She's The Bad Boy's Princess

By VixenneAnne

17M 502K 61.2K

Westside University is a home for the wealthiest, most powerful successors in the business world. Students of... More

A/N
Main Cast
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13.
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
FB GROUP: Princes Of Hell Club
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
FB Updates
Chapter 24
Updates
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
FB Updates
Chapter 63
BOOK 2
New Book Available!!

Chapter 36

216K 7.2K 1.1K
By VixenneAnne

“Jave!! Ang ganda…”

Halos pumuso ang mga mata ko nang madaanan namin ang isang carnival at mamataan ang promo banner na nakalagay sa itaas ng gate. May carnival mascot pa na namimigay ng mga discount coupons.

“Jave…50% discount daw ang ticket oh…” excited kong tili.

“So?” malamig na sagot niya.

Ngumuso ako. Nagmakaawa ang mukha ko na itigil niya ang sasakyan at pumunta kami doon.

Sinilip niya ang banner at tumingin sa relo.

“Pleaseeeeee?????”

“Ang pangit mo, ayusin mo nga mukha mo.” aniya na nakakunot-noo. Tinaasan pa ako ng kilay.

“Hmp! Sina Jiro na nga lang---”

“Tch. Maghahanap na nga ng parking di ba? O mas gusto mong iwanan ko ‘tong kotse sa gitna ng daan?”

Ngumiti ako ng matamis sa kanya. Namumungay ang mga mata ko habang siya nakabusangot. Ok lang, at least pumayag siya. Kaya tuwang-tuwa ako.


Dahil nga naka-promo ang entry sa carnival kinailangan pa naming pumila ng mahaba para lang makapasok. Kaya ang init na tuloy ng ulo ng Paniki. Palibhasa sa kweba niya walang pila kaya hindi siya sanay. Ilang beses na siyang nagmumura, tapos yamot na yamot na ang mukha.

“Saglit nalang ‘to Jave, malapit na tayo oh..” konsula ko sa kanya.

“Saglit? Mag-iisang oras na tayong nakapila? Alam mo bang ito na ang pinakamatagal na pinilahan ko sa buong buhay ko?” asik niya. Pinagpapawisan na ang Paniki, kawawa naman. Inaatake na naman ng prince syndrome niya, malala na talaga ang sakit ni Jave. “Naiinis na ako Alien, sinasabi ko sayo.”

Tinawanan ko lang siya. Nilabas niya ang gold card niya mula sa wallet at nagmartsa papunta sa ticket counter.

“Hoy! San ka pupunta?”

“Babayaran ko na lahat ng mga taong yan para mas madali. Para makapasok na tayo--”

“Hoy!” nanlaki ang mga mata ko. “Hindi pwede! Pumila tayo!” Hinila ko siya pabalik sa linya. Medyo gumagawa na kami ng eksena kaya palihim ko na siyang hinampas sa balikat. Ang dami kaya ng nakapila. Tsaka kaya nga ako nagyaya kasi may discount, saka ako ang magbabayad saming dalawa tapos chacharge niya lahat sa credit card niya? Pero totoong mukha na siyang nahihirapan, pinagpapawisan na eh, imbes na patulan ang sakit niya kumuha ako ng panyo mula sa bag at pinunas iyon sa noo niya.

“Anong ginagawa mo?” hinuli niya ang kamay ko.

“Alam ko po kasi mahal na prinsepe na hindi ka sanay pumila, kaya pinapagaan ko pakiramdam mo. Mainit ba? Hipan kita?”

“Hipan? Fuck.” umikot ang mga mata niya. Imbes na mainis sa mura ni Jave, natawa pa ako sa cute na ekspresyon ng mukha niya. Ang gwapo pa rin niya kahit masama na ang mood at pawis na. Inisip ko tuloy kung may pagkakataon bang papangit ito? Wala siguro.

“Ayan na! Tayo na susunod. Ako magbabayad!”

Bago pa man siya makapagprotesta nakadukot na ako ng pera at nakabayad na. Hinila ko ang kamay niya at patakbong pumasok sa malawak na carnival. Medyo madilim na kaya kitang-kita na ang ganda ng mga ilaw sa paligid, pati na ang mga rides na nasa loob makukulay na dahil sa ibat ibang bombilyang nakakabit.

“Tara Jave, doon tayo!!” hinila ko siya sa pila ng extreme rides. Una naming sinakyan yung ride na dadalhin ka sa pinakamataas nitong toktok saka ka ibabagsak. Parang naiwan nga ang kaluluwa ko sa taas eh.

Sumunod naman yung parang bangka. Nakakahilo parang ang laking duyan. Nakakatuwa talaga. Wala akong ginawa kundi sumigaw at kumapit sa braso ni Jave.

“Ang saya!” para akong bata alam ko. Pero hindi ko mapigilan, ito ang pangalawang beses na nagpunta ako sa carnival, disgrasya pa yung una. Pero ngayong kasama ko si Jave, kampante akong walang manggugulo sa amin. At dahil doon sobrang gaan ng pakiramdam ko.

“Jave! Ang ganda nun. Parang ang sarap!” Nakaupo na kami sa bench. Tapos ay nakita ako ang parang umiilaw na pagkain, cotton candy pero umiilaw sa dilim, ang galing! Tatayo na sana ako para bumili, hinila lang ang braso ko ni jave.

