rants ✩ meanie

By wongyurt

116K 8.2K 5.1K

❝hi, pwede bang magrant?❞ - meanie (mingyu x wonwoo) ©wongyurt √ 180508 #18 in short story More

Rants
001
002
003
004
005
006
007
008
009
010
011
012
013
014
015
016
017
018
019
020
021
022
023
024
025
026
027
028
029
030
031
032
033
034
035
036
037
038
039
040
041
042
043
044
045
046
047
048
049
050
051
052
053
054
055
056
057
058
059
060
061
062
063
064
065
066
067
068
069
070
071
072
073
074
075
076
077
078
079
080
081
082
084
085
086
087
088
089
090
091
092
093
094
095
096
097
098
099
100
101
102
103
104
105
106
107
108
109
110
111
112
113

083

1.1K 59 41
By wongyurt

Pagkapasok pa lang ni Minghao sa condo ni Mingyu, alam na niya sa sarili niyang gusto na niyang umuwi. Hindi niya yata kayang magtagal sa lugar kung saan maaalala niya ang lahat tungkol sa kanila ni Mingyu.

Pinipilit niyang magmove-on pero paano niya gagawin yun kung sa bawat pagkilos niya naaalala niya si Mingyu? Maybe he should stop thinking about the things related to him and Mingyu.

"Huy, Hao. Anong ginagawa mo diyan? Usong umupo." sabi ni Jun sa kanya at tinuro ang space sa tabi niya. Tiningnan niya kung saan umupo ang nakatatanda and it was the couch na lagi nilang inuupuan dati. "Ay sorry, sige hyung uupo na ako." sabi nito at tumawa nang mahina.

"Asan sila Mingyu?" Tanong ni Soonyoung sa kanila. "Nasa may kusina kasama si Wonwoo, may inaayos yata." sagot ni Jun sa tanong ng nakababata. "Baka iba na yung inaayos nila dun ha." sabi ulit ni Soonyoung habang tinataas at baba niya yung kilay niya. Iba na yata ang iniisip nito. "Uy ayos Soon, ano ka ba" saway ni Jun dito tsaka tumingin kay Minghao. "Ay sorry hao di ko sinasadyang sabihin yun hehe." sabi nito at nagpeace sign.

"Okay lang hyung, wala naman na sa akin yun. Tsaka wala naman akong magagawa kung may ginagawa na talaga sila doon hehe." sabi nito at ngumiti nang bahagya. Napakasinungaling mo, Minghao, sabi nito sa isipan niya.

Pagkasabi niya nito, biglang lumabas sila Mingyu at Wonwoo sa kusina. "Wala pa ba sila hyung? Magluluto na kasi kami." tanong ni Mingyu sa kanila. "Wala pa eh. Marami ka yatang lulutuin, gusto mo tulungan ka namin?" sagot ni Jun sa kanya at nagvolunteer na tumulong sa kanila.

"Kung okay lang sa inyo hyung hehe. Para mabilis matapos yung pagluluto ko." sabi niya dito na parang nahihiya. Ngayon lang kasi siya humingi ng tulong para tulungan siya sa pagluluto kaya medyo nahihiya ito. "Sige okay lang ano ka ba. Ano bang pwede naming matulong doon?" sabi nito habang naglalakad papunta sa kusina. Sinundan naman siya ni Minghao dahil ayaw niyang kasabay sa paglalakad sila Mingyu.

"Okay lang sana kung maghiwa kayo hyung. Kaya niyo ba?" sagot nito sa tanong ng nakatatanda. "Kaya namin 'to Gyu ano ka ba. Ako na bahala sa patatas, ano bang gagawin dito?" Sabi ni Soonyoung sabay kuha sa patatas at hinugasan naman ang kutsilyo.

"Balak ko kasing gumawa ng french fries. Feeling ko kasi mas masarap kung ako gagawa hehe. Kaya alam mo na hyung kung pano hihiwain yan ha." sagot nito habang naghuhugas ng kamay.

