BOOK I: Touch Her and You'll...

By ayemsiryus

206K 6K 364

UNDER FINAL MAJOR REVISION Kasabay ng pagtatagpo nila ay ang simula ng kanilang pakikipaglaban. Sa una, magka... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Author's Note

Chapter 33

2.4K 72 2
By ayemsiryus

Chapter 33 – The Imperio

Third Person

"I know that you're not okay. Pwede naman nating gawin 'to sa susunod. Alam kong hindi ka pa handa," sambit ni Nique sa kaniyang kasintahan. Nasa kwarto silang dalawa ngayon. Si Ciel ay nakaupo sa kama, habang si Nique ay nakaluhod sa harap niya.

"No, gagawin natin 'to. Alam ko na nasabi mo na 'to sa Dad mo. Pupunta tayo," pagtanggi naman ng kaniyang kausap.

"Alam kong pagod ka at hindi ka pa nakaka-recover sa mga nangyari kagabi. Maiintindihan naman ni Dad kung hindi tayo makakapunta,"

"Nique," may halo nang pagbabanta sa tono ng dalaga. Napabuntong-hininga naman ang kaniyang kausap.

"Okay, fine. Kumilos ka na, nakahanda na 'yong susuotin mo. Doon na ako sa guest room mag-aayos," bago lumabas ng kwarto ay hinalikan muna siya nito sa noo.

"Kahit ano talagang isuot mo, napakaganda mo pa rin tingnan," nakangiting sambit ni Nique nang makalabas ng kwarto si Ciel. Parehas silang naka-casual wears. Simpleng dinner lang naman ang kanilang pupuntahan.

"Nambola ka pa talaga. Tara na nga't baka ma-late tayo," pag-anyaya naman ng dalaga para makaiwas sa kasintahan. Alam niya kasing namumula siya at hindi niya mapigilan ang kaniyang mga labi sa pagngiti.

Bakit ganoon? Ang lakas talaga ng epekto ng mga salita niya sa akin! Sa isip ni Ciel.

"Anong dapat kong gawin sa harap ng parents mo?" tanong ni Ciel pagkasakay nila sa kotse.

"Anong... anong dapat mong gawin?" nagtataka namang sagot ni Nique.

"Like impressive things? Acts? Kinakabahan ako, Nique, sa totoo lang," diretso lang siyang nakatingin sa kaniyang kasintahan, habang ang isa ay pasulyap-sulyap lang sa kaniya dahil ito ay nagmamaneho.

"Ciel," at hinawakan nito ang kaniyang kamay. "Hindi mo kailangang gumawa ng kahit anong bagay. Just be yourself, don't talk and hold my hand," dagdag nito.

"Don't talk?"

"Unless, they are talking to you. But the rest, hayaan mong ako ang makipag-usap at magsalita para sa atin," seryosong sagot nito.

"Tell me, ano ang pwedeng mangyari mamaya?" napakahirap malagay sa sitwasyon niya ngayon. Nangangapa sa kung ano ang pwedeng mangyari, walang kaalam-alam at pakiramdam pa niya'y isa siyang pabigat kina Nique, Leeam at Marrette. Kahit aware na siya tungkol sa organisasyon, wala pa rin siyang magawa at maitulong.

"Just trust me. Ako ang bahala sa'yo," ang mahinahon pero malamig na boses ng kaniyang kasintahan ay nakatulong para siya ay kumalma.

Tama. Dapat na magtiwala lang ako sa kaniya. Alam kong hindi niya ako pababayaan. Sa isip ni Ciel.

"Nandito na tayo," matapos ang ilang oras ay nakarating din sila. Agad bumukas ang malaking gate nito at tumambad ang malawak na bakuran nito. Sa dulo makikita ang mansyon na talaga namang nakakamangha. "Ito ang main house ng pamilya namin," narinig niyang sambit ni Nique pagkababa nila ng sasakyan habang pinagmamasdan niya ang paligid.

"Napakaganda," namamangha niyang sabi.

"Shall we?" saka inilahad ang kaniyang kamay, agad naman 'tong tinanggap ni Ciel. Sabay silang naglakad papunta sa harap ng main door. "Are you ready?" tanong pa nito.

"I'm always ready, as long as you're here by my side," nakangiti niyang sagot. Binigyan rin siya nito ng isang napakatamis na ngiti. Awtomatiko itong nawala nang magbukas ang pintuang nasa harap nila.

Ganito rin ang nangyari noon sa Acquaintance Party. Sa isip ni Ciel.

