Just Married

By bluedust

9.8M 67.2K 13.3K

This is an ONGOING series. Copyright © 2012 by Bluedust. All Rights Reserved. No Softcopy | No Compilation |... More

PAUNANG DADA (CHARARAT)
Prologue~teaser
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10.1
10.2
10.3
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46.1
46.2
47
48
49
50
51
52
53

30

172K 1K 167
By bluedust

************************SANDER'S POV****************************

Pagpasok na pagpasok namin sa loob ng bahay...

"Uwaahhh...grabe Chupi! Regalo ba talaga sa atin 'to ni momsie?! Waaahhhh grabe ang laki at ang ganda!" automatic na taong bundok na naman siya eh.

Sabi ko naman sa inyo eh! Dapat talaga 'I married a taong bundok' na lang ang title nito.

"Tapos may mga gamit na agad...waahhh...nakakatuwa naman 'to! Oy Sander di ka ba natutuwa ha?!" pangungulit niya.

"Pshhh...caveman." bulong ko.

"Ha? Anong sabi mo?"


"Wala! Sabi ko bingi ka!"

"Tss.Alam mo ang sungit mo! Siguro magmemenopause ka na! Wahahaha Gurang!" pang-aasar niya.

Habang nililibot namin ang bahay, no! Scratch that.

"Panget ka kasi!" me.

"Ewan ko sa'yo!" her.

 Ganyan! Puro ganyan lang ang nangyari. 

Walang katapusang asaran. Eh may sapak naman ata kasi 'tong babae na 'to! Napakaingay! sarap Ang sarap pasakan ng tinapay sa bibig para manahimik.

Pero wrong move ata kapag pinasakan siya ng tinapay kasi paniguradong kakainin niya lang din yung tinapay, hahaha!

"WOOOOOOW!" 

*O* -ganyan! Siguro kung may mas malaki pang letter O...ganun kalaki yung bibig niya!

"Sander! Sander! Tignan mo may dagat oh!"

after 1 minute...

"Sander! Sander! tignan mo may seashells oh!"

after 1 minute ulit...

"Sander! Sander! Tignan mo may *Insert kahit anong bagay here*!"

Paulit-ulit! Dinaig pa ang sirang plaka, nakakarindi! Sa loob ng 30 minutes na paglilibot, natutulili na ang tenga ko kaya iniwan ko muna siya at nag-ikot mag-isa.

Binuksan ko lahat ng pinto pero isa lang ang nakita kong kwarto maliban sa guest room...

Isa lang ang kama?

>:)

Dali dali akong pumunta kay sammy at dinala siya sa itaas.

"Sammy! Sammy! Tignan mo isa lang yung kama!" ginaya ko yung tono, boses at way ng pagsasalita niya kanina.

Hahaha! Jackpot!

"ANO?!" 

Chineck pa talaga niya kung isa nga lang talaga yung kama. Hahaha sorry siya...

"Hala! Eh paano yun? Paano tayo matutulog?!" panic niyang tanong.

Tumabi ako sa kanya, as in tabing tabi, tapos hinila ko yung bewang niya papalapit sa akin...

"Eh di magkatabi..." at binigyan ko siya ng isang nakakalokong ngiti.

BWAHAHAHAHAHA! GOT YOU PICHU! 

"Magkatabi pala ha..."

"TABIHAN MO MUKHA MO!" sigaw niya sa akin.

*matinding kurot sa tagiliran*

"ARRRAAAAYYY!"

punyet@ ang sakit! Napahawak ako sa tagiliran ko dahil sa hapdi ng pagkakakurot niya.

"Aray, shit! Bakit mo ginawa yun?! Humanda ka sa akin kala mo!" pagbabanta ko sa kanya habang nakahawak pa rin sa tagiliran ko.

Grabe pakiramdam ko bumaon na yung kuko niya sa tagiliran ko, pucha ang sakit!

Nakita kong naglakad siya papalabas ng pinto.

"Oy! San ka pupunta ha?!" sigaw ko sa kanya.

"Uuwi muna ako sa amin..kukunin ko mga gamit ko,ikaw rin kunin mo na mga gamit mo...balik ako dito bukas.Ciao!" sabay nagwave sign habang naglalakad paalis.