Sinimulan na nila yung kanya-kanya nilang gawain. Si Wonwoo yung naglaga ng noodles para sa spaghetti, si Jun naman naghihiwa ng mga hotdogs at si Minghao naman dun sa carrots.

Dahil hindi pa nababalatan yung carrots, walang nagawa si Minghao kung hindi gawin ito. Hindi siya sanay magbalat kaya nahihirapan siya. "Ahh!!" Biglang sigaw ni Minghao. Nagulat naman ang lahat dahil sa nangyari sa kanya. Si Mingyu ang pinakamalapit dito kaya agad niyang tiningnan kung anong nangyari sa kanya. May maliit na hiwa si Minghao sa daliri nito gawa ng napalakas yung pagkayod niya sa carrot kaya pati yubg daliri niya, nabalatan. He nearly cut his finger. Buti na lang at hindi ganon kalalim yung pagkakahiwa sa daliri niya.

"Anong nangyari?" tanong agad ni Jun kay Mingyu na hawak-hawak ang kamay ni Minghao. "Nahiwa siya hyung. Buti na lang hindi ganon kalalim, ako nang bahala sa kanya." sagot nito habang tinitingnan kung may iba pa bang sugat maliban doon.

Tiningnan din ni Wonwoo ang nangyari sa nakababata and he feels sorry for Minghao. Pero kahit na ganon ang nangyari dito, hindi niya alam kung bakit nagseselos siya nang kaunti. Maybe dahil ang bilis hinatak ni Mingyu ang kamay nito. Alam niyang hindi dapat siya magselos dahil emergency yun at may nangyaring masama kay Minghao pero meron pa ring konting selos na nanggaling sa kanya.

Si Minghao naman, hindi makagalaw sa sobrang sakit. Hindi lang sakit ang naramdaman nito, pati na rin pagkagulat. Nagulat siya nang biglang hinawakan ni Mingyu ang kamay niya para tingnan kung may nangyari bang masama dito.

Habang nililinis ni Mingyu ang sugat nito, naalala na naman niya yung panahon kung saan nagkasakit ito at si Mingyu rin ang nag-alaga sa kanya.

Yung panahong sobrang taas ng lagnat niya at hindi nawala si Mingyu sa tabi niya. Sinabi niya sa sarili dati na babawi siya kay Mingyu pero hindi na niya magagawa 'yon ngayon. Hindi na niya magagawa 'yon dahil may ibang tao nang gagawa ng mga ganon sa kanya at si Wonwoo 'yon.

Nakafocus lang si Mingyu sa paglilinis ng sugat nito. Maingat niyang nililinis para hindi gaanong masaktan si Minghao at ramdam niya 'yon. Ramdam niya ang pagdadahan-dahan ng binata sa paglilinis ng sugat nito.

Sana hindi mo na dinahan-dahan, mas masakit pa diyan yung ginawa mo nung iniwan mo ako, sabi ni Minghao sa isipan. He should be thankful dahil si Mingyu ang gumagawa nito para sa kanya pero hindi niya maiwasang isipin ang mga 'yon.

Mabilis niyang natapos ang paglilinis sa sugat ni Minghao at kasabay 'non ang pagdating ng iba. Sabay-sabay dumating ang walo kaya umingay na naman ang unit ni Mingyu.

"Anong nangyari sayo, Minghao hyung?" tanong ni Chan nang makita ang binata na may benda sa kamay. "Nahiwa siya habang nagbabalat ng carrots. Tingin ko naman magiging okay na siya" Si Mingyu ang sumagot imbis na ang binata. Nagulat na naman si Minghao dahil sa ginawa ni Mingyu. Sa pagkakaalam niya nakakapagsalita pa siya, kamay niya yung may sugat hindi yun bibig niya.

"Oh kaya pala. Sana maging okay ka na hyung. Buti na lang nandyan si Mingyu hyung para alagaan ka." sabi nito na medyo nagpagulat sa dalawa. Yung huling sinabi lang pala yung nagpagulat sa kanila.

