Bow and Arrow

By imGUIAorgeous

3.5K 165 26

[On-Hold/ Under Revision] "You should choose the best arrow to make it compatible with the Bow." You don't ch... More

Prologue
Chapter 1: Introducing me...
Chapter 2: Starting A Friendship
Chapter 3: Meeting you again?
Chapter 4: Expect the Unexpected =)
Chapter 5: The Three stars
Chapter 6: Juniors ...
Chapter 7: Shooting Star ...
Chapter 8: The Big Revelation
Chapter 9: Close to You <3
Chapter 10: My Knight in shining Armor
Chapter 12: Everyone's acting Weird
Chapter 13: The Unexpected
Chapter 14: We're Just Friends. Period.
Chapter 15: He's John Michael
Chapter 16: Wanted: Boyfriend
Chapter 17: The Tattletales

Chapter 11: Girls' day out

143 8 2
By imGUIAorgeous

[Gia's POV]

Walanjo! Ang aga-aga akong ginising ng baliw kong kapatid. Nakakainis siya. Baliw na nga, makulit pa.

Binuhusan kasi ako ng malamig na tubig na puno ng ice. Ang sama no'. Hahabulin ko na sana nang kumaripas na siya ng takbo. 

Sinubukan kong matulog uli kaso basa na yung kama ko at napapiligiran pa ako ng ice. Nakakabad-trip naman 'tong kapatid ko.

Hindi na rin ako nakatulog dahil naalala ko yung sinabi ni Mama kahapon.

Oo nga pala 'no. Kailangan kong bumili ng bagong dress. And Well, hindi naman ako Fashionista. Anong dress naman bibilhin ko?

Hala! Kailangan ko ng tulong dahil hindi naman ako mahilig sa mga damit at accessories.

Ite-text ko na lang yung dalawa kong bestfriends at sinabi ko din kung bakit ko kailangan ng dress.

Pumayag naman silang dalawa basta ako daw ang manlilibre ng pagkain. Talaga naman, may pagka-PG kasi yung mga 'yun kaya goodluck naman sakin kung ililibre ko sila.

Bumangon na ako at mabilis na naligo. 11:00 kasi kami magkikita-kita sa mall. Eh, 9:30 na ako nagising.

Pinalinis ko na kay manang yung mga ice doon sa kama ko. Kaya ayan, wala na tuloy akong higaan mamayang gabi dahil itatapat pa daw nila sa araw para matuyo. Nakakainis kasi 'yung mokong na gumawa nun eh. Masumbong nga mamaya kay mommy para mapagalitan! Bwahaha.

Nagbihis na rin ako at sinuot na ang aking salamin. Pagkababa ko naman, ayun ang mokong tawa pa rin ng tawa.

Sana di siya makahinga kakatawa.

Inirapan ko na ang loko at umupo na sa harap ng mesa. Nagugutom na ako kanina pa eh, kaya ayan, mala-wolverine ang dating ko sa hapag-kainan. Kuha nito, kain nito. Nagkamay lang ako kumain para mabilis ko lang kunin lahat ng gusto ko. 

Tinawanan na naman ako ng kapatid kong loko-loko. Tinignan ko lang siya ng masama para tumahimik na. Hmp, pasalamat siya, mabait ang kapatid niya.

Nagpahatid na ako sa driver namin at hinintay sila sa harap ng department store. 

Ang tagal naman nung mga 'yun. Mag-30 minutes na ako nakatayo dito pero wala pa rin sila. Nagmadali pa naman akong pumunta kasi akala ko late na ako. 'Yun pala, sila yung late. 

Finally, after 12345 years. Dumating na rin sila. At aba, naglalakad sila na parang nasa buwan sila. Parang fini-feel nila ang aircon dito sa mall. Lumapit na sila sa akin at ang mukha ng mga bruha, kung makangiti eh, akala mo end of the world na. Wagas kung wagas.

"Oh, ano nginingiti-ngiti niyo diyan?" Tinaasan ko sila ng kilay. Ang weird kasi ng ngiti nila eh.

Bigla akong kinabahan. Bumilis yung tibok ng puso ko na akala mo ay may kabayo na humahabol sa akin. Hindi nila ako sinagot at mas lumawak pa yung ngiti nila. Bakit kaya?

"Oi, ano yang mga ngiti na 'yan? Tigilan niyo na nga. Natatakot na ako eh." Lumapit sila kaya napaatras ako. Oh no! Nahihiwagaan ako sa pinaggagawa nila. Lumapit pa sila at yinakap ako ng mahigpit. See, kung kayo ba naman ang nasa kalagayan ko, paniguradong mawi-weirduhan din kayo sa pinaggagawa nila.

Ilang weeks pa lang kami magkakakilala pero tinuturing nila ako na parang matagal na kami magkakakilala.

Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Yung ibang tao na dumadaan ay napapatingin na sa amin. Marahan na tinanggal ko yung pagkakayakap nila sa akin.

"Uhmm, ano meron?" Nagtatakang tanong ko sa kanila na ikinatawa naman nila. 

"Pumayag na si Mommy. Mag-sleepover kayo sa house namin." Sabi ni Chelsea sa akin.

"Isn't it amazing?!" Singit naman ni Ria. Yun lang pala ang dahilan kung bakit weird sila. Pero bakit parang big deal na mag-sleep over kami at talagang tuwang-tuwa sila?

"Ahh, 'yun lang naman pala eh. Bakit may payakap-yakap pa kayong nalalaman at kung makangiti kayo ah, wagas?" Matawa-tawa kong sabi sa kanila.

"Ang saya-saya! Minsan lang kasi pumayag si Mommy na magkaroon ng sleepover sa bahay. Grabe, excited na ako! " Sabi naman ni Chelsea sabay yakap sa akin. Natawa naman ako kasi tuwang-tuwa yung mga bestfriends ko. Niyaya ko na sila sa isang restaurant para kumain ng lunch.

"Ay Gia, baka naman nakalimutan mo na ikaw manlilibre ngayon!" Natawa ako sa sinabi ni Ria. Muntikan ko na makalimutan na ako nga pala ang manlilibre. Naku, pray over niyo ako. Sana may pera pa ako mamaya kundi di na ako makakabili ng bagong outfit.

"Ah, hindi ko nakalimutan 'yon no'. Sige, order na tayo." Pagkasabi ko nun, mas lumawak pa yung mga ngiti nila at binigyan pa ako ng oh-goodluck-to-you look. Parang magkukulang yata yung dala kong pera ah. Hindi ko pa naman data ATM at credit cards ko. Wish me goodluck.

Heto na nga, nangyayari na ang pinakatatakutan ko ngayong araw. Kasalukuyang nag-oorder na sila ng meal. Dahil medyo kinabahan ako na baka magkulang pambayad ko dito, ay umorder na lang ako ng steak at rice, para makatipid.

Nakakagulat naman 'tong mga kasama ko. Kung maka-order, wagas. Parang may piyesta ata dahil sa pinagoorder nila eh. May carbonara na nga, nag-order pa sila ng spagetti. Tama nga ang hinala ko, malapit na maubos yung dala kong pera dahil sa mga 'to. Kailangan ko na yata magtipid mamaya ah.

Tinitigan ko sila habang kumakain. Hala sige, hindi na yata kain ang tawag diyan eh, lamon na. Tinalo pa yata ako sa pagka-wolverine ko eh. Kung matakaw ako, ano pa tawag sa kanila?

Pero nakakatuwa silang tignan. Parang pinapanindigan talaga nila na bawal ang tira sa mga pagkain namin. Kahit yata mumu, di nila pinapalagpas eh.

Natapos na kami kumain at nagbayad na rin ako ng mala-gintong bill. Tinatawanan pa nga ako ng mga bruha kasi daw hindi maipinta yung mukha ko. Eh paano naman kasi, six thousand plus yung bill. Nakakaloka.

Nagdiretso na kami sa Forever 21 para mamili.

"Hey, what do you think of this dress?" Tanong ko habang pinapatong sa akin yung orange dress na stripes. Nakita ko kung paano kumunot yung mga noo nila at tinignan pa ako ng masama.

"Haller, di'ba sabi mo, pakikipagkita ka sa mommy mo? Dapat decent naman yung dating, hindi yung jologs tignan." Sabi ni Chelsea kaya binalik ko na yung dress.

Kumuha pa ako ng ilang dress tulad nung blue with white polka-dots at yung plain red dress kaso puro iling lang yung nakukuha kong sagot mula sa kanila. Ang baduy daw kasi nung mga pinipili ko, tapos nagmumukha daw akong b*tch doon sa red dress. Dapat daw kasi magmukha akong anghel kasi 'yun naman daw ang bagay sa akin.

See, sabi ko na sa inyo eh. Di ako magaling pumili ng mga damit. Naupo na lang ako sa couch sa harap ng fitting room kasi sila na daw pipili ng dress para sa akin. Inabutan naman ako ni Ria ng mala-bundok na mga damit. Puro dress 'yun na babagay daw sa akin.

"Kaming bahala sa'yo, friend" Sabi naman ni Ria habang nakangiti. Napasimangot na lang ako sa kanila.

"Kayong bahala, pero ako naman kawawa." Sabat ko naman. Natawa na lang sila sa sinabi ko at sinabihan pa ako ng korni.

"Hoy, tinignan niyo ba yung prices ng mga dress na 'to? Baka mamaya niyan, wala na akong pangtaxi ha." Dagdag ko pa bago nila ako itulak.  

