My Drummer Boy [AVAILABLE IN...

Nikkidoo tarafından

1.5M 21.5K 1.2K

Revised Edition © 2014. [Filipino/Tagalog] Si Luna Reyes ang presidente ng pinakamataas na organisasyon sa pa... Daha Fazla

FOREWORD
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE
Sneak Peek #1
Sneak Peek #2
My Drummer Boy book is out!

Chapter 64

14.6K 184 13
Nikkidoo tarafından

Chapter 64

Luna

“JUSTIN!” Tumayo ako sa sofa at niyakap siya sa likod.

     Pilit ko siyang hinihila palayo kay Jessie. “Ano’ng nangyayari dito?!” sigaw ni Steff.

     “Jessie!” sigaw ni Kat at tumakbo silang tatlo nina Kevin papunta sa amin.

     Pumagitna si Kevin kina Jessie at Justin. “Mga pare, ano ba?! Bakit ba nag-aaway kayo?” Pero walang kumibo sa kanila. Bumitaw ako sa pagkakayakap ko kay Justin. Nangingilid na din ‘yung luha ko. Ayokong nakikita silang nag-aaway. Para kasing nasasaktan din ako.

      “Oh my God, Jessie!” Lumuhod si Kat sa tabi ni Jessie at hinawakan ‘yung mukha niya. Nagkaroon ng crack ‘yung lower lip niya dahil sa pagkakasuntok ni Justin.

     “Mabuti pa kung umalis ka nalang, pare,” sabi ni Justin habang mabigat ‘yung paghinga.

     Tumayo naman si Jessie at nakipagtitigan kay Justin. Nakita ko ‘yung pagsusukatan nila ng lakas. Halata ko din na parang nagpipigil lang din si Jessie.

     Pinunasan ni Jessie ‘yung dugo sa labi niya at lumakad paalis. “Jessie! Wait!” Hinabol naman siya ni Kat. Naiwan kaming apat na nakatingin sa bukas na pintuan kung saan lumabas silang dalawa.

     “Ano ba kasing nangyari?” Tiningnan kami ni Steff.

     “Justin.” Mangiyak-ngiyak na ako. Hinawakan ko siya sa braso pero inalis niya agad ‘yon. Tumalikod siya at umakyat sa kwarto ni Kevin. Nasaktan ako sa ginawa niya. Pero sa totoo lang, kasalanan ko din naman kasing lahat ‘to.

     Hindi ko masisisi si Justin kung nagagalit man siya ngayon. Naiintindihan ko ‘yung sakit na nararamdaman niya. Kung ako man ‘yon ay ganito din ‘yung magiging reaction ko. Naramdaman ko na kasi ‘yung sakit na makita ‘yung mahal mong may kahalikang iba.

     Tulad noong nakita ko si Jessie at Sarah na magkahalikan doon sa room. Parang unti-unting dinudurog ‘yung puso ko noon. Gusto kong pumikit pero pilit ibinubukas noong utak ko ‘yung mga mata ko. Alam kong nasasaktan ako noon pero hindi ko magawang iiwas ‘yung tingin ko.

      “K-Kebs, pwede bang... Pwede bang mahiram ‘yung susi mo sa kwarto?” mahina kong sabi.

     “Ano ba kasing nangyari?”

     “Babe.” Hinawakan ni Steff si Kevin sa balikat. “Huwag muna tayong magtanong. Let them talk first.”

     Huminga si Kevin. “Sige. Basta ayusin niyo ‘yan, ha?”

     Pinilit kong ngumiti at tumango. Dinukot ni Kevin ‘yung susi sa bulsa niya. Kinuha ko ‘yon at nagpasalamat. Tumakbo na ko agad papunta sa kwarto ni Kevin. Alam kong naka-lock ‘yung pinto pero sinubukan ko pa rin.

     “J-Justin?” Kumatok ako. “Justin, mag-usap tayo.”

     Pero hindi siya sumagot.

     Wala na kong magagawa. Huminga ako ng malalim at ipinasok ‘yung susi sa knob. Noong bumukas ‘yung pintuan, tumingin si Justin sa akin. Napakagat ako sa labi ko.

     Mapula ‘yung mga mata niya habang nakaupo doon sa gilid ng kama.

     “Justin,” mahinang sabi ko. Pakiramdam ko ay parang may kumirot sa puso ko. Isinarado ko ‘yung pinto at lumakad papunta sa kanya. “Justin.”