"Bakit mo naman nasabi yan?" hindi na napigilan ni Minghao ang sarili at natanong niya si Chan. "Eh diba kayo ni hyung? Syempre aalagaan ka niya." Sagot nito nang nakangiti. Hindi pa nga pala alam ni Chan na naghiwalay na ang dalawa. "Wala na kami ni Mingyu, last month pa." sinabi naman niya at ngumiti, ngumiti na may kasamang pait dahil naalala na naman niya na wala na talaga sila ni Mingyu. Wala namang imik si Mingyu at parang nakikinig lang sa usapan nila Minghao.

"Ay sorry hyung hindi ko alam huhu" gulat na sabi nito at niyakap si Minghao sandali. "Okay lang. Hindi mo naman kasi alam na wala na kami eh." yan na lang ang nasabi niya para hindi na isipin ni Chan na may kasalanan siya.

"Ah, tinatawag na kayo ni Seungcheol hyung. May sasabihin yata sa ating lahat." Biglang singit ni Wonwoo sa usapan at tumingin kay Mingyu na wala pa ring imik hanggang ngayon. "Sige, lika na hyung." sabi ni Mingyu at biglang hinatak si Wonwoo papunta kila Seungcheol. Nagulat si Wonwoo sa inasta ng nakababata. Ramdam niya na may nangyari doon kanina kaya siya hinatak nito.

Sumunod naman ang dalawa pang naiwan sa kusina at pumunta kung saan nakaupo sila Seungcheol.

"Ayan kumpleto na tayo! Di pa ba tayo kakain? Nagugutom na ako guys" Sabi ni Jeonghan pagkarating nila Minghao. "Di pa tapos yung niluluto namin hyung, teka lang." Sagot ni Mingyu kay Jeonghan kaya nagpout si Jeonghan dahil sa sinagot ng nakababata.

"Tulungan ka na lang namin para di ako magutom lalo hehe." suwestyon ni Jeonghan at biglang si Jisoo at Mingyu papunta sa kusina. Hindi niya alam kung bakit niya hinatak si Jisoo. Hindi pa rin kasi sila okay kaya sobrang nakakahiya para kay Jeonghan yung ginawa niya.

"Bakit pati ako kasama?" biglang tanong ni Jisoo kay Jeonghan kaya nabitawan siya nito. "Sorry, wala kasi akong mahatak. Ikaw lang kasi yung malapit sa akin kanina. Sige, kung gusto mo balik ka na lang doon. Ako na lang yung tutulong lay Mingyu." tuloy-tuloy niyang sabi dahil nahihiya siya kay Jisoo. Buti na lang at naintindihan ni Jisoo yung sinabi niya kahit sobrang bilis nito.

"Hindi, sige, tutulungan ko na kayo. Ang pangit naman kung pumunta ako dito tapos babalik ako dun kasi ayaw kong tumulong." sabi nito kay Jeonghan. Hindi alam ni Jeonghan kung bakit may anong naramdaman siya sa loob niya nang marinig niya kay Jisoo 'yon. "Uhm, hyungs, kukunin ko na yung niluto ko. Ilagay na lang natin sa lalagyan para makakain na tayo." singit ni Mingyu sa usapan na nakaiwas din sa pagiging ilag ng dalawang kasama nito. "Yay! Makakakain na ako! Tayo pala hehe" masiglang sabi nito at sumunod kay Mingyu.

Sa sobrang pagkaexcite nito, napaso siya. Buti na lang at hindi ganon kalala dahil nahawakan kaagad ni Jisoo ang kamay nito. "Thank you." sabi nito habang tinitingnan ang kamay niyang hawak hawak pa rin ni Jisoo. "Sa susunod kasi magi-ingat ka." Parangal ni Jisoo dito. Natatawa na lang si Mingyu habang pinagmamasdan ang dalawa. "Uh Jisoo, yung kamay ko, okay na ako." sabi nito at tinanggal naman ni Jisoo ang pagkakahawak nito sa kamay ng binata. "Sorry, hindi ko namalayan na hawak ko pa rin pala." Tinuloy naman ni Mingyu ang paghahanda sa pagkain habang pinapanood ang dalawa. Hindi naman talaga nila natulungan si Mingyu dahil nga napaso si Jeonghan at paulit-ulit na tinatanong ni Jisoo kung ayos lang ba talaga ito.

