Silver Coin, Wild Dreams, and...

By RaveneValdrez

7.7K 432 167

Sometimes the person you want to save ends up saving you. More

Teaser
Author's Note
CHAPTER 1: The Silver Coin
CHAPTER 2: Wild Dreams
CHAPTER 3: The Falcon
CHAPTER 5: Breaking Traditions
CHAPTER 6: Sa Isang Drawing Book
CHAPTER 7: Ang Paglaya sa Tanikala
CHAPTER 8: Ang Tinig at Mga Liham
CHAPTER 9: Cardcaptor Sakura
CHAPTER 10: Munting Salo-salo
CHAPTER 11: Munting Tinig
CHAPTER 12: Kalanggaman Island (Ano ang Apilyido ni Sisa?)
CHAPTER 13: Hulihin Mo Ang Ibon
CHAPTER 14: Isang Dipa
CHAPTER 15: Ang Huling Hiling
CHAPTER 16: Ang Huling Sayaw
CHAPTER 17: Ang Huling Biro
CHAPTER 18: Ang Huling Takbo
CHAPTER 19: Her Fighting Spirit
CHAPTER 20: Tayo Lang
CHAPTER 21: Ang Simula ng Wakas
EPILOGUE: Ang Huling Liham

CHAPTER 4: Milk Tea and Us

285 17 4
By RaveneValdrez

October 4, 1998

Tinanong ako ng Papa kung kumusta ang camping naming mga Grade 4 pupils pagkauwi ko, sinabi ko na maayos naman at ngumiti. Gusto ko sanang sabihin kay Papa ang totoo pero ayokong mag-alala pa siya.

Gusto kong sabihin sa kanya na dinalaw ulit ako ng Bisita noong gabi ng Sabado at humihiyaw ako sa takot at sakit. Hindi ko maipaliwanag ang panaginip ko, para akong sumakay sa rollercoaster na nahilo at nahulog.

Gusto kong sabihin na pinagtatawanan ako ng mga classmates ko at binansagan akong 'Donnang Baliw' ng grupo nila Venice.

Gusto kong sabihin na wala akong kasamang kumain ng breakfast at lunch.

Gusto kong sabihin na walang tumabi sa akin sa school bus pauwi, pati ang kaibigan kong si Judy iniiwasan din ako.

Gusto kong sabihin sa Papa ko, pero ayokong mag-alala pa siya. Nakita ko kasi siyang nakatingin sa picture ni Mama at pinapahid niya ang kanyang luha.

Kung sana buhay pa ang Mama para masabi ko sa kanya.

Talaan ng Pagbisita

Donna, 9


ITINULOS SA kinatatayuan niya si Donna. Kinikilabutan siya sa kanyang nakita. Ang bilis ng tibok ng kanyang puso na parang hinahabol siya ng kanyang nasa pangitain. Bumibigat din ang kanyang paghinga. Para siyang mawawalan ng lakas kaya napahawak siya sa puno malapit sa kanya.

"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong sa kanya ng lalaki.

Bakit kasama sa panaginip ko ang tattoo mo? Ano'ng kinalaman mo sa kapalaran na tinadhana para sa akin? Ikaw ba ang magliligtas sa akin? O ikaw ba ang dahilan para mag-ingat ako? Ang mga katanungang iyon ang nasa isip ni Donna, ngunit pinanawan siya ng lakas ng loob para sabihin iyon kay Alejandro.

Hinamig niya ang sarili at huminga ng malalim. "O-okay lang ako."

"Sigurado ka?"

Tinignan niya ang lalaki ng taimtim. Tumango siya sa lalaki bilang pagsang-ayon.

"Hindi ka naman nanghina dahil nakita mo ang abs ko, ano?" nanunuksong tanong nito.

Mas kayang pakitunguhan ni Donna ang nanunuksong Alejandro kesa sa nag-aalala ito. "Nuknukan ka talaga ng yabang ano?"

Tumawa ito. Parang musika iyon na humahaplos sa buong pagkatao ni Donna. She was fascinated... and seeing that tattoo, Donna was captivated.

"May bagong bukas na milk tea house dito sa Golden, gusto mong ma-try?" expectant na tanong nito.

In normal circumstances, she'll say no as fast as the Flash. Pero curious siya kung ano ang meron sa tattoo nito. She had to know. Donna had to find any connection or explanation behind that falcon tattoo.

