"Chalstine, Log In!" (Complet...

By sacchariferousdreams

104K 2.3K 1.2K

Hindi akalain ni Chalstine na ang mundo ng The Legendary Clash na isang online game ang magpapabago sa takbo... More

Prologue
Chapter 1: Just_Chals_96
Chapter 2: Ironic_Volvo
Chapter 3: Mr. Wax, Boy Dimple and Chinito
Chapter 4: A Change In Margarette's Life
Chapter 6: Ivan
Chapter 7: Evo
Chapter 8: Por Da Pers Taym
Chapter 9: Moody Volvo?
Chapter 10: Seriously Sweet Evo
Chapter 11: Gorgeous. Pretty. Beautiful.
Chapter 12: Superhero
Chapter 13: Cardigan's Owner
Chapter 14: The Legendary Clash Annual Meet Up
Chapter 15: Oo
Chapter 16: Special and First
Chapter 17: Virgo Lover. Ivan Stalker?
Chapter 18: Sumbrero, Jacket at Shades
Chapter 19: Chat and Fries Conversation
Chapter 20: Unlucky Or Lucky?
Chapter 21: Rain And Sacrifices
Chapter 22: Nurse Margarette And Patient Evo
Chapter 23: Who's Volvo?
Chapter 24: Hospital Confrontations
Chapter 25: Hatred and Forgiveness
Chapter 26: Stars Versus Hearts
Chapter 27: Goodbyes
Epilogue

Chapter 5: Virgo

4.3K 86 22
By sacchariferousdreams

Chapter 5: Virgo

Naramdaman ko ang pagtulo ng sundae sa daliri ko, natutunaw na. Nakatingin lang ako kay Kuya Virgo. Patuloy lang sya sa pagkain ng sundae nya, pero napasulyap naman sya sa akin nang mapansin ata nyang hindi mawala ang tingin ko sa kanya.

“Margarette? Kainin mo na ‘yang sundae mo. Bakit ka ba nakatulala dyan?” tanong nya habang patuloy sa pagdila sa hawak nyang sundae.

Madali kong binawi ang tingin ko sa kanya, tumingin ako sa malayo. Nilamtakan ko ang sundae na kanina pa nagaabang sa dila ko. Kinakabahan pa rin ako dahil sa mga sinabi ni Kuya Virgo.

“Ah Kuya, uuwi na po ako. Hahanapin na ako sa bahay eh.” Tumayo ako kahit na hindi nakatingin sa kanya, madali kong isinubo ang sundae cone sa bibig ko para maubos na.

Naramdaman ko ang paggalaw ni Kuya Virgo, tumayo na rin sya.

“Sabi ko di ba? Huwag mo na akong tawagin na Kuya. Isipin mo na lang na katropa mo ako para hindi na ako matanda sa paningin mo. Isa pa, hindi naman ako ganun katanda. Isang taon lang ang tanda ng Kuya Dustin mo sa akin.  Nineteen pa lang naman ako.” napalunok ako sa sinabi nya, apat na taon lang ang tanda nya sa akin.

“Ah.. Eh..” hindi ko alam kung anong tamang sabihin. Bigla akong nakaramdam ng hiya. Mas nakakahiya.

“Tara, mamaya na tayo umuwi! Ako nang bahala sa inyo, ipapaalam na kita sa Kuya Dustin mo.” gusto kong tumanggi pero wala na akong nasabi nang biglang hilahin ni Kuya Virgo ang kamay ko.

Hindi ko napigilan ang sarili ko, kusang naglanding ang mga tingin ko sa kamay ko na hawak-hawak ni Kuya Virgo. Parang kusa akong may naramdaman na kung ano sa puso ko, para akong mangingisay na ewan. Ito ba ang sinasabi nilang ‘kilig’?

_________________

Nakaharap ako ngayon sa labas ng isang arcade shop. Ang daming arcade machines sa loob! Sa sobrang katititig ko, halos mabali na ata ang leeg ko dahil sa pagtingala. Sa unang pagkakataon, nakarating ako sa lugar na ito. Isang malaking arcade shop sa loob ng mall, mall na hindi ko naman madalas na puntahan.