Nang malagay na ni Mingyu ang mga pagkain sa lamesa, kumain na sila. Siya lang ang nakatira sa condo niya pero hindi niya alam kung bakit ang laki-laki ng table niya. Siguro ngayon alam na niya kung bakit, para magkasya silang 13 kapag kakain. Napagdesisyunan nilang umupo sa table na nakabase sa edad nila. Walang nagawa si Minghao at umupo sa tabi ni Mingyu dahil 'yon ang gusto ni Seungcheol.

Si Wonwoo naman, nakatingin lang kay Mingyu na katapat niya. Napatingin din siya kay Minghao na katabi si Mingyu. Hindi ba't sinabi niyang nagseselos siya nang kaunti kanina? Mas tumindi na yung selos niya ngayon. Mabait si Wonwoo pero hindi niya talaga mapigilang hindi magselos lalo na at alam niyang naging sila dati. Kung bakit daw ba kasi hindi sila magkaedad ni Mingyu at lagi na lang silang magkatabi ni Minghao kapag edad ang pinaguusapan eh. Mas mukhang si Minghao tuloy ang boyfriend ni Mingyu ngayon.

Natapos silang kumain nang tahimik ay awkward para kay Minghao. Kay Minghao lang dahil parang wala lang kay Mingyu na magkatabi sila, given the fact na may namagitan sa kanila dati. That only means na wala na talagang paki si Mingu sa binata, according kay Minghao.

"Uwahh! Nabusog ako! Ang sarap mo talagang magluto Mingyu!!" sabi ni Jeonghan at pumalakpak. Minsan hindi talaga nila alam kung si Chan ba yung pinakabata o si Jeonghan talaga.

"So, sinong maghuhugas?" tanong ni Jihoon sa kanila. "Eh di yung nagtanong." sagot ni Soonyoung kaya sinamaan na lang siya ng tingin ni Jihoon.

"Sige, ako nang maghuhugas, kasama si Jihoon." biglang sabi ni Seungcheol at hinatak si Jihoon papunta sa kusina. "Sinabi ko bang gusto kong maghugas ha?" inis na tanong ni Jihoon pagkadating sa kusina. "Kasasabi mo lang, Jihoonie." sagot nito at ngumiti nang napakalawak, na kita ang gilagid, oops. "Tss. Pahamak ka talaga sa buhay, hyung. Simulan na natin to para matapos na kaagad." walang ganang sabi nito at bakas pa rin ang inis sa mukha niya. Tumawa na naman si Seungcheol dahil sumuko na rin ang binata.

—————————————————————

Natapos nang maghugas sila Seungcheol at lahat sila ay nasa sala na. Naisipan nilang mag spin the bottle kaya umupo silang lahat sa sahig.

Unang tumapat ang bote kay Seungcheol na pinili ang dare. Inutusan naman siya ni Seungkwan na makipag-holding hands kay Jihoon hanggang sa matapos ang laro. Namula naman si Jihoon dahil sa galit o di kaya naman ay dahil sa kilig na nararamdaman niya. May gusto kasi ito sa nakatatanda pero hindi niya lang maamin, ayaw niyang isuko ang pinagsamahan nila nang dahil lang doon.