"O-okay," kinakabahang sagot niya.

May kumislap na kakaibang tuwa sa mga mata ni Alejandro pero agad din iyong nawala. "Great! Tara!" Nagpatiuna sa paglalakad si Alejandro papunta sa asul na kotse nito.

"No car!" natatarantang saad ni Donna. Binigyan siya ng nagtatanong na tingin ng lalaki. "A-ang ibig kong sabihin, pumunta ako rito para magjogging at tumakbo, kaya lakarin na lang natin, m-mukhang malapit lang naman."

"Okay. Your wish is my command," nakangiting saad nito.

"Pero may celebration kayo 'di ba?" tanong ni Donna habang naglalakad sila.

"Hmmm, they can always wait."

Mukhang mannerism nitong hawakan at guluhin ang buhok nito. Oh, Donna knew he was somewhat thinking that this will lead into something romantic. Wala siyang karanasan pagdating sa mga taong nanliligaw o maligawan, pero hindi siya ipinanganak kahapon para hindi maramdaman iyon.

No, it won't happen.

Why not?

Because I am leaving in two days.

'Wag kang masyadong mag-assume, Donna.

Walang masyadong tao sa milk tea house na pinasukan nila. Maganda ang ambiance ng shop na kulay puti ang dominanteng kulay. May artistic touch ng Santorini, Greece. Umupo sila sa gilid nakaharap sa kalye pagkatapos mag-order ng milk tea.

"Ito ang paborito kong puwesto sa lahat," panimula ni Alejandro.

"Bakit?"

"Look outside."

Nag-aagaw na ang dilim at liwanag ng oras na iyon. May mangilan-ngilang taong naglalakad kasabay ng mga sasakyan na dumaraan.

"Most people usually keep moving. Normal siguro sa atin na hanapin kung sino o ano ang gusto natin. Patuloy nating hinahanap ang tadhanang nakalaan sa atin. Hanap tayo nang hanap. Alis nang alis para maghanap. Hanggang makalimutan natin ang huminto at tignang maigi na nasa harapan lang pala natin ang hinahanap natin," anitong nakatingin sa kanya.

Donna was looking at him with fascination. She was awed, at the same time uncomfortable with his stare.

"Ito ang paborito ko kasi pinapaalala nito sa akin na 'wag magmadali sa mga bagay-bagay. That sitting and relaxing and appreciating the beauty of life is actually the life we want but rarely notice," saad nito.

Tumingin siya kung saan ito nakatingin. Paanong ang simpleng tanawin ay nagiging espesyal? Napangiti si Donna. Ganoon ba ang nakakagawa ng mga salita? Salita na kapag sinambit ng taos-puso ay nagiging isang matibay na paniniwala. At may kakayahan iyong baguhin ang pananaw ng isang tao.

Gaya ng nangyayari sa kanya ngayon habang tinitignan ang kalsada. Isipin pa lamang niya na hindi lahat ng tao ay nararamdaman ang nararamdaman niya o ni Alejandro, lubos ang pasasalamat niya. At nangingiti siya ngayon na parang baliw.

"At pinagtatawan mo ako?" nakangiting sambit nito. "Alam ko, ang corny ng pagkasabi ko."

"Hindi! Hindi kita pinagtatatawan. Natatawa lang ako sa sitwasyon natin."

Hindi nila namalayan ang oras at masaya na siyang nakikipagkuwentuhan sa lalaki. Siguro kapag makikita siya ng kaibigan niyang si Jas nang oras na iyon ay magugulat ito. She'll only experience this once in her lifetime, she might as well enjoy it.

"Ikaw? Ano'ng kuwento mo?" tanong nito.

"Ano'ng tungkol sa akin?"

"Ano'ng mga gusto mo? Pangarap mo sa buhay and the likes."

Donna contemplated whether to open up to him about her life or not. Today was her 'Donna-out-of-the-box,' so courge took over.

"Gusto kong tuparin ang pangarap ng Nanay ko - ang magtayo ng kainan na babalik-balikan ng mga tao. Palagi niyang sinasabi sa akin na bukod sa pagmamahal masarap na pagkain daw ang nagbubuklod sa isang pamilya. She loved cooking. Gustong-gusto ko siyang pinapanood kapag nagluluto siya."

