Zoe's Point of View
"Tiis tiis muna tayo, girls. Kailangan makumpleto natin ang informations bago tayo lumaban, okay?" Bilin ko sa kanila nang makabalik na kami ng classroom. Aba, hindi kami pwedeng sumabak sa giyera ng walang plano.
"Paano kapag hindi na ko nakapagpigil?" tanong ni Sab.
"Basta kapag nadulas ka at nabara mo sila, bawiin mo lang ang sasabihin mo. Ibahin mo. Basta huwag mo ipahalata na kaya mo silang labanan."
Dahil wala pa ang teacher ay nagkwentuhan muna kaming apat. Okay na sana eh. Wala na sanang pakialamanan pero may mga dumating na asungot.
"Hello, girls. Ang ganda ng araw ngayon 'di ba? Napansin niyo?" tanong ni Josh habang hila hila ang upuan niya at umupo sa tapat namin. Bwisit. Ano na naman kaya ang trip nito?
"Kanina maganda pero ngayon hindi na," bulong ni Yannie na sa kabutihang palad ay hindi niya narinig.
"At mas gaganda pa 'yun kung hindi ko nakikita ang mga mukha niyo sa harapan ko. Lalo ka na, Leaving."
Ay, epal naman pala nito. Sino ba nagsabing umupo siya sa harapan namin? Siya itong lumapit lapit tapos magrereklamo na nakikita niya raw kami. Nabaliw na.
"Try mong tumalikod, mawawala kami sa harap mo," bulong ni Sab.
"Ano yun, Leaving?"
Umirap si Sab habang nakayuko at saka hinarap si Josh at ngumiti, "Ang sabi ko... oo nga ang ganda ng araw ngayon."
"Buti alam mo," tango niya at saka hinarap ang tatlong kaibigan niya. "Hoy kayong tatlo, tara dito. Kwentuhan tayo."
Uto-uto naman 'yung tatlo. Lumapit nga.
"Yo! May ano?" tanong ng lalaking maputi na mukhang chickboy kay Josh.
"Wala naman. Makipagkwentuhan lang tayo sa kanila."
Noong una, nagtataka ako kung bakit nila kami kinakausap at kung bakit trip nitong makipagkwetuhan kasi sa pagkakasabi ni Ashley, bawal daw 'yun. Kaya lang narealize ko na: 1. Sila ang leader ng boys kaya hindi sila mapaparusahan at; 2. makikipag-usap lang sila para bwisitin at sirain ang araw namin.
Bwisit 'tong mga 'to.
"Hoy kayong apat! Magkwento nga kayo," utos ni Josh na hindi namin sinunod. Ano siya sineswerte? Close ba kami para magkwento sa kanya? Feeling.
Natawa si chickboy at pinalo sa likod si Josh, "Deadma p're. Mga bingi ata 'yan."
"Hoy! Hindi ba talaga kayo nakakarinig?! Bakit ayaw niyong sumagot?!" Ayan na. Siya 'tong magsisimulang mangbwisit pero siya 'tong mapipikon.
Hindi pa siya nakuntento. Lumapit pa si Josh at kinalabit ako. Nang tumingin ako sa kanya ay nagcross arms siya, "Bakit ba hindi kayo sumasagot? Ang bingi bingi niyo naman. Wala kayong kwentang mga kausap. Ano ba naman 'yan."
"Mga wala talagang kwenta," dagdag pa ng supladong may headset.
Hayop 'to! Minsan na nga lang magsalita ang harsh pa! Walanghiya. Impakto. Kapal ng mukha para sabihan kaming walang kwento. Aba, sino ba siya sa akala niya?!
Ibang usapan na 'to!
"Hoy, impaktong nakaheadset! Makapagsalita ka diyan ha! Tapalan kaya natin ng packing tape 'yan bunganga mo! Ayusin mo lang ang mga salitang lumalabas diyan!"
Pero syempre hindi ko talaga nagawang sabihin 'yun. Masakit man sa akin, kailangan talagang magtiis.
Hindi pa rin namin sila kinibo kaya ayun at lumayas na din sila sa harapan namin. Mas nakakainis naman kasi talaga ang silent treatment.
Habang nasa kalagitnaan ng klase ay may tumunog bigla na nagpatahimik sa aming lahat pati na rin sa teacher. Hindi kaaya-ayang tunog. Halatang sinadya.
Wala pa rin kumikibo sa amin nang biglang sumigaw 'yung mukhang chickboy.
"Yannie sweetie! Kanina ka pa nag-iingay d'yan. Sabi ko kasi sa 'yo kanina mag-C.R. ka na eh. Maiintindihan naman namin."
Nagtawanan pa ang mga boys dahil sa sinabi niya habang si Yannie ay halos namumula na sa inis.
Matapos magtawanan ng mga lalaki ay nagpatuloy na si ma'am sa pagtuturo ay nagpasagot sa board. Unahan magsolve ang isang lalaki at isang babae.
Nagvolunteer si Ayu, as expected. Sa boys naman, 'yung isa pang tahimik at nag-iisang mukhang matalino sa apat na leader ang sumagot.
Naunang matapos si Ayu kaya bumalik na siya agad sa seat niya. Sakto namang may kumatok sa door kaya nilapitan ni ma'am kung sino man 'yun.
Pagbalik niya ay chineck niya ang sagot ng dalawa. Guess what... mali si Ayu.