Sumunod naman tumapat ang bote kay Seungkwan na truth naman ang pinili. Ngumisi si Jihoon dahil alam niyang pagkakataon na niya ito para makaganti. "Kwan, para kanino ba yung love letter na nakita ko sa kwarto mo na puro puso ang laman?" tanong nito at namula naman si Seungkwan sa hiya. "Seryoso ka ba talaga diyan? Oh my god! Sasagutin ko ba talaga yan, hyung?!" Tanong niya rito na para bang hindi makapaniwala sa mga nangyayari. "Malamang. Nagtruth ka diba? Sagutin mo na yan bago pa ako makaisip ng mas malalang tanong." sagot nito na hawak-hawak pa rin ang kamay ni Seungcheol. Medyo nasanay na ito pero hindi mo pa rin maaakila na di pa rin siya gaanong komportable doon.

"Napakasama mo talaga hyung! Pero sige, aamin na ako. Para kay Hansol talaga 'yon. Pero tatlong taon na yung nakalipas nung ginawa ko yun. First pa lang tayo nung ginawa ko yun so medyo may pagkacorny pa 'yon. Huhu nahihiya ako sa sinasabi ko ngayon huhu" sabi nito at tinakpan ang mukha gamit ang mga kamay niya. "Wala ka man lang bang sasabihin, Hansol? The two of you should thank me kapag naging kayo ngayong gabi." sabi naman ni Jihoon at tumingin kay Hansol nang nakangisi. Walang nagsasalita sa natitirang 10 at tila hinihintay din kung anong isasagot ni Hansol sa binata. "So does that mean you like me, hyung? I like you since the day I met you. Hindi ko man masabi sayo but my feelings grow and grow everyday." sabi ni Hansol na parang nahihiya rin pero nakatingin kay Seungkwan. Nagulat naman si Seungkwan sa sinabi ni Hansol tungkol sa nararamdaman niya. "Magtabi na nga kayong dalawa. Napakapabebe niyo." biglang singit ulit ni Jihoon sa usapan. Agad naman siyang sinunod ng dalawa kaya lumipat si Hansol at nakipagpalit ng pwesto kay Seokmin. Nang nagkatabi, doon na lang nila tinuloy ang usapan at nagsimula nang magpaikot ng bote. "Hindi ko inexpect na kayang gawin 'yon ng isang Lee Jihoon." Bulong ni Seungcheol sa binata. Jihoon smirked because of that. "I told you, always expect the unexpected malay mo, gawin ko rin yan sayo at sa gusto mo." mahinang bulong nito sa nakatatanda. "I bet you won't do that to yourself." bulong ni Seungcheol pero hindi narinig ni Jihoon sa sobrang hina kaya pinabayaan na lang niya ito at hindi na tinanong ang nakatatanda.

Sumunod namang natapatan ng bote si Mingyu. Dahil gusto niya raw machallenge, truth ang pinili niya. "Bakit kayo naghiwalay ni Minghao hyung? Akala ko kayo na talaga eh." tanong ni Chan na para bang walang alam sa nangyayari. "Chan, feeling ko hindi ko pwedeng sagutin yan, pwede bang ibang question na lang?" sabi nito at tumingin kay Wonwoo pagkatapos ay kay Minghao. "Bakit? Kasi nandito ako. Go, sagutin mo, gusto ko rin malaman ang dahilan kung bakit mo ako hiniwalayan." sabi ni Minghao at ngumiti. Pinipilit niyang ayusin ang ngiting 'yon pero mas lalo yatang naging mapait na ngiti ang binigay nito.

"Okay sige, sasagutin ko na. Kagaya nga nga sinabi ko, I fall out of love. Hindi ko nga alam kung love ba talaga yung naramdaman ko o infatuation lang. Pero nung inisip kong mabuti, nalaman kong infatuation lang pala yung nararamdaman ko sayo at hindi pagmamahal. Nalaman ko na mas matindi yung naramdaman ko kay Wonwoo hyung kumpara yung sayo. Sa tingin ko, yung nararamdaman ko say hyung, mas matibay yun para masabi mong magpapahal dahil matagal ko siyang pinagisipan. Hiniwalayan kita dahil alam kong 'yon ang nararapat para hindi na kita masaktan pa lalo japag lumala pa ang sitwasyon. Sana maintindihan mo yun, Hao. Sorry kung dahil sa kagaguhan ko, nasaktan pa kita." sabi nito at tumingin nang diretso sa mga mata ni Minghao. He really mean it. Totoo ang lahat ng sinabi niya pero hindi niya sinasadyang saktan si Minghao dahil doon.