“Let’s go?” nakuha ni Kuya Virgo ang atensyon ko ng bigla syang magsalita. Nakasandal sya sa isang pader sa may entrance ng arcade shop. Siguro kanina pa nya ako pinagmamasdan sa pagtitig ko sa malaking pangalan ng arcade shop na nakasabit sa bandang itaas ng harapan nito.

“Tara!” tumakbo ako agad papasok sa loob. Nakasunod naman sa akin si Kuya Virgo.

“Margarette hintayin mo ako, bibili lang ako ng token!” nilingon ko si Kuya Virgo ng marinig ko ang pagtawag nya sa pangalan ko. Hindi ko pa nga masyadong naintindihan yung sinabi nya kung hindi pa sya sumenyal ng ‘stop’. Medyo maingay na kasi sa loob ng arcade shop.

Huminto na lang ako sa kinatatayuan ko. Marami-rami ring nagpapasukang mga tao sa arcade shop kaya hindi ko masyadong makita si Kuya Virgo. Basta parang naaninag ko syang nakatayo sa may counter at naglabas ng wallet.

Muli akong humarap sa loob ng arcade shop. Sa tantya ko, isang daang arcade machines ang nasa loob. Ang dami ring tao na nasa loob at naglalaro. May ibang nakapwesto sa basketball ring kung saan hagis lang sila ng hagis ng bola hanggang sa makashoot. Yung iba naman parang nagsasayaw, may sinasabayan silang galaw sa screen.

Hindi ko mapigilan ang sayang nararamdaman ko, first time kong makarating sa ganitong lugar. Dati-rati napagkwekwentuhan lang namin ito nila Steven, hindi ko lubos akalain na makakarating ako dito. Sobrang saya ko lang!

“Anong gusto mong unahin?” naramdaman ko ang paghawak ni Kuya Virgo sa braso ko. Katabi ko na pala sya.

“Arcade!” sigaw ko.

Walang sabi-sabi, nakangiting naglakad si Kuya Virgo. Sinundan ko lang sya kung saan sya pupunta. Pero mukhang naghahanap sya ng bakanteng arcade machine. Lumilingon-lingon kasi sya, sa gilid, sa harap at maging sa likuran nya. Nung tumingin nga sya sa likuran nya, nakita nya ako. Tinignan muna ako ni Kuya Virgo saka ngumiti na naman. Ngumiti na lang din ako sa kanya.

Maya-maya, nakahanap na rin kami ng pwesto. Dalawang bakanteng arcade machines sa bandang likuran. Umupo ako agad sa upuan, kagaya ng ginawa ni Kuya Virgo. Nilapag ko ang suot kong back pack sa may paanan ko. Inayos ko ng bahagya ang sleeves ng uniform ko, mahirap na baka hindi ako makabwelo. Nagunat-unat din ako ng konti para mas relax.

Ito na naman si Kuya Virgo, nakatingin na naman pala sya sa akin habang nagpapatunog naman ako ng aking mga daliri.

“Ganyan ka ba talaga bago maglaro?” natatawa nyang tanong.

 

“Oo Kuya! Syempre para mas ganado at mas komportable ako habang naglalaro.” Depensa ko sa kanya.

Biglang kumunot ang noo nya. Napaisip naman ako bigla kung may nasabi ba akong hindi nya nagustuhan o kaya naman ay masama.

“Sabi ko di ba? Huwag mo na akong tatawagin na Kuya. Ang kulit mo naman. Sige, sa susunod na ulitin mo pa ‘yan magagalit na ako sa’yo.” Naging seryoso bigla ang mukha nya, hindi na sya tumingin sa akin. Humarap na sya sa screen.

“Sorry na, V-Virgo..” napakagat ako ng aking labi sa ilalim pagkatapos kong sabihin iyon. Nahiya akong bigla sa pagbanggit ko ng pangalan nya. Pakiramdam ko may mali eh.

“Kaya mo naman pala eh! Ayan, eh di hindi na ako ganun katanda ‘pag kasama kita.” May halong saya at pagkaseryoso sa boses nya.

Hindi ko pa rin sya magawang tignan. Nahihiya pa rin ako sa pagkakasabi ko ng pangalan nya. Parang wala akong galang kung maririnig ng iba, lalo na nila Kuya Dustin.