Paano naman kasi habang kausap ni ma'am ang kumatok ay dinagdagan ng zero nung lalaki 'yung sagot ni Ayu. Hindi man lang siya naging subtle. Talagang pagtapos isulat ang 0 ay lumingon pa siya sa amin at ngumisi. Bwisit!
Nang tumunog na ang bell ay dali dali kaming nag-ayos. Thank goodness tapos na! Mawawala na sa paningin ko ang mga lalaki dito.
Palabas na kami nang marinig ko ang sinabi ng mukhang chickboy sa mga kaibigan niya.
"Pustahan tayo magdra-drop 'yang apat na 'yan bago matapos ang linggo. Mukhang mga mahihina."
Mahihina? Huh. Sige, pustahan pala ha? Just wait and see. By tomorrow, ipapakain namin sa kanya ang mga sinabi niya.
Nang makabalik kaming school ground ay inabutan namin si Ashley na naghihintay sa amin.
"Ashely!" sigaw ko at kumaway sa kanya.
"Hello mga, ate. So ano na?"
"Sa nearest cafe na lang tayo mag-usap usap," aya ni Yannie na tinanguan naman nitong isa.
Nang makarating kami sa café ay hindi na kami nagsayang ng oras at tinanong kaagad siya.
"Okay, Ashley, alam na namin ang basic about sa teen clash. Pero may mga tanong pa kasi kami. Okay lang?"
"Go lang, Ate Zoe. Magtanong lang kayo. Okay lang."
Nauna na si Yannie sa pagtanong habang busy pa ako sa pag-aayos ng mga pagkain sa lamesa. "Curious ako kung bakit hindi na lumalaban ang girls. Wala bang naglalakas-loob lumaban?"
"Wala na po, Ate Ayu. Sus! Para namang may laban kami sa boys?"
"Meron 'yan. May laban pa rin ang girls. Pero ito pa... 'yung sa leader ng boys. Anong alam mo sa kanila?" tanong naman ni Ayu at naglabas pa ng papel para ilista ang mga sasabihin ni Ashley.
"Ayon nga, classmate niyo sila. Apat din just like you. Kinakatakutan talaga sila kasi parang ang powerful ng aura. Ganun."
"Individual information, please," dagdag ko pa.
"Hmm. 'Yung pinakamatalino sa kanila ay si Kenneth Yu. Matalino talaga 'yun at ayaw niyang may kakumpitensya siya sa spot ng pagiging valedictorian. Mukha lang tahimik pero maloko 'yan."
"Akala ko pa naman matino," irap ni Ayu at saka sumenyas kay Ashley na ituloy ang sinasabi.
"Si Josh Alonzo naman, siya 'yung pinakamayabang. Alaskador. Sobrang lakas mang-asar pero pikon naman. Pagdating naman sa sports sobrang cool niya. Mapabasketball, swimming, badminton o tennis walang nakakatalo sa kanya. MVP na kumbaga."
"MVP. Most vwisit player. Tingnan lang natin. Continue," senyas ni Sab.
"'Yung maputi naman na gwapo ay si Alexander Evans pero mas kilala siya as Xander. Playboy. Chickboy. Player. Ganoon siya. Dakilang flirt. Never pa kasi na-inlove. Hindi pa nagtatagal ang mga babae sa kanya. Wala pa atang one week ang pinakamatagal niyan. Pero kapag napanood mo siyang sumayaw, nganga ka na lang."
"Jerk," irap ni Yannie.
"And last but definitely not the least ay yung leader ng mga leaders. Si Ivan Charles Ethan Scott. Suplado. Hindi basta basta nakikipag-usap sa kahit na sino. Pero kung kinausap ka niya, mas hihilingin mong sana hindi ka na lang niya kinausap. Kasi naman sobrang harsh magsalita. Sa kanilang apat, siya ang pinakanakakatakot. Saka alam niyo ba... no girlfriend since birth 'yan. Hindi kasi alam ang salitang love."
"Kung ano inikli ng name ko, 'yun naman ang ihinaba ng kanya. Teka... Ice. Ice na lang tawag ko sa supladong matabil ang dila na yun," sabi ko na ikinatawa naman sila.
"Ate Zoe, ayon naman talaga ang nickname niya. Pero close friends at family lang ang tumatawag sa kanya nu'n. Kapag hindi niya ka-close, Ivan ang tinatawag sa kanya."
"Teka nga, Ash. Bakit ang dami mong alam tungkol sa kanila? Stalker ka ba?" tanong ko pa.
Para kasing alam niya ang life story ng apat eh. Baka nga stalker 'to? Kasi kahit na bwisit ako sa kanila, hindi ko naman maitatanggi na mga gwapo sila. Kaya hindi malabong magkaroon ng stalker.
"Eww. Stalker?! Like duh." Nandidiring sagot niya.
"Avid fan?" tanong naman ni Sab.
"In their dreams."
"Eh bakit nga ang dami mong alam? Crush mo?" This time ay si Ayu naman ang nagtanong.
"No! Yuck!"
"Isa pang tanong bata ka. Ayaw sumagot ng maayos," sabi naman ni Yannie.
"Sino ka ba talaga?" dagdag ko pa.
"I'm Ash. Ashley Scott. Younger sister ni Ivan Charles Ethan Scott."