"She's lucky to have you as her daughter," may lambong na sabi nito.

"No, I am lucky to have her as my mother." How she missed her mother so much. Donna will trade anything in this world just to see her. "Ikaw, b-bakit ka... m-may t-tattoo?"

"Sabi ko na nga ba't sinilipan mo ako kanina ano?" nanunuksong saad nito.

Namula siya at suminok. Ilang beses na ba siyang ipinagkanulo ng kanyang katawan dahil sa lalaking ito? "Sino ba kasi ang may sabi na maghubad ka sa harap ko?" nakangusong sagot niya sa lalaki.

"Ang cute mo kapag naaasar ka, alam mo ba iyon?" Urgh, nakangiti na naman ito.

"Seryoso, bakit ka may tattoo? Bakit falcon?" importante niyang tanong.

"Tignan mo, alam mo pang falcon ito?" panunukso nito.

"Bakit nga?" Panandilatan niya ito ng mga mata.

Tinignan siya nito, inaarok kung gaano siya kaseryoso sa tanong niya. "Gaya mo, may isang tao rin akong tinitingala sa buhay. Ang lolo ko. Sa probinsiya namin sa Pangasinan, may sanctuary siya ng mga ibon. Noong bata ako, excited akong magbakasyon kasi makakasama ko ang lolo. Masaya akong nakikinig sa mga kuwento tungkol sa mga ibon. He is my favorite person in the world, the one who can really understand me." May himig lungkot sa boses nito. " Noong namatay ang lolo three years ago, para akong nawalan ng pakpak. That's when I decided to imprint his legacy to me, a permanent one. The Philippines falconet, his favorite of all."

She was speechless. "I-Im sorry,"

"It's okay, naniniwala ako na masaya siya ngayon. Siguro naging ibon siya noong panahong hindi ko kinaya ang pagkawala niya. Lumilipad habang binabantayan ako," nakangiti ngunit mapanglaw nitong saad.

Donna was bothered by his story... and confused for the connection she was looking. Siguro nagkataoon lang na nakita niya ang tattoo nito sa kanyang panaginip. Siguro wala talaga itong kinalaman sa mangyayari sa kanya.

She was convincing herself even if there was that voice in her saying otherwise.

"G-gabi na pala, kailangan ko nang umuwi. May pasok pa ako bukas," paalam niya at tumayo.

"Ihahatid na kita."

"'Wag ka nang mag-abala pa, kaya ko naman ang mag-isa."

"No, I insist," he said firmly. "Ihahatid kita."

Nagpatiuna siya sa paglalakad palabras ng tea house. Tahimik sila habang naglalakad. Samu't saring emosyon ang nararamdaman ni Donna nang oras na iyon pero mas lamang ang... lungkot? Isa ang sigurado ni Donna, mabigat ang pakiramdam niya.

Last minute, she was laughing with him and now she was feeling blue.

Because she will never feel what she had experienced with him in the tea house.

She was leaving. It will be her last moment with him - walking in the street under the countless stars.

"Salamat sa pag-unlak mo sa invitation ko," pagbasak ni Alejandro sa katahimikan. "Masaya ako."

"Walang anuman," aniya na hindi tumitingin dito. Natatakot siya sa maaaring makita niya at baka ipagkanulo siya ng kanyang emosyon. She was holding that thin line to control her emotions. Pakiramdam ni Donna konting tulak lang ng pamukaw ng emosyon, mawawalan na siya ng control sa kanyang sarili.

Nahiling na lang niya na sana hindi na matapos ang daan at patuloy na lang silang maglakad. Ngunit nasa harapan na sila ng tirahan niya. "Dito na ako. S-salamat sa paghatid sa akin," aniya.

Ngumiti ito saka siya tinignan ng marahan. Iyon na naman ang mga maiitim nitong mata na nakakahipnotismo sa kanya. But Donna will not let herself feel this way. She promised to herself not to love and not to enter in a relationship.

"P-pasok na ako," saad niya. Please say something. Hug me and hold me and... kiss me.

"S-salamat ulit," dagdag niya. Go, Donna. Leave until you can.

Tumalikod siya at iniwan ang kaisa-isang tao na nagparamdam sa kanya na---

Donna's train of thought freezed. Isang mainit na kamay at humawak sa kaliwang kamay niya. Nilukob ang pagkatao niya ng mainit na pakiramdam na iyon, na parang malambot at komportableng kama na naghihintay sa pagal niyang katawan. Donna can stay forever holding his hand. It felt good... nurturing and soul-embracing.