"Oh next na haha. Okay na yun. Ako na lang magikot ng bote okay lang sa inyo?" Sabi ni Minghao. Gustong-gusto niyang umiyak, gusto niyang umiyak dahil sa mga narinig niya galing kay Mingyu pero mas pinili niyang tumawa. Tumawa para kahit papaano ay maibsan ang sakit na nararamdaman niya ngayon.
Inikot na ni Minghao ang bote at tumapat kay Chan.

"Truth or dare?" tanong ni Soonyoung sa nakababata. "Truth" sagot nito. "Okay, ako na lang ang magtatanong sayo Chan bebe. Ano 'yong narinig kong may girlfriend ka raw ha?" tanong ni Soonyoung dito. Nagulat naman si Jeonghan dahil ang anak niya, may girlfriend na?! "Anong girlfriend?! Wala kang sinasabi sa aking ganyan bata ka! Magpaliwanag ka nga!" sigaw ni Jeonghan na parang nanay na nangangaral sa anak niyang may nagawang kasalanan.

"Ah eh, totoo yun mga hyungs hehe. Hindi ko muna sasabihin kung sino yung girlfriend ko pero 3 months na kami hehe. Yan lang yung masasabi ko. Yung sayo naman Jeonghan hyung, sorry kung hindi ko sinabi sayo, nahihiya akong magkwento eh." Nahihiyang sagot nito sa nakatatanda. "Pero kahit na! Alam mo namang nag-iisang anak lang kita huhu. Ang bebe Chan ko, malaki na huhu" sabi ni Jeonghan at umiyak na kala mo ay nakabuntis ang anak niya. Jeonghan really loves Chan kaya hindi nila ito masisi kung bakit napakaover-protective nito sa nakababata, he only wants the best for Chan. Marami nang pinagdaanan ang nakabatata at nandoon si Jeonghan para masaksihan ang mga 'yon. "Hyung naman. Wag kang oa tsaka may balak naman akong sabihan ka pero hindi pa dapat ngayon hehe." pangangatwiran ni Chan sa nakatatanda.

"Pabayaan mo na si Chan, Han. Minsan lang ma-inlove yan." Pang-aasar ni Seungcheol sa nakababata pero at least tinigilan na siya ni Jeonghan. "Bakit? Araw-araw ka bang inlove?" bulong ni Jihoon kay Seungcheol. "Oo, sayo." Sagot nito na ikinapula ng nakababata. "Shut up." Yan na lang ang nasabi ni Jihoon dahil hindi siya makapagisip nang maayos at para na rin manahimik si Seungcheol. "Grabe ka naman hyung! Hindi naman siya ang first love ko." sabi ni Chan kay Seungcheol. "Kahit na. Iba pa rin ngayon. Mukhang inspired na inspired ka eh." pangaasar ulit nito sa binata at ngumiti ng nakaloloko, yung kitang gilagid na ngiti.

"Akala ko ba tama na, Cheol? Tigilan mo na ang bebe Chan ko." sabi ni Jeonghan kay Seungcheol at umiling-iling. "Oh next na. Ikot mo na yung bote Jisoo." Utos ni Seungcheol sa lalaking katabi ni Jeonghan. Sinunod naman ni Jisoo ang inutos ng nakatatanda at tumapat ang bote sa katabi niya, kay Jeonghan. "Uhm, truth or dare?" awkward na tanong ni Jisoo dahil hindi pa rin sila okay nito.

"Uhm truth." mahinang sabi nito. "Sinong magtatanong? Ikaw na lang kaya Jisoo hyung" suggest ni Seokmin sa kanila. Yan ang unang beses na nagsalita si Seokmin magmula ng dumating sila. Hindi kasi masyadong nagsasalita si Seokmin ngayon, ibang-iba dati kung saan halos hindi mo mapatigil ito sa kakasalita. Wala namang nakakapansin non maliban sa isang Kwon Soonyoung na kanina pa nakatingin sa binata.