     “A-Ayokong makita mo ko ng... ng ganito, Luna.” Pinunasan niya ‘yung luha sa mga mata niya. Umupo ako sa tabi niya at hinawakan siya sa kamay.

     “Justin.” Maging ako ay nangilid na rin ang luha. “I’m sorry. Ako ang may kasalanan. Sorry talaga.”

     Umiling siya. “No. H-Hindi ikaw ang may kasalanan. Ako. A-Ako ang may kasalanan kung bakit ako nasasaktan ng ganito ngayon.”

      “Please. Justin.” May pumatak na luha mula sa mga mata ko.

      “Alam ko naman na mula noong umpisa pa lamang ay si Jessie na talaga ang gusto mo. Kaso... hindi ko napigilan ‘yung sarili ko na mahulog sa’yo e. It’s my fault because I’ve fallen for someone who loves another guy.” Sinapo niya ‘yung ulo niya.

      “Akala ko noong una, k-kaya kong makitang kasama mo pa din si Jessie. Pero hindi e. Sobrang nasasaktan ako tuwing kasama mo siya. Ang sakit-sakit. Sa sobrang sakit ay parang gusto nang sumabog ng puso ko.”

     Lalong tumulo ‘yung luha ko sa sinabi niya. Niyakap ko si Justin. “I’m really sorry, Justin.”

     “Saan ka ba nagso-sorry? Doon sa nakita ko kanina o dahil hindi mo ko kayang mahalin?”

     Humigpit ‘yung pagkakayakap ko sa kanya. “Huwag ka namang magsalita ng ganyan. Please. You’re still special to me.”

     Bigla siyang tumayo. Napabitaw ako sa pagkakayakap ko sa kanya. “Justin.” Nakita kong pumatak ‘yung luha mula sa mga mata niya. Ang sakit makitang umiiyak ‘yung taong mahalaga sa’yo. Lalo na kung alam mong ikaw ang dahilan ng bawat pagtulo ng luha niya.

     “I think we should stop this, Luna.”

     Bumigat ‘yung dibdib ko. Kahit papaano din naman kasi nagkaroon siya ng puwang sa puso ko. Oo, mahal ko pa din si Jessie. Hindi naman kasi sa isang iglap lang ay mawawala ‘yon e. Lalo na kapag nagmahal ka ng totoo.

     Pero mahalaga pa din kasi sa akin si Justin. I may not love him like the way I love Jessie, but still, he is very important to me. At ayokong lumayo siya sa akin.

      “Justin, please.” Tumayo ako at niyakap siya. “Huwag mo kong layuan. H-Hindi ko kaya kapag nawala ka.”

     “Ayokong lumayo, Luna. I want to stay beside you. Pero nasasaktan ako tuwing naiisip ko na ako nga ‘yung may hawak sa kamay mo, ang yumayakap at nag-aalaga sa’yo, pero iba naman ‘yung nilalaman ng puso’t isipan mo.”

     Hindi ako makasagot. Alam ko kasing tama siya. I know I’m being selfish. And I know that I’m hurting Justin so much. But I can’t stand losing him. Mahalaga siya sa akin.

      “Pareho na kayong mawawala sakin,” mahina kong sabi. May hikbi na kumawala sa bibig ko. “N-Naiinis ako sa sarili ko. Pareho kong itinulak palayo ‘yung dalawang taong nagmamahal sa akin. Dahil sa kapabayaan ko... Dahil sa nararamdaman ko... Pareho na kayong mawawala sa akin.”

     Inalis ko ‘yung pagkakayakap ko sa kanya. Pinunasan ko ‘yung luha sa pisngi ko at pinilit na ngumiti. “Siguro, I deserve this. Siguro dapat lang na iwanan niyo kong dalawa. Naging padalus-dalos ako noong nakipag-break ako kay Jessie. Pero noong na-realize ko na pinagsisisihan ko na ‘yung mga sinabi ko sa kanya, huli na ang lahat.”

     Tiningnan ko si Justin sa mga mata. Nakita kong pinakikinggan niya ‘yung bawat salitang sinasabi ko. “Naging selfish ako when I asked you to stay. I’m sorry kung lagi nalang kitang nasasaktan. I’m sorry kung ako nalang lagi ‘yung dahilan kung bakit nalulungkot ka. I’m sorry kung hindi ko magawa ‘yung mga gusto mo. I’m sorry kung wala akong kwenta. I’m really sorry, Justin. I think it’s the best if I just...”