“Hindi ka ba napapagod. Maupo ka nga!” asik niya sa akin, salubong na naman ang kilay. “Alam mo hindi ako nahihilo sa rides, nahihilo ako sayo. Pwede bang pumirmi ka ng isang minuto lang? Para kang bagong pisang palaka!”

Humaba ang nguso ko.

“Ako na bibili.” sabi niya.

Lumawak na ulit ang ngiti ko. Pinagmasdan ko siyang bumili ng pagkaing gusto ko. Hindi ko maiwasang wag pansinin ang mga babaeng nasa paligid na nakasunod na naman sa galaw ni Jave. May ibang palihim pang kumukuha ng picture. Panu ba naman kasi, sobrang gwapo na naman niya sa porma niyang fitted na gray shirt at black pants na pinatungan ng itim na jacket. Nakawhite siyang shoes, may hikaw sa kaliwang tainga, at higit na nakadagdag sa angas ng porma niya ang silver necklace. Kahit anong isuot niya bagay sa kanya eh. Napaka-swerte talaga ng paniking ito, hinakot na lahat ng kagwapuhan sa daigdig.

Kaya ang lakas ng kilig ko nang ibigay niya sa akin ang pagkain.

“Thank you!”

Pumitik ang puso ko ng ngumisi siya. Yung usual na badboy na ngisi niya. Nakakainis. Ba’t ang gwapo ng tingin ko kay Paniki ngayon?

Napatingala ako sa malaking screen na bumukas sa harap namin. Live yun ng isang local band sa loob ng carnival. May nagaganap na on the spot talent contest at 5 thousand daw ang premyo. Napatayo ako. 5 thousand?? Ang laking pera na nun.

“Wag mong sabihing sasali ka??” ani Jave.

Ngumiti ako ng malawak. “Magaling akong magdespacito hindi ba??”

Umikot na ulit ang mga mata niya ng hilahin ko siya. Kaya lang by pair daw, nadismaya naman ako. PInanood ko nalang tuloy ang mga contestant na paisa-isang nagpakita ng talent.

“Nakasimangot ka?” untag ni Jave sa tabi ko.

“Eh gusto kong sumali eh.” ang haba ng nguso ko habang sinasabi ko yun. Hinilamos tuloy ni Jave ang palad niya sa mukha ko.

“Hoy! Ang pangit mo, ayusin mo mukha mo nakakahiya!” tinawanan pa niya ako. “Sali ka.”

“Hmp!”

“Last call na oh. Akyat na.”

Sinimangotan ko siya. Sinabi nang by pair eh.

“Sasamahan kita.”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. “Teka, sasamahan mo ko? Anong gagawin mo??”

“Ako na bahala kung ano gagawin ko. Basta sayawin mo ang despacito kagaya ng ginawa mo sa school.” sabay kindat.

Peste. Ayokong kumikindat siya ng ganun, feeling ko nakukuryente ako. Dumidiretso sa puso ko.

Ako ang unang umakyat ng stage. Kinabahan ako dahil baka biglang topakin si Jave at iwanan ako. O baka gino-good time niya lang ako. Pero wala nang panahong magback out, nag umpisa na ang intro ng kanta. Kailangan ko ng gumalaw. Sumayaw ako ng kagaya ng ginawa ko sa school, pero hindi ko inaasahan ang pagpailanlang ng boses ni Jave sa buong stage. Saglit akong natigilan, nawala pa ako sa sarili hindi ko na alam ang susunod na step.

Pero biglang sumulpot si Jave sa harap ko. May hawak na mic. Yung porma niyang pangbadboy tapos may hawak na mic, tapos nakatitig sakin ang mga matang walang kasing gaganda. Hihimatayin na yata ako.

Come on over in my direction

So thankful for that it’s such a blessin’ yeah

Turn every situation into Heaven, yeah

Oh you are

My sunshine on the darkest day

Got me feelin some kind of way

He reached for my hand. That was when my body started to follow its own accord. Gumalaw ako ng naayon sa galaw ni Jave.

Gosh. He can sing!

And golly, the bat knows how to dance!

Ang ganda niyang sumayaw, at ang angas niyang gumalaw!

Mas lalong akong nawala sa sarili nang bigkasin niya sa fluent Spanish ang susunod na lyrics ng kanta habang ang mga mata ay nakatotok sa akin at sa galaw ko.

Despacito

Quiero respirar tu cuello despacito

Deja que te diga cosas al oido

Para que te acuerdes si no estas conmigo

Despacito.

I followed the beat. I followed his movement. Hindi ako makapaniwalang nagkakasundo ang mga galaw namin sa stage.

Dahil siguro ang saya ng puso ko? Para akong nasa ulap sumusunod na kusa ang katawan ko sa kakaibang kilig na nararamdaman ko sa bawat hawak niya Jave at sa bawat pagdikit ng katawan ko sa kanya.

Ibang klase talaga si Paniki. Wala akong masabi.

Continue Reading

You'll Also Like

9.7M 176K 63
[COMPLETED||123115] NOTE: This story is still UNEDITED. Asahan ang mga nakakalokang grammatical and typo errors. What will you do if you're Secretly...
58.8K 624 33
Heiress Trilogy Series#3 Lea's life been a hell for her... All she can do is to obey her Father want.. Everytime she disobey Him,He punish her... A p...
28.6M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
3.4K 376 41
sa sapilitang pagmamahal, kakayanin mo bang magpanggap na ok lang? Try to be the woman he wants and likes. kakayanin mo bang ipamuka niya sayong hind...