Tinulak nila ako papasok ng fitting room at sila daw ang mag-jujudge ng damit na bagay sa akin. Nakaupo lang sila sa couch sa harap ng fitting room. Naiinis na nga ako eh, kasi puro iling na lang at thumbs-down ang nakukuha ko sa kanila. Nakakapagod din kaya.

Finally! After 12345 decades, natapos na rin ang runaway este, ang pagjujudge ng damit na bagay sa akin. Pinili nila yung white simple dress. Sa right side, parang naka-longsleeves ako then laced naman yung left side na abot kamay. One sided siya at parang Venus cut dress.

Sila na rin pumili ng necklace at earrings na gagamitin ko.

"Tignan niyo muna yung presyo ha." Paalala ko naman habang tinitignan yung mga sapatos doon.

"Alam mo, ang yaman-yaman niyo, pero bakit napakakuripot mo?" Tinaasan ko lang ng kilay si Chelsea na ikinatawa naman nilang dalawa.

"Hindi naman ako kuripot ah! Nagtitipid lang yung tao eh. At tsaka, kayo yung dahilan kung bakit ako nagtitipid. Dami niyo kasi kumain kanina." Mas lalo pa silang tumawa sa mga sinabi ko. Pinagtitinginan na nga sila eh, pero ako yung nahihiya para sa kanila. Ang lakas kasi tumawa, akala mo wala nang bukas.

Nilapitan na nila ako para bumili na ng sapin sa paa---este, sapatos. Pinili ko naman yung black shining shimmering splendid na stilettos. Bagay kasi sa jewelries eh. Shining shimmering splendid din.

Tatlong oras kami dito nagliwaliw. Tama nga ang lahat ng hinala ko. Ubos pera eh. Nagmeryenda rin kami sa isang ice cream parlor. Si Chelsea naman ang nanlibre, kaya ginantihan ko din siya. Kanina kasi ang dami-dami-dami-dami niyang order kaya ganun din ang ginawa ko. Siyempre, favorite ko kaya ang ice creams, lalong-lalo na ang cookies 'n cream.

Ako na ang pumunta sa cashier para mag-order. Parusa ko daw 'yon kasi ang dami-dami ng order ko. Agad akong pumila nang may kumuha ng aking pansin.

"Hello, what?! Is it today? Oh crap, I almost forgot. Yep, it's very okay with me because you said she's pretty, right? I can't wait to see the girl, or should I say my fiancée. Yea, I like arranged marriage and besides, I don't have a girlfriend or even a crush in school. Okay, see you soon, Bye." Sabi nung lalaki doon sa likod ko.

Kasunod ko siya sa pila at may kausap siya sa phone. Agaw pansin kasi siya at yung kausap niya sa phone. Na-arrange marriage siya pero gustong-gusto niya. Naku, kung ako 'yon, ayoko unless pogi yung fiance ko at natututunan naming magmahalan. Aww, sweet.

Um-order na ako at binuhat na yung tray na puno ng cookies 'n cream ice cream at dalawang vanilla para kina Chelsea at Ria. Pagtalikod ko...

*Blok* 

"Uwaa, sorry! sorry! Di ko sinasadya. Sorry talaga." Hala! Natapunan ko yung tuxedo nung lalaki sa likod ko. Pagkaharap ko kasi ang lapit niya sa akin, kaya ayan, nabawasan pa ice cream ko. Huhu.

Binaba ko muna yung tray sa counter para linisin yung damit niya.

Pinupunasan ko yung tuxedo niya ng panyo ko at patuloy pa rin ang pagso-sorry nang bigla niyang hawakan ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

Fish! Fish! Fish! Fish! Fish! Argh, those gray eyes, pointy nose, kissa--- este, reddish lips, chiseled jaw, super fair skin, clean-cut hair. Perfe---

"Uhmm miss? Tapos mo na ba ako pagnasaan?" I was taken aback nang nagsalita siya. Ehem, idagdag pa pala yung angel voice niya parang voice ni Zayn Malik. Hehe!

"Ah, di po kita pinagnanasaan. Sorr---" Magso-sorry na sana ako nang bigla niyang kunin yung panyo ko sa kamay ko at siya na ang nagpunas sa sarili niya.

"Okay lang, 'wag ka na mag-sorry. Kaso baka hindi na ako magustuhan nung magiging fiancée ko, dahil baka isipin niya, di ako neat sa sarili ko." 

Hala, ano gagawin ko?! Mamaya niyan, di pa sila maikasal dahil sa akin eh. Sabi ko, gagawan ko na lang siya ng letter para proof na malinis yung damit niya kanina at ako ang nakagawa nun. Umalis na rin kami sa pila dahil pinagiinitan na kami ng ibang customers na nakapila din.