Wala nang sinabi ulit si Kuya este si Virgo, sige na sige na. Virgo na lang ang itatawag ko sa kanya para matapos na. Bigla na lang nyang pinatong ang sampung piraso ng token sa ibabaw ng arcade machine ko. Unti-unti naman akong napatingin sa kanya, nakangiti sya. Ngiting walang boses na lumalabas sa bibig nya, pero nakangiti sya na halos lumabas na ang ngipin nya. Parang pinipigilan nya ang sarili nyang mas ngumiti pa.

“Laro na tayo!” kumuha sya ng token saka iyon ihinulog sa hulugan ng token.

Mukhang nasa mood sya. Hindi ko na lang inintindi pa ang mga nangyari, ginaya ko na lang sya at naghulog din ng token para makapaglaro na.

Nakakaaliw! Ang saya palang maglaro nga arcade! Halos mahampas ko na sa braso si Virgo sa tuwing makakapuntos ako, sa tuwing matatalo ko ang kalaban! Ang saya ko lang sa tuwing knock out ang computer character na kalaban ko.

Kung ganito lang din sana sa TLC, malamang gabi-gabi akong masaya!

“Ang galing nung girlfriend nya noh?”

 

“Oo nga, mukhang sanay na sanay.”

 

“Kapag ako nagkagirlfriend, gusto ko kagaya nya! Astig!”

 

“Kuya, galingan mo! Yung girlfriend mo ang galing eh!”

Napalingon kaming sabay ni Virgo dahil sa mga naguusap sa likuran namin. Ilang mga bata ang nakikinood na pala sa paglalaro namin. Halos matabunan na nila kami dahil nakapalibot sila sa amin para lang manood sa screen at para lang magbigay ng comment nila.

“Ay! Ang bata pa pala ng girlfriend ni Kuya!” sabi nung isang batang lalaki, tingin ko nasa mga trese na ang edad nya.

“Oo nga, ang ganda pa ni Ate! Tapos ang astig maglaro!” dagdag naman nung bata sa tabi nya.

 

“Naku, hindi ko naman sya boyfriend eh!” pagtatanggi ko.

Akalain mo yun, napagkamalan pa kaming magboyfriend/girlfriend ni Virgo. Boyfriend? Eh wala nga akong alam sa ganun bagay. Buti pa silang kay babata alam na ang mga ganung bagay. Maglalaro na lang ako ng computer games kaysa sa boyfriend-boyfriend na ‘yan.

“Weh? Eh bakit kayo magkasama? At saka para talaga kayong magboyfriend. Ang sweet nyo pa nga kapag nananalo ka Ate, kapag natatalo si Kuya.” pagdadahilan nung bata.

Tumingin ako kay Virgo, pero sya nakabalik lang ang atensyon sa screen. Parang gusto kong sabihin sa kanya na, ‘Kuya! Ipaliwanag mo na hindi mo ako girlfriend. Tulungan mo ako dito magpaliwanag! Sabihin mong hindi naman kita boyfriend!’. Pero hindi ko magawa, lalo na nakangiti na naman si Virgo habang nagpipipindot sa arcade machine. Patay malisya sya sa mga naririnig nya sa paligid.

“Oo nga. Saka hindi naman tumatanggi si Kuya oh. Ibig sabihin girlfriend ka nga nya.” apila nung isang bata sa likuran ko banda.

Sasagutin ko pa sana sila ng biglang humarap sa kanila si Virgo. Hinawakan nya ako sa balikat habang nakangiti na parang kampante lang sya sa mga nangyayari.

“Ang babata nyo pa nakikichismis na kayo. Mga bakla ba kayo? Babae lang ang mahilig sa tsismis. Kaya kayo, kung ayaw nyong masabihan na bakla ‘wag kayong nagsasabi ng ganyan. Sige na, umalis na kayo dito! Tatawag ako ng guard para palabasin kayo kung ayaw nyo, sige!” natakot ata ang mga bata sa sinabi ni Virgo, madali silang nagsipagkalasan at umalis.