"Aish. Saglit lang hintayin mo ako!"

Tumakbo ako papunta sa kanya. 

"Hintayin mo ako, sabay na tayo."

"Wag na. Magcocommute na lang ako, medyo pamilyar na naman yung daan. Tsaka mamaya manyakin mo pa ako eh! Tsss.."

HAH! Ang lakas din ng imagination ng babaeng 'to eh no? 

"nun mee cha suh! [you're crazy!]  Ako? Mamanyakin ka? Kung mangmamanyak man ako, sisiguraduhin kong hindi ikaw ang mamanyakin ko! Pipili ako ng maganda at matalino di tulad mo! Eh di wag kang sumabay! Bakit may sinabi ba akong isasabay kita? Maglakad ka mag-isa mo!"

"TALAGA!"

Sabay umalis na siya at naglakad.

"Aish...mababaliw na ako!" 

 *************************SAMMY'S POV***********************

 Nakakainis yung lalakeng yun! Bwisit! Nakakainis! Nakakainis! Nakakainis!

Para tuloy akong tangang nagdadabog dito sa sidewalk habang naglalakad kasi naman eh, inis overload na ako sa mokong na 'yun!

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Teka teka bakit parang may sumusunod sa akin?

Napatingin ako sa likod ko. Baka guni-guni lang kaya dinedma ko na lang at binilisan ko na lang ang lakad ko.

Teka...para talagang sinusundan ako nung kotse eh! Eto na talaga, sure na akong di na 'to guni-guni lang! Sinusundan na talaga ako nung kotse, nasa likod ko na eh!

Oh naku, Diyos ko po! Iligtas niyo po ako sa mga masasamang tao.

Nagsimula na akong tumakbo kaso binilisan din nung kotse kaya naman nahabol pa rin ako.

Naku naman! Hindi nga si Sander ang mamanyak sa akin pero mukhang eto naman! Binilisan ko pa ang takbo ko.

Go Sammy Go! Kelangan mong tumakbo para makaligtas! Ipakita mo ang pagiging supergirl mo sa takbuhan!  Kelangan mong mabuhay para kay Shaun! Tandaan mong magiging asawa mo pa siya! Iyan ang iniisip ko habang tumatakbo, syempre kailangan ng inspirasyon!

Binilisan ko pa lalo ang takbo hanggang sa maalpasan ko na yung kotse.

Napayuko tuloy ako habang nakatukod ang mga kamay sa tuhod, in all fairness, nakakapagod!

Nanatili ako sa ganung posisyon nang biglang may tumakip sa mga mata ko.

Automatic kong tinanggal yun kamay niya at humarap dun sa kung sino man na damuhong yun para sampalin at jombagin siya...malapit na ang kamay ko sa pisngi niya ng bigla niya itong pigilan, pagtingin ko kung sino...

si parekoy pala!

"S-shaun?" gulat kong sabi.

OMG.  Ang gwapo kong bestfriend!

"Ikaw talaga parekoy, wala ka paring kupas." sabay gulo ng buhok ko habang hawak niya pa rin ang kamay ko.

nakakatulala...

"Halika na!" sabay hinatak niya ako.

"t-teka parekoy! S-saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Eh di saan pa? Eh di sa dating tambayan!" masaya niyang sabi at hinila na niya ako papunta sa kotse niya.

Wala na akong nagawa kundi sumama...ikaw ba naman hatakin ng isang anghel na tulad nito, di  ka pa ba sasama?

*inside the car*

"Ikaw pala yung sumusunod sa akin kanina shaun, akala ko kung sino na eh, kinabahan tuloy ako!" 

"Hahahaha. Natatawa nga ako sa'yo kanina parekoy eh! Bigla ka na lang tumakbo, naalala ko tuloy nung mga bata pa tayo hahahaha...champion ka sa habulan nun di ba?" nakangiting sabi niya.

Ang gwapo talaga ni Shaun, este, ni parekoy pala. Tipong hindi nakakasawang titigan yung mukha kasi mukha pa lang ulam na!

"huy parekoy! Nakatulala ka diyan?!" panggulat ni shaun.

"Ah! O-oo naman...yun nga yung iniisip ko kanina nung tumatakbo ako eh..." tsaka ikaw. Hihihi medyo malandi lang!