     Napayuko nalang ako. Tumikom ‘yung mga kamay ko sa tagiliran ko. Huminga ako ng malalim para humugot ng lakas ng loob.

     “I think it’s the best if I just leave.”

     Napanganga si Justin sa sinabi ko. “Luna.” Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. “Ano ba ‘yang sinasabi mo? Saan ka naman pupunta?”

     Tinaas ko ‘yung ulo ko. Tumulo ulit ‘yung luha mula sa mga mata ko. “May sakit ako, Justin.” Para iyong lason na unti-unting pumapatay sa lakas ng loob ko. “At kailangan kong magpagamot sa States para ‘wag nang lumala pa ‘yung sakit ko.”

     Namutla ‘yung mukha ni Justin. “H-Ha? A-Anong sakit? Hindi kita maintindihan, Luna!” Nanlalaki ‘yung mga mata niya. Halatang gulat na gulat siya sa ipinagtapat ko.

     Nakaramdam ako ng pait sa puso ko. Hanggang maaari ay ayokong malaman nila na may sakit ako. Ayokong mag-alala sila sa akin. Para kapag pumunta na ako ng America, hindi na ko mahihirapan pang iwanan sila.

      “Sagutin mo ko, Luna! Ano’ng sakit mo?” Mataas ‘yung boses ni Justin. Inaalug-alog na din niya ‘yung balikat ko.

      “M-May brain disease ako.” Humikbi ako. “At s-sabi ni Mama ay kailangan ko daw pumunta ng America para magpagamot.”

     Biglang nanghina ‘yung mga kamay niya. Nalaglag ang mga iyon mula sa mga balikat ko. Narinig ko ‘yung bawat paghinga niya. “Alam na ba ni Jessie ‘to?” tanong niya.

     Umiling ako.

     “Bakit hindi mo sabihin?”

     “Ayoko ng dahil lang sa sakit ko ay balikan niya ko. Ayokong kaawaan niya ko. Kaya, please Justin. Huwag mong sasabihin kahit kanino. Nagmamakaawa ako sa’yo,” pakiusap ko kay Justin.

     Niyakap ako ni Justin ng mahigpit. Niyakap ko din siya at ibinaon ‘yung mukha ko sa balikat niya. “Si Steff, Casey, ikaw at ‘yung pamilya ko lang ang nakakaalam. Please, a-ayokong kumalat ‘to sa school. Ayokong malaman din ‘to ni Jessie. Please, Justin.”

     “Shh.” Hinaplos niya ‘yung buhok ko. “I promise, walang makakaalam. Tumahan ka na.”

     “Thank you,” bulong ko sa kanya.

 

ж ж ж

Kat’s POV

“Jessie, wait!”

     Patuloy pa din sa paglalakad si Jessie. Pumunta siya doon sa kotse niya at pinaandar ‘yung engine. Umupo ako sa may passenger’s seat. “Jessie, what happened? Bakit sinuntok ka ni Justin?”

     Pero hindi niya ako kinibo. Nakakunot ‘yung noo niya at parang may galit sa mga mata niya. Kahit noong nasa byahe na kami ay hindi pa din nagbabago ‘yung aura niya. Nakatingin ako sa kanya pero diretso ‘yung tingin niya sa daan.

     “Si Luna ba?”

     Humigpit ‘yung pagkakahawak niya sa manibela. Biglang bumigat ‘yung dibdib ko sa nakuha kong confirmation. “So siya nga ‘yung dahilan.”

     Biglang pumreno si Jessie. Naupo siya ng tahimik doon. “Let’s break up, Kat.”

     Napatingin ako sa kanya. “W-What?”

     He looked at me. “Let’s break up.”

     “You’re joking,” matawa-tawa kong sabi. Pero seryoso ‘yung pagkakasabi niya sa akin noon.

     “Napapagod na ko, Kat. ‘Yung parents lang naman natin ang pumipilit na maging tayo e. For the sake of our families’ business.”

     Umiling ako. I felt tears burning behind my eyes. “It’s not just our parents, Jessie. I love you and I want to be with you.”

     Nagbuntung-hininga si Jessie. Hinawakan ko ‘yung braso niya. “Please, Jessie. Don’t... Don’t break up with me. Hindi ko alam kung makakayanan ko ng wala ka.”

      “But I don’t love you, Kat.”