Nakakainis naman sya eh, dapat sinabi din nya sa mga bata na hindi naman nya ako girlfriend. Baka isipin ng mga iyon na kami nga talaga.

Napaharap na lang ako sa screen ng arcade machine. Tinitigan ko na lang ang character na nasa harapan ko, kahit ang totoo, wala naman dito ang konsentrasyon ko. Nasa mga nangyari pa rin kanina dun sa mga bata.

“Okay ka lang ba?” nakadikit na pala sa akin si Virgo. Halos ibulong na lang kasi nya sa tenga ko ang mga sinabi nya.

“O-okay l-lang..” napalunok ako agad pagkasabi sa kanya nun, saglit akong tumingin sa kanya pero binawi ko rin yun agad.

Sabi nga nang narinig ko sa babaeng napadaan sa computer shop nung nakaraan araw, ‘awkwaaaard’.

“You don’t seem okay. You wanna go na? Gusto mo maglaro naman tayo ng basketball dun? May lima pa tayong tokens, ubusin na natin ito.” Gumalaw sa upuan si Virgo, tumayo na sya.

Hindi na ako nagsalita, tumayo na lang din ako. Nagsimula akong maglakad para sundan sya, pero napahinto ako sa paglalakad nung bigla akong mabunggo. Nakayuko kasi ako habang naglalakad, hindi mawala-wala sa isipan ko yung mga nangyari kanina. Nakakainis na utak iyan oh Chalstine!

Napaangat ako ng aking mukha para tingnan kung saang malambot na bagay ako bumangga. Nabangga pala ako sa braso ni Virgo na ngayon ay nakalingon na sa akin. Napilitan tuloy akong tignan sya- mata sa mata.

“Sorry kung nagkaganyan ka dahil sa akin. Babawi ako, promise Margarette.” Seryoso ang mukha nya, pati ang boses nya napakaseryoso sa pagkakasabi.

Mukhang may nararamdaman akong gagawin nya, bigla kasi syang humarap sa akin. Tapos.. Tapos.. Tama nga ako! Wala pang limang segundo, bigla na lang nya akong niyakap!

Ramdam ko ang pagkabog ng puso ko. Para akong matutuyuan ng lalamunan, kahit anong gawin kong lunok ng laway parang wala akogn nalulunok. Nagtayuan ang mga balahibo sa katawan ko dahil ramdam ko ang pagdikit nang katawan nya sa katawan ko.

May kung anong tumakbo sa isipan ko, walang anu-ano tinulak ko papalayo si Virgo sa akin. Hindi ganun kalakas pero sapat lang para mahiwalay ko ang katawan nya sa pagkakadikit sa katawan ko.

Pansin sa mukha ni Virgo ang pagkabigla, pero unti-unti yun nagbago ng bigla akong malungkot. Siguro naisip din nyang hindi ako masaya sa ginawa nya. Ayoko nung ginawa nya sa akin, lalo na nasa lugar kami ng maraming tao.

“Sorry Margarette, hindi ko sinasadya.. Huwag kang magagalit sa akin, please? Huwag Margarette. Babawi ako sa’yo, mas magiging maayos ang panliligaw na gagawin ko. Hindi yung ganito, basta huwag ka lang magagalit sa akin ha?” nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.

Panliligaw? Ha? Nanliligaw ba sya sa akin? May sinabi ba sya? Parang wala naman akong maalala na sinabi nyang liligawan nya ako. Atsaka ako, liligawan ng lalaki? Totoo ba ito?

“Ako, nililigawan mo? Ni-li-li-ga-wan?” inisa-isa ko ang syllables sa salitang hindi ako sigurado kung totoo. Baka naman kasi pinagtritripan nya lang ako. Puro lang naman sila kalokohan nila Kuya Dustin eh.

“Okay, to make it official. I’ll ask for your permission. Gusto sana kitang ligawan Margarette, hindi ko alam kung bakit gusto ko itong gawin pero the first time na nakita kita dun sa inyo nagkacrush ako agad sa’yo.” Lumalakas ang boses nya habang nagsasalita.

Gustuhin ko man syang pigilan pero hindi ko na nagawa, ang seryoso na kasi talaga ng mukha nya. Hindi ko rin alam kung paano pa sya pipigilan dahil sa rebelasyon na sinasabi nya. Maging ang sarili kong reaksyon, hindi ko na rin alam kung ano bang dapat.