"May nakalimutan ka," malamyos na saad ni Alejandro.

Humarap siya sa lalaki, hindi inaalis ang kamay nitong nakahawak sa kanya. "A-ano?"

Napakaseryoso ng mukha nito. Nawala ang pagiging pilyo nito nang ngumiti ito. And he was melting her heart. "Pangalan mo," sabi nito.

Nawala siya bigla sa sinabi nito. "Pangalan ko?"

"Oo. Nakalimutan mong sabihin ang pangalan mo sa akin. Ako si Alejandro Piopongco, maaari ko bang malaman ang pangalan mo, binibini?"

Donna smiled. She was not the 'Hi-I-am-Donna' kind of a person. Lumilipas ang araw at nakakausap siya ng mga tao na hindi sinasabi ang kanyang pangalan. Gusto niyang umalis sa mundong ito na iilan ang nakakaalam ng kanyang pangalan. If people hated oblivion, Donna was aiming for it. But not this night.

"Donna. Kristine Donna Hernandez," saad niya. Pabaon niya sa taong nagpasaya sa kanya kahit ilang oras lamang iyon.

"Beautiful. Kristine Donna Hernandez."

Iyon ang huling narinig ni Donna bago siya pumasok at napasandal na poste ng kanilang gate. May kirot at lungkot sa puso ni Donna ngunit masaya na siya na pangalan niya ang huling narinig niya sa mga labi nito. Dahil sigurado siya, iyon na ang huling beses na maririnig niya ang boses nito.


"ATE, HUWAG niyo pong pababayaan si Apolinario Mabini ha?"

"Oo naman, Donna. Napamahal na rin sa amin si Apo," sagot ni Manang Kunol.

"Iwas-iwasan na rin ang pagbibingo ate ha?" bilin niya sa katiwala ng kanyang tiya. Mabait ito sa kanya. Masipag at mapagkakatiwalaan. Bisyo nga lang talaga nito ang bingo.

"Sus, sinabi na naman sa'yo ni Edgar ano? Ang batang iyon talaga. Libangan ko lang naman iyon, Donna," nakangiting turan nito sa kanya.

Tapos na kahapon ang OJT ni Donna. Nag-eempake siya ngayon habang inihahabalin si Apo kay Manang Kunol.

"Maraming salamat sa lahat, Manang ha?"

"Wala iyon, salamat din at palagi mong tinuturuan si Edgar sa assignment niya. Mamimiss ka ng bata, Donna. Ma-mi-miss ka naming," naiiyak na sabi nito.

Lumambot ang puso ni Donna. Napamahal sa kanya ang mga ito lalo na ang batang si Edgar na parehas nilang paborito ang Dutch Mill. Palaging iyon ang premyo nito sa kanya kapag nasasagutan nito ng tama ang mga pinapasagot niya na may kinalaman sa assignment nito.

This was the reason why she hated attachment. Saying goodbye was difficult. "Lalaki siyang mabuting tao, Manang. Sigurado ako roon," aniya at niyakap ang katiwala.

Nagpatuloy siya sa pag-aayos ng gamit nang makaalis na si Manang Kunol. Kanina pa niya hindi pinapansin si Apolinario Mabini na kahol nang kahol. She sighed and resigned. Iminuwestra niya ang kamay kay Apo at patakbo ito sa kandungan niya. Donna couldn't help but shed a tear.

"M-magpapakabait ka ha? 'Wag maging pasaway kilang Manang. K-kulitin mo sila palagi... k-kapag namimiss mo ako." She was sobbing. She let herself cry after how many years of not letting it overrule her. "S-sumagot ka, Apolinario Mabini."

Kumahol ito na parang naiintindihan siya.

"Protektahan mo sila Manang ha? Lalo na si Edgar. Kumain ka ng tatlong beses sa isang araw, Apo. Ayokong mag-alala ka at... a-at hindi ka kumakain kasi iniisip mo ako."