Bad Sammy! Kasal ka na! - good conscience.

Ok lang yan! Di naman totoo yung kasal niyo eh tsaka si parekoy naman talaga ang mahal mo di ba? Kaya go lang! - mas good na conscience.

Sinong susundin ko?

siyempre...yung mas good conscience! Minsan lang 'to no tsaka lagi naman akong inaapi ni Sander.

Buti pa si Shaun, kahit walang ginagawa, napapaikot yung pwet ko sa kilig. Ang gwapo naman kasi eh!

 "Andito na tayo." sabi ni Shaun at bumaba na kami ng kotse.

"Waaaaahhh nakakamiss 'to!" sabi ko habang nakataas ang dalawang kamay. 

"Oo nga parekoy eh...namiss kita, este, eto pala." pabirong sabi niya.

"Sus! Siyempre namiss mo rin ako di ba parekoy?!" pag-uusisa ko.

"Ha? Ah syempre naman! Ikaw pa! Di ba prinsesa nga kita? Wait ka lang diya ah, babalik ako." sabi niya.

Uwaaaaahhh nakakakilig!!!!

"Sige. Dun lang ako samay swing." sabi ko habang tinatago ko ang kilig ko. Naglakad ako papunta sa may swing. habang naglalakad ako, di ko maiwasang balikan ang nakaraan...

Habang tumitingin ako sa paligid, nakikita ko ang sarili ko nung maliit pa na masayang nagbabike habang sa may swing ay nandun si Shaun na nagbabasa ng libro. Pagtapos nun ay maglalaro kami ng habulan at masayang tawanan ang maririnig mo sa amin.

Nakakamiss. Sobra.

Umupo ako sa may swing.

Siguro kung di lang umalis si parekoy papuntang america ay nasabi ko na sa kanya na gusto ko siya. Siguro kung di namatay sila mama't papa ay kasama ko sila ngayon dito sa playground. Siguro kasal na rin kami ni Shaun...ang daming siguro.

Nakatakda na talagang magkaroon ng arranged marriage sa pagitan naming dalawa ni parekoy dati pa kung di lang namatay ang mga magulang ko. Pareho sana kaming sang-ayon dun kaso di natuloy. Pero kahit di natuloy ang kasunduan ay kinupkop naman ako ng nanay ni Shaun kaya naman di pa rin nawala ang pagkakaibigan namin. Hanggang sa isang araw ay kailangan na daw nilang magmigrate sa America kasama si Shaun. Kaya ayun....napalayo si parekoy sa akin. Pero kahit malayo kami sa isa't isa ay alam pa rin naming magkaibigan kami at walang magbabago dun. 

Aaminin ko. May gusto ako kay Shaun. Matagal na. Bata pa lang kami ay di lang basta kuya ang turing ko sa kanya...dati nga akala ko mahal ko na siya eh.infatuation(paghanga) lang pala yun. Pero ngayong nagbalik na siya...balak ko ng umamin sa kanya at sabihing...

Shaun, gusto kita.

"Parekoy! Ang lalim na naman ng iniisip mo ah! Eto oh!" sabay abot niya sa akin ng ice cream

"Ahh wala...Salamat pala dito."

Habang patuloy kaming kumakain ng ice cream ay nagkwentuhan din kami. Nakwento niya sa akin yung mga nakilala niya sa america...sabi niya ay may bagong kaibigan daw siya dun.

"Baka naman di na ako ang bestfriend mo parekoy?" pagtatanong ko.

"Syempre bestfriend kita at ikaw lang ang nag-iisang parekoy para sa akin!" masigla niyang sagot.

Napunta ang usapan namin tungkol sa pagpapakasal ko...tinanong niya kung bakit biglaan at kung ano daw ba ang tunay na nangyari nung wala siya dito sa Pinas...

Aamin na sana ako.

At ilalahad ang buong pangyayari.

Sasabihin ko na sana na peke ang kasal at siya talaga ang gusto ko kaso...biglang bumuhos ang malakas na ulan.

 "Naku parekoy, mababasa ka. Halika na sa loob ng kotse.." pag-aaya niya.

Tinaklob niya ang coat niya sa ulo ko at tumakbo kami papunta sa kotse niya.

"Haaayyy nabasa pa tuloy tayo!" sabi niya habang nagdadrive.