"Huh? Oh sige. Bakit ka umalis nung sinabi kong gusto rin kita?" tanong nito at tumingin ng diretso sa binata. "Ah kasi ano, akala ko kasi nangloloko ka lang. Akala ko kasi sinabi mo lang yun para pagaanin yung loob ko. Na ginawa mo yun para gumaan yung loob dahil sobrang dami kong problema ngayon. Akala ko sinabi mo lang yun para hindi magmukhang nireject mo ako. Akala ko hindi totoo 'yon. Yun lang talaga yung dahilan kung bakit patuloy pa rin akong umiiwas sayo." sabi nito at umiwas ng tingin kay Jisoo. Iniisip niya na ang tanga-tanga niya dahil sa ginawa niya. Narinig niyang tumawa nang mahina si Jisoo at nagulat siya dahil doon. "Hindi mo ba ako kilala Jeonghan? Sa tingin mo ba gagawin ko yun? Kung gusto kong pagaanin ang loob mo, bakit ko sasabihin yun lalo na at alam kong mas lalong makakasakit sayo kapag nalaman mo yung totoo. My feelings for you are real. Hindi ako nagsisinungaling kaya sana paniwalaan mo ako." sabi nito at ngumiti kay Jeonghan. Ngumiti na parang kapag ginawa niya 'yon, mawawala na ang lahat ng problema niya sa mundo. Ngiti na nakakapagpagaan ng problema ni Jeonghan.

"Tama na yan pwede ba? Inaantok na ako tigilan na natin to." Singit bigla ni Jihoon at humikab. Gising na siya simula kaninang 3 am kaya gustong-gusto na niyang matulog. "Oo nga hyungs, gabi na rin oh." Pagsang-ayon ni Chan sa sinabi ni Jihoon. Minsan talaga nagkakasundo ang dalawang 'to eh, lalo na sa mga ganitong bagay.

"Oh eh di okay, matulog na tayo." sabi ni Seungcheol at walang nagawa ang iba. Lahat sila ay sinusunod si Seungcheol dahil para sa kanila, hindi lang isang hyung ang turing nila dito kundi isang nakatatandang kapatid. They all respect Seungcheol dahil sobrang dami nang nagawa nito para sa kanila.

May tatlong kwarto ang unit ni Mingyu. Hindi niya alam kung bakit ganito kalaki ang pinili ng mga magulang niya para sa kanya dahil siya lang naman ang mag-isang nakatira dito. Hindi naman siya umangal dahil ang mga magulang nito ang nagbabayad at hindi siya.

Magkakasama sa iisang kwarto sina Mingyu, Wonwoo, Seungcheol at Hansol. Sa pangalawang kwarto naman sina Jun, Minghao, Soonyoung at Chan. At ang natitira naman ay magkakasama sa pinakamalaking kwarto. Gusto man tumabi ni Seungcheol kay Jihoon pero hindi pumayag ang binata. Pinaalis din ni Jihoon si Hansol nang marinig niya itong balak daw niyang tabihan si Seungkwan. Ayaw ko ng landian. Yan ang sinabi niya dito bago niya isara ang pintuan.

Natapos ang gabi na puro asaran, kasiyahan at landian ang naganap. Naging okay naman si Minghao at sinabing hindi naman pala masama na sumama siya ngayong araw.

[end!]

———
charot lang mga doi. 'to talaga yung epekto ng anim na araw na walang waypay eh. sorry kung may typos or what.

Continue Reading

You'll Also Like

18.9K 1K 23
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
1.2M 24K 56
just for fun
224K 13.4K 11
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...
74.1K 3.1K 50
In which Izana and Y/N have been academic rivals since their freshmen year. Both of them are competitive and are out to destroy one another. But what...