"Good evening, young master Nique," ramdam ni Ciel ang paghigpit ng hawak ni Nique sa kaniyang kamay. "And good evening, young lady," sabay-sabay na pagbati na sinabayan ng pagyuko sa kanilang harap ng mga nakahilerang kasambahay at tauhan ng pamilyang Imperio.

"Good evening, where are the others?" napatingin si Ciel sa kaniyang kasintahan. Nabigla siya sa naramdaman niyang lakas, kapangyarihan at awtoridad sa boses nito.

"Nasa receiving area po sila, young master Nique. Pero si lady Marrette ay wala pa po," magalang na pagsagot ng tauhan na pinakamalapit sa kanila.

"She's not coming," saka sila nagsimulang maglakad papunta sa receiving area. Namamangha si Ciel sa laki at lawak ng main house na 'to. Sobrang linis at halos mangintab na ang sahig na kanilang nilalakaran.

"Bakit hindi raw makakapunta si Marrette? Ngayon ko na nga lang ulit makikita ang batang 'yon, hindi pa magpapakita?" bahagyang natigilan si Ciel nang marinig niya ang boses na 'yon. Lalaking-lalaki at boses palang nakakakaba na.

"Hindi raw po maganda ang pakiramdam niya, Dad. Hindi ko na po pinilit para makapagpahinga po siya ng maayos," si Leeam. Tuluyan na silang nakarating sa receiving area nang ito ay matapos sa pagsasalita. Nakatalikod sa direksyon nila ang mag-asawang Imperio, si Leeam naman ay nakaharap sa direksyon nila kaya agad sila nitong nakita.

"Good evening everyone," siyang pagbati ni Nique kaya awtomatikong napatayo ang mag-asawa at humarap sa direksyon nila. Hudyat ito nang paglapit pa nila sa mag-asawang Imperio. "Long time no see, Mom and Dad," sambit ni Nique nang magharap sila.

"Reeam Dominique," seryosong nakatingin ang kaniyang ama sa kaniya. Ang kaniyang ina naman ay sinusuri gamit ng tingin si Ciel. Ito ang dahilan kung bakit napakapit ng todo si Ciel sa kaniyang kasintahan.

Nakaka-intimidate ang tingin ng Mom niya. Napaka-sopistikada ng dating nito, pero hindi maitatanggi ang gandang taglay nito. Ang kaniyang Dad naman ay mapagkakamalan mong binatilyo. Napakagwapo at napaka-manly ng facial features nito. Kaya pala ganoon nalang kaganda ang hulma ng mukha ni Nique at Leeam. May pinagmanahan naman pala. Ang mata ni Nique ay nakuha niya sa Dad niya. 'Yong kay Leeam naman ay sa Mom nila. Nakuha ko pa talagang i-describe ang pamilyang 'to sa kabila ng tensyon na nararamdaman ko. Sa isip ni Ciel.

"I want you to meet my girlfriend... Criza Louise Velmon," mas lalo pang tumindi ang tensyon nang ipakilala na ni Nique si Ciel.

Babygirl. Nag-aalalang turan ni Leeam sa kaniyang isip habang tahimik na nanonood at nakikinig sa pag-uusap ng kaniyang mga magulang at kakambal.

"Girlfriend... a Velmon," naniningkit ang mga mata na sambit ng kanilang ina.

"Ipagpatuloy natin ang pag-uusap na 'to habang tayo ay kumakain," sambit naman ng kanilang ama, saka nauna sa dining area. Pagkaalis ng mag-asawa ay siyang paglapit ni Leeam sa dalawa.

"Okay lang ba kayo?" nag-aalala nitong tanong.

"Yes, Ate,"

"Nandito lang ako sa likod niyo, in case na may mangyari," seryoso nitong pahayag.

"Alam kong kilala na nila si Ciel. Pero wala akong pakialam," malamig na turan ni Nique.

"Just don't forget that they are still our parents," si Leeam.

"I can't promise. Basta wala silang gagawin kay Ciel," napabuntong-hininga naman si Leeam sa isinagot ng kaniyang kakambal. Si Ciel ay tahimik lang sa tabi ni Nique, mahigpit ang kapit nito sa kamay ng kaniyang kasintahan.

"Tara na, huwag natin silang paghintayin," at nauna na si Leeam sa paglakad papunta sa dining area, sinundan naman siya ng dalawa.