“Oo mas bata ka sa akin. Para mo na akong Kuya kung tutuusin, pero I want to take the risk. Kaya rin ayoko nang tawagin mo akong Kuya. I just started to like you more Margarette. There’s something in you that I like about. Kahit na suhulan ko pa ang Kuya Dustin mo, kahit na magkaaway pa kami dahil popormahan ko ang nagiisa nyang kapatid na babae walang kaso yun sa akin. I just want to grab the chance. Masaktan na kung masasaktan, pero gusto pa rin kitang ligawan.Napakapit ako sa strap ng back pack ko, napapasipa na rin ako ng paa ko sa kabang nararamdaman.

“Sige na Miss! Paligaw ka na sa kanya!” napalingon ako sa likuran ko, isang gamer ang sumigaw.

“Oo nga! Malay mo chance nyo na!” isa pang boses ang nagsalita, sa bandang likuran naman ni Virgo.

“Bagay kayo, kaya go! Push!” isang babae naman ang nagpahayag nang reaksyon nya nakapwesto sa may gilid ko.

Mas lalo akong napressure sa mga sinasabi ng nasa paligid namin. Mga nakikiusyoso sa usapan ng iba, mga nakikialam, mga sulsul.

“Please, just give me a chance Margarette. Hindi mo pagsisisihan na gagawin mo ito. Please?” halos magmakaawa na si Virgo sa akin. Luhod na lang ata ang kulang para masabing nagsusumamo sya sa pagsang-ayon ko.

Napakapit ako ng matindi sa strap ng back pack ko, huminga ako ng malalim saka ako nagsalita. Yung totoo hindi pa rin naman ako sigurado eh, pero para matapos na lang ito at hindi na magkagulo pa dito sa arcade shop, sasabihin ko na lang sa kanya ang gusto nyang marinig mula sa akin kanina pa.

“S-sige na nga, p-payag na ako.” huminga ulit ako ng malalim at nirelease ng malakas ang carbon dioxide sa katawan ko.

“Yes! Yes! Thank you Margarette!” akala mo nanalo na sa lotto kung maka-yes si Virgo. Ang laki rin ng ngiti nya.

Ngumiti na lang din ako sa kanya, pero ang totoo hindi ako sigurado sa gusto nyang mangyari. Hahayaan ko na lang sya kung anong mangyayari sa amin.

Naghiyawan din ang mga taong nakarinig ng usapan naming kanina sa loob ng arcade shop. Sa gitna ba naman kami magusap eh, halos icongratulate na nila agad-agad si Virgo. Ang loko naman sige ang pasasalamat sa kanila. Yung iba naman nakikingiti sabay sabing good luck daw sa akin.

Sa isip-isip ko, ‘Mga baliw.’

___________________

Agad kong hinubad ang suot kong school shoes sa may pintuan pagkadating ko ng bahay. Saktong bumungad sa akin si Nanay, nagwawalis sya sa sala.

“Bakit ginabi ka na? Ala sais na ngayon ka lang umuwi.” Panenermon ni Nanay.

“Kasama yan ni Virgo, Nay. Ipinaalam sa akin yan ng kaibigan ko.” singit ni Kuya Dustin na nagaayos ng kung anu-anong papeles nya sa may mesa sa sala.

Wala nang nagawa si Nanay kundi ang tarayan ako at senyasan na pumasok na sa loob. Dumeretso ako kay Kuya Dustin na ngayon ay busy pa rin sa ginagawa.

“Hi Kuya!” bati ko sa kanya.

“Magkwento ka.” Mariin nitong sabi.

Kinabahan ako bigla sa kanya, alam na kaya ni Kuya ang balak ni Virgo?

“K-kuya..” handa na sana ako pero bigla itong naputol ng may kumatok sa pintuan.

“Tao po! Oy! Dustin! Nandyan ka na! Oh Hi Margarette!” ang ingay naman nitong bisita ni Kuya. Si Kuya Ivan.

*~~~~~

sacchariferousdream®

Continue Reading

You'll Also Like

107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...