Hinayaan niya ang sariling yakapin si Apo habang hinahaplos-haplos ang ulo nito. Umatungal ito na parang naiiyak, "Okay lang ako, Apo," sagot niya. Tumingala sa kanya ang aso, parang sinasabi ng mga mata nito na alam nitong hindi siya maayos. Tinitigan ni Donna ang alaga. "Pero hindi talaga ako okay, Apo. Ma-mi-miss kita. Ma-mi-miss ko ang mga itim mong mata na nakakatunaw kong makatingin. Ang ngiti mong pilyo, ang init ng iyong haplos, at kung paano mo bigkasin ang pangalan ko. Ma-mi-miss kita... Apo," aniya sa alaga habang naglalakbay ang kanyang diwa at ibang mukha ang naiisip.

Kumawala si Apo mula sa paghawak niya sa ulo nito at humiga ito sa kanyang kandungan. Hinahaplos niya ang buong katawan nito. At nakatulugan niyang ginagawa iyon.

Then she started drifting down to the infinite pit. She was falling and Donna couldn't see except darkness. Donna was standing in the sea of nothingness. Wala siyang ibang marinig kundi ang kanyang mabilis na paghinga. Nasa loob siya ng kanyang Bisita.

Hindi naglaon ay napunta siya sa isang masikip na lugar, nakaupo sa isang malambot na upuan. Biglang parang nasa isang teatro si Donna at nabigyan ng liwanag ang kanyang paligid.

Kasabay noon ay ang mga ingay at tunog sa pamilyar sa kanya. Ang kaibahan lang nakikita niya ang lahat ngayon. Tumingin siya sa paligid at kinaroroonan niya. Nasa isang kotse siya, umaandar at nakahawak sa isang manibela.

Paano? Ni hindi ako alam kung paano mag-drive? naguguluhang tanong ni Donna sa isip.

Parang may sariling isip ang kanyang kamay na nakahawak sa manibela.

"Share with me the blankets that you're wrapped in because it's cold outside, cold outside, it's cold outside." Iyon ang awit na bigla na lamang pumailanlang

Donna was lost to the song. Pakiramdam ni Donna matagal na niya iyong inaawit. Tinignan niya ang titulo noon sa car stereo. Vulnerable by Secondhand Serenade. May pagkagiliw sa kanya ang kanta at---

Nanlaki ang mga mata ni Donna nang biglang may sumulpot na truck sa lane niya papalabas galing sa warehouse. Iniliko niya ang manibela pakaliwa para iwasan ang truck. Ang nakakangilong langitngit ng gulong ang tunog na pumuno ng oras na iyon. Malakas ang puwersa ng kotse pakaliwa at sinubukan niyang apakan ang preno ngunit huli na dahil isang nakakasilaw na liwanag ang nakasalubong niya at malakas na banggaan ang naramdaman ni Donna. Dinig niya ang pagkabasag ng mga salamin at salpukan ng mga metal na parang iyon ang pinakaririmarim na tunog na narinig ni Donna sa buong buhay niya.

Walang maramdaman ni Donna. Ang alam niya, namamantal at naninigas ang katawan niya, may konting lamig sa buong katawan niya habang parang nasa roller-coaster na nagpaikot-ikot si Donna. Nagmulat ng mga mata si Donna at nanghihinang tumingin sa paligid.

"And you're slowly shaking finger tips, show that you're scared like me so let's pretend we're alone."

Nasa loob pa rin siya ng kotse at may mga komosyon siyang naririnig sa labas. Nasaan siya? Ano ang nangyari sa kanya? Bakit... bakit duguan siya? Punong-puno ng dugo ang damit niya?

Totoo ba ang nangyari kanina? tanong niya sa sarili.

Doon unti-unting naramdaman ni Donna ang sakit. Nanghihina siya at hindi siya makahinga. Masakit sa bandang tagiliran niya, inililis niya ang damit at dumudugo nga ang kanang bahagi ng kanyang tiyan... at may itim na dugo naman sa kaliwang tagiliran niya.

Itim na dugo? Hindi, Donna.

Tinignan niyang maigi ang kung ano iyon. At kung ano ang pagkahindik niya ng makita ang tattoo na falcon. Ang iginuhit na falcon.

Hindi, hindi! Paanong nasa akin ang tattoo na ito? Ilusyon lamang ba iyon?

Sa nanghihina at nag-aagaw na dilim na diwa ni Donna, napatingin siya sa salamin sa taas niya.

Hindi iyon mukha ni Donna.

Continue Reading

You'll Also Like

40.7M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...