Tahimik silang kumakain. Nasa alpha seat si Mr. Imperio, nasa kanan niya ang kaniyang asawa. Katabi nito si Leeam. Sa kaliwa naman ni Mr. Imperio si Nique at sa kaniyang tabi si Ciel. Sa lapad at haba ng makapal na hapag, malalayo pa rin ang distansya sa pagitan nila.

"What happened in the headquarters?" binasag ng boses ni Mr. Imperio ang kanilang katahimikan. Napatigil sa pagkain si Ciel dahil sa pag-triple ng kabang nararamdaman niya. Agad 'tong napansin ni Nique kaya hinawakan niya muli ang kamay ng dalaga, at patuloy na kumain gamit lamang ang isang kamay.

"Ano nga ba ang nangyari?" parang wala lang na tanong pabalik ni Nique habang patuloy pa rin sa pagkain.

"Reeam Dominique," sita ng kaniyang ina. Si Leeam ay napatigil na rin sa pagkain at inalerto ang kaniyang sarili.

"Nagkagulo sa headquarters, nag-report sa akin si Selene. You tell me, ano nga ba ang nangyari?" may pagbabanta na sa boses ng ginoo. Dahil sa kawalang-gana, itinigil na ni Nique ang kaniyang pagkain at tumingin ng diretso sa kaniyang ama.

"My girlfriend was looking for me that night," walang emosyon na sagot nito. "At huwag niyo na rin akong pilitin na ikuwento kung ano nga ba ang nangyari. Alam kong alam niyo na ang buong kuwento pati na rin ang bawat maliliit na detalye nito," saka ito tumingin kay Ciel.

Simple lang ang tingin na ibinibigay niya. Wala ka ngang mababakas na emosyon sa kaniyang mukha. Pero ang kaniyang mga mata, sinasabi nito sa akin na magiging ayos din ang lahat. Sa isip ni Ciel.

"Ah... kaya nilabag niyo ang patakaran na hindi pwede ang outsiders sa headquarters? Alam niyo na hindi pwede ang mga taong hindi kabilang sa Priom, pero anong ginawa niyo?" nanunuyang tanong ni Mr. Imperio. "Pinapasok niyo ang babaeng 'yan, at nagawa pa niyang magsimula ng gulo sa loob non," dagdag pa nito.

"May pangalan siya, tawagin niyo siya sa pangalan niya," madiing sagot ni Nique.

"Pangalan? Pangalang dala ang apelyidong Velmon?" sarkastikong tanong ni Mrs. Imperio.

"Mom, Dad," pagsabat ni Leeam pero binigyan lang siya ng matalim na tingin ng kaniyang ama.

"Alam kong kilala mo kung sino ang babaeng 'yan, Reeam Dominique,"

"Of course, Dad. She's the Reaper of Vlic. Happy?" nakangising sagot nito.

"Reeam Dominique!" nagsimula nang magtaas ng boses ang kaniyang ina.

"Shut up, Mom," maawtoridad na utos ni Nique sa sarili niyang ina.

"Nique," pabulong na pagsaway ni Ciel.

"I can handle this," paninigurado ng kaniyang kasintahan.

"I don't like you, young lady, for my daughter," tila nanigas sa kaniyang kinauupuan si Ciel nang marinig niya ang mga katagang ito mula sa ina ng kaniyang kasintahan.

"Sino bang may sabi na gustuhin niyo siya? Dinala ko siya dito para ipakilala sa inyo at para maging aware kayo sa kung ano na ba ang nangyayari sa buhay ng anak ninyo. Pero hindi ko sinabing gustuhin o ayawan niyo siya, dahil wala akong pakialam sa mga sasabihin niyo patungkol sa relasyon naming dalawa," may paninindigan na sabi ni Nique sa kaniyang mga magulang.

Hindi ko alam kung bakit biglang pumasok sa isip ko si Laquian. Sa isip ni Leeam.

"REEAM DOMINIQUE! HINDI KO NA NAGUGUSTUHAN ANG MGA SALITANG LUMALABAS SA BIBIG MO!" galit na sigaw ni Mr. Imperio.

"At sa tingin niyo nagugustuhan ko ang mga salitang lumalabas sa bibig niyo patungkol sa girlfriend ko?!" madiin at nanggagalaiting tanong ni Nique.

"Well, let's make it worst. I want her to be dead, she's a threat to our family," seryosong pahayag ng kaniyang ama. Dahil dito ay lalong tumindi ang galit na nararamdaman ni Nique. Hinampas niya ng malakas ang hapag at humarap sa kaniyang ama. Nangingilid na ang kaniyang mga luha sa sobrang pagpipigil ng emosyon.