Naki-upo din siya sa table namin habang gumagawa ako ng letter. Bigla-bigla niya ngang kinuha yung isa pang cookies 'n cream na ice cream eh, kasi di na daw siya nakabili. Pumayag naman ako na kunin niya, pero deep inside iba ang sinasabi at nararamdaman ko.

Oh no! Natapon na nga yung isa kong ice cream tapos ngayon kukunin niya pa yung isa. Ayan tuloy, isa na lang ice cream ko. Huhu. 

Nagkwentuhan kami saglit habang kumakain ng ice cream. Sabi niya favorite din daw niya yung cookies 'n cream flavor. Tapos naikwento rin niya na baka magkaroon na siya ng fiancée. Kaya nga nagulat sila Chelsea at Ria eh, tapos napabuntong hininga na lang silang dalawa. Ano 'yon, disappoinment?

Umalis na rin kami ng ice cream parlor dahil magdidilim na rin at walang-wala na rin akong pera kaya sinakay na rin kami ni Ria sa kotse nila para libre daw pamasahe. May driver din sila kasi bawal pa daw siya mag-drive. Kwentuhan lang kami ng kwentuhan habang nasa sasakyan. And guess what kung sino topic? Edi yung kuya na nakilala namin kanina.

"Ano ba naman 'yan! Nakakwentuhan na natin, di pa natin nakuha pangalan or number." Panghihinayang naman ni Chelsea kaya napangiti na lang ako.

"Ano! Pati number dapat kunin, eh magkaka-fiancée na nga eh." Sabi ko naman sa kanila.

"Hay, sayang! Pogi pa naman." Sabi ni Ria na ikinatawa namin nang bahagya. Hinatid nila ako sa bahay. 

Laking gulat ko, kung sino ang maaabutan ko doon. Naka-upo kasi sa sala si Mommy at Daddy eh. Si Daddy, ayokong umuuwi 'yan kasi natatakot ako sa sunod na mangyayari. Umuuwi lang kasi siya kapag may importante about sa business namin o kaya naman ipapakilala ako kung kani-kanino na connected sa business namin.

"Hi honey!" Bati naman ni Dad. Himala ah, nakangiti siya ngayon. Nginitian ko lang siya pabalik at pinagmasdan sila.

Ano bang meron? Bakit naka-formal wear sila? Si mommy naka-black dress tapos may shawl siya then si daddy naman, naka tuxedo. 

"Ano pong meron? Bakit kayo naka-porma?" I said casually. Pero imbes na sagutin ang tanong ko ay tinulak na ako ni mommy sa kwarto ko.

"Maligo ka na ulit, kasi panigurado, ang baho mo na! Bilisan mong maligo ha! 'Wag nang kakanta sa CR para mabilis." Tinulak naman ako ni Mommy papunta sa CR ko. 

Sinunod ko na lang si Mommy kasi panigurado, magtata-talak na naman 'yan kapag di ko sinunod. Ang laki nga ng pagpigil ko ng hindi pagkanta eh. 

Pinatuyo ko na yung buhok ko, pagkalabas ko at pinasuot na sa akin yung dress na binili ko. Pati yung mga jewelries at yung shoes ko, sinuot ko na rin. Nagpalit na rin ako ng salamin ko into contact lenses.

Well, meron talaga akong contact lenses sa bahay kasi kapag may practice ako sa Archery, tinatanggal ko yung glasses ko dahil bawal 'yun.

Si mommy na ang nag-ayos ng buhok ko. Pinusod lang niya ito at ginawang hugis flower, Siya na rin ang nagmake-up sa akin. Light make-up lang yung nilagay niya, parang "No make-up" makeup.

Heto naman ako, tanong nang tanong kung anong celebration pero puro iling at tanggi naman ang mga magulang ko. Hindi kasama si Gelo sa pupuntahan namin kaya after kong mag-ayos ay sumakay na kami ng kotse kahit na nag-roroar na naman yung tiyan ko.  

 A/N:Sorry ha, natagalan ako sa pag-update. Sabi ko kasi sa Saturday pero Wednesday na ako nakapag-update. Busy ang lola niyo eh. Thank you ulit kasi naabot na natin ang 600+ reads. Pagpatuloy niyo lang. Don't forget to vote! 

I dedicate this chapter to ate chie/yeshamarei. She's my second friend dito sa watty. Nagfeeling-close kasi ako sa kanya kahapon. Hehe. Basahin niyo yung stories niya. Yung Summer of Love at yung Summer of Love 2 "Chasing Summer". Maganda 'yon. Napaka-unique ng story. Thank you, again! 

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 19.5K 28
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
1.3M 58.4K 56
Autumn Skylar Claveras, the brat. Sunod sa luho. Kailan man ay hindi sya lumuluhod sa kanino man. Marami ang nagkakandarapa sa kanya. She has a beaut...
1.2M 53.3K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...
156K 3.1K 73
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...