     Nahulog ‘yung kamay ko mula sa braso niya. Alam ko naman na hindi niya ko gusto. Ako lang naman ‘yung nagpupumilit na sumiksik sa buhay niya e. Pero iba pa rin pala ‘yung sakit noong mula sa bibig niya mismo nanggaling ‘yung mga salitang iyon.

      “Sasabihin ko na din kina Mommy at Daddy. I don’t care kung alisan man nila ako ng mana. You’ve been very nice to me and I like you, pero iba pa din ‘yung nararamdaman ko para kay Luna.”

     Tinakpan ko ‘yung mga tainga ko. “Please don’t say anything more. Please...”

     “Kat.” Hinawakan niya ‘yung kamay ko. Tinitigan niya ko sa mga mata. Naramdaman ko din na parang may matigas na bagay siyang inilagay sa palad ko. “I’m sorry.”

     At doon na nga tumulo ‘yung luha ko. Noong sinabi niya na ‘I’m sorry’. Para kasing sinabi niya na wala na talaga akong pag-asa. That he can’t love me back. At sobrang nasaktan ako sa sinabi niya na iyon.

     Sumandal ako at pinunasan ‘yung luha sa pisngi ko. “D-Drive me home.” Nanginginig ‘yung boses ko noong sinabi ko ‘yon.

     “Kat.”

     “I said drive me home!” I said firmly.

     Huminga muna si Jessie bago pinaandar ulit ‘yung sasakyan. Nakatulala ako sa bintana buong byahe. Pero ni isa man sa mga nakikita ko sa labas ay hindi ko napapansin. Nakalutang ‘yung isipan ko. Napakahapdi ng nararamdam ko sa loob ng dibdib ko.

     Nakatikom ‘yung palad ko doon sa binigay na bagay sa akin ni Jessie. Mahigpit ‘yung pagkakahawak ko doon. Parang ayoko iyong bitawan.

     But I have to.

     Huminto na si Jessie noong nasa harapan na kami ng bahay ko. Inalis ko ‘yung seat belt at binuksan ‘yung pintuan. “Kat.” Hinawakan ni Jessie ‘yung kamay ko. Pero I pulled it at lumakad na papasok ng bahay.

      “Darling?” sabi ni Mommy noong makita niya ko. May hawak silang wine ni Daddy at nakaupo doon sa may sala.

     “Bakit ganyan ‘yung itsura mo? Umiyak ka ba?” tanong ni Daddy.

     Pero hindi ko sila pinansin at umakyat na papunta sa kwarto ko. Pagkasarado na pagkasarado palang ng pintuan, tumakbo na agad ako papunta sa kama. Nabasa ng luha ‘yung unan ko. Feeling ko hindi na ko titigil pa sa pag-iyak.

     Naging mugto ‘yung mga mata ko. Mahigit isang oras na din siguro kong umiiyak. Then biglang dumako ‘yung tingin ko doon sa daliri ko. Lalong sumikip ‘yung dibdib ko noong makita ko ‘yung plain gold ring na nakasuot doon.

     Tinanggal ko ‘yung singsing at tinitigan iyon. Binuksan ko din ‘yung isang palad ko kung saan nakalagay ‘yung kaparis nitong singsing na ibinigay ni Jessie kanina. Mabigat ‘yung loob ko habang tinititigan silang dalawa.

     I love you, Jessie. And I thought that you’ll eventually learn to love me. But I must’ve hoped too much that’s why I’m hurting like this.

     I thought that this ring will not leave your finger. I thought that it will symbolize our love someday. It hurts too much to see this pair of rings end up in my own hands. Parang napakahirap isipin na hindi mo na suot ‘yung isa sa mga ito.

     But because of what you’ve said, now that you’ve made it clear that you don’t care about our parents’ agreement, and that you’re willing to take the risk...

     Wala na kong magagawa.

     From now on, this pair of rings will just be ordinary rings for the both of us.

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

86.4K 4.9K 61
A girl who can see the death of whomever she touches or touches her. A boy who she cannot see his death even when he touches her. Meet each other's...
423K 4.4K 19
[COMPLETED] Is love really sweeter the second time around? Will it be that way for Annika and Seven now that their paths crossed again – now that the...
150K 3.6K 54
What will you do if you end up in someone else body?
3.9K 266 37
In life you face many obstacle, challenges, and sufferings. But, enable to survive you need to face and fight them one by one. You need to have coura...