"Are you crazy?" tiim-bagang na tanong niya pero nginisian lang siya ng kaniyang ama.

I can't take this anymore. Ang harap-harapang pagbabanta sa buhay ko ay hindi maganda sa pakiramdam. Naluluhang sambit ni Ciel sa kaniyang isip habang nakayuko.

"Dad, pwede bang respetuhin niyo naman si Criza kahit bilang bisita lang natin?" pagsabat ni Leeam. Hindi na niya makayanan ang pambabastos na ginagawa ng kaniyang mga magulang sa kasintahan ng kaniyang kakambal.

"She's an enemy, Leeam Dominique. Hindi siya karapat-dapat na irespeto," sagot sa kaniya ni Mrs. Imperio.

"You're my Reaper. Ikaw ang responsable sa ating kaligtasan, at kailangan mong patayin lahat ng taong banta sa pamilya natin. Ano pang hinihintay mo? Patayin mo na ang babaeng 'yan," seryosong utos ni Mr. Imperio kay Nique na nananatiling nakayuko. "O ako nalang ang papatay sa kaniya," agad naitaas ni Ciel ang kaniyang ulo at tumingin ng diretso sa ama ng kaniyang kasintahan. Nanlaki ang mata niya nang maglabas ng punyal si Mr. Imperio at tila bumagal ang paligid nang ihagis ito papunta sa direksyon niya.

"CRIZA!" sigaw ni Leeam. Kaunti na lang ay tatarak na 'to sa noo ni Ciel. Hindi siya makagalaw, kaya wala siyang ibang nagawa kung hindi ang pumikit habang hinihintay ang pagsaksak nito sa kaniya. Ngunit ilang minuto na ang nakalilipas ay wala pa rin siyang nararamdaman. Sa pagtataka ay iminulat niya ang kaniyang mga mata. Nagulat siya nang nakatigil ang punyal ilang sentimetro ang layo sa kaniyang noo, dahil sa dalawang daliri na pumigil dito.

Si Nique... Sa isip ni Ciel.

Doon niya napagtanto na sinalo ng kaniyang kasintahan ang punyal gamit lamang ang dalawang daliri. Naka-ipit ngayon sa pagitan nito ang punyal na dapat ay papatay sa kaniya.

Mabuti na lang at walang kupas si Reeam. Sa isip ni Leeam.

Sa isang iglap ay hawak na ni Nique ang punyal sa mismong hawakan nito. Ilang beses muna siyang huminga ng malalim saka tumayo, at dahil hawak niya ang kamay ni Ciel, napatayo rin ang dalaga kasunod ng kaniyang kasintahan. Dumiretso sila sa harap ni Mr. Imperio.

"I'm sorry, Dad," nakangisi niyang sabi sa harap ng kaniyang ama. "But try to touch her," parang bulang nawala ang kaniyang pagkakangisi at napalitan ito ng seryosong mukha. "...and you'll be dead," saka itinarak ang hawak niyang punyal sa mismong gitna ng platong ginagamit ng kaniyang ama. Sa sobrang diin ay bumaon pa 'to sa hapag na gawa sa makapal na kahoy at gumawa ng ingay ang pagkabasag ng pinggan.

"WHAT DID YOU SAY?!" hindi makapaniwala ang kaniyang ama sa narinig.

"Kapag ginalaw mo ang girlfriend ko, kalilimutan kong ama kita," madiing banta ni Nique sa sarili niyang ama. "Narinig mo ba 'yon, Mom?" sarkastikong tanong pa nito sa kaniyang ina na hindi makapaniwala sa nangyari. "Let's get out of here," binigyan niya ng huling tingin ang kaniyang mga magulang saka inalalayan si Ciel palabas ng mansyon. Agad namang tumayo si Leeam para sumunod pero pinigilan siya ng kanilang ina.

"Stay here, Leeam Dominique," napabuntong-hininga naman siya at lumingon pabalik sa kaniyang mga magulang.

"I'm sorry Mom, Dad. But I'm on Reeam's side," at saka tumakbo palabas upang mahabol pa niya ang dalawa.

"Sabihin mo ang mga nangyari ngayon kay Marrette. I know that she's worried. Tell her that Ciel is fine," pagkalabas niya ay naabutan niyang nakatayo sa labas ng kotse si Nique. Si Ciel ay nasa loob na ng sasakyan.

Mas dapat yatang sabihin ko sa kaniya na ayos 'ka' lang. Sa isip ni Leeam.