"Oo nga eh! Ok lang yan! Nag-enjoy naman tayo eh! hahahaha" sabi ko.

Nagpresinta siyang ihatid ako sa bahay ko at pumayag naman ako. Buong byahe namin ay wala kaming ginawa kundi tumawa.

Buti pa si Parekoy, lagi akong pinapasaya...Di katulad kapag kasama ko si Sander, walang ginawa kundi asarin at bwisitin ako.

"Sige parekoy. Salamat. Byebye! Ingat ka!" Sabi ko sa kanya.

Umalis na si Parekoy at pumasok na ako sa loob ng dati kong tinutuluyang bahay.

Haaayyy...bukas iiwan ko na 'tong bahay na 'to. Ano kayang magiging kapalaran ko kasama si Sander?

Sana kasi si Parekoy na lang eh...

Inayos ko na ang mga gamit ko at natulog na. Kinabukasan ay nagpaalam na ako sa kasera ko. Haayyy mamimiss ko 'to.

Paglabas ko ng gate dala dala ang maleta at iba ko pang gamit ay may kotse na nag-aabang sa labas ng bahay.

Kaninong kotse 'to? Di naman 'to yung kotse ni parekoy....di rin kay Sander...eh kanino?

Maya maya pa ay bumaba ang bintana ng kotse..

"Sander?!" tanong ko.

"Sakay na." utos niya.

Nilagay ko sa compartment nung kotse yung gamit ko. Ni hindi man lang ako tinulungan nung damuho na yun! Napakagentleman talaga!

Sumakay na ako sa loob ng kotse.

"Sa'yo 'to?" tanong ko patungkol sa kotse.

"Regalo ni Papa." tipid niyang sagot.

Di na ako nagtanong ulit. Maaasar lang naman ako sa sagot niya.

"Saan ka galing kahapon?" tanong niya.

"Ha?"

"Dumaan ako dito kahapon, wala ka pa daw sabi ng kasera mo." dumaan siya? dito? Himala!

"Ahhh..ehh...wala may pinuntahan lang saglit.." palusot ko.

"Sino?

Nakakainis naman 'to!

"Bakit mo ba tinatanong ha?"

"Wala. Sino nga?" sus, wala tapos tanong ulit. Ano 'to lokohan?

"Si Shaun."sagot ko para manahimik na.

"Sinong Shaun?" patuloy niyang pang-uusisa.

"Tsss...bakit mo ba gusto malaman? Nakakainis ka naman. Si Parekoy. Ok na? Masaya ka na?"

"Ahhhh..." tipid niyang sagot.

Katatimikan na ang sumunod nun hanggang makarating kami sa bagong bahay.

Pagdating dun ay sinimulan ko ng mag-ayos ng mga gamit ko. Sa Guest room na lang ako matutulog. Pssshh...kesa naman makatabi ko pa yung manyakis na Sander na yun.

Pagkatapos kong mag-ayos ng gamit ay lumabas na ako ng guest room at pumunta sa may sala. Nakita ko si Sander nakaupo at may hawak hawak ang photo album! Dali-dali akong tumakbo at inagaw sa kanya...

"Akin na nga yan! Pakialamero!" sabi ko

Nakangisi lang siya, tapos ay biglang humagalpak ng tawa.

"B-bakit? A-anong nakakatawa ha?"

"BWAHAHAHAHAHAHAHA! Pichu! Nakakatuwa yung mga picture mo nung bata ka hahahaha...nag-audition ka sa isang talent search?! hahahaha."

"Ha? Eh paano mo nalaman ha? At tsaka ano naman kung ganun?"

"Wala. Nabasa ko lang sa likod nung picture. buti na lang...NATALO KA! WAHAHAHAHAHAHHAHAHAA. " patuloy niyang tawa.

Naku Sander! Malapit na akong makapatay, konting konti na lang, bingo ka na!

Kahit kailan talaga, sa araw-araw na ginawa ng diyos, asungot kang chupi ka!

Continue Reading

You'll Also Like

35.3K 3K 44
ELYU SERIES #2 The storms in San Juan, La Union are ruthless and tempestuous. Driven by her traumatic past, Avery Felicia Perez turned her heart into...
1.7M 36.2K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.