagpaalam na kita, weekend yun ng gabi. Walang pasok kaya tamang-tama. Sige na, alis na ako, magkita nalang tayo sa classroom beshy.”

Nakakaloka si Kayla, magtataas ng boses tapos biglang magiging sweet. Pero ayoko talagang sumama sa event na yun ng mga mayayamang kriminal. Nakakatakot.

Continue Reading

You'll Also Like

151K 11.4K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...
43.2K 2K 64
Gaano nga ba katagal bago mo makilala ang isang tao at masabing MFEO (Made For Each Other) nga kayo?. Maniniwala ka bang itinadhan kayo kung mga magu...
9.7M 176K 63
[COMPLETED||123115] NOTE: This story is still UNEDITED. Asahan ang mga nakakalokang grammatical and typo errors. What will you do if you're Secretly...
206K 1.6K 11
Perfect boys only exist in books. Akala ko din eh. Hanggang isang araw dumating na lang si Nicolo Sandivan Monreal, the future first presidential son...