"I will. Umuwi na kayo para makapagpahinga na si Criza," tinanguan naman siya nito.

"Sa pagsunod mo dito, alam kong nasa side kita. Why?"

"Hindi ko alam. 50/50? 50% dahil sa'yo, 50% dahil sa isang tao. Hindi ko rin alam kung bakit may 50% para sa kaniya," nangunot naman ang noo ni Nique dahil sa isinagot ng kaniyang kakambal.

"Sino naman ang taong 'yon?" bago sumagot ay napansin ni Nique na sinilip pa muna ni Leeam si Ciel sa loob ng sasakyan. "Huwag mo sabihing may gusto ka rin sa girlfriend ko?" nagbabantang tanong niya.

"Stupid," nanunuyang sagot ni Leeam.

"Sino nga?!"

"Si Laquian! Happy?!" sarkastikong pahayag nito na ginaya ang tono niya kanina.

Si Laquian... Sa isip ni Nique.

"Sa susunod na lang tayo mag-usap," natauhan siya nang magpaalam sa kaniya si Leeam. Bago pa man siya makasagot ay nakasakay na 'to sa sasakyan. Wala siyang nagawa kung hindi sumakay na rin sa kaniyang kotse.

Bakit siya pa, Ate? Naiiling na sambit ni Nique sa kaniyang isip.

"I'm sorry, Ciel. I love you," bulong niya sa natutulog nang si Ciel. Nakatulog dahil sa sobrang pagod kakaiyak.

Hindi ko hahayaang masaktan ka ng pamilya ko. Sa isip ni Nique saka nagmaneho paalis sa lugar na 'yon.

"What are we going to do?" sopistikadang tanong ni Mrs. Imperio. Napainom pa ito mula sa kaniyang wine glass dahil sa tensyon na kaniyang nararamdaman. Si Mr. Imperio naman ay nakatulala sa punyal na nakatarak sa platong nasa harap niya. Hindi siya makapaniwala sa iniasta ng kaniyang anak. "Leeonardo?" pagtawag-pansin niya muli sa asawa.

"Reezaria?" doon lang natauhan si Mr. Imperio. Napabuntong-hininga ang kaniyang asawa.

"Tinatanong kita kung anong gagawin natin,"

"Hindi ko alam pero isa lang ang nasa isip ko ngayon,"

"Ano 'yon?"

"Kailangan nating makausap ang mga Velmon," seryosong pahayag ng ginoo na siyang dahilan kung bakit marahas na napatayo ang kaniyang asawa.

"Leeonardo Dominique?!" hindi makapaniwalang sambit niya.

"Makikipagtulungan tayo sa kanila para mapaghiwalay ang anak natin at ang anak nila," tumayo na rin si Mr. Imperio at hinawakan sa braso ang asawa. "Alam kong hindi rin nila magugustuhan ang relasyon na mayroon ang dalawang bata. Mas madali kung magkakasundo tayo,"

Huminga ng malalim ang ginang. "Alam ko, pero kung mangingialam sila baka masaktan ang anak natin," nag-aalalang turan nito.

"Hindi ba't mas mahirap kung gagalaw sila ng nakahiwalay sa atin? Kung makikipagkasundo tayo sa kanila, iisa lang ang susunding plano. Magiging ligtas ang mga anak natin," nagpapaintinding sagot ni Mr. Imperio.

"Pero—," hindi naituloy ni Mrs. Imperio ang sasabihin nang yakapin siya ng kaniyang asawa.

"Trust me, Reezaria Amber," bulong pa nito. Tumango na lamang ang ginang.

Kinabukasan.

"Good morning, Ma'am/Sir," bati ng staff ng restaurant na pina-reserve ng mag-asawang Imperio para sa pagkikita nila ng mga Velmon.

Dire-diretso lang na pumasok ang mag-asawa hanggang sa makita na nila ang mag-asawang Velmon na nakaupo sa lamesang nasa gitna.

"Thank you for showing up," seryosong sambit ni Mr. Imperio nang makarating sila sa harap ng mga Velmon.

"Take a seat," sagot naman ni Mr. Velmon. Ipinaghila pa ng upuan ni Mr. Imperio ang kaniyang asawa saka ito inalalayang umupo, saka siya pumwesto sa tabi nito.

"We'll get straight to the point. I think we need to help each other," diretsong pahayag ni Mr. Imperio.

"I get it, you already know, right?" sagot naman ni Mr. Velmon.

"Yes, and I need to get my daughter back,"

"Alam ko. Mas lalo naman ako,"

"That means?"

"Pumapayag ako sa deal na 'to," sa sinabing 'yon ni Mr. Velmon, napangisi ng tuluyan si Mr. Imperio.

"Good to hear that,"

"Ano bang pinaplano niyong gawin?" sabat ni Mrs. Velmon. Aminado siyang tutol siya sa deal na ginagawa ng dalawang ginoo. Kahit nalaman na niya ang lahat tungkol sa batang Imperio, wala sa isip niyang tumutol sa relasyon ng dalawang bata. Naiisip pa nga niyang baka sila na ang maging dahilan para magkaayos ang dalawang pamilya.

"Ang paghiwalayin sila, at gusto naming mangyari 'yon ng hindi nasasaktan ang anak namin," si Mrs. Imperio ang sumagot.

"Pero hindi ibig sabihin non na pwede niyong saktan ang anak namin," sabat ni Mr. Velmon.

"Of course, walang masasaktan. Kaya nga nakipag-isa kami sa inyo ngayon para iisang plano lang ang susundin at walang gagalaw ng hindi nalalaman ng iba," sagot naman ni Mr. Imperio.

"Mabuti nang nagkakaintindihan," si Mr. Velmon at napailing nalang ang kaniyang asawa.

At sinimulan na nga nila ang pagpaplano. Tanging ang dalawang ginoo lang ang nag-uusap. Si Mrs. Velmon ay tahimik lang na nakikinig, iniisip pa niyang sabihin ang lahat ng 'to sa kanilang anak. Nang sa gayon ay mapaghandaan ni Nique ang gagawin. Nakikita niya kasi kung gaano katindi ang kagustuhan ng batang 'yon na protektahan ang kaniyang anak, at alam niyang gagawin nito ang lahat huwag lang silang magkahiwalay. Si Mrs. Imperio naman ay hindi pa rin gusto ang ideyang pakikipagkasundo pansamantala sa kalabang pamilya. Oo, gusto niyang mapaghiwalay ang dalawang bata at bumalik sa kaniya ang mga anak niya pero sa nangyari kagabi, mayroong sumisibol na pag-aalinlangan sa kaniya. Nakita niya sa mga mata ng anak niya na kayang-kaya sila nitong kalabanin para sa batang Velmon, nakita rin niya ang suporta ng Ate nito. Kaya ba niyang mawala sa kaniya ang kambal na iningatan niya dahil lang sa pagtutol na ginagawa nila ng asawa niya? Hindi.

Nang matapos ay nauna nang umalis ang mag-asawang Velmon dahil may aasikasuhin pa raw sila sa kanilang mga negosyo. Naiwan ang mag-asawang Imperio at doon lang nakapagsalita ang ginang.

"Tama ba talaga 'tong ginagawa natin?" tanong niya sa asawa.

"Hindi... pero para 'to kay Reeam Dominique. Nakalimutan mo na ba ang nangyari noong nakaraang taon?" natigilan ang ginang nang maintindihan niya ang sinasabi ng asawa. "Hinding-hindi mapapatawad ni Laquise Mond ang anak natin, Reezaria Amber," at mas natigilan pa ang ginang nang maramdaman niya ang lungkot sa pananalita ng asawa.

"Hindi niya kasalanan ang bagay na 'yon," pagdepensa ni Mrs. Imperio sa kaniyang anak.

"Pero siya pa rin ang gumawa," huling salitang binitiwan ni Mr. Imperio bago mamayani ang katahimikan sa pagitan nila ng kaniyang asawa.

Ang nakaraan na siyang dahilan kung bakit hindi maipakita ni Mr. Imperio ang totoong saloobin niya pagdating sa relasyon ng dalawang bata.

Hindi siya tumututol... pero kailangan.

ayemsiryus

Continue Reading

You'll Also Like

189K 4.4K 30
" Weird Girl with a Weird Name .. " " Vampire yan ! " " Waaaah . Nakakatakot. " Yan ang madalas na naririnig ko pag dumadaan siya, si Creo Summers. P...
265K 10.1K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...
246K 8.5K 45
Sa dinami rami ng taong mamahalin ko bakit siya pa? Isang taong walang ginawa kundi pasakitin lang ang ulo ko Pero anong magagawa ko kung ganito na t...
184K 3.8K 48
That Girl Is Mine(Santillan Series #2) [COMPLETED] "Shut up your mouth and mark this words THAT GIRL IS MINE"-Haidee "I'm not kid anymore,tsk!"-Ely...